webnovel

Stallion Series (Filipino, Tagalog) - Stallion Boys of Exclusive Stallion Riding Club under Precious Hearts Romances

A collaboration of Sofia and Sonia Francesca. Stallion Riding Club is an exclusive club for the rich, successful, gorgeous, and famous men in the Philippines. Nestled in Tagaytay, women dream of entering their secret paradise and capture their heart. Sofia's stories will be featured on this post. Each story will be posted per volume. Sonia Francesca's books will be preview only or teaser only. Video preview of Stallion Series: https://www.youtube.com/watch?v=cOASTI9xb-A ***Photo credits to the owner of the photo To get a printed books with pre-order option and autograph: https://www.facebook.com/Myprecioustresures Shopee (with free delivery and COD option in Philippines): www.shopee.ph/sofiaphr To get complete ebook: www.preciouspagesebookstore.com.ph Keep in touch via Facebook: Sofia PHR Page Here's the official list of Stallion Boys: 1. Juan "Jubei" Bernardo IV 2. Eneru Villasis 3. Gregory Alfred "Gino" Santayana 4. Suichiro "Hiro" Hinata 5. Reigan Baltazar 6. Neiji Villaraza 7. Yue Anthony "Yuan" Zheng 8. Gabryel Hinasan 9. Brandon James "Brad" Alonzo Crawford 10. Rodjan Sta Maria 11. Kaiser Montezor 12. Yozack Florencio 13. Renzell "Zell" Zapanta 14. Emrei Rafiq 15. Romanov Querido 16. Jason Erwin "Jed" Dean 17. Crawford Oreña 18. Kester Mondragon 19. Phillipe Jacobs "PJ" 20. Eiraun Jimuel "Eiji" Romero 21. Rolf Guzman 22. Beiron Rafiq 23. Reichen Alleje 24-25. Reid Alleje 26. Peter Paul "Pipo" De Vera 27. Cedric Johannson "Johann" Cristobal 28. Daniel "Daboi" Bustamante 29. Angelo Exel Formosa 30. Gianpaolo Aragon 31. Thyago Palacios 32. Icen Villazanta 33. Hayden Anthony Illano 34. Rozen Aldeguer 35. Joziah Gatchalian 36. Cloudio "Cloud" Montañez 37. Eizhiro Figuerao 38. Zantino Roberto "Zairo" Montevedra III 39. Hans Cervantes 40. Baxter Saavedra 41. Mark Ashley Camello 42. Danilo Ricardo "Danrick" Tezzoro 43. Richard Don Robles 44. Ricos Caderao 45. Lee Shin Yang 46-47. Myco Gosiaco 48. Reiven Alleje 49. Ian Jack Salmentar 50-51. Trigger Samaniego 52-53. Jigger Samaniego

Sofia_PHR · Umum
Peringkat tidak cukup
557 Chs

Chapter 32

Nang lumabas ng si Gino ng office ni Reid ay sinalubong agad ito ni Miles. "Gino, okay ka lang ba? Hindi ka ba nasaktan?" Di matapos-tapos ang pag-aalala niya dito dahil sa sinabi ni Hiro na masu-suspend ito.

"Bakit ka nandito?" may bahid ng galit nitong tanong.

"Nalaman ko kasi ang nangyari kaya pinuntahan kita. Nag-aalala lang ako."

Pumalatak ito. "Ayoko ngang sabihin sa iyo, eh!"

"Gino, ihahatid na ba kita sa villa mo?" alok ni Hiro dito.

Umiling si Gino. "Doon muna ako sa restaurant. Nandoon ang kotse ko."

Wala silang kibuan hanggang maihatid ni Hiro sa Rider's Verandah. "Sir Gino, uuwi na po ako," sabi ni Quincy at tinanguan ito ni Gino.

Tuluy-tuloy si Gino sa private office nito at siya naman ay dumaan sa counter. "Sir Rusty, pa-order ng isang Kape Cordillera. Paki-serve na lang sa office ni Sir Gino," sabi niya sa night manager nila. Saka siya kumatok sa opisina ni Gino at pumasok. "Nagpa-order ako ng coffee para sa iyo."

"Bakit nandito ka pa? Dapat umuwi ka kasama ni Quincy." Sa tingin niya ay mainit ang ulo nito at wala sa mood na makipag-usap.

May kumatok sa pinto at pumasok ang isa sa night shift waiters. "Sir, nandito na po ang coffee ninyo." Nang makita nito na masama ang timplada ng mukha ni Gino ay nagmamadali itong tumalilis.

Umupo siya. "Gusto lang naman kitang makausap. Ano ba ang nangyari?"

Mariin nitong hinawakan ang sandalan ng swivel chair nito. "That stupid Alain was drunk. Okay lang sana kung lasing lang siya. Pero ipinagmamalaki niya ang mga babaeng naging conquest niya. And that includes you. He told us that you are an easy lay. Na patay na patay ka daw sa kanya at hinahabul-habol mo siya."

"Ano?" sigaw niya at napatayo. "Ang kapal naman ng mukha niya."

"I asked him to keep his mouth shut! Pero hindi pa rin siya tumigil kaya sinuntok ko siya. Kaya ayun, natahimik tuloy siya. Pasalamat siya dahil nakatulog agad siya. Kung hindi, patutulugin ko siya sa bugbog."

Hindi na siya magtataka kung bakit galit na galit si Gino. Binastos pala siya ni Alain. Nagsisisi talaga siya na naging crush niya ang kumag na iyon.

"Sana hindi mo na lang siya pinatulan. Kasi hindi naman totoo."

"Ipinagtatanggol mo pa siya? Ako pa ang mali ngayon. Ikaw na nga itong binabastos niya. Huwag mong sabihin na gusto mo pa rin ang Alain na iyon." There was fire in his eyes. Naroon ang magkahalong hinanakit at pagseselos.

"Gino, no!" Yumakap siya sa baywang nito at humilig sa dibdib nito. "I am just sorry. Na-suspend ka pa dahil sa walang kwentang lalaki na iyon. Sana hindi mo na lang siya pinatulan because he is not worth it."

"Hindi ko iyon mapapalagpas. He hurt you once. But I won't allow him to do it twice. Poprotektahan kita."

He brushed his lips against hers. As if he was asking permission for a kiss. Yumakap siya sa leeg nito. Sa pagkakataong ito, sigurado na siya sa ginagawa. With that kiss, she poured her emotions. Ang pag-aalala para kay Gino at pasasalamat dahil sa pagtatanggol nito sa kanya.

"Huwag ka nang makikipag-away sa susunod, ha? Ayoko nang mapapahamak ka dahil sa akin. Okay lang kung si Alain. Walang buto iyon. Paano kung iba na? Saka magi-guilty pa rin ako dahil na-suspend ka."

Pinisil nito ang baba niya. "Dapat lang na ma-guilty ka. Kaya sa susunod na mag-date tayo, hindi ka na pwedeng tumanggi."

"Kailan tayo magde-date?" tanong niya.