webnovel

Sinuous (Filipino)

She was a victim of a sabotage before that 'causes her heart to have trust issues. After recovering, she decided to return to her old school for the reason that she want them to see her new self. But after a few months, she found peace in her heart. She thought that her life will flow normally, untill someone will give it an intense and thrill that might twist their fate.

Ijverig · Masa Muda
Peringkat tidak cukup
16 Chs

Chapter 10: His Place

Isha's POV

"Po? " Nakakunot ang noo kong tinanong si nanay. "Seryuso kayo, nay? "

"Ay oo nga, Isha. Kahit tingnan mo pa sa bintana. Kaya bilisin mo na riyan. " Sagot ni nanay.

"S-sige po. " Pagkatapos isara ni nanay ang pinto ay napabalikwas ako sa aking kama.

Naghihintay nga si Leandre sa labas. Ano naman kayang nakain nito at sinundo pa ako?

Thirty minutes at natapos din akong magbihis, pagkababa ko ay dinaanan ko pa si nanay sa kusina.

"Aalis na ako, nay. " Pagpapaalam ko sa kaniya.

"Ito baon mo. " Iniabot niya sa'kin ang paper bag.

"Bakit po ang dami nito? 'Di ko 'to mauubos eh. " Napangiwi akong tiningnan ang loob ng paper bag.

"Para sa inyong dalawa 'yan ni Leandro. " Wika niya.

"Gan'on po ba. Sige po, nay. Bye. " At dali dali akong lumabas sa bahay namin.

"Ang tagal mo naman! " Reklamo niya.

"Aba?! Malay ko bang naghihintay ka? Isa pa, hindi naman kita inutusan na kunin ako! " Sumbat ko.

"Fine! Get in!" Utos niya.

"H'wag mo akong taasan ng boses, you're my slave! " Giit ko.

Hindi siya sumagot. Nang maupo na ako sa tabi niya ay napansin kong tinitigan niya ako. "Bakit? "

Iniwas ko ang aking mukha nang akmang papalapit siya sa'kin. Inches lang ang layo ng mukha namin sa isa't-isa kaya napakagat ako sa aking labi. Naiilang ako sa sitwasyon namin at nararamdaman ko rin ang pag-init ng aking pisngi.

"Next time, don't forget your seat belt. " Mahina niyang saad.

Umirap lang ako. Wala ako sa mood makipag-away sa kaniya. Aaminin ko... Hindi pa rin ako nakaget-over sa HIMALANG GINAWA NI LINDSY.

After naming mabasa ni Legrand sa ulan ay umuwi kami n'on. Pagdating ko sa bahay sinabihan niya akong subukan ko raw'ng paniwalaan si Lindsy. Nang sa gan'on ay mapatawad ko siya. I told him that it's not easy for me, since my trust issue na ako sa kaniya. But then he answered, everyone deserves a second chance.

'Yon ang problema ko. Hirap akong ibigay ang second chance na 'yon. Kung hindi lang sana ako sinundo ni gago, eh hindi talaga ako papasok ngayon.

"Aray... Dahan dahan! " Nasapo ko ang ulo ko dahil nauntog ito dulot ng malakas na pagpreno ni gago.

"Mahina lang 'yon. " Sagot niya. "May problema ka ba? Lutang ka eh. "

"Umaandar na naman ang pagiging chismoso mo. Wala! " Singhal ko.

"C'mon... Curious ako eh. I'll listen. " Pamimilit niya.

Bumuntong hininga ako. "Sigurado ka? "

"Promise. " Sabay taas ng kaniyang palad.

"Fine! " Sumandal ako sa upuan ng kotse niya. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata. "Isinabutahi ako ni Lindsy noon, at ngayon nanghihingi siya ng tawad. "

"At nahihirapan kang patawarin siya, right? " Pagtatapos niya sa sasabihin ko.

I nodded. "Kung ikaw ba nasa sitwasyon ko... Tatanggapin mo ang sorry niya? "

Tiningnan ko siya. Ngunit ilang segundo rin siyang napapatitig sa'kin.

Pagkuway sumagot siya, "I don't know. "

"Paanong hindi mo alam? Hirap ka rin bang magpatawad? " Sunod sunod na tanong ko. Base on his reaction he has the same issues as mine.

"Gusto mo bang gumala? " Biglang tanong niya.

Since wala akong ganang makinig sa leksyon tinanguan ko siya. "May alam ka? "

"My place. " At agad niyang pinaandar ulit ang kotse at nilisan namin ang paaralan.

Habang nasa byahi ay napatingin lang ako sa kawalan. Shits! Bakit ba masyado akong affected sa nangyayari? Dinaig ko pa broken hearted eh. Ang OA ko na siguro no?

"Oo. " Pagbasag ni Leandre sa katahimikan. "May taong hirap ko ring patawarin. Maybe because untill now I can't accept what he did. And I don't have to blame my self for that. "

Napatango ako sa sinabi niya. Pareho naman pala ang pinagdaanan namin ni gago. "Pero... Paano kung sincere siya sa panghihingi ng sorry niya? Mapapatawad mo na ba? "

"Maybe. " Tugon niya.

"Maybe? So wala paring kasiguradohan. Hayyysstt! " Napasabunot ako sa aking sarili.

"Stop it! " Dikta niya.

"Ang alin? " Nagtataka kong tanong.

"H'wag mo ngang saktan ang sarili mo. Hindi ka na nga nagsuklay ginulo mo pa ang buhok mo. " Sermon niya.

Napa-pout na lang ako, "paano kung magbago siya? For sure you can accept his apology, right? "

"Ofcourse, 'yon ay kung magbago siya. But in my case, malabong mangyayari 'yon. " Sagot niya habang nagmamaneho parin. Medyo nakalayo na kami sa syudad.

Bumuga ako ng hangin, "o-obserbahan ko si Lindsy kung taos-puso ba talaga ang panghihingi niya ng paumanhin. Kung magbabago siya... Patatawarin ko na siya. Gaya ng sinabi mo. "

"That's good. " Komento niya. "Tao lang tayo, minsan nagkakamali pero deserve parin natin ang second chance. Diyos nga kayang tanggapin tayong lahat. Tayo pa kaya? 'Di ba? "

Tinanguan ko siya. Kagaya ni Leandre gan'on din ang sinabi ni Legrand. Lahat deserve ang second chance. Napalingon ako sa kaniya. Weird siya ngayon ah! Ibang-iba sa Leandre na kilala ko. Damn! 'Di ako sanay.

"Kung yelo lang siguro ako, malamang natunaw na ako sa mga titig mo. "

Nabalik ang diwa ko sa sinabi niya, "tse! Sino ka naman para titigan ko, aber? "

"Well, I'm Leandre Melendres. Your sexiest and hottest slave. " Pagmamayabang niya na may halong pang-aakit.

Nakangiwi ko siyang tiningnan, "yucks! Mukha kang unggoy! "

Ilang minuto pa ay huminto kami sa harap ng malaking gate.

"Hoy gago, saan tayo patungo? " Tanong ko.

"Sa kubo namin. " Sagot niya.

Mamaya pa'y kusang bumukas ang gate. Wow! High-tech!

Dahan dahan kaming pumasok sa isang matagong lugar. Mga puno lang ang nakikita ko sa paligid.

"Malayo pa ba ang kubo niyo? " Usisa ko.

"Malapit na. " Tugon niya.

Nagkibit balikat lang ako. Grabe! The whole place is so peaceful that can remove your stress. Para kang nasa malayong kagubatan. Naririnig ko ang huni ng bawat ibon na naglilibang sa mga puno. Nag-eexist din pala ang ganitong lugar sa kabila ng pollution. Pumikit ako at ninamnam ang kapaligiran.

"Baba na. " Iminulat ko ang aking mga mata at tinanggal ang seat belt.

"Wow! Ang galing! May fountan! " Bulalas ko.

Ang fountain na ito ay nasa gitna ng kalsadang kadugtong nang dinaanan namin kanina mula sa gate. Sa tantya ko ay mangangalay talaga ang paa mo kung maglalakd ka lang mula sa tarangkahan.

Napatingin ako sa deriksyon na iyon, "gago? Nasaan ang kubo niyo? Nakarating nalang tayo sa harap ng fountain, wala namang kubo ah! "

"Hoy! Dito! " Tawag niya sa'kin. Pumunta ako sa kinatatayuan niya. "Ayan oh! " Gamit ang kaniyang labi ay itunuro niya ang...

"Potspa! 'Yan ang kubo niyo? " Halos 'di ko makapaniwalang tanong. He nodded. Hindi maipinta ang mukha ko habang pinagmamasdan ang malaking mansyon na kubo raw nila gago.

T*ngina! Gaano ba sila ka yaman? Eh hanggang tatlong palapag ito! Mas lalong lumaki ang bunganga ko nang lumabas ang maids.

Lumapit sa amin ang isang matandang nasa edad singwenta na. "Magandang araw, señorito. At siya ang iyong...? "

"Dulzura. " Sagot ni Leandre sa matanda.

Gulat na napatingin sa'kin ang matandang babae. "Ma-magandang araw sa'yo, hija. " Sa tingin ko'y ito ang mayordomo.

Ngumiti ako ng peke sa kaniya, "magandang araw din po. "

"Batiin niyo sila! " Utos niya.

"Maligayang pagdalaw! " Sabay sabay na saad ng maids at nagbow pa sila.

Hindi ako kumukurap habang pinagmamasdan ang nakapaligid sa'kin. Nasa set ba ako ng isang k-drama? South Korea ba 'to?

Tapos tumunganga ako sa kaniya. Para siyang isang hari sa harap ng nakayukong mga alipin. Leandre Melendres? Sino ka ba talaga?

"Dulzura? "