webnovel

Stallion Series (Filipino, Tagalog) - Stallion Boys of Exclusive Stallion Riding Club under Precious Hearts Romances

A collaboration of Sofia and Sonia Francesca. Stallion Riding Club is an exclusive club for the rich, successful, gorgeous, and famous men in the Philippines. Nestled in Tagaytay, women dream of entering their secret paradise and capture their heart. Sofia's stories will be featured on this post. Each story will be posted per volume. Sonia Francesca's books will be preview only or teaser only. Video preview of Stallion Series: https://www.youtube.com/watch?v=cOASTI9xb-A ***Photo credits to the owner of the photo To get a printed books with pre-order option and autograph: https://www.facebook.com/Myprecioustresures Shopee (with free delivery and COD option in Philippines): www.shopee.ph/sofiaphr To get complete ebook: www.preciouspagesebookstore.com.ph Keep in touch via Facebook: Sofia PHR Page Here's the official list of Stallion Boys: 1. Juan "Jubei" Bernardo IV 2. Eneru Villasis 3. Gregory Alfred "Gino" Santayana 4. Suichiro "Hiro" Hinata 5. Reigan Baltazar 6. Neiji Villaraza 7. Yue Anthony "Yuan" Zheng 8. Gabryel Hinasan 9. Brandon James "Brad" Alonzo Crawford 10. Rodjan Sta Maria 11. Kaiser Montezor 12. Yozack Florencio 13. Renzell "Zell" Zapanta 14. Emrei Rafiq 15. Romanov Querido 16. Jason Erwin "Jed" Dean 17. Crawford Oreña 18. Kester Mondragon 19. Phillipe Jacobs "PJ" 20. Eiraun Jimuel "Eiji" Romero 21. Rolf Guzman 22. Beiron Rafiq 23. Reichen Alleje 24-25. Reid Alleje 26. Peter Paul "Pipo" De Vera 27. Cedric Johannson "Johann" Cristobal 28. Daniel "Daboi" Bustamante 29. Angelo Exel Formosa 30. Gianpaolo Aragon 31. Thyago Palacios 32. Icen Villazanta 33. Hayden Anthony Illano 34. Rozen Aldeguer 35. Joziah Gatchalian 36. Cloudio "Cloud" Montañez 37. Eizhiro Figuerao 38. Zantino Roberto "Zairo" Montevedra III 39. Hans Cervantes 40. Baxter Saavedra 41. Mark Ashley Camello 42. Danilo Ricardo "Danrick" Tezzoro 43. Richard Don Robles 44. Ricos Caderao 45. Lee Shin Yang 46-47. Myco Gosiaco 48. Reiven Alleje 49. Ian Jack Salmentar 50-51. Trigger Samaniego 52-53. Jigger Samaniego

Sofia_PHR · Umum
Peringkat tidak cukup
557 Chs

Chapter 9

NAPAHIKAB si Nicola habang binabaybay ng sinasakyan niyang taxi ang Ayala Avenue. Papasok na siya sa opisina subalit sa palagay niya ay naka-shut down na siya sa tunay na mundo. Di niya pinabuksan ang TV at di rin siya bumuklat ng diyaryo. Pinatay din niya ang cellphone niya.

Pinaghandaan na niya sakali mang kumalat na ang balita tungkol sa kanila ni Crawford. As a popular personality, Crawford had the power to influence his colleagues. Kaya nitong patahimikin ang anumang kakalat na masamang balita tungkol dito subalit di lahat ay kaya nitong pigilin. Kaya mabuti nang wala siyang maririnig o mapapanood na kahit ano para di lalong masira ang ulo niya.

She'd treat it as a usual day. Na tambak ang trabaho niya. Na di sila nagkita ni Crawford nang nakaraang araw at di niya ito nasampal. At tungkol sa pagkalat ng balita, problema na iyon ni Crawford. She won't do anything at all.

"Miss, dito na po tayo," anang taxi driver.

"Thank you po." Inabot niya ang bayad dito. Pagbaba niya ng taxi ay nagulantang siya nang dumugin siya ng santambak na mga reporters. Nakaduldol na ang microphone, cellphone at recorder sa pagmumukha niya. Sandamakmak ding camera ang nakatutok at kumikislap para kunan siya ng larawan. "Ano ito?"

"Miss Tesorio, totoo ba na na-harass kayo ni Crawford Oreña kaya ninyo siya sinampal?" tanong ng isang reporter.

"Baka naman isa lang kayo sa mga babaeng nagpapapansin sa kanya," tanong ng isa pa. "O dating girlfriend siguro na di niya binalikan."

"Galit ka ba sa kanya dahil may anak kayong dalawa? Hihingi ka ng sustento?"

"Please! Leave me alone! No comment!" sabi niya habang pilit na nilulusutan ang mga reporters.

She was relieved when the building's security came to the rescue. "Ma'am, dito po tayo." At inalalayan siya papasok sa building.

So much for trying to fight the attraction I feel for Crawford. Is this the price that I have to pay?

"Dapat sa iyo bitayin! Wala kang karapatan na saktan si Crawford! Di ka kagandahan at di ka pinapansin ni Crawford kaya galit na galit ka sa kanya. We hate you!" Umaalingawngaw pa rin sa tainga ni Nicola ang sigawan ng mga babaeng nagpo-protesta sa harap ng Synergy Advertising.

Kumalat na ang balita tungkol sa kanila ni Crawford. Hindi lang mga reporters ang nakatambay sa harap ng opisina nila. Ngayon pati ang mga fans ni Crawford ay willing mag-vigil laban sa kanya. Ngayon niya nakita kung gaano katindi ang powers ng kaguwapuhan ni Crawford at kung gaano kadami ang mga babaeng nababaliw dito. Mortal na kaaway na ang tingin ng mga ito sa kanya.

"Carlo, ayoko na dito. Pakiramdam ko gusto akong bitayin ng lahat ng tao," sumbong niya sa kaibigan na kasalukuyang kausap sa telepono. Wala na kasi siyang ibang matatakbuhan kundi ito lang. "Iyong mga officemates kong babae, lahat patay na patay kay Crawford. Parang gusto nila akong balatan nang buhay tuwing tinitingnan nila ako. Iyong mga lalaki naman, parang takot na tumingin sa akin. Akala yata sasampalin ko rin sila tulad ng ginawa ko kay Crawford."

"Kumusta naman ang mga reporters? Nakabantay pa rin ba sila?"

"Oo. Kaya nga hindi ako makalabas kanina para mag-lunch. Nagpa-deliver na lang ako. Tapos iyong mga fans ni Crawford, nagwawala sa harap ng building. Gusto na yata akong ipa-lethal injection." Naipadyak niya ang paa. "Tapos nadagdagan pa ng mga fans ni Crawford. Di na yata ako makakalabas nang buhay dito."

Di basta basta ang mga babaeng nagpoprotesta sa harap. Some were TV personalities and models. Ang iba naman ay anak ng mga may sinasabi sa lipunan. Umuusok na rin ang telepono sa dami ng banta sa kanya. Nagbabanta pa nga ang anak ng isang heneral na ipapa-salvage daw siya.

"Bestfriend naman kasi. Hindi lang basta guwapo ang sinampal mo. Sikat pa. Kita mo maraming sympathizers." Humagikgik ito. "Pero in fairness, cute ang video ninyo sa TV. Parang lovers lang kayo na may LQ. Sabihin mo na lang na girlfriend ka ni Crawford at may LQ kayo para makalusot ka na."

"Heh! Nagawa mo pang manukso. I won't tell a lie just to save my hide. Magpaparatrat na lang ako sa bala kaysa akuin na boyfriend ko si Crawford. Pakiramdam ko tuloy pati trabaho ko nasa balag ng alanganin. Nasa amin ang account ng Stallion Shampoo and Conditioner." Iyon ang shampoo na ipino-promote ni Crawford at malapit na kaibigan nito ang may-ari ng manufacturing company. "Paano kung I-pull out nila ang account nila dahil sa akin?"

Pinaghirapan pa mandin niya ang trabaho niya. HIndi na siya natutulog at nagpapahinga kahit bakasyon para lang magawa niya nang maayos ang trabaho niya ma-impress lang ang boss at mga kliyente nila. Ngayon, sa isang pagkakamali lang ay maglalaho na ang lahat ng pinaghirapan niya. Napakalupit ng tadhana sa kanya.

"Sinabi ko na sa iyo dati, hindi ba? Mag-sorry ka kay Crawford. Mabait naman iyong tao. Mapapatawad ka rin niya kapag nag-sorry ka. Luhuran mo. Mag-exotic dancing ka kung saka-sakali," suhestiyon nito.

"Ayoko!" mariin niyang tutol. "Hinding-hindi ako magso-sorry sa kanya. Dapat lang sa kanya na sinampal ko siya."

"Well, bahala ka na lang sa buhay mo kung ganoon. Hindi mo maibaba-baba iyang pride mo. Kita mo ngayon kung ano ang nangyari sa iyo."

Nagpaalam na lang siya kay Carlo dahil uulanin lang siya ng sermon nito. Tama ito. Dahil sa pride niya, nagugulo ang mundo niya.

"Nicola, tawag ka ni Sir Arman sa conference room," anang head ng graphics and art department na si Joanna Grace. Ilang araw na lang ay susunod na ito sa asawa sa Amerika at isa siya sa pinagpipiliang papalit dito. Ito lang din yata ang immune kay Crawfor dahil normal pa rin itong makitungo sa kanya.

"Thanks." Kinakabahan siya dahil baka tungkol kay Crawford ang pag-uusapan. Di naman siguro siya masesensate dahil lang doon. Siguro naman bibigyan pa siya ng chance na magpaliwanag.

"Nicola, is he good in bed?" pahabol na tanong ni Joanna Grace.