webnovel

Chapter 1

Skies Has Fallen

SNEAK PEAK*

"Is it true!? Totoo ba ito? Why didn't you tell me?" galit niyang tanong.

Tumalikod ako at tinago ang mga luhang pilit lumalabas. I never thought about this..

"I--- Hindi ko alam ang nangyari Dex!"

"No! Don't you dare tell me you don't know anything! I saw it with my eyes! Hindi ako bulag. Elllie!" Galit na galit niyang sigaw. Nakikita ko sa mga mata niya ang sakit at lungkot.

Bigla nalang niya akong Hinablot sa magkabilang braso at malakas na sinandal sa pader.

"Please tell me.. T-this is all for a show," Mahina niyang saad habang nakatitig sa mga mata ko.

I'm sorry Dex...

"H-Hindi ko sinasadya.." mahina kong bulong.

Before I could even blink umiiyak na siya sa harapan ko at biglang napaluhod habang nakahawak sa magkabilang tuhod ko.

No! No! No! please don't beg on me!

"D-Dex..." nanginginig kong tawag sa pangalan niya.

Umiiling lang siyang nakayapos sa tuhod ko at umiiyak.

"There are millions of reasons why I love you. Is there any chance you have at least one for me?"  Umiiyak niyang tanong.

Napahawak na lamang ako sa bibig ko at pilit tinatago ang hikbi. How can I do this to a man like him? To the man who gave his everything for me? Bakit kailangan ko pa siyang saktan?

"I-Im sorry... I couldn't find any reason for me to love you," I said with a final tone.

Dahan-dahan akong kumalas sa pagkapit niya sa tuhod ko at Lumabas sa pinto.

"Kapag lalabas ka, hindi ka na makakabalik pa kahit kailan," seryoso niyang saad.

Malalim na hininga at pinihit ko ang doorknob upang lumabas.

Ang saya lang ng new year ko.

CHAPTER 1

"Are these all my stuff?"

"Yes ma'am," Mr. Jay answered.

I politely thank him and offered him snacks habang tumitingin sa mga lumang box na pinadala ni Papa. Apparently, I just moved into my new condominium. Na realize ko kasi na masyadong maliit ang bahay ni Papa para sa akin at ng bago niyang pamilya. I never really wanted to have my own place, sadyang maldita lang talaga ang bagong napangasawa at anak ni papa. I would rather be alone than breathe the same air as them.

Binubuksan ko ang mga lumang box at tinitingnan ang loob. " Bakit po anim lang ang box dito? Asan po iyong dalawa?".

Nagkatinginan bigla si Mr. Jay at si manong George. "Akala ko ba kinuha mo iyong nasa kotse na huling dalawang box?" mahinang bulong ni Mr. Jay pero naririnig ko naman.

"Ikaw kaya ang huli! Mas akala ko ikaw ang kukuha nun!" Gantong na bulong naman ni Manong George.

Napailing na lamang ako sa dalawa at nag offer na ako nalang ang kukuha. At first ayaw pa nila pumayag pero dahil nakalabas na ako ng pinto, wala na rin silang nagawa.

Habang naghihintay bumukas ng elevator nag check ako ng mga emails sa universities na pinasukan ko.

"I get it! The fuck is wrong with you? I don't care if your a whore or some stupid ass shit! You better stop calling me or I'll release your fucking porn scandal!" Sigaw bigla ng katabi ko habang may kausap sa cellphone.

Napaubo na lamang ako sa sobrang daming profanity words ang lumalabas sa bibig niya. Iba na talaga ang generation ngayun buti nalang utak mabait ako at hi-----

"The fuck are you staring at!?" Biglang sigaw niya sa mukha ko.

Ay! Hindi ko namalayan na nakatitig na pala ako ng matagal sa kanya.

"W-wala" Kinakabahan kong sagot.

The least thing I want to happen is get into a fight. Especially with a guy like him.

"Tss... Lintek! pinagnanasaan pa ata ako," bulong niya sa sarili.

I was about to react when the elevator opened. Muntik pa nga kami magka banggaan sa pagpasok. As a GENTLEWOMAN pina una ko na siya dahil mukha na man mamatay na siya kung hindi siya makauna sa pagpasok.

"Groundfloor," he said.

Tumaas lamang ang kilay ko at tinitigan ang reflection ko sa elevator. Mas lalong tumaas ang kilay ko ng makita ko ang galit niyang expression.

Ano ba problema ng lalaking ito? Dahil dakilang competitive ako mas lalo kobg tinaasan ang kilay ko hanggang Mt. Fuji.

"I said Groundfloor," may diin niyang utos.

"So?" naguguluhan kong sagot.

"Stupid! Pindutin mo ang ground!" galit niyang sigaw.

Aba! Siya na nga ang humihingi ng favor, siya pa may ganang sigawan ako?

"Do i look like an operator to you? Hindi ba at may kamay ka? Why don't you  press it yourself?" irita kong sagot. Mukha naman niyang hindi nagustuhan ang pag sagot ko dahil sa biglang pandidilim ng aura niya at tingin.

K fine. Pindutin ko na nga lang.

Nahiya naman ako sa dalawang kamay at dalawang paa niya.

Pagkatapos ko pindutin ang lintek na groundfloor na yan, tahimik akong nag scroll sa phone ng news. Matagal na rin nung last time ako nakibalita sa mga kaibigan ko. My life is too fucked up to even update someone.

"Tss.."

kumunot ang noo ko at tiningnan ang lalaki sa gilid ko na kung maka 'tss' akala mo inaaway.

May Monthly period ba siya? Talo pa niya ang babae sa kaaretehan niya. Akala mo naman gwapo--- Hm...

"Stop fantasizing me, woman" galit niyang sabi.

Before I could even shout bumukas na ang elevator at nagmamadali na siyang lumbas.

Lumabas na rin ako at pilit pinapakalma ang sarili. He is not worth your time, kaya huminahon ka girl!

Imbes na sayangin ko ang laway at effort ko sa paghabol sa kumag na iyon, nagdesiyon na lamang ako mag grocery at kuhanin na rin ang mga naiwan gamit sa car trunk.

Gilmore's Department store ang pinaka malapit na store sa condo kaya naisipan ko na doon na bumili ng mga ingredients.

Habang namimili ng mga sibuyas naisipan kong magluto ng adobong manok. It's my mom's favourite. Feeling ko dati nung bata ako guardian angel ko siya sa tuwing nilulutuan ako ng adobo ni papa.

"Oh? Andito ka na pala?"

Muntik ko na maihagis ang sibuyas na dala ko nang may nagsalita sa likod ko.

"Did I scare you?" natatawang tanong ni....

"TJ!!!!!" sigaw ko ng makita ko siya.

Troy Jasper De guzman, my childhood playmate and my boy  best friend. Okay, Inaamin ko may gusto ako sa kanya but crush lang naman.

"Hindi ba dapat ako ang dapat magtanong sayo? Andito ka na pala!?" nanggigil kong tanong at kinurot siya sa may tenga.

"Ah-ahw! Ang sakit naman niyan Jea!"

(N/A: Je+ya= Jea)

"Nakakainis ka talaga! Hindi ka man lang nag text o tumawag na umuwi ka na pala!?" irita ko pa rin sigawat akmang itatapon sa kanya ang sibuyas  ng bigla agad kaming sinita ng crew.

"Ano ka ba! wag ka nga nagkalat dito. Hindi mo ba alam sino ang may-ari ng mall nato?" Bulong niya at sinimulang itulak ang cart ko.

Gilmore? I've been to many business gatherings and parties pero wala pa ako nakikilala na may apelyido na Gilmore..

"Hindi, Di naman ako masyadong pamilyar talaga sa mga apelyido ng mga mayayaman." walang gana kong sagot.

Hindi naman talaga ako mayaman. Papa ko lang talaga ang may pera. ngayun na wala na ako sa mansyon niya I am as broke as those street people except the fact na may condo akong pagmamay-ari.

Iyong condo ko ay huling gift ni Mama para sa akin. She wanted me to live independently and fly as high as I could. I never wanted to move into the condo not until matapos akong mag-aral but due to my current situation kailangan ko na talaga lumipat.

Auntie Dianne is my step mom. May anak siya sa ibang lalaki na si Bea Rhain.

"Gilmore is like an ancient lost name in the business world," pagpapatuloy niya.

"Ancient? Gawa-gawa mo lang ata iyan eh!" Pang-aasar ko sa kanya.

Binatukan naman niya agad ako kaya hinampas ko din siya pabalik.

"Sige batukan mo ko ulit! Ipapakain ko sa iyo itong itlog!" Sigaw ko ng akmang babatukan nanaman niya ako.

Yes... para parin kaming mga batang paslit kapag magkasama.

"Wag kana kasi mang-asar! Seryoso ako ditong nagkwekwento ng chismis" Nagtatampo niyang saad at mas binilisan ang pagtulak ng cart.

"Fine! Sige na ituloy mo na ang nasagap mo na chismis sa Japan," natatawa kong bulong sa kanya.

Kahit irita ay pinaikot na lang niya ang mata niya sakin. Tsk. Para talagang bakla ito! Oo crush ko siya matagal na pero di ko magawang mag confess. Feek ko kasi hindi talaga straight ang isang to.

"So, Gilmore is like an ancient lost name sa business world. Kilala ang Gilmore dati as pinaka sikat na pangalan sa Business world. Q.H.G ang initial or more like Symbol ng may-ari ng Gilmore. Kilala rin siya bilang isang Underground boss at may hawak na gang arena sa buong bansa. Iyong main business naman ay Jewelries, Architecture, Cruise and Toy industry," kwento niya.

Wow, Mafia boss tapos main business ay toy industry, Jewelries, cruise st architecture? Parang ang layo naman. Ang alam ko sa mga mafia boss, nakakatakot sila at walang awa. The fact na siya rin ang may hawak ng gang arena sa bansa that means nakakatakot talaga siya at makapangyarihan.

"Kaso, bigla siyang pumunta sa Japan. Base sa chismis dati, kasama niya ang babaeng gusto niya at biglabgNo one has ever heared about him again." pagtatapos niya.

Iyon lang? How come wala ng nakarinig tungkol sa kanya? Paano ang businesses niya?

"What about his business? Sino nagpatuloy nun?" naguguluhan kong tanong.

"Iyan ang tanong na hanggang ngayun wala pa rin sagot. After maglaho ni Mr. Gilmore, bigla na rin pinalitan ang brand and Company's name niya---Counter na tayo?" saad niya.

Nagising naman ako sa malalim na pag-iisip ng makita ko ang mataas na linya sa counter. Wala sa sarili akong tumango at pumila.

"Ayaw mo ba talaga pumasok?" pagpipilit ko sa kanya.

"Hindi na, may party pa akong kailangan puntahan," natatawang sagot ni TJ sabay kamot sa likod ng ulo.

Malungkot naman akong tumango at nag paalam sa kanya bago isara ang pinto.

Kailangan ko na rin matulog at magpahinga para bukas.

***

Alam mo iyong Feeling na Gusto mo nalang itanong kay papa G kung bakit ganito ang buhay? Iyong nagpakabait ka naman ng sobra pero ginaganito ka ng mundo...

"Are you following me!?" galit na tanong ng lalaking kumag kahapon. Yes, tama kayo ng iniisip! Si Mr. kumag kahapon na nakasabay ko sa elevator.

"May condo ako dito, wag ka assuming." Walang gana kong sagot sa walang kwenta niyang tanong.

Ts.. Gwapo sana eh! mukha nga lang may anger management problem. Parating galit! Akala mo naman inaaway parati.

"You can afford a condo unit?" Hindi makapaniwalang tanong niya sabay tingin sakin from head to foot.

Aba! Gago to ah? Is he looking down on meh?

"Hoy! Afford ko pati building na ito! kaya please lang lumayo ka nga sa akin. You are so mabaho" nandidiri kong saad.

Mukha kasing galing Gym dahil sa basa niyang sando at buhok. Mukha naman siyang naasar at nainsulto sa sinabi ko dahil kulang nalang lumubog ako sa lupa ngayun at mag 'play dead' sa sobrang sama niya makatingin.

"You can buy this whole building?" hindi makapaniwalang tanong niya.

At dahil saksakan ako ng bobo, "Oo! Kaya tumahimik ka dyan and let me have my peaceful coffee day, pwede ba?" naiirita ko ng sabi.

Ala singko palang ng umaga bumangon na ako para sana magkape sa coffee shop sa harap ng condo. Kaso mukhang hindi ko na ata kailangan uminon ng kape dahil kausap ko pa nga lang ngayun pumapait na dila ko.

Di ko naman talaga afford ang building na ito, sinabi ko lang iyon para tapatan siya.

"This building is worth 18,568,9000 million pesos with 96 Condo units," saad niya na parang isang networking na nagaalok ng paninda niya sa akin.

Teka!? Paano naman niya nalaman ang bagay na iyon?

"So? Kaya nga kitang bilhin! Building pa kaya na ito?" palaban kong sagot at sabay flip ng hair.

Okay lang naman mag imbento at makipag taasan sa kumag na ito. Di naman siguro kami EVERYDAY magkikita diba?

Lets manifest na hindi sana. Ipagdasal ko nga iyan bago matulog. Chariz.

"Me? Oh love, Kahit handkerchief ko hindi mo afford," natatawa niyang sabi at umiiling na pumindot sa elevator.

Tanginahmow kumag!!!!

Gusto ko na talaga sipain to sa mukha eh! Nako! pasipa lang ng isa pleaseee.

Ting!

Bumukas ang pinto sa 6th floor at may babaeng nagmamadaling pumasok.

"Babe!! Your here pala? I was with Atoinne and he told me nasa unit ka daw," pabebeng bati ni Bea rhain sa kumag na kasama ko.

Yes si Bea rhain na bagong ampon ni papa na anak ni auntie Dianne.

GF niya si Bea? anong klaseng taste ba meron ang kumag na ito!?

Pinaikot naman ni kumag ang mgs kamay niya sa bewang ni bea at hinapit papalapit sa kanya. And the rest is history.....

Nag french kiss lang naman po ang mga walanghiyang ito. Nagsama pa talaga sila isang kumag at isang maarteng gaga.

*****

Bea + Kumag = maarteng gaga na kumag

Bow.