webnovel

Soon to be Married with my Enemy (Finished)

Paano kung ang lalaking pinakaayaw mo sa buong mundo ang nakatadhana pala para pakasalan mo?

Missrxist · Masa Muda
Peringkat tidak cukup
21 Chs

Thirteen

"PAGMAMASDAN mo na lang ba 'yang registration sheet o magfi-fill up ka dyan?" mula sa likuran ni Chyn ay nalingunan niya si Toffer na nakangitin sa kanya.

Naroon siya sa registration area—para sa gaganaping sportfest—pero hanggang ngayon ay nalilito pa rin siya kung magsa-sign ba siya doon para sumali o kung muling palalagpasin ang pagkakataong 'yon. Mabuti na lang at wala 'yong registrar kaya hindi siya napi-pressure sa pagde-decide niya. Two days from now ay sportfest na nila at last registration na bukas.

No'ng nakaraang taon ay hindi siya sumali dahil naroon pa rin 'yong takot na nararamdaman niya—ngunit nagdadalawang isip siyang sumali—bukod sa gusto uli niyang maramdaman ang kasiyahan at maging proud ang pamilya niya sa kanya, gusto rin niyang muling subukan ang sarili niya—unfortunately ay pinanghihinaan siya ng loob.

"H-Hindi ko alam, e." naguguluhang wika niya.

Nagulat na lang siya nang guluhin ni Toffer ang kanyang buhok. "Kung gusto mong gawin ang isang bagay, huwag mong pipigilan ang sarili mong gawin 'yon, kaysa habang buhay mo 'yong pagsisisihan." Saka ito napabuga ng hangin. "Make yourself and your family proud. Do it not just for yourself but for those people who believes in you. Kahit manalo o matalo ka naman e, nandyan pa rin sila para sa 'yo. Pasayahin mo sila habang nariyan pa sila." Makahulugang wika nito, saka niya nakita ang biglang paglungkot ng mga mata nito.

"Okay ka lang?" Bigla ba itong nalungkot dahil sa pag-alis ni Reneé papuntang Europe para sumali sa isang piano competition? E, babalik pa naman ito anytime of these days.

"I'm okay." Anito, saka ito kumurap-kurap at tumingala sa kisame bago ito muling bumaling sa kanya. "Ano magsa-sign ka ba o hindi?"

"Ikaw, saan ka sasali?"

"Basketball and tennis."

Nanlaki ang kanyang mga mata. "Wow!"

Tumatango ang binata sa kanya. Napahawak si Chyn sa baba niya para makapag-isip—para kasing gusto niyang sumali na hindi, e—o, baka natatakot pa rin siya. "Don't tell me you're afraid to lose? Wala namang mawawala sa 'yo kung sasali ka. Hindi ka na nga nag-aaral nang mabuti para masali sa dean's list, mahihiya ka pa ba dito—kung saan ka nag-e-excel?" marahil ay naikuwento ng madaldal niyang kapatid ang tungkol sa hilig niyang ito. Pero imbes na mainis siya sa sinabi nito ay napatulala siya dahil sa cute na smile nito. Putik! Kahit lait-laitin pa siya nito—kung ganito ang reward niya, bring it on! Hinding-hindi siya gaganti dito! "Hey, are you okay? Hindi ka yata napipikon ngayon?"

Mabilis siyang nag-iwas ng tingin sa lalaki. My gosh! Tinamaan na yata siya ng palaso ni kupido sa lalaking ito? Daig pa niya ang high school kung kiligin kapag ngumingiti ito—ay mas malakas pa ang tibok ng puso niya sa tunog ng tambol. Sa palagay niya, nababaliw na siya! This is crazier than being a fangirl of Sandro Emir Lim!

She had tamed her crazy heart over Emir's charm. But I guess I can never tame my heart over Toffer! The reaction of her heart was outrageous, uncontrollable and untamable! Ano kaya ang virus nito at gano'n na lang siya kung maapektuhan dito?

"Hey," sabay pihit nito ng baba niya para mapatingin siya sa lalaki. "You don't look like okay, I think you're having a hot flashes—nagme-menopause ka na ba?" sabi pa nito, ngunit hindi siya nakasagot dito dahil sa mainit na kamay nitong nakahawak sa baba niya na siyang muling nagdulot nang malakas na tibok ng puso niya. And it's not a hot flashes—she's just blushing because of his sweet charm! "You're acting silly, Chynna Lee." Naiiling na sabi nito. Hindi na nga niya namalayan na wala ang kamay nito sa baba niya—ngunit hindi pa rin matanggal-tanggal ang pagtitig nito sa kanya na tila sinusuri kung ano'ng nangyayari sa kanya.

Nang yumuko siya ay yumuko din ito para tumapat ang mukha nito sa kanya at patuloy ang pagsusuri na ginagawa nito sa kanya, mas lalo tuloy bumilis ang tibok ng puso niya—hindi na siya makahinga at nakaka-concious, kailangan na niyang dumistansya sa lalaking ito, hindi siya pwedeng magkagusto dito!

Malapit na ang engagement nila at kahit gustuhin man niyang matuwa, hindi niya magawa dahil si Reneé naman ang gusto nito—ito ang mahal ni Toffer at alam niyang gagawa ang tadhana para sa mga ito—dahil ang dalawang ito ang true lovers!

Mabilis na siyang tumalikod sa lalaki at akmang maglalakad na siya paalis sa harapan nito ay mabilis nitong nahila ang kanyang kamay—with force—dahilan para mapalapit ang mga katawan nila sa isa't isa at lumapat ang mukha niya sa dibdib nito, dinig na dinig tuloy niya ang tibok ng puso nito—na agad niyang hiniling na sana ay pangalan na lang niya ang naririnig doon.

Hindi siya kaagad nakaalis sa pagkakalapit sa lalaki dahil biglang nanlambot ang kanyang katawan sa labis na kaba. Hanggang sa maramdaman niyang hinawakan ni Toffer ang magkabilang balikat niya para ilayo sa katawan nito, napilitan tuloy siyang salubingin ang mga titig nito. Napalunok siya nang mariin nang makita niya ang biglang paglambot ng expression ng mukha nito. Hindi siya sanay sa maamong Toffer na nakikita niya at ayaw rin niya nang ganito—dahil mas lalo siyang nababaliw! He's very charming and she can't take it anymore!

Pero nagulat siya nang ito na mismo ang dumistansya sa kanya at biglang nag-iwas ng tingin. Nagtaka tuloy siya, ano ang nangyari dito?

"I-Isulat mo na 'yong pangalan mo sa registration sheet, malapit na ang klase mo." Anito, kaya mabilis naman siyang napatingin sa relo niya—fifteen minutes na lang at mag-i-start na ang klase niya. Alam nito ang schedule niya? Nakalagay po kasi sa bulletin board ang schedules niyo! Mabilis na sagot ng isipan niya.

Huminga siya nang malalim at bumuga ng hangin saka saglit na nagdasal para humingi ng gabay, kaya sa huli ay nag-sign na siya. Bahala na! Tama si Toffer, wala namang mawawala sa kanya kung susubukan niya. Hindi na siya takot matakot!

"Its Biochemistry department versus Marine biology department—in basketball game, exciting isn't it?"

Sabay silang napalingon ni Toffer sa lalaking nagsalita sa kanilang likuran—nagulat pa siya nang makita niyang si Emir 'yon. Ngumiti ito sa kanila, kaya gumanti rin siya dito. At tama siya, nako-kontrol niya ang puso niya pagdating kay Emir, ngunit hindi kay Toffer!

"Hi Emir!" nakangiting bati niya.

"Hello, there!" bati rin nito sa kanya, saka ito yumuko sa harapan niya at pinisil ang magkabilang pisngi niya—na ikinagulat niya. "What sport are you going to join?" nakangiting sabi nito.

Hindi niya agad nasagot ito nang mabilis siyang hinila ni Toffer sa tabi nito. "She's joining the marathon." Si Toffer ang sumagot.

"Oh! Hello there, cousin." Nakangiting bati nito sa kasama niya. "Magkakaharap ang department natin sa basketball game, so, good luck. May the best department win?" Anito, saka nito inabot ang kamay nito para makipag-shakehands na agad ding inabot ni Toffer. Saglit na tila nagkasukatan ng tingin ang mga ito bago bumitiw sa isa't isa. "Si Chynna Lee ba ang babaeng ipinagkasundo sa 'yo ni lolo?" mayamaya ay tanong ng lalaki pinsan nito, na ikinagulat niya. Paano nito nalaman?

"You're right," pag-amin ni Toffer. "So, stay away from her."

Tumawa si Emir at umiling. "Hindi ko siya liligawan dahil alam kong hindi na siya available—hindi tulad nang ginawa mo sa akin at kay Reneé." Natatawang sabi nito, ngunit may nahihimigan siyang hinanakit sa tinig nito kahit dinaan nito sa biro ang sinabi. "But I'm okay now, I've moved on."

"I didn't steal her away from you."

Tumango-tango ito. "Right! Pero niligawan mo siya kahit alam mong nanliligaw rin ako sa kanya."

Hindi kaagad nakasagot si Toffer. "Hindi ko intension na saktan ka, it's just that, I've also fell in love with her. At kung talagang mahal mo siya noon, dapat gumawa ka nang paraan para ikaw ang pinili niya, but you gave up."

Tumawa ito ng pagak. "Paano ko 'yon gagawin kung ikaw naman ang mahal niya? Hindi ba wasted efforts lang 'yon?"

"Look," nagpalinga si Toffer sa paligid, naaagaw na ng mga ito ang atensyon ng ibang mga estudyante sa paligid—siya man ay napapatulala sa diskunsyon ng dalawa—hindi niya kasi buong inakala na nagmahal ang dalawang ito ng iisang babae. Ang swerte naman ni Reneé, kainis! "Sa ibang lugar na lang tayo mag-usap."

"No, tapos na rin naman ako sa sasabihin ko. Nandito lang talaga ako dahil nakita kita at naalala ko na magkalaban ang mga team natin sa basketball." Ani Emir, saka na rin sumilay ang ngiti sa mga labi nito.

"Good luck din sa 'yo." Ganti ni Toffer.

Tumango lang si Emir bago bumaling sa kanya. "May nakilala na akong bagong babae na nakagising sa natutulog kong puso." Saka ito kumindat sa kanya bago muling bumaling sa pinsan nito. "How's lolo by the way? Is he taking his medicines?"

"Yes and he's doing fine."

"Okay. I'll visit lolo, tita at tito some other time, at pupunta ako sa," he mouthed the Engagement party at bago pa ito umalis ay tinapik nito ang balikat ng pinsan nito.

Napabuga na lang ng hangin si Toffer at napailing. Mukhang hindi magkasundo ang dalawang mag-pinsan, pero talagang nagulat siya sa mga nalaman niya—lalo na sa rough attitude ni Emir—na buong akala niya ay sobrang sweet. Nakakaloka!

HALOS tumalon-talon pati ang puso ni Chynna Lee sa pagchi-cheer kay Toffer sa paglalaro nito ng basketball game laban sa team ni Emir. Earlier ay ito ang nagkamit ng gold medal sa larangan ng tennis at ngayon ay kasalukuyan siyang nasa basketball court para i-cheer ito sa laro nito, kaya lang ay napapapalakpak din siya sa tuwing nakaka-shoot si Emir, gayunpaman, mas nagchi-cheer siya kay Toffer.

Nagugulat nga ang mga kaibigan niyang kasama niyang nakaupo sa patron seat dahil sa pagkakaaalala ng mga ito ay pro-Emir siya, kung bakit bigla na lang nagbago ang ihip ng hangin at naging instant Toffer supporter na siya!