webnovel

Stallion Series (Filipino, Tagalog) - Stallion Boys of Exclusive Stallion Riding Club under Precious Hearts Romances

A collaboration of Sofia and Sonia Francesca. Stallion Riding Club is an exclusive club for the rich, successful, gorgeous, and famous men in the Philippines. Nestled in Tagaytay, women dream of entering their secret paradise and capture their heart. Sofia's stories will be featured on this post. Each story will be posted per volume. Sonia Francesca's books will be preview only or teaser only. Video preview of Stallion Series: https://www.youtube.com/watch?v=cOASTI9xb-A ***Photo credits to the owner of the photo To get a printed books with pre-order option and autograph: https://www.facebook.com/Myprecioustresures Shopee (with free delivery and COD option in Philippines): www.shopee.ph/sofiaphr To get complete ebook: www.preciouspagesebookstore.com.ph Keep in touch via Facebook: Sofia PHR Page Here's the official list of Stallion Boys: 1. Juan "Jubei" Bernardo IV 2. Eneru Villasis 3. Gregory Alfred "Gino" Santayana 4. Suichiro "Hiro" Hinata 5. Reigan Baltazar 6. Neiji Villaraza 7. Yue Anthony "Yuan" Zheng 8. Gabryel Hinasan 9. Brandon James "Brad" Alonzo Crawford 10. Rodjan Sta Maria 11. Kaiser Montezor 12. Yozack Florencio 13. Renzell "Zell" Zapanta 14. Emrei Rafiq 15. Romanov Querido 16. Jason Erwin "Jed" Dean 17. Crawford Oreña 18. Kester Mondragon 19. Phillipe Jacobs "PJ" 20. Eiraun Jimuel "Eiji" Romero 21. Rolf Guzman 22. Beiron Rafiq 23. Reichen Alleje 24-25. Reid Alleje 26. Peter Paul "Pipo" De Vera 27. Cedric Johannson "Johann" Cristobal 28. Daniel "Daboi" Bustamante 29. Angelo Exel Formosa 30. Gianpaolo Aragon 31. Thyago Palacios 32. Icen Villazanta 33. Hayden Anthony Illano 34. Rozen Aldeguer 35. Joziah Gatchalian 36. Cloudio "Cloud" Montañez 37. Eizhiro Figuerao 38. Zantino Roberto "Zairo" Montevedra III 39. Hans Cervantes 40. Baxter Saavedra 41. Mark Ashley Camello 42. Danilo Ricardo "Danrick" Tezzoro 43. Richard Don Robles 44. Ricos Caderao 45. Lee Shin Yang 46-47. Myco Gosiaco 48. Reiven Alleje 49. Ian Jack Salmentar 50-51. Trigger Samaniego 52-53. Jigger Samaniego

Sofia_PHR · Umum
Peringkat tidak cukup
557 Chs

Chapter 4

"Doktora Tamara!" tili ng sekretarya niyang si Shiela nang dumating siya sa opisina. Niyakap siya nito nang mahigpit. "Na-miss ko kayo!"

Huminga siya nang malalim at iniikot ang tingin sa opisina niya sa International Wildlife Society. Modernong computer, may airconditioner at may impressionist painting mula sa isang papasikat pa lang na artist.

"Finally, I am back from the civilization," usal niya at umupo sa swivel chair. Tatlong buwan din siyang nawala sa Manila dahil ipinadala siya ng organization sa Babuyan Island para mag-observe sa mga humpback whales.

Isa siyang resident veterinarian ng naturang wildlife organization. Tatlong taon na siya sa organization. Matapos maka-graduate ng Veterinary Medicine sa Amerika ay pumasok na siya sa organization. Nag-request siya na sa Pilipinas ipadala. Gusto kasi niyang sagipin ang mga hayop sa bansa. Di siya marine biologist pero isinama siya para mag-record ng mga accounts sa pag-o-observe sa humpback whales. Kasama niya ang mga volunteers ng organization.

"How's your encounter with the humpback whales?" tanong nito.

She opened her laptop computer. "It was quite an experience." Ipinakita niya ang mga pictures dito. "Aren't they pretty? Alam mo ba na may sariling language ang mga whales na ginagamit nila sa pakikipag-communicate? They even use it during mating to look for a mate."

"Parang sa mga lalaking nanghaharana?" tanong nito.

"They are highly intelligent creatures." Nangalumbaba siya. "Sayang nga lang dahil may mga taong nagbabanta sa buhay nila. Buti na lang sa Babuyan Islands, protektado sila ng mga residente. Ibig sabihin malinis pa ang lugar na iyon."

"At mukhang nag-enjoy kayo sa pagsu-swimming sa beach."

Hinaplos niya ang kayumangging balat. "Malinis kasi ang tubig. Masarap lumangoy. Kahit medyo malaki ang alon, okay lang."

"Bagay naman sa inyo ang kulay ninyo."

"Ano nga palang balita?" tanong niya.

Tatlong buwan siyang wala sa sibilisasyon. Sa islang tinutuluyan nila ay walang kuryente. Limang oras pa ang lalakbayin nila sa bangkang de katig para makarating sa Sta. Ana, Cagayan kung saan sila kumukuha ng supplies. Wala tuloy siyang balita sa nangyayari sa bansa.

"Gusto mong malaman kung sino na lang ang natitira sa bahay ni Kuya?" nakangisi nitong tanong. "Madami na kang na-miss, Doktora!"

Maasim siyang ngumiti. "Hindi! Kumusta na ang Stallion Riding Club?"

"Ay! Siyempre may bago na naman silang commercial. As usual sa riding club sila nag-shooting. May bago silang model."

Sikat na sikat na ang Stallion Riding Club mula nang I-feature ito sa isang shampoo commercial. Halos lahat ng mga kababaihan ay nagkakandarapang makapasok sa riding club. It was exclusively for men. At kung walang imbitasyon mula sa isa sa mga miyembro ay di maaring makapasok. Natupad na ang pangarap ni Reid para sa riding club. It was like a majestic resort paradise. Ngayon ay ito na ang bukam-bibig ng kahit sino. Siya naman ay nakikibalita na lang tungkol doon.

"Di naman ako interesado sa bagong commercial."

Pinisil nito ang braso niya. "Masyado ka talagang atat, Doktora. Siyempre may balita ako tungkol sa boyfriend nating si Reid Alleje." Inabot nito ang isang business magazine sa kanya. Si Reid mismo ang cover. "Special ang edition na iyan. Muntik na akong maubusan. Nakipagbalyahan pa ako sa mga babae para ikuha ka ng kopya. Guwapo siya diyan. Nakaka-in love."

Di siya makapagsalita habang tinititigan si Reid. He was wearing a black business suit. He was looking at the camera with those snobbish black eyes. Hinaplos niya ang mukha nito. Her husband. Parang wala siyang ipinagkaiba sa mga babaeng nagkakandarapa dito. Asawa nga niya ito pero siya lang ang nakakaalam. Dahil di naman sila nagkikita ni Reichen ay hanggang sa magazine, diyaryo at TV na lang siya nakikibalita dito. At the age of thirty-six, he was one of the most sought after young business in the country. At di rin maubos-ubos ang mga babae na nagbabaka-sakaling magiging susunod na Mrs. Reid Alleje.

"Hindi naman siya nagkasakit habang wala ako, di ba?"

Lumungkot ang anyo niya. "Matatapos na ang maliligayang araw natin, Doktora. Kasi ikakasal na siya."

Nabitiwan niya ang hawak na magazine at marahas itong nilingon. "Ano? Ikakasal na si Reid? Kanino naman?"

"April Princess Uy!" sagot nito at may inabot na tabloid sa kanya. "Anak siya ng isang jeweler. Ambisyosa ang bruhang iyan."

Nakalagay sa diyaryo ang picture ni Reid sa isang function habang naka-abrisyete dito si April at ngiting-ngiti. Sa baba niyon ay ang article kung saan sinasabi ni April na ikakasal na ito kay Reid. Na nag-propose na daw ang binata.

"Sa palagay mo ba totoo ito, Doktora Tamara?"

"Siguro totoo." Ayon pa sa article ay malapit na pamilya ng mga Uy ang mga Alleje at matagal nang hinihintay ni Reid na maikasal ang mga ito.

Nakaramdam siya ng bigat sa dibdib. Maraming babae na ang naghahabol sa asawa niya. Sanay na siya. Pero para sabihin ng isang babae na matagal na itong gustong pakasalan ay ibang usapan na.

Kasal pa sila ni Reid. Kung plano nga nitong magpakasal sa ibang babae, dapat sana ay naghahain na ito ng annulment case sa kanila. Dapat sana ay kinausap na siya nito. After all, theirs was a wedding in papers only.

"Shiela, may tumawag ba sa aking kahit sinong abogado habang wala ako?" tanong niya pagkuwan.

Umiling ito. "Wala, Doktora."

"Bukod dito may iba pa bang sulat?" Sa lahat ng transaksiyon nila ni Reid ay sa opisina nito pinababagsak. Kung mayroon man sa bahay, wala naman siyang nakita sa pile ng mga sulat niya nang I-check niya pagdating nang nakaraang araw.

"Si Reid Alleje ba hindi rin tumawag sa akin?" tanong pa niya.

Tumawa si Shiela. "Bakit naman siya tatawag sa iyo?"

"Baka ipa-annul ka niya ang kasal namin dahil sa April Uy na iyan."

Tumawa ito. "Si Doktora talaga! Mahilig mag-joke."

Hindi siya ngumiti. Wala siya sa mood makipagbiruan. She was past the age in her grandfather's contract. Subalit wala silang pagkakataon ni Reid na pag-usapan ang tungkol sa annulment. Marahil dahil sa sobrang busy nilang dalawa. Patuloy pa rin siyang nakakatanggap ng sustento dito bilang asawa nito at bilang parte niya sa Stallion Riding Club. Maging regalo sa mga espesyal na okasyon.

Baka naman nakalimutan na nito na kasal pa sila. Pwes, hindi siya.

She dialed Attorney Cabral's number when Shiela left. Ito pa rin ang nanatili niyang adviser dahil malaki ang tiwala niya. Ito na ang tumayo niyang ama mula nang mamatay ang lolo niya.

"Hija, long time no see. What can I do for you?"

"Kinausap na po ba kayo ng abogado ni Reid Alleje tungkol sa annulment namin?" tanong niya.

"Wala siyang nababanggit, hija. Is he filling an annulment?"

"No, he isn't. But I guess it is about time. It has been two years since I claimed ownership to my grandfather's inheritance. Wala na kaming kailangan sa isa't isa. Kailangan ko lang sigurong I-discuss sa kanya ang pagbebenta ng parte ko." Ire-retain lang niya ang parte na di niya ipinagalaw kay Reid noon. Ang lugar na nagsisilbing alaala niya sa mommy niya.

"Any demands?"

"I just want a clean annulment. May prenuptial agreement naman kami. Please help me get a very good annulment lawyer."

Kung gusto nitong pakasalan ang April Princess Uy na iyon, kailangan muna siya nitong hiwalayan. Pero habang di pa sila hiwalay, di pa nito dapat kalimutan na may asawa ito.

I am planning to do a new edition version for this. Mas makapal kaysa sa nababasa n'yo ngayon with never-before-seen scenes.

Pero magiging exclusive ito sa book version at sa Patreon account ko. Sino ang gustong mabasa if ever?

Sofia_PHRcreators' thoughts