webnovel

Stallion Series (Filipino, Tagalog) - Stallion Boys of Exclusive Stallion Riding Club under Precious Hearts Romances

A collaboration of Sofia and Sonia Francesca. Stallion Riding Club is an exclusive club for the rich, successful, gorgeous, and famous men in the Philippines. Nestled in Tagaytay, women dream of entering their secret paradise and capture their heart. Sofia's stories will be featured on this post. Each story will be posted per volume. Sonia Francesca's books will be preview only or teaser only. Video preview of Stallion Series: https://www.youtube.com/watch?v=cOASTI9xb-A ***Photo credits to the owner of the photo To get a printed books with pre-order option and autograph: https://www.facebook.com/Myprecioustresures Shopee (with free delivery and COD option in Philippines): www.shopee.ph/sofiaphr To get complete ebook: www.preciouspagesebookstore.com.ph Keep in touch via Facebook: Sofia PHR Page Here's the official list of Stallion Boys: 1. Juan "Jubei" Bernardo IV 2. Eneru Villasis 3. Gregory Alfred "Gino" Santayana 4. Suichiro "Hiro" Hinata 5. Reigan Baltazar 6. Neiji Villaraza 7. Yue Anthony "Yuan" Zheng 8. Gabryel Hinasan 9. Brandon James "Brad" Alonzo Crawford 10. Rodjan Sta Maria 11. Kaiser Montezor 12. Yozack Florencio 13. Renzell "Zell" Zapanta 14. Emrei Rafiq 15. Romanov Querido 16. Jason Erwin "Jed" Dean 17. Crawford Oreña 18. Kester Mondragon 19. Phillipe Jacobs "PJ" 20. Eiraun Jimuel "Eiji" Romero 21. Rolf Guzman 22. Beiron Rafiq 23. Reichen Alleje 24-25. Reid Alleje 26. Peter Paul "Pipo" De Vera 27. Cedric Johannson "Johann" Cristobal 28. Daniel "Daboi" Bustamante 29. Angelo Exel Formosa 30. Gianpaolo Aragon 31. Thyago Palacios 32. Icen Villazanta 33. Hayden Anthony Illano 34. Rozen Aldeguer 35. Joziah Gatchalian 36. Cloudio "Cloud" Montañez 37. Eizhiro Figuerao 38. Zantino Roberto "Zairo" Montevedra III 39. Hans Cervantes 40. Baxter Saavedra 41. Mark Ashley Camello 42. Danilo Ricardo "Danrick" Tezzoro 43. Richard Don Robles 44. Ricos Caderao 45. Lee Shin Yang 46-47. Myco Gosiaco 48. Reiven Alleje 49. Ian Jack Salmentar 50-51. Trigger Samaniego 52-53. Jigger Samaniego

Sofia_PHR · Umum
Peringkat tidak cukup
557 Chs

Chapter 16

Yoanna was dead tired. Isang malaking conference ang ginaganap at puno ang guesthouse. Maswerte na siyang makapag-tsaa para makapag-relax. Subalit di sapat ang maraming trabaho at ang tsaa para maalis sa isip niya ang pinag-usapan nila ni Gudofredo nang nagdaang araw. Ang pagpapakasal niya kay Alastair.

Palabas na siya ng Lakeside Café nang makasalubong niya si Kester. Tinanguan lang niya ito. Wala naman kasi siyang sasabihin dito.

"Yoanna, can we talk?" tanong nito kahit nakalagpas na siya.

"Sige," sabi niya at sa halip na lumabas ng café ay tumuloy siya sa wooden dock na katuloy ng wooden porch.

Sumunod ito sa kanya subalit wala naman itong sinabi hanggang mapunta na sila sa hangganan ng dock na nakaharap sa lake. "Pumayag ka na ba sa alok ni Papa na magpakasal kayo ni Alastair?"

Tumigil siya sa paglalakad at hinarap ito. "Wala pa akong ibinibigay na sagot kay Tito Fred. Gusto ko munang pag-isipang mabuti."

Mahalaga ang magiging desisyon nila para sa kanila ni Alastair. Parehong kinabukasan nila ang nakataya. At alam niya na matinding kalaban si Gudofredo. Di ito papayag na di masunod ang gusto nito. He could resort to other ways to force Alastair to conceal his real identity.

Hinawakan nito ang braso niya. "Don't marry my brother."

"Do you really think it is wise to oppose your father?"

"Sa palagay ko naman wala kang plano na kontrahin si Papa. Magandang opportunity ang ibinibigay niya sa iyo. He could boost your career more. Being a part of the family is another thing."

"Wala akong pakialam sa pera o reputasyon ng pamilya ninyo," mariin niyang sabi. "As you well know, I have my own money. Di ako desperada sa pera." Di man kasing yaman ng pamilya niya ang mga Mondragon, nag-iwan ng sapat na pera ang magulang niya bago mamatay ang mga ito. Isa pa, may trabaho naman siya at maganda ang kita niya bilang manager ng guesthouse.

"Yes. Maybe it is not the money then. Pero pagkakataon mo na ito para ma-trap sa kasal ang kapatid ko."

Nagsalubong ang kilay niya. "Ma-trap?"

"Sinabi ni Papa na alam mo ang sekreto ni Alastair noon pa. You kept it all these years. Malinaw na sa akin ang dahilan kung bakit di ka niya mahal. But please don't use his gender preference as a weapon against him. Huwag mo siyang pakasalan. Hindi ka niya mahal."

Napaawang ang labi niya sa sobrang pagkabigla. Dati alam niyang mababa ang tingin sa kanya ni Kester. Mas malala pa pala doon ang iniisip nito. "Oportunista ba ang tingin mo sa akin, Kester? Na kahinaan ng sarili kong kaibigan gagamitin ko para sa pansarili kong interes?"

Nagkibit-balikat ito. "I don't know. Kanya-kanya naman tayo ng paraan para makuha ang sarili nating kaligayahan. And I can't really blame you. Pagkakataon mo na ito para makuha siya. Pero mas gugustuhin ko nang malaman ng lahat na bakla ang kapatid ko kaysa naman makasal siya sa babaeng hindi niya mahal. It is unfair for him. Unfair for you. Both of you deserves to live your own lives."

Huminga siya nang malalim. Kapag kaharap niya si Kester, pakiramdam niya ay naiiba ang mundo niya dahil iba ang iniisip nito sa totoo. "Mas gusto kong kausapin na lang si Alastair tungkol dito. It should be just between the two of us."

"No! Let's settle this now! Kapag hinintay mo pang makausap nang personal si Al, baka ma-pressure na siya ni Papa na magpakasal sa iyo. And how about you? May sarili ka ring buhay. Kahit mahal mo pa ang kapatid ko, di mo pwedeng ipilit ang sarili mo sa kanya. You deserve a normal life. Marry me instead."

Natigagal siya. "Ha? At bakit naman kita pakakasalan?"

"Hindi ka kayang mahalin ng kapatid ko. He can't give you the family you dreamt of. He can't give you a normal life."

Di niya alam kung pagtatawanan niya ang proposal nito o maiirita dito. Sa tingin ba nito ay desperado siya sa lalaki? "Do you think it will work out?"

He pulled her body against him. "I think it will. Sinabi mo sa akin na attracted ka sa akin. You didn't hide it before. At aaminin kong attracted ako sa iyo. I think it is a nice start."

"Sa palagay mo ba maibibigay mo nga ang lahat ng gusto ko? At anong sabi mo? Bibigyan mo ako ng normal na buhay? Can you give me love, Kester?"

He was alarmed. Di agad ito nakasagot. "Hindi naman mahirap gawin iyon."

She pushed him away. Kaysa naman masampal pa niya ito. "Ano namang alam mo sa pagmamahal? Wala ka namang pinapakinggan kundi ang sarili mo lang. Magaling kang manghusga ng ibang tao. And you use them whenever it suits you. At kapag gusto mong itaboy, gagawin mo na lang nang wala kang konsiderasyon sa nararamdaman nila katulad ng ginawa mo sa akin."

"So I am a jerk. At ano naman ang tawag sa iyo kapag pinakasalan mo ang kapatid ko? Kasabwat mo na rin si Papa sa pag-pressure at pamba-blackmail sa kanya. Pagmamalasakit pa ba ang tawag doon?"

"At pagmamalasakit din sa kapatid mo sakaling pakakasalan kita? Sa tingin mo naman, santo ka dahil isasakripisyo mo ang sarili mo para di ko na guluhin ang kapatid mo," sarkastiko niyang sabi. "Ano naman ang ipinagkaiba noon sa pagpapakasal niya sa akin para protektahan ang kahihiyan ng pamilya ninyo? I just think that your motive is worse."

Naningkit ang mata nito. "Mas gusto mo pa ring pakasalan ang kapatid ko? Go ahead! Maging masaya ka sana kapag miserable na ang buhay ninyo. And it will be all your fault!"

Nakuyom niya ang palad. Gusto niya itong itulak sa lake para mahimasmasan. Hindi kasi nito nakikita ang pagmamalasakit niya sa kapatid nito. He thought that she was the worst woman on earth. Na sarili lang niya ang iniisip niya at gusto niyang saktan lang si Alastair.

"Kung pakakasalan ko man si Alastair, di dahil gusto ko siyang I-trap. Concern ako sa kanya. Iniisip ko kung gaano kaimportante sa kanya ang pamilya niya. Akala mo ba madali sa akin ang hinihingi ng Papa mo? Sarili ko ring buhay ito. Kung pakakasalan ko siya ay dahil iyon ang iniisip kong tama. And if I won't, it doesn't mean that I want a life with you or you are the second best. Ikaw lang naman ang nag-iisip na desperada akong magkaroon ng lalaki sa buhay ko. Hindi kita kailangan. Magdedesisyon ako para sa sarili ko. So will you please stop intruding with my life?"

She walked away from him furiously. Mabigat na mabigat ang dibdib niya. Ngayon lang siya nasabihan nang oportunista at desperada. Sa palagay niya ay wala nang pag-asa sa kanilang dalawa. He might want her but he didn't respect her. At di niya kailangan ng isang lalaking walang respeto sa kanya.