webnovel

Chapter 36- Kidnapping

Kinabukasan, maagang dumating sina Emily at Nina sa kanilang paaralan. Maaga din dumating ang mga kaibigan ni Emily na sila Althea, Daniel at Isaac.

Ngunit, lingid sa kaalaman ng dalawang babae, patuloy pa rin sa pagbabantay si Kit at nagmamatyag lang sa labas ng bintana ng kanilang Eskwelahan.

Pero dahil na rin sa sinabing ipinangako ni Kit kay Emily na lulubayan na ito, minabuti niyang huwag na munang magpakita para hindi isipin ni Emily na binabantayan pa rin niya ito.

Ilang minuto ang lumipas, dumating sina Axel at Claire na magkasamang pumasok sa loob ng Classroom at hindi pa rin pinansin ni Emily ang dalawa.

Pero napansin ito ni Kit at hinala niya, hindi pa rin mapatawad ni Emily ang kanyang Ex-Boyfriend at ang isa sa matalik niyang kaibigan.

Kit: (Ayos ka rin, Emily. Hindi mo talaga kayang patawarin ang dalawang iyan? Hmmm... Kung pagbatiin ko kaya kayong tatlo? Pero kailangan ko munang maghanap ng magandang timing.)

Maya't maya, agad nagsi-pwesto at umupo sa kanilang mga upuan ang mga Estudyante, kasama ang mga grupo ni Emily, matapos silang sabihan ng isa nilang kaklase na paparating na ang kanilang guro.

Tahimik na naghihintay ang mga estudyante sa pagdating ng kanilang guro na si Sir Joey, nang mapalingon si Emily sa kanyang likod para tignan ang pinakadulong upuan kung dumating na si Kit.

Ngunit naaktuhan niyang nakita na lumundag at mabilis na pumasok sa bintana si Kit sabay upo sa kanyang upuan.

Emily: (Grabe ka Kit. Ganyan ka pala pumasok sa Classroom. Ngayon, alam ko na kung paano ka sumusulpot nang hindi namin napapansin.)

Hanggang sa dumating ang kanilang guro na si Sir Joey. At gaya ng dati, muli na namang nagkaroon ng announcement ang kanilang guro.

Sir Joey: "Okay, Class. TAHIMIK!"

Student Boy1: "Sir kanina pa po-"

Sir Joey: "Sabing TAHIMIK!"

Hindi na kumibo pa ang makatwirang kaklase nila Emily at nagpatuloy sa kanyang iaanunsyo ang kanilang guro.

Sir Joey: "Class! Mamayang hapon, magkakaroon ulit ng Faculty meeting ang lahat ng mga Teachers. At ayoko na rin magtago pa ng sikreto sa inyo sa kung ano ang pag-uusapan naming mga Staff ng eskwelahan na ito? Kaya makinig kayo.."

Nagbulungan ang mga Estudyante sa kung ano ang sinasabing "sikreto" ng kanilang guro. Maya't maya, nagsalita na ito.

Sir Joey: "Guys, makinig. Seryoso ito. Kung naalala niyo, Last Year, panay sa paglilibot ang ating School Principal sa ating Eskwelahan, hindi ba? At kung napapansin din ninyo, biglang nawala na parang bula ang ating Principal, pagkatapos ng Intramurals. Tama?"

Napasabi ng "Opo" at "Yes, Sir" ang ilan sa mga Estudyanteng nakapansin sa biglang pagkawala ng kanilang School Principal.

Hanggang sa naiinis na inanunsyo ng kanilang guro ang tunay na dahilan.

Sir Joey: "Guyz, ang dahilan kung bakit nawawala ang ating School Principal ay dahil sa nag-abroad lang naman siya dala ang lahat ninakaw niyang pondo ng ating Eskwelahan!"

Nagulat ang lahat ng mga estudyante sa sinabi ng kanilang guro at nagtanong ang ilan sa mga ito.

Nina: "Si-Sir! Seryoso po ba kayo?!"

Althea: "Ninakaw ang pondo ng School?!"

Daniel: "Sinasabi ko na nga ba?! Kurakot nga yung Principal natin!"

Isaac: "Daniel, kailan mo pa nalamang kurakot yung Principal natin?!"

Daniel: "Siyempre, Isaac! Noong Last Year! Maliban sa Tuition Fee, naniningil pa siya ng sobrang mahal na Library Fee!"

Axel: "Aba! Oo nga noh! Kaya pala nagtataka yung Tatay ko kung bakit mahal yung binayaran niyang Tuition?!"

Emily: "Sir, ano na pong mangyayari sa School kapag wala po tayong pondo?!"

Sa sobrang dami ng mga nagtatanong na estudyante, hindi masagot ng kanilang guro ang lahat ng kanilang mga tanong.

Kaya naman muli niyang pinatahimik ang lahat ng mga estudyante at nagpatuloy sa pagsasalita.

Sir Joey: "Guys! Makinig! Dahil sa ginawa ng Principal, napilitang umutang ng malaking halaga ang may-ari ng Eskwelahan sa isang Lending Company para makapagpatuloy sa operasyon ang Eskwelahan. Pero nalalagay na naman sa alanganin ang ating School dahil sa nalalapit na paniningil ng naturang Lending Corp. At wala pang perang pambayad sa utang ang pamunuan ng School. Kaya mamayang hapon, pag-uusapan namin lahat ng mga Staff at Faculty kung ano ang gagawin sakaling maningil na bukas yung Agent ng Lending Company."

Muli na namang nagkaroon ng konting ingay sa klase matapos magbulungan ang mga estudyante.

Nalungkot naman si Emily at nag-aalala na baka hindi na matupad ang hiling nitong sumayaw sa Prom sa darating na taon.

Ganun pa man, ipinagpatuloy ng kanilang guro ang klase para sa umaga.

Pagdating ng tanghali, lumabas mula sa kanilang mga Classroom ang mga estudyante at panay ang kwentuhan ng mga ito sa kung ano ang mangayayari, sa oras na hindi makabayad ng utang ang kanilang eskwelahan.

Sakto namang walang pasok sa hapon ang mga estudyante dahil sa magaganap na Faculty Meeting ng mga Guro at Staff.

Ngunit iba ang iniisip ni Kit sa mga oras na ito at nakatakda na itong isakatuparan ang kanyang naisip na plano.

Habang naglalakad sila Emily at ang mga kaibigan nito papunta sa Canteen, abala namang naghihintay si Claire sa labas ng CR ng mga lalaki at hinihintay na matapos sa paggamit ng banyo si Axel.

Nang biglang may naglagay ng sako sa ulo ni Claire at bigla itong nangisay at nawalan ng malay.

Tsaka siya dinampot, palayo sa CR. Paglabas ni Axel mula sa CR, napansin niyang nawawala si Claire, kaya hinanap niya ito.

Habang kumakain sa Canteen, biglang dumating si Axel at pinuntahan ang grupo ni Emily para tanungin, kung nakita ba nila si Claire.

Ngunit nang makita ni Emily si Axel, nagpatuloy lang siya sa pagkain ng kanyang pananghalian at hindi pa rin pinapansin si Axel.

Axel: "Guyz! Sumabay na bang kumain si Claire sa inyo?"

Nina: "Hindi naman, Axel."

Althea: "Bakit Axel? May problema ba?"

Axel: "Hi-Hindi ko nga alam. Nakapagtataka.... basta na lang ako iniwan ni Claire ng hindi nagpapaalam."

Althea: "Anong ibig mong sabihin, Axel?"

Axel: "Eh...Ano... Pakiramdam ko nawawala si Claire."

Daniel: "Tol! Paano naman mawawala si Claire eh kabisado naman niya ang buong School?"

Axel: Ehh..... Basta guys. May kutob ako na may nangyaring masama kay Claire."

Isaac: "Ang mabuti pa, Axel. Kumain ka na lang muna. Baka may pinuntahan lang siya saglit."

Hindi kumibo si Axel, matapos sabihin ng kanyan mga kaibigan na kumain muna ng pananghalian. Ngunit tinanggihan ni Axel ang alok ng kanyang mga kaibigan.

Axel: "Pasensya na guys. Pero kailangan ko munang hanapin si Claire. Talagang pakiramdam ko, may nangyari sa kanyang hindi maganda. Tsaka balitaan niyo na lang ako kapag nakita niyo na siya."

Sabay alis ni Axel at lumabas sa Canteen para hanapin si Claire. Pag-alis ni Axel, nag-usap naman ang mga magkakaibigan sa kung ano ang dahilan kung bakit nawawala si Claire.

Nina: "Guys, ano ba sa tingin niyo? Nag-aaway kaya sila ni Claire?"

Daniel: "Imposible ata yun. Masyado silang close sa isa't isa. Kaya hindi sila mag-aaway ang dalawang yun."

Althea: "Kung hindi sila nag-aaway, bakit nasabi ni Axel na nawawala si Claire?"

Isaac: "Posible kayang kinidnap siya?"

Nina: "Kinidnap? Paano naman makikidnap si Claire, eh lagi namang nakabantay yung Security Guard sa Gate?"

Isaac: "Oo nga noh."

Althea: "Hmmm....Ano kaya nangyari sa kanya?"

Nina: "Emily, sa tingin mo. Ano ang posibleng dahilan para mawala si Claire at iwan si Axel? Total, ikaw lang ang tanging tao dito na kanina pa nananahimik."

Nagulat si Emily sa sinabi ni Nina at parang pinaparatangan pa siya ni Nina na may kinalaman sa pagkawala ni Claire.

Nang mapansin ito ni Emily, agad niyang sinabi ang kanyang dahilan.

Emily: "Teka? Anong kinalaman ko diyan sa pagkawala ni Claire?"

Nina: "Kanina ka pa kasi tahimik diyan."

Emily: "Porket, nanahimik ako, ako na agad ang may pakana?!"

Althea: "Hindi naman sa ganun, Emily. Pero sana man lang nagbigay ka ng opinyon kay Axel kung ano marahil ang dahilan ng pagkawala ni Claire?"

Emily: "Pasensya na guys. Pero wala talaga akong alam sa pagkawala ni Claire. Ni hindi ko nga rin alam kung saan sila naglalagi ni Axel. Tsaka, wala na din akong pakialam sa kanila magmula noong iniwan ako ni Axel."

Nananahimik ang lahat ng mga kaibigan ni Emily matapos nitong sabihin na wala na itomg pakialam sa namamagitan nina Claire at Axel.

Ngunit, napansin din nila na may kaunting inis pa rin si Emily kila Axel at Claire.

Kaya hinayaan na lang nila na kumain si Emily, nang biglang may nambato ng nalukot na papel sa ulo ni Emily at hindi naman siya gaanong nasaktan.

Emily: "Pambihira! Sinong nambato ng bolang papel sa ulo ko?!"

Nina: "Bolang papel?"

Isaac: "Pasensya na, Emily. Hindi namin napansin."

Habang naiinis at hinahanp sa paligid ni Emily ang taong nambato, pinulot ni Nina ang bolang papel at tinignan ang nilalaman nito. At nagulat si Nina sa kanyang nakita.

Nina: "O.M.G! Guys! Tingnan niyo to!"

Tinignan nila Emily ang kanyang mga kaibigan ang nilalaman ng sulat at maging sila ay nagulat din sa nakasulat sa papel.

Nina: "Ang sabi: "Emily, kung gusto mo pang makita ng buhay ang kaibigan mo, makipagkita ka sa akin nang mag-isa. At siguraduhin mong wala kang ibang kasama. Alam mo kung saan tayo unang nagkausap ng masinsinan at dun mo ako hanapin.""

Althea: "Ibig sabihin, nakidnap talaga si Claire?!"

Daniel: "May hinala ako, yung kambal na naman ang may pakana nito."

Nina: "Sa tingin ko hindi, Daniel. Ang habol lang ng kambal kay Claire ay ang silipan siya sa ilalim ng kanyang palda. Tsaka sobra naman sila kung kikidnapin pa nila si Claire at mag-aabalang magbigay pa ng mensahe sa atin para lang silipan si Claire."

Isaac: "Kung hindi yung kambal ang may pakana, eh di sino?"

Tahimik na nag-iisip ang mga magkakaibigan kung sino ang may pakana ng pangingidnap kay Claire.

Ngunit base sa sulat, may ideya si Emily kung sino ang may gawa at naisip niyang pumunta ng mag-isa sa sinasabing lugar na alam din ni Emily.

Emily: "Guys, mabuti pa puntahan ko na yung kidnapper ni Claire."

Althea: "Ano?! Susundin mo yung sinabi ng kidnapper sa sulat?!"

Emily: "Oo, Alt. At mukhang may ideya na ako kung sino ang kumuha kay Claire."

Nina: "Teka...Kilala mo kung sino ang kumuha kay Claire?!"

Emily: "May ideya lang ako, Nina. Pero sigurado ako na "siya" ang may gawa ng gulong ito."

Althea: ""Siya"? Sinong "siya" ang tinutukoy mo, Emily?"

Nang marinig ni Nina ang salitang "siya" na tinutukoy ni Emily, tila nagkaroon din ito ng hinala na maaring ang lalaking ito ang dumukot kay Claire.

Kaya ipinaubaya ni Nina kay Emily ang pakikipag-usap sa lalaking ito.

Nina: "Kung ganun, ikaw na bahala kay Claire ha? Kapag nagmatigas pa siya, bigyan mo siya ng malakas na suntok sa mukha."

Emily: "Oo. Akong bahala. Aalis na rin ako."

At umalis mula sa Canteen si Emily para puntahan ang Kidnapper ni Claire. Naiwan namang nagtataka ang mga kaibigan nito.

Althea: "Teka, Nina. Hindi ka ba nag-aalala na baka saktan ng kidnapper si Emily? Baka mapapahamak siya kapag hindi natin siya sinamahan."

Nina: "Okay lang si Emily, Alt. Baka yung Kidnapper pa ang maging kawawa sa kanya."

Althea: "Sigurado ka?"

Nina: "Oo. Sigurado ako. Tsaka huwag kayong mag-aalala kay Emily. Baka bumalik pa nga sila na magkasundo ni Claire dahil sa ginawa nung Kidnapper."

Althea: "Sana, tama ang sinasabi mo, Nina."

Nagpatuloy sa kanilang kinakaing pananghalian ang mga kaibigan ni Emily.

Ngunit duda si Althea na baka hindi makabalik ng ligtas si Emily.

Kaya binulungan nito sina Daniel at Isaac na sundan si Emily. Sinubukan namang kumbinsihin ni Althea si Nina na sundan si Emily, at napapayag naman niya ito.

Ngunit may kundisyon si Nina na hindi sila makikialam sa kung anuman ang pag-uusapan nila Emily at ang Kidnapper ni Claire.

Makalipas ang ilang minuto, pumuntang 4th floor si Emily at pumasok ito sa loob ng pinto na papunta sa Roof top.

Nagulat naman sila Daniel, Isaac at Althea nang madiskubre nila ang pinto kung saan pumasok si Emily.

Ngunit namangha naman si Nina ng malamang may pinto pala papuntang Roof Top.

Pagdating ni Emily sa Roof top, nadatnan nito ang Kidnapper ni Claire at si Claire mismo na nakatali sa isang silya.

At gaya ng hinala ni Emily, napag-alaman niyang si Kit ang dumukot kay Claire.

Emily: "Sinasabi ko na nga ba?! Ikaw lang ang tanging tao na gagawa niyan kay Claire!"

Tumitig lang ng nakasimangot si Kit. Habang si Claire, pilit na nagpupumiglas sa taling ibinalot ni Kit sa kanyang buong katawan.

Habang kinakausap si Emily si Kit, nakikinig lang mula sa Pinto ng Rooftop Exit sila Althea, Daniel, Isaac at Nina.

Emily (irrirated): "Kit! Ano bang problema mo ha?! Ba't ba ayaw mo akong lubayan?! Tsaka idinamay mo pa talaga si Claire!"

Kit: "Wala naman."

Emily: "Wala naman?!"

Nagalit si Emily sa isinagot ni Kit na halos maglakad ito at lapitan si Kit para sampalin. Ngunit may nasabi pa si Kit sa itinanong ni Emily.

Kit: "Sa totoo lang, gusto ko lang na mag-usap kayo ni Claire. Kaso, kahit subukan ko pa kayong pag-usapin ni Claire sa maayos na paraan, alam kong hindi lang naman kayo magkikibuan. Kaya ginawa ko na lang ang mahirap na paraan."

Emily (irrirated): "Mahirap na paraan?! Nagawa mo ngang dukutin si Claire, paghanapin ni Axel sa buong School, at pagbintangan ako ng lahat mga kaibigan ko, para lang pag-usapin kami ni Claire?!"

Tumango lang si Kit sa tanong nito at nainis si Emily dahil lang sa gusto ni Kit na mag-usap sila ni Claire. Maya't maya, sinabihan ni Kit si Emily.

Kit: "Emily, tanggalin mo na mula sa pagkakagapos si Claire. Tsaka mag-usap na rin kayo."

Lumayo naman si Kit mula sa upuan kung saan nakatali si Claire at pumunta sa gilid ng pinto ng Rooftop Exit para umiglip.

Naiinis namang tinanggal ni Emily sa pagkakatali si Claire.

Emily: "Sira ulo talaga! Akalain mo, Claire. Dinukot ka pa nitong baliw na ito para lang makipag-usap sayo!"

Tahimik namang pinagmamasdan ni Claire si Emily habang tinatanggal nito mula sa pagkakagapos sa silya.

Hanggang sa naisip ni Claire na tama din ang ginagawa ni Kit.

Claire: "Patawarin mo ako, Emily."

Emily: "Wala kang dapat ihingi ng pasensya. Yung baliw na lalaking umiiglip diyan sa pader ang may gawa ng gulong ito. Kaya huwag mong sisihin ang sarili mo."

Claire: "Hindi yun ang tinutukoy ko, Emily. Humihingi ako ng tawad dahil sa pag-iwan sayo ni Axel."

Natigilan si Emily, matapos humingi ng tawad si Claire. Ngunit muli pang nagdagdag si Claire.

Claire: "Emily, alam kong masakit sayo noong madiskubre mo ang namamagitan sa amin ni Axel. At nasasaktan din ako sa ginawa kong pagkuha kay Axel mula sayo. Narealize ko, hindi ko kayang, hindi makasama ang mga kaibigan ko at ayokong nilalayuan niyo ako nang dahil sa ginawa ko sayo. Kaya humihingi ako ng tawad sa nagawa ko.. Tsaka, tama rin siguro itong ginawang pagdukot ni Kit sa akin nang mapagdusahan ko rin ang mga kasalanan ko din sayo."

Tahimik na nakikinig si Emily sa sinasabi ni Claire at ipinagpatuloy ang pagtanggal sa tali sa upuan.

Nagpatuloy pa si Claire sa kanyang mga gustong sabihin.

Claire: "Namimiss ko na kayong maka-usap at makasama ng mga kaibigan ko. Alam kong malaki pa rin ang kasalanan ko sayo, Emily at nahihiya ako sa nagawa ko. Pero mahal ko din si Axel at kung pagpipiliin ako, pipiliin ko pa rin kayo pareho dahil mahalaga kayo sa akin. Kaso hindi ko alam kung mapapatawad mo pa ako."

Nakita ni Emily ang mga luha ni Claire na nangungulila sa kanilang pagkakaibigan.

Naalala ni Emily ang dating sinabi ni Axel na patawarin si Claire sa kanyang ginawa at naunawaan na nito, na hindi ginusto ni Claire na saktan ang kanyang damdamin.

Sandaling pinag-isipan ni Emily kung ano ang kanyang masasabi sa sinabi ni Claire.

Ngunit may isang bagay na naunawaan si Emily at yun ay ang hindi sinukuan ni Claire ang kanilang pagkakaibigan sa kabila ng naging alitan nila sa isang lalaki.

Kaya naisip na patawarin ni Emily si Claire.

Emily: "Claire, pinapatawad na kita."

Claire: "Pi...Pinapatawad mo na ako?"

Emily: "Oo. Tsaka namimiss na din kitang kasama sa pananghalian sa Canteen."

Claire: "Ga-ganun ba.."

Emily: "Pero patawarin mo rin sana ako kung hindi kita pinapansin."

Claire: "Oo, alam ko. Nauunawaan kita, Emily."

Emily: "Tsaka, kung sobra mo talagang mahal si Axel, pinapaubaya ko na siya sayo."

Claire: "E-Emily.. So-Sorry talaga. Sorry kung nasira ko ang pangarap mong makasayaw ang sarili mong Boyfriend sa Prom."

Kit: (Ano? Pangarap na makasayaw ang sariling niyang Boyfriend sa Prom?)

Nang sabihin ni Claire ang tungkol sa nasirang pangarap ni Emily, nagkukunwari lang na umiiglip si Kit at nakikinig sa pinag-uusapan ng dalawa.

Ganun din ang apat nilang kaibigan na nagtatago sa loob ng Rooftop Exit. Nagpatuloy naman sa pag-uusap sina Emily at Claire.

Emily: "Okay lang, Claire. Marami pa namang lalaki diyan. Tsaka...."

Claire: "Tsaka ano, Emily?"

Emily: "Naisip ko, dapat yung makasayaw ko, pagdating ng Prom, yun ang taong mahal ko. At hindi basta Boyfriend lang. Gaya niyo ni Axel. Mahal mo siya at mahal ka rin niya kasi nag-iikot siya magmula kanina sa buong School para hanapin ka. Talagang gusto ka niya, Claire. Kasi hinahanap ka niya at nag-aalala din siya sayo. Kaya naiinggit ako sa inyong dalawa."

Claire: "Wala kang dapat ikainggit sa amin, Emily. Tsaka naniniwala ako na nasa malapit lang ang taong tunay na nagmamahal sayo."

Emily: "Sa....Sa tingin mo?"

Claire: "Oo, Emily. Sigurado ako."

Emily: "Sana nga." (Sana nga magkatotoo talaga yung hiniling ko sa Shooting star.)

Matapos magkapatawaran sina Emily at Claire, nagpatuloy si Emily sa pagtanggal kay Claire mula sa pagkakagapos hanggang sa mapakawalan niya si Claire.

Bigla naman siyang niyakap ni Claire at muli na namang humingi ng tawad kay Emily.

Claire: "E-Emily! Sorry talaga sa mga nangyari."

Emily: "Okay lang, Claire. Huwag mong sisihin ang sarili mo. Pinapatawad na kita."

Maya't maya, bumangon si Kit mula sa pagkakaiglip at tumayo sa tabi ng dalawang babae.

Humiwalay naman mula sa pagkakayakap si Claire kay Emily nang makita si Kit.

Kit: "Okay na kayo? Siguro naman bati na kayo."

Emily: "Oo. Pero ikaw, hindi ko mapapatawad sa biglang mong pangingidnap kay Claire!"

Muli na namang tinitigan ni Kit si Emily, tsaka siya nagsalita.

Kit: "Okay lang. Sanay na akong hindi pinapatawad ng tao."

Emily: "A-Anong ibig mong sabihin?"

Claire: "Oo nga, Kit?"

Kit: "Hayaan niyo na."

Biglang nausisa at nagkaroon ng interest si Emily sa sinabi ni Kit.

Sandaling hindi kumibo si Emily at naisip na parte lang ng pagbabantay ni Kit ang pangingidnap kay Claire. Kaya may naisip na paraan si Emily.

Emily: "Kit, naisip ko lang. Babantayan mo pa rin ba ako kahit na nangako kang lulubayan mo na ako hindi ba?"

Tumango si Kit sa itinanong ni Emily. Kaya sinabi na niya ang kanyang suhestyon.

Emily: "Hay....sinasabi ko na nga ba. Bubuntutan mo pa rin ako."

Kit: "Oo."

Emily: "Eto, kunin mo."

Inilabas ni Emily ang kanyang Android phone tsaka hinanap ang kanyang Cellphone Number at ibinigay ni Kit.

Kit: "Para saan naman ito?"

Emily: "Siyempre! Para itext mo ako! Nang maniwala ka na hindi na ako magpapakamatay!"

Claire: "A-Ano? Ibig sabihin, totoo ang ikwinento ni Axel?!"

Kit: "Oo, Claire. Sinubukang tumalon ng babaeng makitid ang utak na iyan, mula dito sa Roof top."

Emily: "Sinong sinasabihan mong makitid ang utak?!"

Bago pa man mainis at bawiin ni Emily ang kanyang Android phone, agad itong hinablot ni Kit mula sa kanyang kamay at isinave ang cellphone number nito sa kanyang Android phone. Tsaka ito ibinalik kay Emily.

Kit: "Salamat."

Emily: "Ewan!"

Kit: "Tsaka, hindi ka talaga marunong tumupad sa usapan, Emily."

Emily: "Anong ibig mong sabihin?"

Naglakad papunta sa pinto si Kit at hinila ito ng malakas, kung saan kasamang nahila at natanggal ang hamba ng pintuan.

Nang matanggal ang buong pinto, biglang napasubsob sila Nina, Althea, Daniel at Isaac sa sahig habang nakikinig sa likod ng pinto.

Nagulat naman sina Claire at Emily nang makita ang kanilang mga kaibigan.

Kit: "...Yan... Ebidensya."

Emily: "Nina! Alt!"

Claire: "Pati sina Daniel at Isaac?"

Emily: "A-Anong ginagawa niyo dito?!"

Kit: "Nagtanong ka pa, Emily. Siyempre, nakikinig sila diyan sa likod ng pinto."

Emily: "Ewan ko sayo, Kit! Ang gusto ko lang malaman ay paano niyo nahanap yung hagdan papunta dito sa Roof Top?"

Nang magtanong si Emily, agad bumangon ang apat mula sa pagkakasubsob at sinagot nila ang kanyang tanong.

Althea: "Actually..... Eh.. ako ang nakaisip na sundan ka namin dito. Kaya eto, nandito kami ngayon."

Nina: "Tsaka pasensya na rin Emily, hindi naman sa wala kaming tiwala pero nag-aalala lang kasi kami na baka bayolenteng tao ang kumidnap kay Claire."

Emily: "Huwag kayong mag-alala. Maayos naman kami pareho, hindi ba Claire?"

Claire: "Oo."

Matapos malaman ng apat na nasa mabuting kalagayan sina Emily at Claire, natuon naman ang kanilang atensyon sa taong dumukot kay Claire.

Daniel: "Kung ganun, ikaw pala ang may pakana ng kaguluhang ito?"

Kit: "Siguro."

Althea: "Anong siguro?! Narinig ka namin kanina! Sinabi mo na dinukot mo si Claire!"

Kit: "Oo na."

Isaac: "Matapos ang gulong ginawa mo, "Oo na." lang ang masasabi mo?! Hindi ka ba nag-aalala sa kung ano ang maaaring gawin sayo ni Axel?!"

Kit: "Hindi."

Nina: "Tsaka Kit, paano mo nalaman na nagtatago kami sa likod ng pinto?"

Kit: "Dahil sa maingay magsalita si Daniel."

Napatingin ng masama ang tatlo kay Daniel matapos sabihin ni Kit kung paano sila natunton nito at dahil sa pagsasalita ni Daniel ng malakas.

Imbes na bumubulong ito sa pakikipag-usap sa tatlo nitong kasama.

Althea: "Daniel, pahamak ka talaga! Kung sumunod ka na lang sana sa sinasabi ko kanina na bumulong lang tayo sa pag-uusap para hindi tayo matunton Kit. Eh di sana, nakikinig lang tayo sa pinto na yun hanggang sa mga oras na ito!"

Daniel: "Eh akala ko kasi hindi tayo maririnig sa loob ng Roof top Exit kahit na nakasara ang pinto!"

Nina: "Akala mo lang yun, Daniel. Pero naririnig na pala tayo ni Kit."

Kit: (Hay....dumami na naman yung mga taong nakakaalam sa tambayan ko. Siguro, tadhana talaga na mahanap nila ang lugar na ito.) "Nandito na rin lang kayo, Welcome sa tambayan ko."

Isaac: "Tambayan mo?"

Kit: "Oo."

Nina: "Anyway, mabalik tayo sa pagdukot mo kay Claire. Bakit mo ginawa yun, Kit?"

Sasagutin sana ni Kit ang tanong ni Nina, nang pumagitna si Claire upang ipaliwanag ang ginawa ni Kit.

Claire: "Guyz. Walang masamang intensyon si Kit. Sa totoo lang, siya pa ang dahilan para magkapag-usap kami ni Emily."

Nina: "Emily, totoo ba ang sinabi ni Claire?"

Emily: "Oo, Nina. Pero sa totoo lang, gumaan na ang pakiramdam ko nang mapatawad ko si Claire."

Nina: "Kung ganun, Claire. Okay na kayo ni Emily?"

Claire: "Oo, Nina."

Althea: "Ngayong okay na sina Claire at Emily, puwede ba tayong mag group hug?"

Emily: "Oo, Sige!"

Daniel: "Pasali din kami ni Isaac diyan ha?"

Nina: "Oo naman, Daniel!"

At nag-group hug ang mga magkakaibigan kasama ang dalawang lalaki.

Maliban naman kay Kit na nakatitig na nakasimangot sa mga magkakaibigan.

Lahat: "Go! Group Hug!"

Kit: "Ang O.A. niyo."

Emily: "Wala kang pake! Kit!"

Kit: "Bahala kayo diyan. Basta iiglip na muna ako sa ginawa kong kubo."

Emily: "Okay! eh di umiglip ka sa-! Teka? May ginawa kang kubo?!"

Hindi sinagot ni Kit ang tanong ni Emily, ngunit sinundan ng tingin nang mga magkakaibigan si Kit hanggang sa pumunta ito sa likod ng Rooftop Exit.

Sinundan nila si Kit at nakita ang isang kubo na gawa sa pinagtagpi-tagping mga kahoy at bubong na gawa sa hinabing dahon ng niyog.

Ang kagandahan pa sa lokasyon nito, naabot at natatakpan ng makapal na sanga ng puno ng Acacia ang ginawang kubo ni Kit sa Rooftop.

Ngayon, nauunawaan na ng mga magkakabigan kung bakit madalas, hindi nakikita sa Canteen si Kit at naisip nilang, umiiglip o kaya dito sa kubong ito kumakain ng pananghalian si Kit.

Nina: "Ngayon, alam ko na kung bakit hindi natin madalas nakikita si Kit sa Canteen."

Claire: "Oo. Ganun din ako."

Emily: "Kit, kailan mo pa ginawa ang kubong yan?!"

Kit: "Akala ko ba, wala kang pake, Emily?"

Emily: "May pake na ako! Kaya ako nagtatanong hindi ba?!"

Althea: "Uy...Emily. Easy ka lang. Wala pa naman siyang ginagawang masama sayo."

Emily: "Oo na, Alt."

Daniel: "Alam mo, Kit. Hindi ko akalain na may tinatago ka pa lang magandang tambayan dito sa School ha. Ano kaya kung sa susunod, mananghalian tayo dito?"

Nina: "Oo nga! Magandang ideya yan naisip mo, Daniel."

Isaac: "Oh kaya, pagandahin natin itong School Deck. Lagyan natin ng mga upuan at mesa."

Claire: "Oo nga. Puwedeng maging tambayan ng mga Estudyante ang lugar na ito."

Kit: (Pambihira naman oh. Nasira na ang katahimikan ng lugar na ito ng dahil sa mga ungas na ito. Baka mamaya, sumunod naman yung Kambal at si Jackson na makakadiskubre sa lugar na ito. Kapag nangyari yun, itulak ko na lang ata ang mga ito diyan sa gilid!) "Bahala kayo sa kung anong gusto niyong gawin dito sa Rooftop. Gawin niyo man itong Rooftop Deck o Restaurant, bahala kayo! Basta huwag niyo akong distorbohin sa pagtulog ko!"

Tsaka pumasok si Kit sa loob ng kanyang kubo at isinara ang maliit na pinto na gawa sa Plywood.

Dahil sa bagong diskubreng tambayan ng grupo ni Emily, naisip nilang pagandahin ang Rooftop at nagplano sila sa kung ano ang maari nilang gawin upang mapaganda ito.

Itinext naman ni Claire si Axel na pumunta sa 4th floor at ipinakita ang Rooftop. Tsaka niya ipinaliwanag kay Axel kung bakit siya nawala.

Naunawaan naman ni Axel ang mga naganap at muli siyang humingi ng tawad kay Emily na agad din naman niyang tinanggap.

Hanggang sa sinimulan nila ang pagplaplano sa pagpapaganda ng bago nilang tambayan.

Samantala, natapos naman ang Faculty meeting ng mga Guro at Staff. Ngunit napapakamot pa rin ng ulo ang Vice-Principal dahil sa nalikom nilang pera mula sa ginanap nilang Halloween party na bukas sa lahat ng mga bisita.

Nag-aalala ang Vice-Principal na sana ay sapat ang pera nilang nalikom para bayaran ang kanilang utang sa Agent ng isang Lending company.