webnovel

SOON TO BE DELETED 3

--- Trigger Warning: Brutal and violent scenes ahead. Not for the weak heart --- Date started: November 4,2019 Date finished: June 13,2020

3IE · Masa Muda
Peringkat tidak cukup
97 Chs

♥♡ CHAPTER 79 ♡♥

♡ Syden's POV ♡

Mabilis kong kinuha ang kutsilyo sa bulsa ko nang salabungin kami ng napakaraming lalaki na tila tauhan ni Savannah. Iniharang naman ni Felicity ang kamay niya kaya natigilan ako at napahakbang papunta sa likuran niya na parang pinoprotektahan ako nito, "Anong kailangan nila sa atin?" tanong ko sa kanya na masama ang tingin sa mga lalaki.

I knew it. Kaya ba parang pamilyar siya sa akin? Parehong-pareho sila ng mata ni Dean, ang kilos at galaw din niya, parang nakikita ko si Dean sa kanya lalo na kung paano niya tignan ng masama ang mga lalaki sa harapan namin. Kapatid nga talaga siya ni Dean. Magkasintapang din silang dalawa na tila walang kinatatakutan.

"They have no choice but to kill all of us lalo na't nagkakagulo na ngayon." saad nito sa akin. Natigilan din ang grupo sa likuran namin dahil nakasunod sila. Aktong aatras kami ngunit may mga sumalubong din sa amin sa likuran kaya natigilan na lang kami, "Go." napatingin kaming pareho sa buong grupo nang magsalita si Clyde na ipinagtaka ko, "What?"

"We can't let him die. You need to save him so go. Kami ng bahala dito." saad pa niya kaya isa-isa ko silang tinignan na nakatingin din naman sa akin. Kitang-kita ko sa mga mata nila ang tiwala...tiwala na maililigtas ko si Dean kaya tumango ako, "Mag-iingat kayo." saad ko sa kanila na ikinatango naman nila bago nila nilusob ang mga kalaban na nakapalibot sa amin. Nagkatinginan kami ni Felicity at mabilis kaming tumakbo para puntahan si Dean habang nakikipaglaban ang grupo. Sa tuwing may nakakasalubong kami, mabilis namin silang pinapatumba kahit na medyo mahirap.

Pagkababa namin sa ground floor ay mabilis kaming lumabas ng building kaya hindi ko maiwasan na mapatingin sa paligid. Maraming parte ng campus ang nasusunog habang patuloy pa rin sa pagtakbo at pagsigaw ang iba na hindi na rin alam kung saan pupunta. Nakikita rin namin ang mga miyembro ng dark eagle na kinakalaban ang mga estudyante kaya nagkalat ang dugo sa dinaraanan namin.

Sinundan ko siya hanggang sa makapasok kami sa Death building, tahimik at walang katao-tao. Habang papalapit kami sa isang kwarto na nasa pinakadulo, hindi ko maiwasan na kabahan dahil hindi ko alam kung ano ang sitwasyon niya ngayon. Napansin ko rin si Feli na nanginginig. Muli kaming napatingin sa pintuan ng may sumalubong ulit sa amin na mga kalaban.

Hinila niya ulit ako papunta sa likuran niya at sinamaan muli sila ng tingin. Tumingin siya sa gilid niya at nagsalita, "Room 13." saad niya na ipinagtaka ko, "He's waiting for you. I'll take care of this." hinarapan niya sila kaya naintindihan ko na ang ibig niyang sabihin. Tinalikuran ko naman siya at tumakbo hanggang sa matanaw ko ang kwarto na sinasabi niya na nasa pinakadulo.

Pagpasok ko sa loob ng kwarto, unti-unti akong nanghina nang sumalubong sa akin ang isang lalaking nakabigti. Nakatalikod ito sa akin kaya hindi ko makita ang itsura niya. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng takot nang magmukha itong pamilyar sa akin. Nilakasan ko ang loob ko at unti-unting pumunta sa harapan niya para makita ko ang itsura nito.

Napatakip ako ng bibig nang tuluyan ko siyang makilala. Tila bigla akong hinugutan ng hininga at nanlamig ako sa nakita ko, "J-julez?" hindi ko na napigilan na umiyak nang makita ko ang itsura nito. Wala ng buhay ito at alam kong masaklap ang nangyari sa kanya nang makita ko ang isang almbre na nakatali sa bibig niya.

Mabilis kong tinignan ang pinakadulo ng tali na nakatali malapit sa pintuan kaya lumapit ako doon at halos hindi ko na maikalas ang tali dahil sa panginginig ng mga kamay ko. Kusa ko na lang naramdaman ang tuluy-tuloy na pagtulo ng mga luha ko. Dahan-dahan ko siyang ibinaba at muling nilapitan.

Hindi ko siya magawang tignan dahil sa ginawa nilang pagpatay sa kanya. Halos malapnos na rin ang bibig nito dahil sa higpit ng pagkakatali ng alambre sa bibig niya, "J-julez?" saad ko dito at tila mawawalan ako ng boses anumang oras. Napaupo ako at ipinatong ang ulo niya sa mga hita ko. Maigi kong pinutol at tinanggal ang alambre na nakatali sa bibig nito, "W-why did they do this to you? S-sinong gumawa nito sa'yo?" saad ko na hindi na napigilan ang sarili sa paghagulgol, "A-anong ginawa mo..p-para ganituhin ka nila?" maayos kong tinignan ang mukha nito at punung-puno ng dugo ang parte ng bibig nito. Mas napaiyak na lang ako nang makitang nangingitim na rin siya.

Unti-unti kong naalala lahat ng alaala na meron kami. He's younger than me but I already treated him just like a real brother, "S-sorry kung ngayon lang ako nakarating...I-i never knew na...n-nahihirapan ka rin pala. Y-you should have told me the truth para hindi ka na nahirapan." hindi ko na napigilan ang sarili ko at niyakap ko siya habang nanginginig ako at bumabalik ang bigat at sakit na nararamdaman ko, "I-i'm sorry...m-my little brother...ni hindi ko nagawang magpasalamat sa'yo sa lahat-lahat...sorry for being late...h-hindi ko man nagawang sabihin sa'yo pero...i-ikaw ang isa sa mga pinakamatapang na taong nakilala ko..." he had his own world through reading books, he's a complete genius. Isang bagay lang ang pinagsisisihan ko sa mga oras na 'to, ang hindi ko nagawang sabihin sa kanya kung gaano siya kahalaga sa akin.

Maayos ko ulit siyang tinignan para sabihin ang mga huling salita na gusto kong sabihin, "T-thank you for protecting all of us...and thank you for all of your sacrifices. Your brother Zorren must be really proud of you...may you rest in peace, Julez." at dahan-dahan kong hinalikan ang noo nito.

Dahan-dahan ko siyang binitawan at hindi ko man gustuhin na iwan siya, kinailangan ko ng tumayo. Tumingin ako sa paligid hanggang sa matigilan ako nang mapatingin ako sa isang sulok. There I saw him. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at natigilan sa mismong harapan niya.

Kagaya ng sinabi ni Feli...punung-puno siya ng sugat, duguan, namumutla na rin ito at pinagpapawisan. Kitang-kita ko rin na nanghihina na siya. Dahan-dahan akong lumuhod para makita ng maigi ang mukha nito at mas lalo pa akong nanginig. Nakapikit siya ngunit rinig na rinig ko ang lalim ng paghinga nito. Unti-unti kong hinawakan ang pisngi niya gamit ang isa kong kamay at nanlabo ang paningin ko nang magtuluy-tuloy ang pagtulo ng mga luha ko, "M-muffin...I'm here." bulong ko dito hanggang sa makita kong bahagya niyang iminulat ang mata niya kasabay noon ay ang bahagyang pagngiti nito, "I wish...this isn't a dream." mahinang saad nito kaya umiling ako at muli siyang napapikit, "N-no! This is not a dream. I'm really here. So please, will you stay with me forever from now on?" tanong ko sa kanya kaya bahagya itong umiling habang pinipilit pa rin ang pagngiti.

"I never left you, s-sweetie." pagpupumilit nito sa pagsasalita kahit na hirap na hirap na siya kaya ngumiti ako at tumango. Lalo na lang akong napaiyak nang maalala ko kung ano ang naging sitwasyon niya habang wala ako, "I know. So please don't leave me yet." saad ko at mas naririnig ko pa ang palalim ng palalim na paghinga niya kaya hinawakan pa ng isa kong kamay ang kabilang pisngi nito para iharap siya sa akin, "You have to fight for the both of us. Marami pa tayong pangarap dba?" tanong ko sa kanya na hindi na magawang imulat ang mata niya kaya mas inilapit ko pa ang mukha ko sa kanya, "C-can you even hear me?" nag-uumpisa na akong mataranta dahil pakiramdam ko hindi na niya imumulat ang mga mata niya.

"Wake up. Open your eyes please, h-huwag mo namang gawin sa akin 'to." pakiusap ko sa kanya habang umiiyak ako. Bahagya niyang iminulat ang mata niya at nang makita niya ako ay muli siyang ngumiti, "Go." mahinang saad nito kaya umiling ako, "N-noo! Hindi ako aalis dito nang hindi kita kasama so please, lumaban ka din naman para sa ating dalawa!"

Hindi nawala sa labi nito ang ngiti niya na alam kong pinipilit niya lang. Dahan-dahang hinawakan ng isa niyang kamay ang pisngi ko kaya mapait akong ngumiti, "I had been fighting not for me...but for you, sweetie. So please, leave and save yourself for me."

"H-hindi kita iiwan ng mag-isa dito! Gusto ko magkasama tayo! A-ang dami pa nating dapat na pag-usapan-- " natigilan ako nang ilipat niya ang kamay niya sa batok ko. Pinilit niyang lumapit sa akin at pinagdikit ang mga noo namin habang kitang-kita ko ang pagpikit nito, "Huwag mo na akong pahirapan pa. I can't protect you now, sweetie. So pleaseee, iwan mo na ako. Soon...they will come to kill me." saad pa niya kaya napapikit din ako at mas napaiyak.

"M-my Dean Carson..." unti-unti kong naibaba ang mga kamay ko, "W-who did this to you?!?" mas lalo akong napahagulgol sa pag-iyak. It hurts seeing him like this. I can't even imagine kung anong klasing paghihirap ang naranasan niya para lang sa akin. Kahit masasaktan siya, ginawa niya pa rin para sa akin.

"Please...go." saad pa nito kaya iminulat ko ang mata ko at kitang-kita ko ang pagdaing niya dahil sa sakit na nararamdaman nito. Napatingin ako sa tagiliran niya at nakita kong may saksak siya, "Y-you know that I never really meant those words, right?" bumalik ang tingin ko sa kanya at nakita kong nakatingin siya sa akin. His eyes were full of sadness and pain.

"I-i know." saad ko dito na ikinangiti niya. Lahat ng masasakit na salitang sinabi niya, alam kong hindi totoo lahat ng 'yon, "I'm sorry...for hurting you...y-you don't deserve me anymore...I can't see you get killed because of me...d-do you still love me, my Bliss Syden?"

"Of course. I still love you."

"If you really love me...umalis ka na. Iwan mo na ako. Knowing that you are safe is already enough for me." saad pa niya na ikinailing ko lalo na ng unti-unti niyang ibinaba ang mga kamay niya, "But knowing that you're not safe is not enough for me!" saad ko. Mas nakaramdam ako ng takot nang makita ko nakapikit ulit siya at hindi na gumagalaw. Napatingin ako sa pintuan ng makarinig ako ng mga ingay na tila may paparating kaya muli ko siyang hinarapan, "I'll come back for you. So pleaseee, come back to me soon!" pakiusap ko na kinuha ang kutsilyo sa sahig at mabilis na tumayo ngunit bago ko pa man magawa 'yon ay napaharap ako sa kanya ng hawakan niya ng mahigpit ang kamay ko at hinila papunta sa kanya kaya nagkatapatan ang mukha namin.

"Hide somewhere. Let them kill me...and escape." bulong nito kaya hinawakan ko ang kamay niya para bitawan ang kamay ko, "Kung hanggang dito na lang talaga, then I'm willing to die with you. It's either we save each other or die for one another." bago ka nila mapatay, dadaan muna sila sa akin.

Bago ako tuluyang tumayo, ipinalupot ko ang kamay ko sa leeg niya para halikan siya. Kung hindi mo na kayang lumaban, ako na ang lalaban para sa'yo. Pagkatapos noon ay mabilis ko na siyang tinalikuran at natanaw ko ang mga kalaban sa labas kaya paglabas ko, isinara ko rin ang pinto kasabay noon ay ang pagsalubong nila sa akin. Napatingin ako kung saan ko iniwan si Feli kanina at wala na rin siyang malay na nakahiga sa sahig.

Napahigpit na lang ang hawak ko sa kutsilyo habang nakatingin ako sa kanila. There were totally nine of them at kagaya ng sinasabi namin sa grupo, hindi sila madaling patumbahin kaya alam kong mahihirapan ako pero kailangan kong kayanin...this time hindi para sa akin pero para sa kanya. They would have to kill me first bago nila siya mapatay. Alam kong lalaban siya at hindi ako iiwan, kaya ganon rin ang gagawin ko. Hayaan mong ako naman ang lumaban para sa'yo.

Mabilis ko silang nilusob kaya isa-isa rin nila akong nilabanan. Patuloy ako sa pag-atake at pag-iwas habang isa-isa ko silang nilalabanan. Mabilis ko silang inaatake ngunit mabilis rin nila itong naiiwasan hanggang sa tuluyan kong masugatan ang isa sa braso nito kaya napahawak siya dito at napatingin sa akin kasabay ng pagtulo ng dugo mula sa sugat niya.

Nginitian ko siya ng masama kaya muli niya akong nilusob na mabilis ko rin namang naiwasan. Napayuko ako para iwasan ang kutsilyong hawak niya hanggang sa maramdaman ko ang pagdaloy ng talim ng kutsilyo sa leeg ko kaya napahakbang ako paatras habang isa-isa naman nila akong pinalibutan. Hinawakan ko ang leeg ko gamit ang isang kamay at nang tignan ko ang kamay ko ay may dugo na ito. Naramdam ko na rin ang pagtulo ng dugo mula dito.

Mas napaatras ako nang lumapit sila sa akin kaya sinamaan ko sila ng tingin at maayos na tumayo para muli silang kalabanin. Sabay-sabay nila akong nilusob kaya yumuko ako at mabilis na umikot para sugatan ang mga binti nila dahilan upang mapaatras silang lahat kaya kinuha ko na ang pagkakataon para atakihin sila.

Nagawa kong patumbahin ang dalawa sa kanila ngunit pagkatapos noon ay muli akong nadaplisan ng kutsilyo sa tagiliran ko kaya nakaramdam ako ng panghihina lalo na't alam kong malalim ang sugat na natamo ko. Naramdam ko ang presensya ng tao sa likuran at magkabilang-gilid ko kaya muli akong yumuko at malalim na ipinadaplis ang hawak kong kutsilyo sa binti nila dahilan upang mapaluhod muli ang tatlo. Alam nilang hindi na sila makakalaban kaya hinayaan ko na lang sila lalo na't may apat pang natitira sa harapan ko.

Mabilis ko silang nilusob ngunit tila bigla akong nawalan ng balanse nang makaramdam ako ng pagkahilo kaya nabitawan ko ang kutsilyo at napahakbang paatras. Gustuhin ko mang tignan ang paligid pero hindi ko magawa. Painit ng painit ang nararamdaman ko sa katawan ko at naninikip ang dibdib ko hanggang sa maramdaman ko ang mahigpit na paghawak sa leeg ko. Tila unti-unti akong nalalason.

Marahas akong itinulak ng isa sa kanila papunta sa pader at unti-unti akong sinasakal nito kaya napahawak ang parehong kamay ko sa nag-iisang kamay niya na hawak-hawak ang leeg ko. Alam kong kapag nagtagal pa 'to ay tuluyan niya akong mapapatay. Nakita kong pumasok ang tatlo sa kwarto kung nasaan si Dean kaya sinubukanng maghanap ng armas ng kamay ko. Nahawi ko ang isang kutsilyo sa bulsa ng lalaking nakahawak sa akin kaya mabilis ko 'yong kinuha at sinaksak siya sa tagiliran dahilan para mabitawan niya ako.

Mabilis akong pumasok sa loob at sinaksak ang isa sa likuran nito kaya napasigaw siya at itinulak ko papalabas dahilan para mapahiga ito sa sahig. Napatingin naman ang dalawa sa akin at nilusob ako kaya mabilis ko ring nasaksak ang isa sa balikat nito. Hinila ko ang kutsilyo papalayo sa kanya at itinulak din siya sa labas. Pagkatapos noon ay mabilis kong isinara ang pintuan at hinarapan ang natitira pang isa.

Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang mabilis niyang naihagis ang kutsilyo sa gilid ng ulo ko kaya tumama 'yon sa pintuan. Lumapit siya sa akin ngunit hindi ako nakagalaw nang muli kong naramdaman ang pagkahilo at paninikip ng dibdib. Mahigpit niyang hinawakan ang buhok ko at malakas na sinampal kaya natagpuan kong nakaupo na lang ako sa sahig habang ramdam ko pa rin ang sakit na nararamdaman ko at ang sakit ng pagkakasampal niya sa akin.

Kusa akong napaubo hanggang sa maramdaman ko ang panlalabo ng paningin ko at tila may nalalasahan akong kakaiba mula sa bibig ko. Mula dito ay may tumulong dugo sa sahig na ikinabigla ko. Hindi ako makatayo hanggang sa mapatingin ako sa direksyon ni Dean na hindi pa rin gumagalaw kaya pinilit kong gumapang papunta sa kanya habang alam kong sinusundan ako ng lalaki. Paulit-ulit akong napaubo at mas marami pang dugo ang lumabas na ikinaiyak ko na. Bakit ganito ang nararamdaman ko?

Aktong hahawakan ko si Dean ay ang mahigpit na paghawak ng lalaking 'yon sa buhok ko at sapilitan akong ipinatayo habang nag-uumpisa na ako sa pag-iyak dahil sa magkahalong-sakit. Nakikita ko siyang wala pa ring malay sa harapan ko habang nasa likuran ko ang lalaki at patuloy pa rin ang paglabas ng dugo mula sa bibig ko, "He's already dead." bulong nito sa akin na ikinailing ko, "N-nooo! He's not yet dead-- " at napadaing ako ng higpitan niya pa ang pagkakahawak sa buhok ko.

Iniharap niya ako sa pintuan kaya hindi ko na makita si Dean dahil nasa likuran na namin siya, "And we're also going to kill you." mas napaiyak na lang ako ng sabihin niya 'yon. Itinapat niya sa leeg ko ang kutsilyo kaya naramdaman ko ang talim nito.

Ngunit narinig ko ang pagsigaw nito ng malakas kaya nabitawan niya ako. Unti-unting namamanhid ang katawan ko kaya napahiga ako sa sahig habang patuloy pa rin sa pag-ubo ng dugo. Nakita kong mahigpit na nakapalupot sa leeg ng lalaki ang braso ni Dean kaya hindi ito nakagalaw. Nanginginig na hawak ni Dean ang isang kutsilyo at sinaksak 'yon sa leeg ng lalaki kaya sabay silang bumagsak sa sahig. Kahit mahirap, pinilit kong gumapang papalapit sa kanya habang sobra na ang pagkahilo na nararamdaman ko at walang tigil sa pag-iyak.

Lalo akong nawalan ng kontrol nang mamanhid na rin ang buong katawan ko at bumagsak ako habang papalapit sa kanya. Sinubukan kong abutin ang kamay niya ngunit bago ko pa man magawa 'yon ay kusa na ring nagdilim ang paligid ko.

To be continued...