webnovel

Chapter 5- Surprise Quiz

Kinabukasan, muli na namang pinagalitan ni Ramon si Lucile dahil sa huli na naman itong nagising para magluto ng agahan, tsaka ito umalis.

Naghanda naman sa pagpasok sa Eskwelahan si Emily at sabay silang umalis ng bahay nang kanyang ate.

Pagdating sa eskwelahan, dumating ang kanilang guro at agad nitong sinimulan ang kanilang klase kung saan nabigla ang lahat sa sinabi nito.

Sir Joey: "Class! Bring-out 1/4 sheet of pad paper! At magku-quiz tayo!!"

Girl student1: "A-Ano po, Sir?!"

Boy student1: " Sir! Di ba kaku-quiz lang po natin kahapon?! Bakit may quiz na naman po kami?!"

Sir Joey: "Eh siyempre! Para malaman ko kung nag-aaral ba talaga kayo o hindi! Kaya maglabas na kayo ng 1/4 sheet of pad paper at simulan na natin ang quiz!"

Wala nang nagawa ang mga estudyante sa sinabi ng kanilang guro kundi ang sundin na lamang ang ipinag-uutos nito.

Nang lumabas mula sa Projector ang mga tanong sa kanilang quiz, lalo pang nagulat ang mga estudyante ng makita nilang mga tanong mula sa kanilang lesson kahapon ang coverage ng kanilang quiz.

Kung kaya't ginamit ng ilang mga estudyante ang kanilang mga ipinagbabawal na technique.

Allan: (Oras na para gamitin ang isa sa aking mga Technique!)

Akala ng lahat ng mga babae, ginagamit ni Allan ang salamin sa kanyang sapatos para makapanilip ng pang-ilalim ng mga babae.

Ang hindi nila alam, idinikit ni Allan ang kanyang notebook sa ilalim ng kanyang upuan at ginagamit ang salamin upang tingnan ang nilalaman ng notebook.

Ang nakakamangha pa kay Allan, kaya nitong magbasa ng mga salitang baliktad. Kung kaya't lamang sa pandaraya si Allan.

Allen: (Ang galing mo, Tol! Kitang-kita sa salamin ng sapatos ko yung reflection ng salamin mo! Genius ka talaga!)

Si Allen naman, ginagamit ang salamin sa kanyang sapatos upang makita ang reflection ng mga sagot sa salamin ng sapatos ni Allan.

Nina: (Oras na para magpasa ng information!)

Gamit ang smart watch ni Nina, nagkunwaring tinatakpan nito ang kanyang sagot sa kanyang papel. Ngunit kinukuhanan niya na pala ito ng litrato sabay send sa Messenger ng kanyang mga kaibigan.

Althea: (Okay! Salamat, Nina.)

Claire: (Thanks!)

Emily: (Thank you!)

Ito ang dahilan kung bakit laging may suot na Smart watch ang apat na magkakaibigang ito.

Samantala, problemado naman si Daniel sa kanyang isasagot sa papel.

Kaya nagkunwari siyang may tinitignang bagay sa labas ng bintana, kung saan sinisilip niya na pala ang papel ng kanyang katabi.

Sila Ruby, Ivy at Samantha naman, may ihinanda na palang kodigo sa ilalim ng kanilang mga mesa at nagpapasahan ng sagot ang tatlong ito.

Maayos namang sumasagot sa kanilang mga papel sila Edward, Isaac at Axel dahil sa nakinig kahapon sa discussion ng kanilang guro ang mga ito.

Ngunit ang pinakamatindi sa lahat ng uri ng pandaraya ay ang taglay ni Kit.

Kung saan, na-weirduhan sa kakaibang pagsenyas ng kanyang mga kamay, ang kanilang guro.

Sir Joey: "Oy! Kit? Anong ginagawa mo? Ba't hindi ka pa sumasagot sa iyong papel?"

Kit (meditate): "..Rat...Ox...Tiger..Rabbit..Dragon...Snake...Horse..Sheep..Monkey..Rooster..Dog..PIG!"

Sir Joey: "Ha?"

Sabay pikit ni Kit ng kanyang mga mata. Tapos bigla niyang iminulat ang mga ito sabay sabi ng...

Kit: "...MANGEKYO SHARINGAN!..."

Sandaling tumahimik ang kanilang guro sabay napakamot sa ulo dahil sa hindi maipaliwanag na ginagawa ni Kit sa kanyang upuan.

Sir Joey (unamused): "Hay...bahala ka nga sa buhay mo."

Tsaka pumwesto sa likod ni Kit ang kanilang guro. Napakamot din ng ulo ang ilan sa mga kaklase ni Kit dahil sa kaweirduhang ginagawa nito.

Daniel: (Ano na naman ang trip ng lalaking yun?)

Nina: (Grabe... Ang weird niya talaga.)

Claire: (Ano naman kayang tumatakbo sa isip niya at gumagawa siya ng kakaibang mga senyas?)

Ruby: (Abnormal talaga.)

Emily (concerned): (Kawawa naman siya. Baka wala siyang maisagot sa kanyang papel.)

Althea: (Suko na talaga ako sa kung ano talaga ang nasa utak ng taong to.)

Matapos masaksihan ang ka-weirduhan ni Kit, bumalik ang lahat sa pagsagot ng kanilang mga papel.

Maya't maya, ipinag-utos ng kanilang guro na ipasa ang kanilang mga sinagutang papel sa kanyang mesa at tinawag nito si Edward upang icheck ang mga papel.

Tsaka nagsimulang magturo ng bagong lesson ang kanilang guro.

Ilang minuto bago dumating ang susunod na Subject Teacher, masayang ini-announce ng kanilang guro na may nakakuha ng perfect score sa kanilang quiz.

Sir Joey: "Class! Masaya ako sa naging resulta ng inyong quiz dahil karamihan sa inyo ay mayroong nakakuha ng matataas na Score.

Sa nakikita ko, proweba ito na nakikinig nga kayo sa aking mga lesson.

At natutuwa din ako dahil may isa sa inyo ang nakakuha ng Perfect score!"

Emily (shocked): (A-Ano?! May nakakuha ng Perfect Score?)

Allan (arrogrant tone): (Siguradong ako yan! Sa galing kong magbasa ng baliktad na letra, siguradong tama ang lahat ng sagot ko!)

Nina: (Sana ako yung estudyanteng tinutukoy ni Sir na nakakuha ng Perfect Score!)

Ruby (feeling confident): (Baka ako ang tinutukoy ni Sir na naka-Perfect Score! Ako naman kasi ang may kodigo. Hahahahaha!)

Sir Joey: "So, uhhhh...Ang nakakuha ng Score na 20 out of 20 ay walang iba kundi si...."

Nina: (Yes! Ako yan! Sigurado ako!)

Allan: (Ako yan!)

Ruby: (Sigurado akong pangalan ko ang iaannounce ni Sir! Tama lahat ng sagot sa kodigo ko eh!)

Sir Joey: "Si Kit."

Biglang tumahimik ang buong paligid. Tsaka napasigaw ang lahat. Maliban kay Kit at Edward.

Lahat (shocked): "ANO?!"

Hindi makapaniwala ang lahat nang marinig nila ang binanggit na pangalan ni Kit mula sa kanilang guro. Kaya nagtaka ng husto ang lahat kung paano nakakuha ng Perfect Score si Kit sa kanilang mga quiz.

Allan: "T-Teka?! Paanong nangyari yun?!"

Allen: "Oo nga! Paano nga ba?!"

Ruby: "That's impossible! Paano siya nakakuha ng Perfect Score?!"

Daniel: "Hoy Kit! Anong uri ng pandaraya yung ginawa mo ha?!"

Ruby: "Oo! Tama si Daniel! Baka nag-cheat siya! I'm sure of it!"

Sir Joey: "Guys! Umupo nga muna kayo at lilinawin natin ang mga reklamo ninyo!"

Umupo ang lahat ng mga nagrereklamong estudyante dahil sa kaduda-dudang Score ni Kit sa kanilang quiz. Tsaka nagsalita ang kanilang guro.

Sir Joey: "Guys! Sa maniwala kayo o hindi, hindi siya nag-cheat."

Ruby: "Sir! Paano niyo po nasabing hindi siya nag-cheat?!"

Sir Joey: "Ms. Fajardo, para sabihin ko sayo at sa lahat ng mga nagdududa kay Kit, nasa likod lang naman ako ng kanyang upuan at minamatyagan ang kinikilos ng bawat isa sa inyo. At alam ko din, kung sino ang mga tunay na nagchecheat dito. Kaya inilista ko yung pangalan ng mga cheaters kanina tsaka ko inutusan si Edward na lagyan ng minus 5 ang score ng mga cheaters gamit ang red ballpen. Kaya mamayang hapon, maiiwan sa klase ang mga pangalang babanggitin ko!"

Inilabas ng kanilang guro ang listahan ng mga nag-cheat sa kanilang quiz. Gaya ng inaasahan, nabanggit sa listahan ng kanilang guro sila Emily at ang mga kaibigan nito, Daniel, Ruby at ang kaibigan din nito, at ang Kambal.

Wala namang nagawa ang mga ito kundi ang sundin ang ipinag-uutos ng kanilang guro, sa takot na ipatawag ang kanilang mga magulang.

Matapos mabanggit ni Joey ang mga pangalan ng mga Cheaters, agad itong nag-dissmiss ng kanyang klase para sa susunod na magtuturong Subject Teacher.

Ganun pa man, nagpatuloy sa pakikinig sa klase ang mga estudyante.

Pagdating ng hapon, naiwan sa kanilang classroom ang mga estudyanteng nag-cheat sa kasagsagan ng kanilang quiz, kaninang umaga, at tahimik ang mga itong nakaupo sa kanilang mga upuan.

Sakto namang katatapos magturo ng lesson mula sa kabilang Section ang kanilang guro na si Joey at agad itong umupo sa kanyang mesa.

Sir Joey: "Okay. Ngayong nandito ang lahat ng mga nasa listahan ko, sa anong dahilan kung bakit kayo nag-cheat sa quiz, kaninang umaga?"

Tahimik at hindi sumagot ang lahat ng mga naiwan. Ngunit agad din sumagot si Emily upang sabihin ang mga dahilan nito.

Emily: "Sir, hindi po kami nakapaghanda at tsaka nabigla po kami kanina sa pagbibigay niyo po sa amin ng quiz."

Daniel: "Oo nga po, Sir! Hindi niyo naman po kasi sinabi na magpapaquiz po kayo."

Sir Joey (cold tone): "So, sinasabi niyo na hindi kayo nakikinig sa discussion ko kahapon?"

Emily: "Hindi po sa ganun, Sir. Nabigla lang po kami."

Sir Joey: "Alam niyo, yan ang pinakamababaw na dahilan na maririnig ko sa inyo. Kung talagang nag-aaral kayo, sandali niyo lang bubuklatin ang mga notes ninyo para may maalala kayo sa mga diniscuss ko kahapon, hindi ba? Pero lumalabas, na hindi kayo nag-aaral, kaya niyo ginawa ang pag-checheat kanina. Tsaka, Ms. Gomez, porket hindi nakapag-review ang mga kaibigan mo ay basta mo na lang sila papasahan ng mga sagot. Baka nakakalimutan mo? Isa ka pa naman din sa mga honor students sa Eskwelahang ito?!"

Nina (sad): "Sir, pasensya na po. Nagawa ko lang naman po yun kasi hindi po nakapag-review ang mga kaibigan ko. Sa susunod po, hindi na po yun mauulit."

Sir Joey: "Oo. Dapat lang. Hindi na dapat yan maulit sa susunod. Tsaka kayong tatlo?! Grupo ni Ms. Fajardo at itong kambal!! Ngayon, alam ko na kung bakit laging matataas ang nakukuha ninyong score!! Nagchecheat pala kayo!"

Allan: "Sir, gaya po ng sinabi ni Emily, hindi rin po kami nakapag-review!"

Allen: "Oo nga po, Sir!! Tsaka, sila Ruby po ang lagi pong nandaraya sa exam!"

Ruby (sarcastic tone): "Hello?! Anong kami ang sinasabi mo dyan Allen?! Baka ikaw, kasi nagkokodigo ka rin hindi ba!"

Allen: "Puwede ba huwag mo ako isali dyan sa usapan kasi wala kaming ginagawa ng kakambal ko diba Allan?!"

Allan: "Oo nga!"

Sir Joey (mad): "Hay naku! Tumigil na nga kayo sa pagsisisihan niyo! Nahuli ko na nga kayong nagchecheat kanina sa klase! Bakit di niyo na lang tanggapin na nagcheat kayo at tawagin ang mga magulang niyo!"

Nina: "Sir!! Huwag naman kayo ganyan! Please! Ipagawa niyo na po lahat, huwag niyo lang ipatawag ang mga parents namin.

Daniel: "Sir, baka naman pagbigyan mo kami ng isa pang chance sir."

Lahat: "Oo nga, Sir!!"

Althea: "Please, Sir!"

Emily: "Oo nga, Sir! Sige na please po!"

Tila nagiisip ng magandang ideya si sir Joey kung ano ang gagawin nya sa mga cheaters na students ngayon.

Sir Joey: "Okay sige, pagbbigyan ko kayong lahat ng isa pang chance, pero bago ko gawin yun mayroon pa ako ipapagawa sa inyong lahat."

Daniel: "Ano naman sir ang ipapagawa niyo sa amin ngayon?"

Sir Joey: "Ang gagawin niyo, lilinisin niyo lahat ng banyo sa buong kwarto ng Grade 10!"

Lahat (shocked): "WWWHHHAATTT?"

Tila nagulat ang lahat sa sinabi ng kanilang guro matapos marinig ang parusa sa mga ito. Kung kaya't nagreklamo ang mga nagcheat sa desiyon nito.

Ruby (rolling eyes): "Sir! I hate cleaning CR's! They are so...EEEEEWWWW!"

Sir Joey (annoyed): "Anong gusto niyo?! Maglilinis ba kayo ng banyo o ipapatawag ko ang mga magulang ninyo?!"

Nina: Okay po, Sir. Gagawin na po namin ang ipinapagawa po ninyo."

Sir Joey: "Kung ganun, simulan niyo na ang maglinis ngayon! At starting tomorrow, yan na ang gagawin niyo hanggang matapos ang linggong ito! Naiintindihan niyo?!"

Lahat (nodding their heads): "Opo, Sir!"

Matapos silang masermonan ng kanilang guro, wala nang nagawa ang mga nagcheat kundi gawin ang ipinag-uutos nito at sinimulan nilang maglinis ng banyo.