webnovel

SOON TO BE DELETED 3

--- Trigger Warning: Brutal and violent scenes ahead. Not for the weak heart --- Date started: November 4,2019 Date finished: June 13,2020

3IE · Masa Muda
Peringkat tidak cukup
97 Chs

♥♡ CHAPTER 14 ♡♥

♡ Syden's POV ♡

"Icah?" mahina kong sambit ng may pagtataka.

Mula sa kinatatayuan ko ay natigilan ako sa pagtakbo simula ng mapatingin ako sa may bintana. Dahan-dahan pa akong lumapit dito habang nakatingin sa may kabilang building. Nakita ko silang tatlo sa isang kwarto at kahit medyo malayo, kitang-kita ko na may mga grupo ng babae ang masamang nakatingin sa kanila. Patuloy ko silang pinanood hanggang sa tuluyan na ring umalis ang mga grupo ng babae na nakaabang sa kanila dahil nag-iba ang itsura ni Hadlee noong mga oras na 'yon. Kahit malayo ako, pansin ko na parang naging iba tao siya. Pagkaalis ng grupong kaaway nila, ay tila may mahalaga silang pinag-uusapan at nagkayakapan silang tatlo. Parang hindi okay sina Icah at Maureen. 

"Planning to escape? Ms. Fuentes?" bigla akong napatingin sa likuran ko ng makarinig ako ng boses.

"Sino ka?" pagtataka kong tanong dito. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa at napakaayos niyang tignan. Naka-coat siya at may suot na maikling palda. Nakaponytail din siya at simple lang ang ayos.

Naglakad ito papunta sa tapat ko pero hindi siya nakatingin sa akin dahil nakatingin siya sa kabilang building na tinitignan ko kanina, "You can't escape here. If you still want to live, I'm telling you to stop finding a way to escape" saad nito kaya nagsalita na rin ako.

"I'm not planning to escape. I just want...to save my friends" this time, ako naman ang napatingin sa kabilang building at nakita kong magkakayakap pa rin silang tatlo. They are trying to be strong kahit na alam ko at ramdam ko sa sarili ko na hirap na hirap na sila.

I just realized...

Did I ever ask myself kung kailan ako magiging matapang? 

Habang nakatingin ako sa kanila, yung kausap ko namang babae ang tumingin sa akin, "Instead of thinking ways how to save them, why don't you just think of yourself?" tanong nito kaya napatingin ako sa kanya.

"What do you mean?" tanong ko sa kanya.

Muli siyang tumingin sa kabilang building at nagsalita, "Here in Curse Academy, you can't trust anyone. Hindi lahat ng kaya mong gawin para sa kanila, kaya rin nilang gawin para sa'yo. People just don't know when to trust" ilang segundo ang lumipas bago siya muling nagsalita, "Will you still save them? Kahit na hindi nila kayang gawin 'yon para sa'yo?" tanong nito kaya nagkatinginan na kami.

Still no doubt about my actions. Kahit hindi nila kayang gawin para sa akin, as long as I can do it para sa kanila, gagawin ko pa rin.

"Of course" sagot ko.

"Then why?"

"Simple lang" at muli kong tinignan ang kabilang building, "Kasi kaibigan ko sila at mahal ko sila. Ganon naman kapag mahalaga sila sa'yo dba? Hindi ka maghihintay ng kapalit. Gagawin mo ang lahat para sa kanila...kasi mahal mo sila. Love will never be conditional. If it has conditions, then it's not love" saad ko dito pero pagkatapos kong sabihin 'yon, hindi ko alam kung bakit bigla kong naalala si Carson.

We never had conditions...because we truly love each other. Lahat ng kaya niyang gawin para sa akin, kaya ko ring gawin para sa kanya.

"Are you sure about your decision, Ms. Fuentes?" saad nito kaya muli akong nagtaka at napatingin sa kanya.

"Sino ka ba talaga? Bakit kilala mo ako?" 

"Of course" ngumiti ito at nagtaas ng kilay. Lately, pati ang mga taong nakikilala ko, hindi na rin normal na parang may kakaiba sa kanila.

Muli niya akong tinignan at nagsalita, "Everyone would know the Viper's Queen"

Students often call me that thing at ayaw kong tinatawag akong ganon. Yes, Vipers are my friends pero hindi ako tulad ng inaakala ng mga estudyante.

"Kung ganon, mali ang inaakala niyo" saad ko sa kanya at tumalikod na ako para maglakad paalis lalo na't hindi ko siya kilala.

"Don't tell me, hindi mo alam?" dagdag pa niya kaya natigilan ako sa paglalakad at napatingin ako sa kanya, "What do you mean?" tanong ko na nakapag-pangiti pa sa kanya ng sobrang sama.

"Everyone who would dare hurting my queen or laying their hands on her would be a greatest sin to the whole Blood Rebel's group" saad niya kaya nagsalubong ang kilay ko.

"Ano bang pinagsasabi mo?" tanong ko sa kanya.

"Those were the Viper King's exact words warning everyone not to lay a single hand on you" saad pa niya na ikinabigla ko.

"Bakit hindi ko alam 'yan? Kailan niya ginawa 'yan?" tanong ko sa babaeng 'to. Bakit ba ang weird niyang kausap? At bakit wala kong alam na may nangyaring ganyan?

"Not everything about him and his actions must be known. You are his girlfriend, yet you can't still find out kung ano ang kaya niyang gawin para sa'yo when in fact everyone is aware of it. Dean Carson is the only student here who is capable of ending everyone's life. He...can actually be the last man standing, if you did not just stand in the way" saad niya kaya nanlaki ang mata ko at parang bigla akong nilamig.

"D-do you mean...siya lang ang may...?" natigilan ako sa pagsasalita dahil napaisip ako noong mga oras na 'yon. If he can be the last man standing...

Diretso akong napatingin sa kanya at masama pa rin ang ngiti nito, "You're right, Bliss Syden. He is the only who could totally survive in this place at alam ng lahat 'yon. The moment Mr. Wilford announced na ang kaisa-isang matitirang estudyante ang tanging makakalabas, he actually knew. In fact, pwede na niya tayong patayin lahat kung gugustuhin niya but why do you think, wala pa rin siyang ginagawa?" pahayag nito.

"Dahil hindi siya ganong klasi ng tao- " hindi pa man ako natatapos ay hinarangan na niya ako.

"He is that kind of person, Bliss Syden. But he can't be that person as long as you are together" saad nito at unti-unting nanginginig ang mga paa ko dahil sa sinasabi niya.

"He could be the last man standing pero hindi niya magawang tapusin kaming lahat because he still wants to spend a long time with you creating happy memories together...before he ends his own life- "

"Wala akong alam sa sinasabi mo! Why do you know much about him?!" sa mga oras na 'yon, iyon lang ang mga salitang tanging lumabas sa bibig ko dahil nalilito ako.

Bakit ganito yung nararamdaman ko?

"Do you think he can kill you? He is waiting for the right time. Tamang oras para patayin kaming lahat at kayong dalawa ang matira at ano sa tingin mo ang gagawin niya kapag kayo na lang ang natira?" humakbang siya ng dalawang beses papalapit sa akin pero nanatili pa rin ako sa posisyon ko.

"Kapag kayong dalawa na lang ang natira, he will let you escape and he will kill his self without any doubt just for you to be the last man standing knowing that no one even you, could actually kill him" muli siyang humakbang ng maraming beses papalapit kaya napapaatras na ako lalo na't nabibigla ako sa mga sinasabi niya, "Kaya nga hindi niya kami mapatay ngayon dahil kapag ginawa niya 'yon, isusunod na rin niya ang sarili niya at ayaw niyang gawin 'yon just because he still wants to spend time with you"

"Tumigil ka na!" sigaw ko kaya natahimik siya. Her eyes are cold at nag-iba ang itsura nito. Isang kalmadong mukha na parang walang nangyari.

"Hindi niya gagawin 'yon. Bakit ba ang dami mong sinasabi? Bakit ang dami mong alam sabihin tungkol sa kanya?!" tanong ko. Una sa lahat, ngayon ko lang siya nakita at hindi ko siya kilala kaya hindi ako maniniwala sa kanya.

Sinundan ko siya gamit ang mata ko ng talikuran niya ako at lumapit muli sa may bintana para muling tignan ang kabilang building, "You want to save your friends, right?" saad niya na tinignan ako at hindi ko alam kung bakit bigla nanamang nag-iba ang topic namin. She's a total weirdo.

"I can help you" saad niya na muling tumingin doon.

Natawa na lang ako sa sinabi niya, "Pagkatapos mo siyang pagsabihan ng kung anu-ano, sasabihin mong kaya mo akong tulungan? No, thanks" aaktong aalis na ako ay muli siyang nagsalita kaya napatingin ako sa kanya.

"I'm sorry. I was just testing you" muli niya akong tinignan, "Seems like malaki talaga ang tiwala mo sa kanya and that's good to hear dahil hindi kayo agad masisira kahit gaano pa man kadami ang nagbabalak na sirain ang relasyon na meron kayo" nang sabihin niya 'yon ay natigilan ako. Yung hindi magandang pakiramdam ko kanina ay naging maayos ng sabihin niya 'yon sa akin.

"Trust me, I can help you save your friends" dagdag pa nito.

"Paano ko sila tutulungan? Alam naman natin na mahirap lumabas sa lugar na 'to" saad ko.

"Well, there are ways"

"Sino ka ba talaga?" tanong ko sa kanya ng may pagtataka. Bukod sa weird siyang kausap, hindi ko maintindihan kung anong klasing tao siya dahil ang hirap niyang intindihin.

"Amber Samson" saad niya at inilahad ang kamay niya na halatang ngayon pa lang magpapakilala kahit na kanina pa kami nag-uusap. Hindi na ako nagsalita dahil alam naman niya ang pangalan ko so ano pang sense na magsayang ako ng laway sa pagpapakilala?

Aktong hahawakan ko ang kamay niya ay may idinagdag pa siya na sadyang nakapag-patigil sa akin at nanigas ako sa kinatatayuan ko, "The student council secretary" sambit niya kaya bago ko mahawakan ang kamay niya ay natigilan ako.

Student council? Sila ang pinaka-kinaiinisan ng lahat tapos malalaman kong member ng student council itong babaeng kanina ko pa kausap. Pero napaisip na lang ako just like a Viper, I can use this opportunity para mapalapit sa kanila at makilala lahat ng member nila. In fact, alam ng lahat na kaya nananahimik ang student council ay dahil may tinatago silang kababalaghan given that they are taking commands under Mr. Augustus Wilford.

"Don't worry, I can't kill" saad nito ng mapansin niyang natigilan ako. Nakangiti rin siya habang sinasabi 'yon kaya ngumiti na rin ako at tuluyan ng hinawakan ang kamay niya. Pagkatapos naming gawin 'yon, nagsalita ako, "You've said earlier na matutulungan mo ako?"

"I can help you" saad nito at naging seryoso siya.

"Nakita ko sila kanina at may kaaway silang grupo ng mga babae kaya nag-aalala ako. Ano bang kailangan kong gawin para malipat sila sa building na 'to? Alam kong mas safe sila dito at ayaw kong may mangyaring masama sa kanila doon"

"Simple lang. A letter will be sent to you secretly" saad niya na ipinagtaka ko.

"Ha? Anong letter?"

"The only way of letting someone in or out safely of this building is through the highest supreme territory's door. It can be found inside the SSC president's room"

"Kung ganon, saan ko makikita ang room ng president?"

"The secret room" saad nito kaya nanlaki ang mata ko. That's the room na lahat ng nakakapasok ay hindi na lumalabas.

"Pero paano naman ako makakapasok doon. Gawa sa metal ang pintuan at maraming sealed lock 'yon? J-just like the game room" napayuko na lang ako ng maalala ko yung nangyari sa game room.

Si Myrtle.

"Calm down, Ms. Fuentes. You don't have to invade the president's room. I am a member of the SSC officers, trust me. I will talk to the president myself once na makita ko siya. Sa ngayon, hindi ko alam kung nasaan siya. After then, a letter will be sent to you secretly. Sa oras na 'yon, don't tell it to anyone dahil pili lang ang mga taong nakakapasok sa secret room. Don't bring someone with you. Ikaw lang dapat" pahayag niya.

"Paano naman ako makakasigurado na walang mangyayari sa akin kapag pumunta ako doon. Alam namin na lahat ng nakakapasok doon, hindi nakakalabas" sambit ko.

"Do you know the saying, 'Huwag mong paniwalaan kung ano lang ang nakikita mo'. Students keep on disbelieving the truth. Judgements first, that's the way how we live. I assure you, Bliss Syden. Hindi ka mapapahamak as long as you will follow the steps. Lahat ng kailangan mong gawin, nasa letter na 'yon. Sundin mo lang lahat ng nakasulat and you can play the game safely without any bruises. Basta marunong kang sumunod, walang mangyayari. It will come soon, just wait patiently" saad nito at nag-umpisa ng maglakad.

Pero hindi ko hahayaang masayang ang pagkakataong ito, "It has always been the mystery about the whereabouts of the student council officers. Tell me, bakit ba ayaw niyong magpakilala sa lahat at nagtatago kayo? Nasaan ang iba pang officers?" natigilan siya sa paglalakad at tumingin lang sa gilid niya.

"I don't know either" sagot niya at tuluyan ng umalis.

To be continued...