"Oo nga po eh... Aling Susan andiyan na ho ba yung pinabili ko kahapon kay Mang Karyo?"
"Oo hija kumpleto... Ano ba ang balak mong lutuin?"
Yup dahil SUPER INSPIRED ako naisipan kung magluto! "Adobo po..." And it is truly that adobo is my specialty! Tignan ko lang bukas kung hindi ma-inlove sa akin si Ernest! Naku Thiara nababaliw ka na talaga!
"Matagal ka na bang nagluluto?"
Tumango ako sa kanya. "Taong-kusina ho ako noong high school pa... Madalas po ako yung katu-katulong ng Mama ko sa pagluluto."
"Buti ka pa hija... Alam mo bang yan si Keanne kahit anong gawin niyang bata yang hindi maganda ang kinalalabasan ng niluluto niya. Ano nga ba yung lagi niyang sinasabi, frus… Ano nga ba yun?"
"Frustrated cook?"
"Oo yung nga..." Aba hindi ko alam na frustrated cook pala etong si Keanne! "Eh Aling Susan matanong ko lang po, ano ho yung madalas na niluluto niya na hindi maganda ang kinakalabasan?"
"Aba'y yang batang yan mahilig sa maangha! Kabaliktaran mo..." At nag wink siya sa akin.
Natawa naman ako sa sinabi niya. Mahilig si Keanne sa maanghang? Kaya naman pala ang sama ng ugali niya! Oo nga naman siya mahilig sa maanghang ako sa matatamis.
"Kaya nga kayong dalawa perfect combination parang asukal at paminta..."
Teka nga lang kailan pa naging perfect combination ang asukal at paminta? Ibang klase din etong si Aling Susan mina-match make pa ako kay Keanne! Gawin ba daw kaming sugar and spice?
"O siya hija galingan mo diyan sa iyong pagluluto, tiyak kong masarap yan! Pupunta mo na ako ng palengke. Wag kang mag-alala, mamaya pang alas-nwebe magigisng si Keanne at hindi magwawala iyon para sa pagkain. Sige hija mauna na muna ako..."
"Sige po ingat kayo..." At pagkaalis na pagkaalis ni Aling Susan ay nag-umpisa na akong magluto.
Malapit na akong matapos ng biglang may sumigaw…
"Yaya Susan gutom na ho ako. Paakyat naman ho ng breakfast..."
Napatingin ako sa relo ko, alas-otso y medya pa lang ha! Ang sabi sa akin ni Aling Susan alas-nwebe pa gigising to si monster este si Keanne! Naku naman gutom na siya, anong ibibigay ko?
Magsasalita na sana ako sa pinakamalapit na inter com ng nagsalita ulit si Keanne…
"Huwag nga po pala nyo kakalimutan yung iced tea. Sige ho..."
Naku Thiara wala ka ng choice... Mukhang hindi si Ernest ang unang makakatikim ng adobo specialty ko…
"Keanne?" Nasa kwarto ako ni Keanne at nowhere to find siya.
"Yaya, pakilagay na lang ho sa lamesa." Nasa banyo pala siya. Nilagay ko na sa lamesa yung tray na merong banana, rice, iced tea and siyempre yung adobo ko! Sana nga lang magustuhan niya.
Sinarado ko yung pintuan niya at hindi pa ako nakakalayo ng makarinig ako ng…
***CRASHED!
Pumasok agad ako sa kwarto niya at nakita ko sa lapag yung…
Adobo ko!
"Who the hell cooked that?"
Napatingin ako sa kanya. Galit na galit yung mukha niya.
"Keanne, hindi mo ba gusto yung lasa?" Sa pagkaalam ko tama lang naman yung timpla ko bakit ganun?
"Don't tell me you cooked that Thiam?"
Tumango ako sa kanya. "Bull sh**t! Are you trying to kill me?"
Nagulat naman ako sa sinabi niya. "Kill you? Bakit naman kita papatayin Keanne? Masama ba yung lasa ng adobo ko?"
"Will you just go out?" At tinalikuran niya ako sabay andar ng wheelchair niya papalayo sa akin.
Lahat ng dugo ko sa katawan biglang tumaas dahil sa pagtalikod niya sa akin. His behavior is really getting to my nerves!
"Ayokong lumabas... Ano bang problema mo Keanne?"
"Anong nangyayari dito?"
Parehas kaming napatingin kay Aling Susan na nasa pintuan.
"Will you just let Thiam go out to my room Yaya, I am having a headache."
Ako super headache na! Sandali nga ano bang problema nito ni Keanne?
"Huwag nyo po akong pilitin lumabas Aling Susan hangga't hindi ko nakakausap ng matino tong si Keanne. Ano bang problema mo?" Sinigawan ko na siya. Nakakainis na talaga siya sobra! Ang hirap talagang intindihin ang ugali niya at pakisamahan siya!
Humarap siya sa akin. "Do you really wanna know what my problem is?" Napalunok ako sabay tango sa kanya. "My problem is your bull sh**t food! What kind of food is that?"
Sasagot pa sana ako ng pinigilan ako ni Aling Susan. "Mabuti pa hija pumunta ka muna sa kwarto mo at ako na lang ang Kakausap dito kay Keanne."
Napatingin ako kay Aling Susan at tumango siya sa akin. Wala na nga akong magagawa mukhang hindi talaga nagustuhan ni Keanne yung niluto ko, in the first place hindi naman talaga para sa kanya yun!
"Sige ho..." At dali-dali akong pumasok sa kwarto ko.
Tinignan ko agad yung recipe book na parati kong dala. Wala naman akong nakalimutan gawin at okay naman ang lahat ng ginawa ko. Anong problema dun sa niluto ko? Bakit hindi nagustuhan ni Keanne?
KEANNE'S POV
"Did you give her permission to cook?" Pagkalabas na pagkalabas ni Thiam ay hinarap ko agad si Yaya. Inaayos niya yung binasag kong plato at yung adobo na nakakalat sa lapag.
"Hijo, alam mo ang sinabi ng Mama mo na kahit anong gawin ni Thiara dito ay pwede."
"But you know that-"
"Eh di sabihin mo sa kanya hijo. Hindi mo ba alam na maaga pa talaga siya nagising para magluto lang ng adobo tapos anong ginawa mo. Keanne anak, humingi ka sa kanya ng paumanhin at sabihin mo kung bakit mo ginawa eto."
I sighed deeply. "In the first place, why should I tell her?"
Patapos na si Yaya sa paglililnis niya. "Anak, nasaktan mo siya kaya dapat lang malaman niya kung bakit ganun ang reaksiyon mo sa ginawa niya."
I stare at Yaya then I had decided…
END OF KEANNE'S POV
"Pasok..."
"Thiam..." Napatingin ako sa taong nasa pintuan.
"Bakit andito ka? Kung lalaitin mo ulit yung ni-"
"Will you just let me talk?"
Tumango ako sa kanya. "I came here to say thank you for impressing me."
Impressing him? Eh hindi nga niya nagustuhan yung adobo ko so paano siya na-impress? Nang-aasar ba 'to?
"I hope you cooked something else..."
At ang lokong to inutusan pa akong lutuan siya ulit! Wag na no!
"I don't like adobo."
Eh hindi mo naman pala gusto ng ado-… Teka nga… Hindi niya gusto ng adobo?
Napatingin ako sa kanya. "Ha? Bakit naman hindi mo gusto ng adobo?"
He chuckled then he looked with these very innocent eyes like a boy.
"Promise me you will not laugh…"
Tumango ako sa kanya.
"I'm a certified meat hater."
Meat hater? Meron palang ganun… Kaya naman pala ayaw niya ng adobo at mas nagulat pa ako sa sunod niyang sinabi…
"I'm a FULL TIME VEGETARIAN."
Si Keanne vegetarian?
Hey
Who do you think you are?
Making me sit every day
Waiting for you
Oh, I think it is time
I think I need to find
The walls that I'm to climb
-Sophia and Kia
Eto na ang araw na pinakahihintay ko, sa wakas makikita ko na ulit si Ernest at matitikman na niya ang: Thiara's Super Special Adobo!!!
Maaga talaga ako nagising para magluto, maligo at antayin si Ernest at hindi nga ako nagkamali seven am palang ay dumating na siya.
Pupuntahan ko sana siya kaso pinigilan ako ni Keanne.
"Thiam, diretso ka na malapit sa swimming pool ngayon na."
Kaasar naman tong lalaking eto! No choice ka Thiara ang amo mukhang galit na!
Sumunod na lang ako at pumunta na ako sa favorite bench ko na may hawak na ball pen at paper.
May naisip kasi akong gawin habang binabantayan ko etong si Mister Keanne the vegetarian at ang love na love kong si Ernest!
Nagsimula na yung session nila at nagstart na rin akong magsulat…
ERNEST "THE PAPABLE HUNK" VS KEANNE "THE VEGETARIAN MONSTER"
To get to know a person's behavior kailangan magsimula muna ilista ang positive at negative behavior niya. Ang balak ko lang sana ay si Keanne dahil nga utos ni Mrs. Lacey na ako ay maging teacher niya sa pag-aayos ng behavior niya pero siyempre para naman hindi ako ma-bored at para naman kiligin ako isinama ko na si Ernest! ;)