webnovel

SOON TO BE DELETED 2

Date started: September 2,2018 Date finished: May 29,2019 --- Trigger Warning: Brutal and violent scenes ahead. Not for the weak heart ---

3IE · Masa Muda
Peringkat tidak cukup
80 Chs

♥ CHAPTER 58 ♥

♡ Syden's POV♡

Ngayong kaharap ko siya, gusto kong humingi ng tawad...ng paulit-ulit at paulit-ulit. Hindi ako magsasawang sabihin iyon sa kanya dahil ako lang naman ang naging dahilan ng pagkawala niya. Sana, ako na lang yung nasa posisyon niya.

"Patawarin mo 'ko. I'm sorry" kahit anong gawin ko. Pilit pa ring pumapasok sa utak ko lahat ng nangyari noong araw na iyon. Ako ang dahilan ng lahat.

"Hindi ako magsasawang humingi ng tawad sa iyo. Kaya sana, mapatawad muna ako" sambit ko sa kanya habang umiiyak. Gustung-gusto ko siyang hawakan at yakapin, pero hindi ko magawa, ni hindi ko siya maabot.

"You don't deserve someone like me, a sister like me" dagdag ko pa.

"Tama ka. I don't deserve someone like you. And I will never forgive you because you are weak. At wala akong ate na katulad mo, katulang mong mahina" as I looked into his eyes, nabigla ako sa mga sinabi niya.

No. No. Hindi siya yung kapatid ko. Hindi siya si Heaven. Si Heaven, maamo ang mukha at makikita mo sa mga mata niya ang isang mapagmahal na kapatid. Pero ang kaharap ngayon, he's not my brother.

"Hindi. You're not my brother. Hindi ganyan ang kapatid ko!" napailing ako ng ilang beses at sandaling tumigil ang pagpatak ng luha ko at napalitan ng galit.

"Kapatid? You're not even my sister. Wala akong kapatid na katulad mo!-" sigaw niya sa akin kaya hindi ko na siya pinatapos.

"At wala akong kapatid na ganyan ang ugali!" sigaw ko sa kanya.

"At wala akong ate na mahina, takutin at dinadaan lahat sa iyak!" sa sandaling binanggit niya ang mga salitang iyon, natigilan ako. Feeling ko na-guilty ako kaya hindi ako nakasagot sa kanya. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang galit habang nakatitig sa akin.

Siguro nga, mahina ako, takutin ako at iyakin ako. Pero masama bang matakot?!

"K-kung ikaw nga talaga ang kapatid ko, patawarin mo na ako sa nagawa ko. Sinisisi ko yung sarili ko ng paulit-ulit dahil sa kamalian ko. So please, forgive me" muling bumagsak ang luha ko at napaluhod habang umiiyak sa mismong harapan niya.

"Walang katumbas ang pagmamahal namin sa'yo at alam mo 'yon-" tinignan ko siya habang nagmamakaawa pero hindi ko pa rin siya mahawakan.

"I hate you ate! I hate you I hate you I hate YOU!!!" sigaw niya pabalik sa akin.

"Tatanggapin ko kung sinisisi mo ako-" -S

"Diyan ka magaling dba ?!" -H

"W-what do you mean?" -S

"Yung palagi mong sinisisi yung sarili mo kahit wala ka namang ginawang mali. I hate you hindi dahil nagkamali ka sa pamilya natin, I hate you dahil nagkaganyan ka!" -H

"W-what are you talking about?" -S

Sa puntong ito, hindi ko maintindihan kung bakit niya sinasabi ito. May nagawa pa ba akong mali kaya sobrang galit siya sa akin ngayon?

"Ate Sy, you...were a strong and brave girl kaya nga sa inyo ni Kuya Sean ikaw ang paborito ko dba? Hindi kita sinisisi dahil sa nangyaring aksidente, thankful ako kasi...nung time na iyon, doon lang ako nagkaroon ng tapang kagaya mo. Pero ngayon ayaw ko na sa'yo! Do you know why I hate you now? Kasi yung ate na kilala ko at yung ate na kaharap ko ngayon, ibang-iba na. You were my superhero but now, ayoko na sayo dahil mahina ka, hindi ka na lumalaban, sinisisi mo palagi yung sarili mo at higit sa lahat, dinadaan mo lahat sa iyak. At sa nakikita ko ngayon, hindi ako masaya" pahayag niya sa akin.

Gusto ko siyang maging masaya at ayaw kong nahihirapan siya.

Pagkatapos niyang sabihin yon, tinalikuran na niya ako at sinubukan ko siyang habulin, "Paano mo ba ako mapapatawad? Paano kita mapapasaya?" tanong ko.

Dahan-dahan siyang tumalikod para humarap sa akin at nakikita ko ang kalungkutan sa kanyang mga mata, "Bring back my sister. Yung ate ko na matapang at palaban. Higit sa lahat, yung ate ko na walang kinatatakutan. Nawala ako sa buhay mo dahil nung time na 'yon humina ang loob mo kaya kung ayaw mong mawalan ulit, lakasan mo ang loob mo ate at lumaban ka. Keep those who are important to you and be brave again para hindi ka na mawalan ng mahal sa buhay. In that way, magiging masaya na'ko"

Then he dissappeared using a weak smile. Maybe he's right. Masyado na akong nabalutan ng takot at nakalimutan ko kung paano lumaban. I want to make my brother happy sa kabilang buhay kung nasaan siya.

Ayaw ko ng mawalan ng mahal sa buhay. If that's the only way, so be it. I know my little brother would guide me.

Be brave and keep those who are important to you.

This would be the last tears na lalabas mula sa mga mata ko. I need to find my missing pieces. I need to find myself. My old self.

........

*ringggggg ringggggg*

Bigla akong napabangon dahil sa kaingayan na alarm clock. Agad kong kinuha 'yon para patigilin ang ingay. 5:03 am na pala. Umupo muna ako sa kama para magmuni-muni. May nararamdaman ako sa mukha ko kaya't  hinawakan ko ito at napansin kong basa ang kamay ko. Few seconds bago ko ma-realize na lumuluha pala ang mga mata ko. Hindi ko rin alam kung bakit.

Agad ko na lang itong pinunasan gamit ang towel ko at dali-daling lumabas para ipagluto ng umagahan ng mga senyorito. Ginawa na nga nila akong katulong eh. Pero okay na rin naman ito bilang kapalit sa pagpapatira nila sa akin dito. Kundi dahil sa kanila, malamang ngayon, patay na'ko.

Pagkatapos na pagkatapos kong magluto, naghapag nako at sakto namang lumabas sila sa mga kwarto nila, "Wow! What's this?" tanong ni Nash. Oo nga pala hindi niya pa alam.

"Siya kasi ang nagluluto ng almusal natin bro kaya masanay ka na" sagot sa kanya ni Dustin bago ito umupo at ganon din naman ang ginawa nilang apat except sa leader nila na kailanman, hindi tinikman ang masarap kong luto. Tsk!

Tinignan ko si Raven at inihapag sa harap niya ang kaisa-isang pancake na niluto ko. Paborito niya kasi yon eh, "Have a sweet morning with a sweet pancake" sambit ko sa kanya.

"Ang ganda ata ng mood mo? May nangyari bang maganda? Kwento mo naman Sy" sambit naman niya ng may ngiti sa labi.

"Nakamood lang talaga ako" may mood swings kasi ako eh.

Bigla napatingin dito si Dustin at napansin kong natatakam siya sa pancake na iniluto ko para lang sa kapatid ko. Kumuha siya ng tinidor at aktong kukuha ng pancake pero pinigilan ko siya, "Para lang kay Raven yan" hinawakan ko ang kamay niya para hindi siya makakuha ng pancake.

"Okey fine. Ba't hindi mo kasi dinamihan?" sagot naman niya. Mukhang nadissappoint siya sa ginawa ko.

"Oo na. Dadamihan ko na po susunod Tsk!" sambit ko ng may halong pagkainis, "Ba't kaya hindi ikaw ang magluto?" bulong ko.

"What did you just say?!" tanong niya. Dinig pa ata sa buong campus ang boses ni Dustin. Ang ingay talaga.

"Sabi ko dadamihan ko na sa susunod para makakain kayong lahat" -S

"Shut up Dustin. Kauma-umaga boses mo ang naririnig ko" iritang sabi ng isang boses na pamilyar.

Napatingin kami sa direksyon niya at nakasandal siya sa may pintuan na hindi namin namalayang binuksan niya dahil sa kaingayan ni Dustin.

"Pwede bang kumain ka na lang? Ba't kasi inaagawan mo pa si Sean eh ang dami pa namang pagkain dito bukod sa Pancake" tanong naman ni Dave kay Dustin habang ngumunguya ito. Mukhang nasasarapan siya sa luto ko.

"This is your fault. If you didn't stop-" sambit ni Dustin sa akin habang umuupo.

Tinitignan ko lang siya ng masama ng may kasamang pang-iinis habang sinasabi niya iyon.

"Dustin shut up please. Baka gusto mong ako ang maghanda ng umagahan mo?" seryosong tanong ni Carson sa kanya. Wew! The devil is awake.

Tinignan ako ni Dustin at nag-astang papatayin niya ako pero ginamitan ko lang siya ng isang ngiting nakakaasar.

Umupo na rin ako para kumain at nag-umpisa ng maglakad ang nilalang na iyon at habang kumakain kami, natigilan kami dahil sa ginawa niya. Nagtinginan muna kaming lahat except kay Nash na nagtataka sa ikinikilos namin. The devil just sat down infront of the table.

Why? Why?

Hindi naman siya sumasabay sa pagkain namin ng umagahan. Ano bang nangyari bakit kakaiba ang kinikilos ng nilalang na ito? Sinapian ba ng anghel o ibang elemento? Hindi ko rin makita sa mukha niya ang pagkainis o anumang galit.

"May problema ba?" seryoso niyang tanong.

Nanatili pa rin kaming tulala dahil sa pagkabigla, "K-kasi dba...hindi ka naman sumasabay sa amin ng umagahan?" tanong ni Raven.

"Oo nga. Buti sumabay ka sa amin ngayon?" dagdag pa ni Dave.

"This is my territory kaya pwede kong gawin lahat ng gusto ko" sambit niya bago uminom ng tubig, "A-ahh okay" sagot ni Dave. Nag-umpisa na rin silang kumain kaya ganon din naman ang ginawa ko.

Habang kumakain kami, seryoso silang lahat. Pero ako, tinitignan ko ang ekspresyon ng mukha niya habang kumakain siya. Baka hindi siya nasasarapan sa luto ko. Maarte pa naman 'yun. Pero mukhang okay naman sa panlasa niya yung kinakain niya at higit sa lahat, hindi naman siya nagreklamo kaya nakahinga ako ng maluwag.

Pero ano bang paki ko kung magustuhan niya o hindi yung luto ko. Kumain man siya o hindi, wala akong pakielam. Tsk!

Pagkatapos nilang kumain, nagsitayo na silang lahat para umalis. Hindi rin naman ako napapagod dahil alam nilang iligpit ang pinagkainan nila. Ng mailagay na nila sa kusina ang pinggan na pinagkainan nila, isa-isa silang lumabas. Bago pa man sila makalabas, tumigil sila at tinignan ako pero maya-maya napatingin sila sa leader nila kaya napatingin din ako dito. Sinenyasan sila ni Carson na mauna na sila. Hindi ba papasok ang nilalang na to?

"Sige, mauna na kami. Thanks for the food Sy" sambit ni Dave sa akin bago sila umalis. Mamaya pa ako makakaalis dahil maghuhugas pa ako ng pinggan. Nakakahiya naman kasi sa mga senyorito.

Pagkatalikod ko, napatingin ako sa kanya at nakatingin din siya sa akin. Bakit kasi siya yung nagpaiwan dito?

Ilang segundo rin kaming nagkatitigan hanggang sa aksidente akong mapatingin sa labi niya. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at di ko maipaliwanag kung bakit. Bigla na lang nanlaki ang mata ko dahil may naalala ako. F*CK!

We kissed. Wrong. He kissed me, last night.

Sa sandaling naalala ko yon. Umiwas ako sa tingin niya at dali-dali akong pumunta sa kusina. Hindi ako dapat magpahalatang apektado sa ginawa niya. Why did he even kiss me?!

Dinistract ko na lang yung sarili ko kaya inumpisahan ko ng maghugas ng pinggan, "Hindi mo ba susundan sila Dave?" tanong ko. Alam ko kasing nakasunod siya sa akin kahit hindi ko siya tinignan. Tinanong ko siya habang busy ako sa paghuhugas ng plato. Hindi ko rin naman siya matignan dahil sa ginawa niya kagabi. Magnakaw ba naman ng halik! I hate him!

"Ilang beses ko bang kailangang ipaintindi sa'yo na hindi ka pwedeng maiwang mag-isa, stupid" sagot niya pero hindi ko pa rin siya tinignan. Stupid na kung stupid!

Konti lang naman iyon kaya agad ko ding natapos ang hinuhugasan ko. Pagkatapos kong punasan ang kamay ko, binalak ko ng umalis sa kusina pero pinigilan niya ako kaya napatingin ako sa kanya pero kaagad ko ring iniwas ang tingin ko, "Iniiwasan mo ba ako?" tanong niya ng may kasamang pagngisi.

"Ba't naman kita iiwasan?" tanong ko habang nakatingin sa ibang direksyon. Hindi ako pwedeng magpa-apekto.

"Tell me. Is it about the kiss?" F*ck! Nakakainis na talaga siya!

Tinignan ko lang siya ng masama at lalo pang nakakainis ang itsura niyang mapang-asar.

"Alam mo hindi ka na nakakatakot. Kasi naiinis na ako sa'yo. Nakakainis ka!" sagot ko sa kanya.

"Really? Well then..." pagkasabi niya don, biglang nagseryoso ang mukha niya at naglabas siya ng kutsilyo mula sa bulsa niya. Don't tell me...Hinahagis niya yon at sinasalo ng paulit-ulit. Habang ginagawa niya yon, papalapit naman siya sa akin kaya napapaatras ako. The devil once again.

"Akala ko ba hindi ka na takot sa akin? Bakit ngayon nanginginig ka?" hindi ko maikailang nanginginig nga ako. Mabuti pang hindi ko na sinabi yon dahil ang totoo, takot pa rin ako.

"T-the way na tignan mo ako gamit ang mga mata mong nag-aapoy... habang may hawak na kutsilyo, kahit hindi mo na ako saksakin, mapapatay mo na ako. Dahil nakikita pa lang kitang ganyan, pinapatay mo na ako" sambit ko habang nanginginig ang mga boses ko habang nakatitig sa kanya.

"T-this is...your territory. Anytime,kaya mo akong patayin. Kahit sino naman, matatakot dba?" diretso akong nakatitig sa kanya ng walang emosyon. Walang luha o kahit na anong pangamba.

But I felt so relieved, when he suddenly pulled me at niyakap ako, "Well, don't be. This territory will be yours soon. So you don't need to be afraid of me anymore and that is an order from the leader of the Black Vipers"

Maybe he's right. He tried to protect me after all. Oo nga pala, sa kanya lang ako dapat makinig. Susubukan kong tanggalin ang takot ko sa'yo.

Kung nasanay kang binabantayan ako, pwes wag mo akong sanayin na lagi kang nasa tabi ko, baka mamatay ako kapag bigla kang nawala.

To be continued...

Thank you guys for waiting the updates. I hope we can be friends. Add me here (Fb ☛ Heartfiliarus Rhodes Syden) and let's make a group, I still want to meet you all. Thank you Kentaurus Kings (boy readers) and Queen Heartfilias (for girls). Lavyu all😘😍😘😍😇 Mag-uupdate pa rin po ako this weekend.