webnovel

SOON TO BE DELETED 3

--- Trigger Warning: Brutal and violent scenes ahead. Not for the weak heart --- Date started: November 4,2019 Date finished: June 13,2020

3IE · Masa Muda
Peringkat tidak cukup
97 Chs

♥♡ CHAPTER 72.5 ♡♥

♡ Dean Carson's POV ♡

When we finally reached the room kung saan inilipat ng grupo ang dalawang lalaki na nakasama ni Syden sa club noong gabing 'yon, sakto naman na nakita naming lumabas si Dave mula sa kwartong 'yon. Back then, we decided to keep an eye on them everyday at siguraduhin na hindi sila makakatakas kaya alam namin ang rason kung anong ginawa ni Dave doon. Tinignan niya ang paligid kaya't mabilis kaming nagtago ni Oliver at isinara niya ang pinto bago siya tuluyang umalis. Nang masiguro namin na nakalayo na siya, tinignan ko si Oliver at tumango siya kaya mabilis kaming lumapit sa tapat ng kwarto. May kinuha itong pin sa bulsa niya para buksan ang pintuan habang tinitignan ko naman ang paligid.

Nang tuluyan niya itong mabuksan ay tinignan niya ako, "Don't worry, I'll make it fast. Sabihan mo agad ako kapag may paparating." saad ko na ikinatango naman niya kaya nilagpasan ko na siya at dumiretso sa loob. Nadatnan kong madilim ang buong kwarto ngunit naaaninag ko pa naman ang nasa paligid ko. Inilibot ko ang paningin ko hanggang sa makita ko ang dalawang lalaki sa gitna habang nasa sahig at nakagapos. Wala silang malay at alam kong hirap na hirap na sila. Kung hindi lang sana nila siya ginawan ng masama, they wouldn't have to experience this.

Hindi na ako nakapag-pigil pa at sinipa ko ang isa sa kanila dahilan para magising ito. Nang makita niya ako ay bigla na lang siyang napaupo at napaatras kaya nagising na rin ang katabi niya na ganon din ang naging reaksyon nang makita ako, "P-please, d-don't kill us." kinakabahan at nanginginig na saad ng isa sa kanila kaya lumuhod ako para tapatan sila, "Listen you two, your punishment will depend on how you are going to answer my question. Let's make this quick, understand?" tanong ko sa kanila na alam kong takot na takot.

"Tell me why did you to drug and insult my girlfriend that night in the club." seryosong saad ko habang seryoso rin na nakatingin sa kanila. Nagkatinginan ang dalawa na parang hindi alam ang gagawin, "Don't provoke me. Ang ayaw ko sa lahat yung pinaghihintay ako." dagdag ko pa. I'll do whatever it takes to make them speak.

"S-someone told us to do it." nanginginig na sagot ng isa na hindi makatingin sa akin ng diretso, "Who?" tanong ko kaya muli silang nagkatinginan at hindi mapakali. Wala ba silang mga dila para hindi masagot ng diretso ang tanong ko? I thought they did it because they had an interest towards her pero hindi pala.

"I-it was-- "

"Don't speak!" biglang saad ng kasama niya kaya napatingin kami dito, "Gusto mo bang mawalan kapag nagsalita tayo?!" galit na tanong niya na ipinagtaka ko, "What's the sense of having a tounge if you can't even speak?" tanong ko kaya napatingin sila sa akin at ngumiti ako ng masama, "Kapag nagsalita ba kayo may mawawala? Why?" dagdag ko pa.

"I-i'm s-sorry, Dean Carson...h-hawak niya ang mga mahal namin sa buhay-- that's why we can't tell you the truth...p-papatayin niya sila kapag nagsalita kami-- " itinaas ko ang kamay ko para patigilin siya sa pagsasalita, "Who?" diretsong tanong ko ulit na ikinatigil naman nila. Alam ko naman na ayaw pa rin nilang magsalita at hindi sila magsasalita kaya nakaisip ako ng paraan. I knew what they were trying to say at kung bakit takot na takot silang magsalita, "What if you tell me the truth...in exchange I'm going to save your so-called loved ones?" at unti-unti akong napangisi na ikinabigla naman nila ngunit tila nabuhayan sila ng pag-asa, "Is that enough for you to speak?" napayuko silang dalawa na tila nag-iisip hanggang sa tignan ako ng isa, "Don't ask me kung tutuparin ko ang pangako ko. I am a very horrible and terrifying person but I am not a liar." pahayag ko dahil base sa itsura nito... mukhang nagdadalawang-isip siya kung tutupad ako sa pangako ko.

"Would you be kind to answer my question now or do I still need to force you?" dagdag ko pa.

"It was Savannah." sambit ng isa na nag-iwas ng tingin na ikinabigla ko naman, "Savannah?" hindi makapaniwalang tanong ko. That bitch?! Bakit hindi ko alam ang tungkol dito? Alam ba ni Phoenix?

"She told us to drug your girlfriend and make her life miserable inside that room. Hawak niya ang girlfriend namin kaya wala kaming nagawa kundi sundin ang gusto niya or else she'll kill them." saad ng isa na dinugtungan pa ng kasama niya, "We love them just like how you love her and we knew how you would feel kung sakaling gawin namin 'yon sa girlfriend mo. We kept on saying that...t-that we raped her dahil hindi niyo pwedeng malaman ang totoo but actually, we didn't really do it."

"But why does she kept on saying that she was raped?" tanong ko.

"What does she know? She had been drugged that time, Dean. Hindi niya alam ang totoong nangyari. We made her feel that way kaya niya nasasabi 'yon. But believe us, it's the truth. We never touched her. May girlfriend din kami and we can't also let that thing happen to them."

"Alam ba ni Savannah ang tungkol dito?"

"No. At hindi niya pwedeng malaman." sagot ng isa na diretso akong tinignan. All I could see in his eyes was full sincerity. So they were lying all this time at tiniis ang sakit para lang sa minamahal nila?

"I see." saad ko at tila nabunutan ako ng tinik sa dibdib. My Bliss Syden wasn't raped.

"Now is not the time for punishment." kinuha ko ang kutsilyo sa bulsa ko at mabilis silang kinalasan na ipinagtaka nila, "Hawak pa rin ba sila ni Savannah?" tanong ko na ikinatango ng isa at nabigla sa ginawa ko.

"Kung dati pa lang nagsalita na kayo, you don't have to go through this."

"What do you mean?" nagtatakang tanong ng isa.

"I'm gonna distract Savannah. Make sure that you'll gonna save your girls." pahayag ko at nagkatinginan sila.

See? I told you na marunong akong tumupad sa usapan.

To be continued...

...FLASHBACK...

"How did this happen?!" galit kong tanong pagkapasok ko sa kwarto kung saan kami nag-uusap ni Phoenix, "Why the f*ck Leigh was also killed?!" tanong ko pa sa harap nito habang nakaupo siya at alam kong ikinabigla niya ang inasal ko. I didn't expect this sh*t to happen!

"Dean, Savannah will do everything para ubusin ang mga members mo kaya nga ginagamit ka niya hindi ba?" saad nito.

"I know that f*cking reason, Phoenix! But why the hell Leigh was killed?! Hindi na siya kasali sa grupo. She's a freaking Redblades!" I just couldn't stop my madness because of what happened.

"Why do you think your member did it?" tanong niya pabalik. I didn't expect na tratraydurin niya ang grupo and I wasn't aware that's why I was unable to save Leigh.

"Huwag ako ang tanungin mo. Talk to him and find the reason dahil siguradong unti-unti ng nilalason ni Savannah ang isip niya. You were watching how your member threw the knife at her, right?"

"And I was late to save her. Sean Raven was also there kaya nahirapan akong gumalaw."

"At sigurado akong ikaw ang mapagbibintangan because your member was wearing a mask."

"I know." napayuko ako at sandaling napaisip, "I will have no choice but to take the blame or else they'll kill him." saad ko at mabilis na naglakad papalabas. Nadatnan ko naman ang grupo ni Fortune na hinihintay ako. The second group of dark eagle.

"Follow me and don't attack anyone from my group." I said as I made my way across the hallway. Hindi nagtagal ay nakita ko silang dalawa kaya nakaramdam na ako ng galit. I saw how he really killed Leigh that night. Ilang gabi ko 'tong pinag-isipan dahil ayaw kong isipin na magagawa niya 'yon pero pati sina Caleb at Stephen ay nagawa niyang atakihin. Hindi ko na palalagpasin 'to. At bakit pati si Leigh nadamay dito ngayong pinaalis naman sila?!

Paglapit namin sa kanila ay umatake naman si Dustin kaya dinedepensahan naman ng mga kasama ko ang sarili nila dahil sa utos kong huwag nilang aatakihin ang mga members ko. Mabilis kong hinawakan ng mahigpit sa damit si Oliver at itinulak sa pader, "You must have put a good act there, Oliver." saad ko.

"You acted well too, Dean." sagot nito na nginitian ako ng masama kaya mas hinigpitan ko pa ang pagkakahawak sa damit niya, "What do you think you're doing, Oliver?!" galit kong sambit dito habang masama ang tingin namin sa isa't-isa, "You look so affected...why?" tanong nito na hindi ko sinagot, "Don't tell me you were just pretending all this time?" sarkastikong tanong nito.

"Whatever you're doing, itigil mo na 'to. Alam mo kung anong pwedeng mangyari kapag nalaman 'to ng grupo." mahina kaming nagkakasagutan habang abala pa din si Dustin sa pakikipaglaban. Paniguradong magtataka siya kung bakit hindi namin siya inaatake.

Napatingin ako sa kabilang direksyon at nakita sila Syden na papalapit sa amin. Paniguradong iisipin nila na balak kong patayin sina Dustin at Oliver. Ibinalik ko ang tingin kay Oliver at sinamaan siya ng tingin, "Hindi pa tayo tapos. Babalikan kita." saad ko bago namin sila tinalikuran dahil mahirap na kung aabutan pa kami nila Syden dito.

...END OF FLASHBACK...