webnovel

SOMEONE'S SPECIAL

'Family should love each other' pero paano kung isa sa pinakamamahal mo ang sisira sa salitang 'pamilya'. May darating at meron ding aalis. Ano kaya ang mangyayari sa buhay ni amira? Lalaban ba siya o hahayaan silang abusuhin siya?

Deeeeym7 · Masa Muda
Peringkat tidak cukup
71 Chs

CHAPTER 4

AMIRA'S POV

"Talaga amira?! Gaano ka gwapo?!! Mas gwapo pa sa dunkan babe ko?!" mayabang akong tumango sa kanya habang inaayos ang makukulay na bulaklak. Sabi na maiinggit siya hahaha!

"Super! Crush na crush ko na siya!" kinikilig na sabi ko habang hinahawi niya ang dress na suot ko.

"So kaya ka nag dress? Yiiiieee" nakiliti ako sa pagsundot niya sa tagiliran ko kaya napangiti na lang ako.

"Hehehe ane be"

"Suuusss kinikilig! Gusto ko makita yang mr.linc mo!" sinundot niya ulit kaya pinigilan ko na.

"Ano ba bea baka makabasag tayo ng mamahaling gamit dito" narealize naman niya ata na nasa office kami ni ate. Alas-otso pa lang nandito na ako, gusto ko na makita ulit si Mr.linc.

"Pero kung papapiliin ka si ACE o si Mr.linc mo?" napatigil ako sa pagaayos ng bulaklak at dahan dahang lumingon sa kanya sabay ngiti ng malaki.

"SI ACEEE KYAH!!" sabay kaming tumili. Of course si ace pa rin kyakyakya matagal na kaming magkakilala ni ace nuh tsaka kilalang kilala ko na siya.

"Support ako dyan bestfriend basta sabihan mo lang ako kung saan ka na sa dalawa final" nag apir kami habang tumatango sa isa't isa tsaka bumalik ulit sa ginagawa.

"Ang bestfriend ko ang unang sasabihan ko!"

"Ay siya nga pala, aalis na ako baka mafliptop ako ng ate mo nang wala sa oras" nagbeso na kami at pinahatid na siya sa mga yaya ko kaya ako na lang mag-isa. Buti iniwan ni bea ang pinto ng bukas. Takot kaya ako mag-isa!

"Hmmm~" I wonder ano kaya ginagawa ni Mr.linc kapag kasama niya si ate zai? Nananaginip pala ako kagabi na nagkatuluyan kami ni Mr. linc. Yiiee grebe nemen! Kahapon nga pa lang negkekelele hehe.

"What--the--hel--" gulat akong humarap kay ate na nakatingin sa akin at parang namutla sa nakita "Stupid"

"Hi Mr.linc! Hi ate!" nakatayo lang si ate kaya ako na ang lumapit para ibeso siya. Dinaanan ko pa ng ngiti si mr.linc. Pogi na naman niya!!! Ilang timberlake na meron siya? Iba na naman ang kulay tsaka nagmatch sa maroon niyang sweater!

"WEIRD AMIRA!!!" mabilis akong umatras nang sumabog ang bulkan--nang sumigaw si ate at hinampas ako ng bag. Umatras agad ako "BOBA! Special child ka!! May sakit ka sa utak!!!"

"Ate~ that's bad. Why? Did I do something wrong?" takang tanong ko sa kanya. Mabilis akong umilag nang itapon niya ang bag sa akin pero doon sa vase tumama.

"Wrong?!!! You messed my office!! What did you do?!!! You almost filled my office with those cheap flowers!!!" umilag na naman ako nang itapon niya ang isang sandal niya.

"What? Anong mali dun? I just made your room more lively" sabi ko tsaka inayos ang dalawang libro sa itaas ng bunganga ng vase, yung dulo sa libro ang pinasok ko sa bunganga para unique tignan. Really! Naaamaze akong tignan yun! Mas maganda kaya kapag more creative ka!

"ARGH!" tinapon niya din yung isang sandal kaya di na talaga ako nakailag at tumama yun sa tagiliran ko.

"Ang deads naman kasi ng office mo" umupo na siya sa upuan niya at hinilot ang sintido.

"L basta chiamare il personale per rimuoverlo! (L just call the staff to remove these!)" lumabas naman agad si Mr.linc kaya binalik ko na kay ate ang mga gamit niya. Mahal kaya nito tapos itatapon niya?

"A-ate" mahinang tawag ko at pinatong sa mesa ang bag at sapatos.

"QUITE! Ang aga aga pinapainit mo ang ulo ko!"

"Z they are on their way up here" sabi ni Mr.linc kaya tumango si ate. Z?

"Can you just make copy of these papers, pinapa stress mo ko!" tinapon niya sa harap ko ang mga papel kaya kinuha ko yun. Part time job-_-

"L get me some coffee" utos din niya. Lumabas na ako at napatingin kay Mr.linc na sumusunod sa likod ko. Yas! Binagalan ko ang paglalakad at pumantay sa kanya.

"Hi Mr.linc, I'm Amira" crush notice me!!!

Pumunta na ako sa photocopy machine at sinimulan ng kopyahin yun. Napangiti pa ako ng todo dahil sa harap ko siya gumagawa ng kape uyyyy destiny ba kami???

"Mr.linc I have a joke and just ask me why, got it?" nagpatuloy lang siya sa ginagawa niya kaya tumikhim muna ako "You know what, we are doing the same thing"

*crickets*

"Tanungin mo ko ng 'perché' mr.linc" nakita kong gumalaw ang mata niya sa direksyon ko. Perché means why hehehe nagpapabilib ako kay mr.linc.

"Bakit?" ay napilitan? Halata kasi wala sa mundo ang mood niya, hindi nakikita kasi wala atang nagpapatawa sa kanya pero sige lang!

"Because we are making kapy (kape+copy) pffft haha" tapos na siya sa paggawa ng kape kaya sinundan ko siya ng tingin na paalis. Basted 2.0.

*criiiing*

"Oh bea?"

"Ano na?! Kumusta???? Yung ano! Si Mr.linc mo yiiie"

"Ay wala, pinagpaphoto copy ako ni ate ng papel pero nakasabay ko siya!"

"Okay lang okay lang yun blessings pa rin yan amir! Pagbutihin mo!"

"Oh sige na! Baka ako pa dahilan maubos load mo!"

"Buti alam mo! Sige bye muah!"

"Bye!"

"Miss amira, sir ethan is calling you, he's at miss zaira's office" tumango lang ako sa babaeng kakarating lang at mabilis na naglakad pabalik sa opisina ni ate.

"Kuya" bati ko at kiniss siya sa pisngi. Napatingin naman ako kay mr.linc na nakaupo lang sa sofa. Ang bilis naman niya!!

"Amir, how are you?" pareho talaga sila nitong si bea! Hilig akong tawaging amir, ang pangit pakinggan pero since sila ang tumatawag. Okay na lang.

"Fine kuya" inakbayan niya ako at humarap kay ate zaira.

"I told you zai! I already agreed with papá's will! 50% sa ating dalawa at 50% para kay Amir!" tumayo si ate tsaka binagsak ang mga papel.

"What?! I did everything in this company and you will said that in front of me?!!"

"Gusto mo ba tatalikod ako at ulitin ko? Gusto mo ata magpatawa" natawa ako kay kuya sa sinabi niya. Benta yung joke niya pero hindi na maguhit ang mukha ni ate.

"ARGH!! You've got to be kidding me!" pabagsak siyang umupo at ininum ang kape niya.

"Chill zai, amir is special to us"

"Oo special! Special child! Weird!" ay? Bad talaga!

"Can you stop saying that?" narinig kong bumukas ang pinto kaya lumabas na siguro si Mr.linc.

"Hindi ako titigil dahil may sakit naman talaga sa utak ang babaeng yan! 23 na wala pa ring magawa sa buhay at hindi pa rin binibigay ang kompanya na ito" naiintindihan ko naman si ate kasi buong buhay niya nasa kompanya na pero bigay din to sa akin!

"Mag shake ka na lang kaya muna kesa mag kape? Palamig ka minsan" ginulo ni kuya ang buhok ko.

"Oo ate"

"You know what? Sabay na tayong umuwi ng bahay. Papá is waiting there" nagroll eyes siya sa amin kaya nilapitan siya ni kuya.

"Alam ko pero mamaya na ako pupunta nandun na naman yung bruhang nathalie"

"Chill~ init init ng ulo. Let's go! Stand up! Stand up!"

LINC'S POV

"You heard it right? That girl is more sentimental than the two" sabi ko habang may kausap sa cellphone.

"Sige linc, basta ikaw na muna bahala dyan tawagan mo lang kami kapag gagalaw ka na"

"Pero bukas at mga susunod na araw hindi ako makakauwi dyan"

"Sige bro, iupdate mo lang kami at sa babaeng sinabi mo"

"Ihatid niyo na lang sa address na ititext ko ang mga damit ko"

"Copy bro" umayos na ako ng tayo at sumilip sa pinto.

Amira. 50% pala nasa iyo? Special child? Posible ngang may problema yan tsaka halatang mahina kaya baka mapapadali ako. Sa ilang buwan kong pagsunod sunod kay z nandito lang pala ang jackpot namin.

"ARGHH KUYA!!! PUT ME DOWN!!!" tumagilid ako ng tayo nang lumabas na sila. Binuhat ni sir ethan si Z kaya itong babaeng weird na ito ang nagpahuli.

"Hi Mr.linc" pinauna ko siya ng lakad at pinagmasdan. Base sa tayo niya hindi nga talaga ako mahihirapan tsaka sa ginawa pa lang niya kanina kakaiba nga siya kumilos at mag-isip.

AMIRA'S POV

Nangingiti lang ako habang tinitignan ang likod ni Mr.linc. Nasa passenger's seat kasi siya at dito ako sa likod niya tapos si kuya ang pumagitna sa amin ni ate.

"Amir tell me something you did this week" pagbasag ni kuya ng katahimikan. Tumingin ako sa kanya tsaka ngumiti.

"You can't believe she played in the rain yesterday!" singit ni ate zaira habang nakacross arm.

"I was with my bestfriend with the whole month. Nagcamping kaming dalawa sa yard, we went in a chili restaurant which they served very very spicy foods, pumunta kami sa bagong bukas na zoo dahil yun lang ang merong elephant, niligtas namin yung pusa sa kanal tsaka I decorated ate zai's office with full of--"

"CHEAP FLOWERS! See she's really weird and something! May problema sa pagiisip! Ikaw ba namang iligtas ang pusa sa kanal!! So dirty!!" singit ulit ni ate zai. Tumawa naman si kuya at ginulo ang buhok ko.

"Haha so not new to you amir. It's good that you had lots of activities with your bestfriend, what a escapee"

"Of course hehehe"

"Argh! Isa pa yang bestfriend niya baka may problema din sa pagiisip" singit ulit ni ate zai kaya tumingin na ako sa kanya at ngumiti. May problema ba yun? Lol! Baliw lang talaga kami mangtrip.

"Ma'am sir nandito na po tayo" anunsyo ni manong driver.

Naunang bumaba si Mr.linc at pinagbuksan si ate zaira. Napapout na lang akong binuksan ang pinto sa side ko at naunang pumasok sa bahay.

"Mga anak!" bungad ni tita elisa.

"Yeah mom" dumiretso lang si ate at si mr.linc sa itaas kaya si kuya na lang ang lumapit at nakipagbeso kay tita.

"Kuya!~"

"Nathalie!" sinamaan ko lang siya ng tingin at nagtungo sa kitchen area.

Ang dami naming chef at taga silbi--dito lang sa kusina. Minsan trip ko pumunta dito para tumulong o di kaya manuod kung paano nila nilalagyan ng disenyo ang mga pagkain lalo na kapag may okasyon.

"Miss amira" tumango lang ako sa kanila at lumapit sa isa sa mga chef na pinapagandahan ang steak sa plato.

"Amira! You shouldn't go here!" nagulat ako nang may humila sa siko ko palabas ng kusina.

Napayuko ako sa hiya nang makita si Mr.linc na pababa ng hagdan. Bawas points yun kay Mr.linc ah!!! Kainis! Kainis naman tong si tita! Hayks!