webnovel

Stallion Series (Filipino, Tagalog) - Stallion Boys of Exclusive Stallion Riding Club under Precious Hearts Romances

A collaboration of Sofia and Sonia Francesca. Stallion Riding Club is an exclusive club for the rich, successful, gorgeous, and famous men in the Philippines. Nestled in Tagaytay, women dream of entering their secret paradise and capture their heart. Sofia's stories will be featured on this post. Each story will be posted per volume. Sonia Francesca's books will be preview only or teaser only. Video preview of Stallion Series: https://www.youtube.com/watch?v=cOASTI9xb-A ***Photo credits to the owner of the photo To get a printed books with pre-order option and autograph: https://www.facebook.com/Myprecioustresures Shopee (with free delivery and COD option in Philippines): www.shopee.ph/sofiaphr To get complete ebook: www.preciouspagesebookstore.com.ph Keep in touch via Facebook: Sofia PHR Page Here's the official list of Stallion Boys: 1. Juan "Jubei" Bernardo IV 2. Eneru Villasis 3. Gregory Alfred "Gino" Santayana 4. Suichiro "Hiro" Hinata 5. Reigan Baltazar 6. Neiji Villaraza 7. Yue Anthony "Yuan" Zheng 8. Gabryel Hinasan 9. Brandon James "Brad" Alonzo Crawford 10. Rodjan Sta Maria 11. Kaiser Montezor 12. Yozack Florencio 13. Renzell "Zell" Zapanta 14. Emrei Rafiq 15. Romanov Querido 16. Jason Erwin "Jed" Dean 17. Crawford Oreña 18. Kester Mondragon 19. Phillipe Jacobs "PJ" 20. Eiraun Jimuel "Eiji" Romero 21. Rolf Guzman 22. Beiron Rafiq 23. Reichen Alleje 24-25. Reid Alleje 26. Peter Paul "Pipo" De Vera 27. Cedric Johannson "Johann" Cristobal 28. Daniel "Daboi" Bustamante 29. Angelo Exel Formosa 30. Gianpaolo Aragon 31. Thyago Palacios 32. Icen Villazanta 33. Hayden Anthony Illano 34. Rozen Aldeguer 35. Joziah Gatchalian 36. Cloudio "Cloud" Montañez 37. Eizhiro Figuerao 38. Zantino Roberto "Zairo" Montevedra III 39. Hans Cervantes 40. Baxter Saavedra 41. Mark Ashley Camello 42. Danilo Ricardo "Danrick" Tezzoro 43. Richard Don Robles 44. Ricos Caderao 45. Lee Shin Yang 46-47. Myco Gosiaco 48. Reiven Alleje 49. Ian Jack Salmentar 50-51. Trigger Samaniego 52-53. Jigger Samaniego

Sofia_PHR · Umum
Peringkat tidak cukup
557 Chs

Chapter 20

"We were having a ride off. Nagkagitgitan kami. Na-off balance siya at nalaglag sa kabayo. I am sorry," kwento ni Reichen kay Nicola habang nasa clinic sila at naghihintay ng resulta sa aksidente ni Crawford.

Natutop niya ang bibig. "Masama ba ang pagkakabagsak niya?"

Nakita niya kanina na nasaktan nga si Crawford. Di birong bumagsak sa kabayo. Pero gusto pa rin niyang malaman ang extent ng damage na dinanas nito. Reichen was a world-renowned rider. Ito rin ang kagitgitan ni Crawford kanina. Tiyak na makakapagbigay ito ng assessment kahit paano.

Di niya naabutan pa si Crawford kanina dahil idinala agad ito ng mga kaibigan nito at ng medical team na nakaantabay doon. Sumunod na lang siya sa clinic. She was dead worried. Di kasi niya alam ang extent ng damage na dinanas nito.

"He complained about his left shoulder. Hindi mo maintindihan kung bakit basta na lang siya bumagsak. He is competent rider. Pero parang wala siya sa sarili habang naglalaro kami. Kung nag-concentrate siya sa laro, di siya masasaktan."

She felt rotten. Parang kasalanan niya kung bakit bumagsak si Crawford. Kung sinabi niya ang totoong nararamdaman dito, mas maganda siguro ang kondisyon nito sa paglalaro. Baka tuluyan pa itong mawala sa kanya.

"H-Hindi ba dapat idinala siya sa ospital?"

"We have good doctors here at the riding club. World class din ang mga facilities na katulad ng nasa ibang ospital. Karaniwan na kasi ang mga injuries na tulad ng kay Crawford dito. Mas mabuti nang may doktor na titingin sa kanila kaysa dalhin pa sila sa ospital." Pagpasok nila sa kuwarto para kay Crawford, natutulog pa ito at may benda sa balikat. Isang doktor na di nalalayo ang edad kay Crawford ang tumitingin dito. "He is Doctor Kester Mondragon," pagpapakilala ni Reichen. "Siya ang tumitingin kay Crawford."

"Doc, how's Crawford?" tanong niya.

"Na-dislocate ang balikat niya. But he would be fine in a few days. Basta maalagaan lang siyang mabuti at hindi siya masyadong gagalaw. He is sedated at the moment and will wake up after a few hours."

"Gaano po siya katagal mag-I-stay dito?"

"Pwede mo na siyang iuwi mamaya. We can provide you with a private nurse who will monitor everything and take care of him."

"Ako mismo ang mag-aalaga kay Crawford."

SAGLIT lang na kinausap ni Nicola si Doctor Kester Mondragon pero pagbalik niya sa kuwarto ni Crawford ay gising na ito. Ilang oras din niya itong binantayan. Kasalukuyan itong inaasikaso ng mga nurse.

Pilit siyang ngumiti at lumapit dito. "Hi! How are you feeling?"

Bahagya itong umungol. "There is a huge pain on my shoulder. Na-dislocate kasi ang balikat ko. How is your baking lesson with the girls?" He was talking to her as if nothing serious occurred. Samantalang mamamatay siya sa pag-aalala dito.

"Pumunta agad ako dito nang malaman ko ang nangyari."

"Hindi mo tinapos ang baking lesson mo dahil sa akin?" gulat nitong wika.

Bumuntong-hininga siya. "Uunahin ko pa ba ang baking lesson kaysa sa iyo?"

Malungkot nitong iniwas ang mga mata sa kanya. "I guess so. Ipinagpalit mo kasi ang polo match ko sa lesson mo," nagtatampo nitong sabi.

Isang malaking kamay ang dumakma sa puso niya. Lalo siyang na-guilty. "I am sorry. Kasalanan ko kung bakit hindi ka makapag-concentrate sa laro mo."

Di niya namalayan na tumutulo na ang luha sa mata niya. Dati sinasabi niya na sinaktan siya ni Crawford. But she was worse than him. She loved him. And by denying him of that fact, it almost cost his life.

Hinaplos nito ang pisngi niya. "Don't cry, Nicola. It is not your fault. I should be responsible for my self. Ako ang hindi nag-concentrate sa laro."

"No! Kasalanan ko pa rin," giit niya. "Sana hindi ko na lang sinabi iyon sa iyo. Hindi ko naman intensiyon na saktan ka."

"Hey,you just stated a fact. Bakit ako magagalit kung nagsasabi ka ng totoo? Mas gusto ko nang marinig ang totoong nararamdaman mo," nakangiti nitong sabi.

She didn't want to lie to him anymore. It almost cost his life. "Crawford, I…"

Pumasok ang nurse. "Ma'am, nasa labas na po ang sundo ni Sir Crawford. Gusto po ba ninyong tulungan ko kayong bihisan siya?"

"Thank you. Pero mas gusto kong ako na lang ang mag-aasikaso sa kanya."

"Sir, ang swerte naman ninyo," kinikilig na sabi ng nurse bago umalis.

"You don't have to do this, Nicola," tutol nito nang alalayan niya ito sa pagsusuot ng polo nito. "Trabaho naman iyan ng mga nurse."

"I want to do it myself. Gusto kong ako mismo ang mag-aalaga sa iyo."

"And why are you doing this?"

Nag-concentrate siya sa pagbubutones ng polo nito. "Because I love you."

"Are you sure about how you feel?"

Marahan siyang tumango. "Iyon naman talaga ang nararamdaman ko. You are right. Masyado akong maraming defenses. I learned from a young age not to trust men. They make promises they can't keep. I thought that simple fact could pull me away from you. That's why I lied even to my self. Ayokong tanggapin na mahal kita. That a wonderful thing such as love can be real."

Crawford's lips curved into a smile. "Come closer, Nicola."

Umiling siya. She knew what he was up to. He wanted to kiss her. It excited her but she preferred not to be enticed. "Crawford, no. Ang balikat mo…"

"Who cares?" His right hand cupped her face and took her lips. It was a warm, gentle and loving kiss. It wasn't just their lips that were melding. It was their hearts. Noon niya tuluyang naramdaman ang paglaya ng puso niya. Ngayong alam na nito ang nararamdaman niya, wala na siyang kailangang itago.

"I told you that we'd be good together," Crawford whispered. "Gusto ko lang naman lagi tayong magkasama. I want us to be happy."

"I also wish that it would last forever, Crawford."

And she would do everything so that things would stay that way. And for the first time in her life, she also wished for forever.