♡ Raven's POV ♡
Hindi ko ba alam kung bakit para akong tanga na pangiti-ngiti habang naglalakad sa hallway. Nahihibang na ba ako? May mga times pa na lumalawak ang ngiti, napapayuko at napapailing na lang na parang tanga talaga. Kung hindi lang dahil sa nangyari noong isang araw, hindi ako magkakaganito. Simula ng halikan ako ng babaeng 'yon, nagkakaganito na ako. Sana naman walang nakakapansin ng kahibangan ko dahil baka ipadala ako sa clinic at magpatawag sila ng psychiatrist.
Tinatahak ko ngayon ay direksyon papunta sa kwarto ni Leigh. Hindi ko ba alam dahil bawat minuto at segundo, hindi ako mapakali na parang hindi ako makahinga ng maayos kapag hindi ko nakikita na okay siya. Sigurado naman kasi akong hindi palalagpasin ni Kevin yung ginawang pagpapaalis sa kanya ni Leigh kaya eto, minu-minuto chinecheck ko lang lagay ni Leigh kung okay lang ba siya hanggang sa marating ko ang kwarto niya.
Nagtaka na lang ako dahil nakabukas ang pintuan eh sa tuwing pinupuntahan ko siya dito, palaging nakasara ang pintuan...hindi na ako nag-alinlangan na pumasok at tumambad sa harapan ko ang magulong kwarto niya kaya nakaramdam ako ng kaba at nagmadaling hanapin siya pero kahit sa cr...walang tao. Napaisip na lang ako habang kinakabahan na tinitignan ang magulong kwarto niya hanggang sa may maalala ako...don't tell me....
Agad akong lumabas at nagmadaling pumunta sa Blood Rebel's room kung saan madalas mag-usap ang buong grupo. Nadatnan kong nag-uusap sina Stephen, Caleb at Oliver at parang problemado sila. Isama mo na rin yung mga nagkakagulong members ni Clyde pati na rin ang Redblades. Wala sina Dean at Clyde habang si Roxanne naman, kausap ang mga members niya.
"Anong nangyayari dito?" tanong ko na nilapitan yung tatlo kaya napatingin sila sa akin.
"Ayon, nag-aalboroto si Clyde" saad nito na ipinagtaka ko. Kailan pa sila naging updated sa buhay ni Clyde. Kahit naman buo na ulit ang grupo, hindi pa rin namin makakalimutan yung mga ginawa ng Phantoms. Sa totoo lang, si Dean lang talaga ang malapit sa dalawang grupo ngayon.
"Bakit naman?" tanong ko. So kailan pa ako naging interesado sa lalaking nagpahirap sa amin ni Syden noong first day namin sa eskwelang 'to?
"Kanina niya pa kasi hinahanap yung member niyang si Kevin. Alam mo naman 'yon, kapag tinawag niya ang member niya, gusto niya nandyan agad kaya ayon, nagwawala at halos mabingi kaming lahat dito kanina kakasigaw niya sa mga members niya" pagkasabi niya doon, may naalala ako.
Si Leigh. Kung hinahanap ni Clyde si Kevin dahil nawawala ito, tama nga ang hinala ko na kinuha nanaman ni Kevin si Leigh, "Sean Raven, have you seen my dearest Gwen?" napatingin ako sa nagsalita at nakita ko si Roxanne. First time akong kausapin ng isang 'to kaya umiling ako, "Actually, hinahanap ko rin siya" sagot ko kaya tumango na lang siya at muling kinausap yung mga members niya. Halatang seryoso lahat sila.
"Tol, may problema ba?" tanong nila sa akin pero hindi ko na lang sila pinansin. Humanda sa akin ang Kevin na 'yan kapag nakita ko siya. Lumabas na ako sa kwartong pinasukan ko para puntahan si Dean at pagdating ko sa kwarto niya, nandoon nga siya. Paniguradong si Syden, tulog pa 'yon kaya wala pa siya dito. Kauma-umaga, ang daming problema. Medyo nakabukas ang pintuan kaya pumasok na ako, sakto namang kakalabas lang ni Dean sa cr at nagpapatuyo ng buhok gamit yung twalya niya.
Napatingin siya sa akin at alam ko naman na nagtataka siya sa biglaan kong pagpasok, "What's the matter? Kung hahanapin mo sa akin si Syden, pwes pupuntahan ko pa lang siya- " pagsasalita niya pero hinarangan ko siya. Tsk! Bahala na nga kung suntukin ako ni Dean. Ayaw niya kasing hinaharangan siya kapag nagsasalita siya. Hindi naman kasi si Syden ang pakay ko.
"Actually...hindi siya ang pinunta ko dito" saad ko kaya napaupo siya sa kama at tinignan ako.
"What do you want, Sean?"
Umupo ako sa nag-iisang upuan sa tapat ng lamesa niya at nagsalita, "It's all about her" pinunasan ko na lang ang buong mukha ko gamit ang dalawa kong kamay na parang problemado.
"Leigh?" tanong nito kaya tumango ako.
"Yes"
"I see. So what about her?"
"Sinasaktan siya ng gagong 'yon at naiinis ako. I mean Kevin, a member of Clyde, right?" tanong ko at napansing napangiti si Dean. Sigurado namang alam niya kung anong binabalak ko.
"So you're planning something?"
He's right. I really have a plan against that guy and I think it would be successful. For the mean time, kailangan ko munang hanapin ang lalaking 'yon.
"Pwede mo ba akong samahan kay Clyde?" tanong ko.
"For what?" nagtataka niyang tanong at binigyan ko siya ng isang napakasamang ngiti. Nagmana na ata ako sa leader namin.
"I know that smile, Sean. Fine, but nothing comes for free pagdating kay Clyde" saad nito. Alam ko naman 'yon but I am ready for this. Wala ng panahon para mag-alinlangan pa.
"I know but I have something against him" saad ko na mas lumawak pa ang ngiti.
"I like that attitude of yours" sagot naman niya na halatang natutuwa. Parang nagsama ang dalawang demonyo sa iisang kulungan but nevermind.
"Sa ngayon, hindi ko alam kung nasaan si Clyde. Pumunta ka na ba sa Blood Rebel's room?" tanong nito kaya tumango ako, "Oo, pero wala si Clyde. You badly need to find him, balita ko nagwawala daw siya dahil hindi mahanap si Kevin na sigurado namang magkasama sila ni Leigh. That guys is really getting into my nerves" saad ko na napakuyom ang kamay.
"Save that anger later kapag nakaharap mo na siya. Let's go" pahayag ni Dean dahil nakita niya ang itsura ko na gustong pumatay ng tao kaya pinakalma ko ang sarili ko kahit na ayaw ko. Lumabas na ito kaya sumunod na ako sa kanya. Hindi ko nga alam kung saan namin hahanapin si Clyde. Sana nga, kasama na niya yung Kevin na 'yon.
Kaya sumunod na lang ako ng sumunod kay Dean kahit hindi ko alam kung saan kami papunta, "I think I know where he is right now" saad niya kaya napatingin ako sa kanya, "Saan naman? Eh wala nga siya sa BR room dba?" tanong ko naman na ikinangiti niya. Ngitian ba naman ako, eh nagtatanong lang naman.
"In a place where we used to read books. Kapag gusto naming mapag-isa at magpalamig ng ulo" saad niya. Ano pa bang expect ko eh halos lahat naman ata ng bagay sa paligid nitong taong 'to, alam niya. Siguro sobrang init ng ulo ni Clyde ngayon, eh sa ilang weeks namin siyang nakakasama, bukod sa nag-aasaran silang dalawa ni Dean eh mabilis uminit ang ulo niya. Kumbaga sa kanilang dalawa, pikon si Clyde.
"We're here" saad ni Dean na sinipa ang pintuan ng isang classroom na punung-puno ng libro. Ngayon ko lang nalaman na may library pala sa building na 'to? Maikot nga ang buong building isang araw.
Pagkapasok namin sa loob, ang ineexpect naming katahimikan ng library na 'to, eh taliwas pala sa expectation namin dahil sa pagsigaw ni Clyde. Nakita naming nakaupo siya sa may tapat ng bintana at may hawak na sigarilyo habang sinisigawan ang tatlo niyang member na nakayuko na lang, "PAANONG HINDI NIYO ALAM KUNG NASAAN SIYA?! KUNG KINAKAILANGANG HANAPIN NIYO SA LAHAT NG KWARTO, GAWIN NIYO!" sigaw nito at nilapitan namin siya. Baka naman kami ang masigawan niya nito? Sabagay malayong sigawan niya si Dean.
"Easy Clyde. What's the matter?" tanong ni Dean na kalmado lang at hinarapan yung mga members ni Clyde, "Get out" saad niya na agad naman nilang sinunod kaya kaming tatlo na lang ang natira.
"Kauma-umaga, ang init ng ulo mo. Ano bang nangyari?" tanong pa ni Dean. Nilagay ni Clyde sa bibig niya yung hawak niyang sigarilyo at inalis din 'yon. Naglabas ito ng usok bago nagsalita, "Alam mo namang ang ayaw ko sa lahat, yung naghihintay ako dba? Hanggang ngayon hindi pa nila nakikita si Kevin. Humanda talaga ang lalaking 'yon sa akin kapag nagkaharap kami" galit na sabi nito habang nakatingin sa labas kaya tinignan ako ni Dean.
"Buti alam mong nandito ako?" tanong naman niya kay Dean kaya ngumiti ito, "Dito ka lang naman madalas na pumunta kapag mainit yang ulo mo. So calm down for a while because Sean Raven has something to say" pahayag niya kaya tinignan ako ni Clyde na halatang nagtataka.
"A viper has something to say? It's my pleasure so what is it?" tanong niya sa akin na unti-unti na ring napangiti ng masama.
"I want someone from your group" saad ko dito at nagkatinginan sila ni Dean. Masamang ngiti nilang dalawa ang sumalubong sa akin na parang naeexcite sa sinasabi ko.
"Sino ba?" tanong nito.
Bakit pa ba ako magpapaliguy-ligoy, "Kevin" nang sabihin ko 'yon ay natawa siya. Baka naman hindi ako pagbigyan ng isang 'to?
"So what do you want from him?" tumayo siya at binitawan nito ang hawak niyang sigarilyo at inapakan 'yon bago ako ulit tinignan. Para namang natutuwa ako sa tanong ni Clyde.
"I need him, alive. Malaki ang atraso niya sa akin lalo na't alam kong hawak niya si Leigh ngayon, Gwen I mean" pahayag ko. Sana naman pagbigyan niya ako, pero malaki ang tsansa na mapapayag ko siya.
"A member of mine against a Viper? Malaki din naman ang atraso niya sa akin but- " hindi ko na siya pinatapos.
"But you can't give him to me right?" harang ko sa kanya.
"Sean Raven, alam mo naman si Clyde. Traydor sa mga members niya" pagsasalita ni Dean habang nakangiti ng masama at nakikinig sa usapan namin.
"Of course I will let you have him...kahit huwag mo ng ibalik... lalo na't hindi siya sumipot sa meeting namin" saad niya na ikinabigla ko.
"So, do you mean?" saad ko at sabay-sabay na kaming napangiti ng masama.
"Sino ba naman ako para tumanggi sa isang Viper? Of course you can have him all. Ipaghiganti mo na rin ako, alright? Do whatever you want. Kill him, torture him or whatsoever, who cares if I am his leader, I don't care at all. Understand?" saad nito at sobrang saya ko. Humanda kang lalaki ka!
"Thanks for that. But in return- "
"No need to return anything" sagot niya na umiiling na parang okay lang na walang kapalit ang gagawin niya.
Napansin ko naman na napatingin sa kanya si Dean at parang hindi ito makapaniwala, "You asshole, is that true?" saad nito at binigyan lang siya ng masamang ngiti ni Clyde bilang sagot.
"Shut up Dean. I'm currently having a conversaton with a viper. Show some respect" saad nito at natawa silang dalawa. Napailing na lang din si Dean na parang hindi makapaniwala kay Clyde. They are really bestfriends at willing sila na itapon lahat ng nangyari dati just to build up their old friendship together.
That's what are friends for.
"By killing that guy. You are already doing me a great favor. Don't you worry, I will bring him to you...alive" pahayag ni Clyde sa akin.
"Rest well, once I find him, ihaharap ko siya sa 'yo...kasama si Leigh" saad nito. Tinalikuran na niya kami ni Dean at huling narinig ko na lang ay ang pagsasara ng pintuan.
Just you wait, Kevin. Baka nakakalimutan mong akin na ang taong dating sayo. How unfortunate for you to underestimate someone like me.
To be continued...