♡ Syden's POV ♡
Pagkapasok naming dalawa sa kwarto ko, agad kong isinara ang pintuan at umupo sa kama ko habang siya nakatayo pa rin at nakayuko. Nagkibit-balikat ako at pinagtaasan siya ng kilay, "Anong pag-uusapan natin?" hindi ko alam kung paano ko ba siya dapat kausapin lalo na't alam kong lately, may problema siya sa akin dahil sa kung paano niya ako tignan.
Dahan-dahan itong tumingala kaya't nagtama ang mga mata namin, "I-i just want to say sorry, sa lahat ng nagawa ko." sambit nito at yung pagtingin niya sa akin, hindi na masama katulad ng date kaya natawa na lang ako, "Sorry for what?"
"I know lately, hindi naging maganda ang pakikitungo ko sa'yo."
"Ano bang ginawa ko sa'yo, Leigh?" tanong ko sa kanya.
Umiling ito at biglang umupo sa tabi ko, "Nothing. Wala kang ginawa and I just realized na mali ang naging pakikitungo ko sa'yo. I-i'm sorry...natakot lang ako." muli akong nagtaka sa sinabi niya lalo na't napayuko siya ulit.
"Natakot saan?" naguguluhang tanong ko.
"Natakot akong mawala siya sa tabi ko...that's why I did everything para ilayo siya sa'yo kasi ayaw kong magkaroon ako ng kahati sa atensyon niya." nang sabihin niya 'yon, bigla na lang siyang naluha at halatang nasasaktan kaya kahit papaano, nakuha ko ang ibig niyang sabihin.
"Do you mean, si Raven?" tanong ko dito na ikinatango naman niya, "Anong ibig mong sabihin, Leigh? Paanong nilayo?"
Dahan-dahan nitong hinawakan ang kamay ko habang nakayuko pa rin siya at lumuluha, "Since the day na nangyari sa'yo 'yon, walang segundo at oras na hindi natataranta si Sean dahil sa sobrang pag-aalala niya sa'yo. I saw that as a brother, he really cares for you. Hindi siya mapakali at parang gustung-gusto niyang pumatay para lang gantihan ang mga gumawa sa'yo noon. Sa lahat ng tao, siya ang nagpakita sa akin ng tunay na pagmamahal na ni minsan, hindi naibigay ng iba sa akin. No one could describe how much I love him at alam kong mahal na mahal niya rin ako because of all the sacrifices that he did for me. Natakot ako...na baka sa sobrang pag-aalala niya sa'yo, makalimutan niya ako at mawalan siya ng oras sa akin. That's why..." sandali itong natigilan bago muling nagsalita at mas naiyak pa siya, "Sa tuwing magpapalaam siya sa akin na pupuntahan ka niya, hindi ko siya pinapayagan. Maraming beses niyang pinilit na puntahan ka, but I ended up saying to him na kapag itinuloy niya ang balak niya, pagsisisihan niya...because I know how much he loves me, alam kong kapag sinabi ko 'yon, susunod siya sa gusto ko. Alam kong nasaktan ko siya and I became selfish. I know between the two of us, mas pipiliin ka niya...but because I scared him enough using my words, ako ang pinili niya kahit nahihirapan siya."
Dahil sa lahat ng sinabi ni Leigh, mas lalo pang nanikip ang dibdib ko. Although I knew na hindi gagawa ng hakbang si Raven without any reason, I chose to let him go without even letting him speak. Kaya pala...kaya pala noong magkita kami ng gabing hintayin namin si Dean, parang nangungusap ang mga mata nitong nakatingin sa akin pero wala siyang magawa. Ang sakit isipin na bukod sa akin, nahihirapan din pala siya.
"You know what, Leigh? If you really love him, hindi mo siya pahihirapan ng ganito. Hindi mo siya kokontrolin sa lahat ng bagay at hindi ikaw ang magsasabi sa kanya kung ano ang dapat at hindi niya dapat gawin. Can't you see? Nahihirapan siya. Hindi mo ba na-realize 'yon?" tanong ko sa kanya at gusto kong magalit, pero hindi ko magawa.
"I know that was the biggest mistake na nagawa ko sa buhay ko. I thought he would love me more because of what I did but I ended up hanging. Akala ko mas mapapalapit pa siya sa akin pero ako itong nagtulak sa kanya palayo sa akin. That's why I'm here to say my apologies. I can't blame you kung hindi mo ako kayang patawarin dahil nagalit ako sa'yo at sinaktan ko si Sean because of my selfishness. Alam kong mali, that's why I'm making this right. Itatama ko lahat ng pagkakamali ko kahit alam kong masakit. Ako lahat ang may kasalanan nito not him. So please, forgive him. You must really be lucky for having a protective twin brother, I'm sorry for hurting the both of you." pinunasan niya ang mga luha niya at agad na tumayo. Mabilis siyang naglakad papalabas ng kwarto ko habang umiiyak pa rin.
I could see na sobrang nasasaktan din siya at naiipit sa lahat ng nangyari. Kagaya ko, nasasaktan din si Leigh kaya hindi ko magawang magalit sa kanya. I can't forgive her yet but soon, may nagawa pa rin siyang hindi maganda sa aming dalawa ni Raven.
Napahilamos na lang ako ng mukha dahil sa lahat ng nangyayari. Tumayo na ako at lumapit sa pintuan para isara ito dahil nga sa biglaang paglabas ni Leigh. Hinawakan ko ang door knob para isara ito hanggang sa matigilan ako.
Kung nandito ka sana, hindi mangyayari ang lahat ng 'to. Nagkakagulo na ang buong grupo pero wala pa rin kaming ideya kung nasaan ka at kung anong nangyari sa'yo, Dean. Kailangan ka naming lahat. Hindi kami kumpleto kung wala ka at hindi maaayos ang gulong 'to. You promised before you left me, right? Kaya panindigan mo. Kahit gaano katagal, hihintayin kita basta bumalik ka lang. Miss na miss na kita. I hope you're okay. Naiisip ko na lang na kung nandito ka ngayon, siguradong magkayakap tayong dalawa.
Sinong yayakap sa akin bago ako matulog? Sino na lang ang magpapakalma kay Clyde kapag galit siya sa Phantoms? Sino na lang ang pagbabawalan ang Vipers kapag maingay silang nag-uusap usap o nagtatawanan? Miss ko na lahat ng 'yon. Nasaan ka ba? Anong nangyari sa'yo?
"Absent-minded again?" nagising na lang ako sa realidad ng marinig kong may nagsalita kaya napatingin ako dito, "Pwede ba akong pumasok?" tanong niya. Nagkatinginan muna kaming dalawa bago ako tumango at tuluyan na siyang pumasok kaya isinara ko na ang pintuan.
Umupo ako sa may lamesa habang siya naman, iniikot ang paningin sa kwarto ko. Matagal na rin kasi niyang hindi nakikita ang kwarto ko dahil nga madalas akong nasa kwarto ni Dean, "Leigh is not fine." saad ko kaya napatingin siya sa akin, "You should find her, kailangan ka niya." napayuko ito at alam kong malungkot siya pero nagpumilit itong ngumiti at tinignan ako.
"I know, pero mas kailangan mo ako ngayon, right?" tanong ni Raven na umupo sa harapan ko kaya natawa ako sa sinabi niya, "Ngayon mo lang ba na-realize 'yan?" saad ko na nakapag-pawala ng ngiti niya at muli siyang napayuko.
"Uhmmm, Sy...about that. I'm so sorry- " hindi siya makatingin sa akin ng diretso pero ng mapansin niyang itinaas ko ang kamay ko para patigilin siya sa pagsasalita, diretso siyang napatingin sa akin, "You don't have to explain everything. Leigh already told me what happened between the both of you, I understand, Raven." saad ko na ipinagtaka niya.
"P-pumunta siya dito?" tanong nito na napalunok pa kaya tumango ako.
"Kinausap niya ako. Nag-sorry siya because of what she did. Naiintindihan ko kung bakit niya nagawa 'yon sa'yo, natatakot siyang mawala ka sa kanya. At naiintindihan ko rin, kung bakit siya yung mas pinili mo, Raven. Bukod sa akin, minsan ka lang nagmahal ng iba kaya hindi kita masisisi kung gusto mong patunayan sa kanya kung gaano mo siya kamahal. I'm not mad, alam ko nasasaktan ka rin at nahihirapan." napatango na lang ito at muling napayuko.
"I'm sorry, for my absence when you needed me the most." saad niya at nakita kong napaluha siya pero agad niya ring pinunasan 'yon. Seeing him habang umiiyak, hindi ko maiwasan na maluha na rin. Yung sobrang naninikip na yung dibdib mo dahil sa sakit, pero mas lalong sumisikip dahil nararamdaman mo rin yung sakit na nararanasan ng iba. Mahirap labanan ang ganitong pakiramdam.
"Hindi kita nagawang ipaglaban kay Leigh...at hindi ko rin nagawa ang ipinapagawa ni Dean." nang marinig ko 'yon sa kanya ay nagtaka ako, "What do you mean? Ano bang pinapagawa ni Dean sa'yo?" tanong ko kaya nagkatinginan kami.
Pinunasan muna nito ang mga luha niya bago nagsalita, "The day before he left you, pinuntahan niya ako. Nakiusap siya sa akin na habang wala daw siya, ako muna ang magbantay sa'yo dahil bukod sa kanya, ako ang kaisa-isang taong lubusan mong pinagkakatiwalaan. He believed that he could trust me at bukod sa kanya, kaya kitang alagaan just like kung paano ka niya alagaan." tumigil siya sa pagsasalita at kitang-kita ko ang pamumula ng mukha niya dahil alam ko, sobrang bigat na ng nararamdaman niya sa ngayon.
"And then?" tanong ko.
Muli siyang napayuko at mapait na ngumiti, "I felt mad dahil alam na niya ang sitwasyon mo noon pero bakit pipiliin niya pa ring umalis, but also I felt more afraid dahil alam ko kung paano ka niya alagaan, na baka kapag ako ang pumalit sa sitwasyon niya habang wala siya sa tabi mo, baka hindi ko maibigay sa'yo ang klasi ng pag-aalaga na binibigay niya sa'yo. Nawalan ako ng tiwala sa sarili ko dahil baka hindi kita mapakalma sa tuwing iiyak ka, dahil siya lang ang may kayang gawin ang lahat ng 'yon. Hindi ako pumayag sa gusto niya at nasigawan ko siya ng madamay ang relasyon namin ni Leigh sa usapan. That was also the time na pinagbawalan na niya akong lapitan ka, kaya ganoon na lang ang galit ng Vipers sa akin dahil sa nagawa ko kay Dean at sa'yo simula ng magkaroon kami ng relasyon ni Leigh. Later, I realized na mali ako and I can't stop but to blame myself." the way he talks, alam kong sobrang lungkot niya...na parang gusto na niyang ilabas ang sakit pero hindi niya magawa dahil wala siyang mapag-sabihan.
"Since when, Raven? Kailan mo pa tinitiis ang sakit?" tanong ko at naluha na rin ako pero seryoso pa rin akong nakatingin sa kanya kaya tinignan niya ako, "W-what?"
"Alam kong nahihirapan ka pero bakit ngayon mo lang 'to sinasabi sa akin?!" galit kong tanong sa kanya dahil hindi ko maiwasang mag-alala dahil sa sitwasyon niya.
"I didn't have the chance to say what I really feel even though I really wanted to...kasi pakiramdam ko walang makikinig at makakaintindi sa akin. Hindi ko masabi sa'yo ang totoo kasi ayaw kong dagdagan pa ang problema mo, alam kong nahihirapan ka dahil sa nangyari sa'yo at dahil hindi pa nakakabalik si Dean. Ayaw kong mag-away kami ni Leigh dahil ayaw kong saktan siya kaya sumunod ako sa gusto niya. Hindi ko rin nasabi kila Dave dahil galit sila sa nagawa ko kay Dean at sa'yo. The whole group, they think na nakalimot kami kaya umiwas na rin sila sa amin ni Leigh. Ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na harapin ka...kasi hindi ko na kaya." sobrang lungkot na sabi nito kaya napatango ako.
"Kahit may sarili akong problema, tingin mo ba hindi kita maiintindihan?"
"I'm sorry, Sy. I didn't want all of this to happen."
"Walang may gusto sa atin na magkagulo ang lahat. Bawat isa sa atin, may rason kung bakit nakakagawa tayo ng hindi maganda, naisip ko na lang..." hindi ko mapigilan na makapag-isip ng malalim. Marami akong tanong pero hindi ko alam kung saan ko hahanapin ang sagot kaya nagtuluy-tuloy na ang pagluha ko.
"What if nalabanan ko sila? What if hindi nangyari sa akin 'yon? Kung nakalaban ba ako agad, hindi mangyayari ang lahat ng 'to? Sa akin nag-umpisa ang lahat ng 'to. May mali ba sa akin? Paano ba talaga maging malakas?" ang tagal kong tinatanong sa sarili ko, kung may mali ba sa akin. Bakit kailangan naming maranasan ang lahat ng 'to? Hindi ba pwedeng tahimik na lang at masaya? Bakit kailangan pa naming pagdaanan ang ganitong pagsubok?
"Walang mali sa atin, Sy. Siguro kailangan lang talaga nating malagpasan ang lahat hanggang sa maging malakas tayo without even realizing it." pahayag niya kaya pinunasan ko ang luha ko. Tumango ako at nagpumilit ng ngiti kaya't ngumiti rin naman siya.
"She needs you right now." tumayo ako at lumapit sa pintuan para buksan 'yon tapos hinarapan ko si Raven na nagtatakang nakatingin sa akin, "Sundan mo na siya." dagdag ko pa kaya dahan-dahan itong tumayo at lumapit sa akin, "Paano ka- "
"It's okay. Mas kailangan ka niya ngayon." putol ko sa pagsasalita niya kaya nabigla na lang ako ng yakapin niya ako ng mahigpit, "Thank you...for understanding." ngumiti ako at niyakap din siya.
"Matatapos din ang lahat ng 'to" I said to him kaya pagkatapos noon, lumabas na din siya agad.
Isinara ko na ang pintuan at napasandal na lang ako doon. Hindi ko mapigilang maiyak dahil sa mga sinabi ni Raven.
Nagawa mo pa lang makiusap sa isa sa mga members mo para lang hindi ako maiwang mag-isa, Dean Carson. Ayaw mo akong maiwang mag-isa pero bakit hindi ka bumalik?
Why are you doing this to me?
Still, your absence really hurts.
To be continued...