"Thiara..."
Napalingon ako kay Tito, nasa likuran ko lang pala siya. "The guy seems to like you but I can see someone in your eyes."
Nagulat ako sa sinabi ni Tito dahil sa sinabi niyang gusto ako ni Kendrick pero nakikita niya si Keanne sa mata ko. Paanong nangyari yun? Sa pagkakaalam ko ni minsan hindi ko nabanggit sa kanya si Keanne.
"Good night." At dumiretso na si Tito sa kwarto niya ako naman naiwang nagtataka, paano nalaman ni Tito ang tungkol kay Keanne?
Kung bakit ba naman kasi hindi ako nakatulog kaya tuloy late na akong nagising at late pa akong papasok sa review center and the worst is ang heartwarming prayer na pinagpuyatan namin ni Kendrick ay ngayon!
Nagmadali akong tumakbo halos hindi ko na ngang nabilang yung muntik-muntikan kong pagbangga sa mga taong nadadaanan ko. Pagkarating ko sa room, super haggard na ako at pawis na pawis pa naku sigurado sasabihin agad ni Keira, saan perya ba ako nanggaling at sobrang nalipad ang buhok ko?
Huminga ako ng malalim at unti-unting pumasok sa pintuan at…
"Go-"
Teka bakit walang tao, nasaan sina Keira at mga kaklase ko?
"Oo nga eh ang gwapo niya no..."
"Ehem…"
"Oh Thiara... Hi! Andito ka pala…"
Napataas yung kilay ko at napangiti si Keira, alam kong alam na niya ang ibig iparating ng reaksiyon ko.
Napatingin ako sa 'pinagkakaguluhan ng mga kaklase kong babae…'
"Anong ginagawa nyo dito sa tapat ng office ni Tito?"
"Hindi ba sa iyo nag-text si Keira?" Napatingin ako agad kay Keira at napakagat siya sa labi niya sabay mahinang bumulong ng… Opps!
"Wala akong natanggap mula pa kagabi na text mula sa aking close friend na si Keira Chi."
"Thiara… Sorry na kung hindi kita na-text…" Ako naman yung kunwaring nagtatampo sa kanya at bahagya akong lumayo sa kanya. "Eto naman… Sasabihin talaga namin sa iyo ni Nancy na wala tayong review ngayon kay Mrs. Orticio da-"
"Ano?" Parang yung dugo sa buong katawan ko napunta sa ulo ko! Wala kaming class at pinagpuyatan namin ni Kendrick gawin tapos mapupunta sa wala!
"Actually kanina lang namin nalaman pagpasok namin na may faculty meeting pala sila at aabot siya bago yung subject natin sa uwian."
Nakakainis! Sobrang preparation yung ginawa namin dun tapos… Pero sa tingin ko okay pa rin kasi nalaman ko na 99.9% na si Kendrick talaga yung admirer ko!
"Eh kung ganun, anong ginagawa nyo dito?"
Lumapit sa akin si Keira at kinikilig na bumulong na… "May foreigner kasing kinakausap ngayon ang Tito mo at ang good news dun, magrereview siya dito at magiging kaklase natin siya!"
Ah kaya naman pala… Tumango-tango ako, ito talagang si Keira basta gwapo go na go.
"Is that only your reaction? Hindi ka man lang naeexcite na makilala siya, na makita siya."
"Ano ka ba Keira ba-" Napahinto ako dahil biglang nagkagulo sa harapan namin at etong si Keira nakikisingit pa sa nagkakagulo kong mga kaklase!
Bahagya naman kaming lumayo ni Nancy at nakita namin may mabilis na naglalakad na lalaki na may cap. Akala ko tuluy-tuloy na siyang maglalakad paalis kaya nagulat ako ng ng mapatingin siya sa akin at biglang bumilis yung tibok ng puso ko ng tumango siya sa akin pagkatapos ay mabilis na naglakad na kasunod ang Tito ko at ilang pang mga tao.
Hindi ko alam kung bakit ako kinabahan bigla. Hindi kaya… Si… Pero imposible… Isa pa hindi ko naman nakita yung mata niya Nakashades siya kasi pero isa lang ang nararamdaman ko. Hindi nga kaya si Keanne yun?
Napatingin ako sa langit at iniisip pa rin mabuti yung nangyari kanina. Yung guy na yun, malakas ang kutob kong maari siya si Keanne. Pero kung si Keanne man siya, paano siya nakalakad agad within two months at ano ang ginagawa niya dito? Alam kong nakita niya ako pero bakit hindi niya ako tinawag?
"Hoy Thiara, nasaan planeta ka na ba?"
Napatingin ako kina Nancy at Keira, nakaupo kami ngayon dito sa open field kung saan kitang-kita mo yung mga taong pumapasok at papalabas ng review center. Eto ang pinakilalang lugar dito dahil bukod sa malawak at tahimik siya, linggo-linggong ginagamit eto sa football at soccer o ano man related sports na ginagamitan ng bola.
"Ha? Bakit?"
Napailing si Keira at napangiti lang si Nancy. "Kanina pa kasi akong nagkwekwento dun kay Mr. Foreigner na super gwapo at napakabait! Biruin mo nginitian niya kami kanina at halos mahimatay kami nung tinanggal niya yung shades niya at tumambad sa amin ang maganda niyang mga mata!" Eto talagang si Keira napaka-exaggerated! Ano daw nginitian sila?
Imposible ngang si Keanne yun dahil wala siyang pakielam sa mga tao at mas lalong hindi niya ngingitian ang isang taong hindi niya kakilala.
Napailing-iling ako at napatingin sa dalawang batang may pinag-aagawan. Napatingin din si Nancy kaya napahinto sa pagkwekwento si Keira.
"Hindi nga sa iyo eto!"
"Eh kanino ba yan? Patingin lang naman eh…"
Napangiti ako sa batang babae na sobrang protective sa hawak niyang kung ano. Tinatago niya talaga eto at hindi niya hinahayaan na makita o makuha man nung batang lalaking nangungulit sa kanya.
Titingin na sana ako sa malayo ng napansin kong papalapit sa akin yung dalawang bata at hindi nga ako nagkamali, papalakad sa akin yung batang babae!
Huminto siya sa harapan ko at pagkatapos inaayos niya yung sarili niya at napangiti sa akin.
"Ate Thiara…"
Napatingin sa akin sina Nancy at Keira at tulad nila nagulat ako. Bakit ako kilala ng batang eto?
"Oo ako nga, may kailangan ka ba sa akin?"
Umiling siya tapos may unti-unting inilabas sa likuran niya at nilapag sa notebook na nasa harapan ko.
Napatingin ako sa nilagay niya at nanlaki ang mga mata ko.
"Ka-" Napahinto ako dahil hindi ko napansin na mabilis na tumakbo yung batang babae kasunod yung lalaki papunta sa babaeng tumatawag sa kanila bago ko pa ako makapagtanong.
Napatingin ako kina Keira at Nancy, tulad nila, hindi ko ini-expect na ngayon oras na eto makakatanggap ako ulit ng…
Envelope na may pangalan ko at tatlong carnations!
Partners in crime
Caught between what's right and wrong
We're two of a kind
Partners in crime
When you think you can't go on
You'll reach out and find
Together we survive
-Mr. Mister
Lumakas yung kabog sa dibdib ko. Iba na eto at sa tingin ko hindi na paghanga ang ginagawa ng secret admirer ko.
Huminga ako ng malalim at lalong lumapit sa akin sina Keira at Nancy.
"Girl…" Tumango ako sa kanila at marahan kong binuksan yung envelope at katulad ng dalawang nauna. Isang simpleng mensahe lang ang nakasulat…
Sometimes someone says something really small and it fits right into this empty place in your heart.
"Alam mo Thiara ang mysterious talaga niyang admirer/supplier mo ng flowers, biruin mo araw-araw siyang nagbibigay sa iyo ng messages and flowers and come to think of its, he are really in love with you!"
Napangiti lang ako sa sinabi ni Keira. Naglalakad na kami pabalik sa room for our last subject. Totoo nga yung sinabi ni Keira, napakamisteryoso nga niya… Sino nga kaya talaga siya?
Pagkapasok namin sa room ay muntik na akong mabangga ni…
"Ops I got you!" Napahinto si Kendrick bago pa niya ako mabangga at napangiti siya sa akin.
"Hooh muntik na yun… Hi Thiara…" Tumingin siya sa likuran at lumawak yung ngiti niya. "Hi Nancy… Keira!"
"Hi Papa Kendrick…" At mabilis na pinulupot ni Keira ang kamay niya kay Kendrick. Kawawang Kendrick, hindi na naman siya nakatakas sa kamandag ni Keira. Ang babaeng eto talaga…
Naglakad na sina Kendrick at Keira papunta sa upuan namin at sumunod naman kami ni Nancy. Matapos ang limang minuto ay dumating yung professor namin, si Mr. Dimafelis na mahilig magpagawa ng group activity.
"Settle down." Umupo kami at mabilis na kinuha ang ballpen at notebook namin dahil magbibigay siya agad ng instructions for our activity today.
"I want you to group yourselves in four which is composing of three girls and a boy. I call this activity, 'Partners in crime'." Nagkatinginan kaming tatlo at tulad ko mukhang excited na rin sina Keira at Nancy na gawin etong new activity namin!
Tumayo kami at nag-group hug kaming tatlo ang problema kailangan namin ng isa pang member at mukhang may gusto ng maging ka-group kami.
"Sa inyo na ako Thiara…" Napangiti naman ako at tumango agad kay Kendrick, mabilis siyang lumapit sa amin at nagsasama-sama naman kami agad sa isang lugar.
"Okay now you are all group, I'll just give you this simple instruction, now make a pair and exchange stories which just recently happen to you which is real. I know if is not true so I dare you to be honest. Tell it to your partner and after 20 minutes meet again with the two others and choose one story that is unique. There will be one representative every group that will tell us the story and I'll give my prediction."