webnovel

Stallion Series (Filipino, Tagalog) - Stallion Boys of Exclusive Stallion Riding Club under Precious Hearts Romances

A collaboration of Sofia and Sonia Francesca. Stallion Riding Club is an exclusive club for the rich, successful, gorgeous, and famous men in the Philippines. Nestled in Tagaytay, women dream of entering their secret paradise and capture their heart. Sofia's stories will be featured on this post. Each story will be posted per volume. Sonia Francesca's books will be preview only or teaser only. Video preview of Stallion Series: https://www.youtube.com/watch?v=cOASTI9xb-A ***Photo credits to the owner of the photo To get a printed books with pre-order option and autograph: https://www.facebook.com/Myprecioustresures Shopee (with free delivery and COD option in Philippines): www.shopee.ph/sofiaphr To get complete ebook: www.preciouspagesebookstore.com.ph Keep in touch via Facebook: Sofia PHR Page Here's the official list of Stallion Boys: 1. Juan "Jubei" Bernardo IV 2. Eneru Villasis 3. Gregory Alfred "Gino" Santayana 4. Suichiro "Hiro" Hinata 5. Reigan Baltazar 6. Neiji Villaraza 7. Yue Anthony "Yuan" Zheng 8. Gabryel Hinasan 9. Brandon James "Brad" Alonzo Crawford 10. Rodjan Sta Maria 11. Kaiser Montezor 12. Yozack Florencio 13. Renzell "Zell" Zapanta 14. Emrei Rafiq 15. Romanov Querido 16. Jason Erwin "Jed" Dean 17. Crawford Oreña 18. Kester Mondragon 19. Phillipe Jacobs "PJ" 20. Eiraun Jimuel "Eiji" Romero 21. Rolf Guzman 22. Beiron Rafiq 23. Reichen Alleje 24-25. Reid Alleje 26. Peter Paul "Pipo" De Vera 27. Cedric Johannson "Johann" Cristobal 28. Daniel "Daboi" Bustamante 29. Angelo Exel Formosa 30. Gianpaolo Aragon 31. Thyago Palacios 32. Icen Villazanta 33. Hayden Anthony Illano 34. Rozen Aldeguer 35. Joziah Gatchalian 36. Cloudio "Cloud" Montañez 37. Eizhiro Figuerao 38. Zantino Roberto "Zairo" Montevedra III 39. Hans Cervantes 40. Baxter Saavedra 41. Mark Ashley Camello 42. Danilo Ricardo "Danrick" Tezzoro 43. Richard Don Robles 44. Ricos Caderao 45. Lee Shin Yang 46-47. Myco Gosiaco 48. Reiven Alleje 49. Ian Jack Salmentar 50-51. Trigger Samaniego 52-53. Jigger Samaniego

Sofia_PHR · Umum
Peringkat tidak cukup
557 Chs

Chapter 13

Maingat nitong binendahan ang sugat sa palad niya matapos lagyan ng antiseptic. "Sabi ni Mhelai nandito ka daw. Galing ako sa inyo para kausapin at paalisin ang mga fans ko na nagra-rally. Napakiusapan ko silang umalis. So you can go home safely. Kahit sa opisina mo, di ka na rin guguluhin. Di ko lang sigurado sa mga reporters. Pero at least mababawasan na sila."

"Nagpunta ka ba dito para tiyakin na di ako magdedemanda?"

"No. I just want to see you. Alam ko naman na hindi ka papayag na mademanda ako. After all, it is an absurd idea. But I still want to thank you," anito at magaang ginagap ang kamay niya.

That simple touch was enough to send a different kind of sensation in her body. "H-Hindi ko naman kailangang magpasalamat sa akin. Ginawa ko lang kung ano ang tama." Bakit di ako makahinga habang hawak niya ang kamay ko? Bakit parang matutunaw ako sa titig niya?

He softly kneaded her cheek. "I am sorry that they hurt you because of me. Kung mas maagap lang ako, di sana sila nakalapit sa iyo."

"Kasalanan ko iyon. Kung hindi kita sinampal, di sila gaganti sa akin."

"Sinabi ko naman sa iyo. Kung anuman ang mangyari sa ating dalawa, tayo lang ang may problema doon. Di sila kailangang makisali."

She let out a sigh. "Why are you still nice to me? Hindi ba dapat galit ka sa akin dahil gumawa ako ng gulo."

Tinitigan lang siya nito. "I don't know. I don't have reason to hate you." Inilapit nito ang mukha sa kanya. "Why do you hate me, Nicola? I thought we were okay. I even treated you as a friend. Even more than a friend," he said in a whisper.

Naumid siya at di makasagot. She was just staring at his questioning eyes. She allowed him to get so near. She had never been this close to a man. And she wanted to get closer. Parang nabasa ni Crawford ang iniisip niya at tinawid ang distansiya nilang dalawa.

He cupped her cheek and made her meet his kiss. His lips touched her and something within her broke apart. Parang nasa isang kahon siya at dahan-dahang nawasak ang kahon na iyon. And she finally saw the light. She was hungry for him. Habang umiiwas siya at pinipilit ang sarili na mamuhi dito, lalo lang nagagatungan ang espesyal na damdamin niya para dito.

"I will protect you, Nicola. I won't allow anybody to hurt you."

Natigilan siya sa sinabi nito. He was telling her that he wouldn't hurt her. Na di rin nito papayagan ang iba na saktan siya. Minsan na rin siyang nagtiwala dito. He allowed her to become a part of her life. But he ruined her into shreds. Paano kung magtiwala siyang muli dito at saktan lang siya nito ulit?

"Nicola, what's wrong?" tanong nito nang di na niya sinagot pa ang halik nito.

She felt so cold. So eerily cold. Awtomatikong bumalik ang depensa niya. Isa na namang kaaway ang tingin niya dito.

"Let's stop this, Crawford. Ayokong masaktan na naman kita," wika niya at lumabas ng kotse nito. Saka dali-dali niyang pinara ang paparating na taxi.

Isa siyang hangal kung papayag na naman siyang paikutin nito. Never again, Crawford. Never again.

DALAWANG araw nang nangangalumata si Nicola. Dalawang araw na rin kasi siyang walang tulog. Wala na siyang problema dahil gaya ng pangako ni Crawford, di na siya binubulabog pa ng mga fans nito. Normal na ulit ang buhay niya. Bagamat may usap-usapan pa rin tungkol sa kanila, unti-unti na ring mamamatay ang isyu.

Subalit di niya tiyak kung magiging normal pa ang pakiramdam niya. Matapos siyang halikan ni Crawford, di na matahimik ang isip niya. She kept on daydreaming about him. Natutulala na lang siya habang iniisip ito. At para mawala ito sa isip niya, idinaan na lang niya sa pagkain ang lahat. Lahat yata ng pwedeng kainin ay kinain na niya. Pakiramdam nga niya ay wala na siyang kabusugan huwag lang maisip si Crawford. Pero pansamantala lang ang nagagawa ng pagkain sa kanya.

"Nicola, are you okay?" tanong ni Joanna Grace sa kanya.

Tumango siya. "Yeah. Medyo nangangasim lang ang sikmura ko. Don't worry, malapit ko nang matapos ang effects para sa…"

Di pa niya natatapos ang sasabihin ay naduwal siya. Mabilis niyang tinutop ang bibig. Tumayo agad siya at itinaas ang kamay na parang nagpapa-excuse kay Joanna Grace. She felt the need to throw up. Kaya dali-dali siyang tumakbo sa restroom. Nakaabot siya sa sink at doon inilabas ang lahat ng laman ng sikmura niya. She felt like dying. Ano bang nangyayari sa kanya?

Hinaplos ni Joanna Grace ang likod niya na nakasunod pala sa kanya. Mas mukhang namumutla pa ito sa kanya. "Bakit? Mukha na ba akong mamamatay?"

Umiling ito at tinutop ang labi. "Nicola, you are pregnant!"

"NAKU, Miss Nicola! Maselan ka palang magbuntis. Pero di bale, guwapo naman ang ama ng anak mo. Crawford Oreña ang ama! Maswerte ka talaga!" kinikilig na sabi ng nurse na nagbabantay sa kanya. Isinugod siya sa company clinic para lapatan ng lunas. Ayon sa doctor ay gastro-enteritis ang dumali sa kanya. Sa dami ng kinain niya, di na-digest ng mabuti ng bituka niya ang pagkain at nagsilbing lason sa katawan niya. Mabuti nga daw at naagapan subalit dahil doon ay nanlalambot siya.

"Nurse, binabasa mo ba ang chart ko? Sabi diyan gastro-enteritis ang sakit ko. Hindi ako buntis. Katakatawan lang ito," mataray niyang wika.

"Kasi usap-usapan sa labas na buntis ka."

"Alam mo ba na nakakamatay ang tsismis."

Humagikgik lang ito. "Hindi naman siguro. Siguro kaya ka masungit sa akin dahil ako ang napaglilihian mo."

"Sabi ko ngang hindi ako buntis!" singhal niya.

"Naiintindihan ko naman kung ayaw mong ipagsabi sa public na buntis ka. Ako ang magtatago ng sekreto mo. Hindi ko ipagkakalat."

"Bwisit!" gigil niyang wika nang makalabas ang nurse. Hindi ba nito alam kung ano ang diperensiya ng gastro-enteritis at ng buntis. Mas credible pa ba ang tsismis kaysa sa findings ng doctor?

"Nicola!" anang si Crawford at hangos siyang nilapitan. Ginagap agad nito ang kamay niya at hinaplos ang noo niya. "Pumunta agad ako dito nang malaman ko ang nangyari sa iyo. How are you feeling? Anong sabi ng doctor?"

"I am okay." Ano naman ang nakain nito at bigla siyang pinuntahan. "Sino naman ang nagsabi sa iyo?"

"Tumawag ang boss mo sa opisina ko." He kissed the back of her hand. "She also told me that you are pregnant."

She rolled her eyes. "Crawford, I am not. Hindi ako Immaculate Concepcion."

"W-Wala ka pang…I mean, you are still…"

"A virgin, no less," pagtutuloy niya sa di nito masabi. "So you have nothing to worry about me. Kung buntis man ako, hindi ko ipapasa sa iyo."

"Ano daw ang sakit mo?"

"Gastro-enteritis lang. Uminom na ako ng gamot. Sabi ng doctor magpahinga lang ako at magiging okay na ako."

Nahigit niya ang hininga nang yakapin siya nito nang mahigpit. Pakiramdam nga niya ay mapupugto na ang hininga niya. "Babantayan kita hanggang gumaling ka. Dito lang ako sa tabi mo."

Di niya maiwasang ngumiti. Pakiramdam niya ay siya ang pinaka-espesyal na babae nang mga oras na iyon. Subalit nakita niya ang nurse na nakatingin sa kanila. "Crawford, bumalik ka na lang sa trabaho mo. Okay na ako dito."

"Are you sure? Gusto pa kitang ihatid sa inyo…"

She shook her head. "Kaya ko na ang sarili ko. Ayokong makaabala."

He hesitantly stood up and kissed her forehead. "Sige, tatawagan kita."

"Sir Crawford, ihahatid ko na po kayo sa labas," kinikilig na sabi ng nurse.

She let out a sigh and embraced herself. Malamig ang pakiramdam niya nang umalis si Crawford. Parang may kulang kapag wala ito.

He is not yours, Nicola. He will never be yours.