webnovel

Chapter 7

"Hindi ko inaasahan na magagawa mo ang bagay na yun para lang sa isang tulad nya. Ibang klase" bungad nya sa akin ng makapasok ako sa kanyang silid.

"Hindi ko maatim na makita sya sa ganung sitwasyon ng dahil sa akin heneral. Ayoko syang madamay..." saad ko habang nakatungo.

"Tss. Saan ka nga pala nag punta? bakit hindi ka man lang nag paalam?" tanong nya ng humarap sya sa akin.

"P-pumasyal lang ako sa aking mga kaibigan, at sa bayan dahil matagal na akong hindi umuuwi doon" paliwanag ko. Ng mag angat ako ng tingin sa kanya napalunok ako ng mataman nya akong tiningnan.

"Kung ganun pala...bakit hindi ka man lang nag paalam?"

"Ang akala ko na kapag nag paalam ako sayo ay baka hindi mo ako pahintulutan na umuwi sa aking bayan. Kaya ganun ang aking ginawa" paliwanag ko. Napatingala ako ng ulo ng bigla nya akong lapitan at kasabay nun ng hawakan nya ng parehong kamay ang magkabila kong braso. Nagulat ako sa ginawa nya.

"H-heneral, n-nasasaktan--"

"Wag ka mag sinungaling! sabihin mo sa akin ang totoo kung ayaw mong ikaw ang isunod ko!" galit nyang banta. Nakakatakot sya sa totoo lang ngunit hindi ko pwede ipakita sa kanya na natatakot ako sa kanya. Kailangan ko maging matapang.

"Bitawan mo nga ako! nasasaktan ako!" sigaw ko sa kanya habang nag pupumiglas ngunit sadyang napakalakas nya at hindi ko sya matapatan. "Wala akong dapat aminin dahil ang mga sinabi ko sa iyo kanina ay totoo! walang dahilan para ako ay mag sinungaling sayo!" dugtong ko pa.

"Lapastangan ka!" sigaw nya. Napasinghap ako ng bigla nya akong sinampal ng malakas. Napahawak ako sa pisngi kong nasampal at saka sya tiningnan ng mariin.

"Umalis ka sa harap ko babae ka!  ayokong makita yang pag mumukha mo" madiin nyang anas habang nakaturo naman ang kanyang kamay sa pinto. Agad akong kumilos at lumabas na ng kanyang silid habang nakakuyom ang aking palad.

"Pag babayaran mo ang ginagawa mo sa akin. Tandaan mo yan..." mahinang bulong ko. Pumasok agad ako sa aking silid ng makarating at saka naupo sa silya habang nakatungo naman ang aking ulo.

Napakasama nya!  napakasama! gusto ko ng umalis dito ngunit hindi pa ito ang panahon. Saka lang ako aalis kapag natupad ko na ang mga plano ko.

Hindi muna ako nag tungo sa aking silid dahil hindi pa ako nakakaramdam ng antok kaya ang ginawa ko ay lumabas na muna upang sandaling mag muni muni sa tahimik na lugar. Tumingala ako sa madilim na kalangitan na may mga nag niningning na bituin at nag liliwanag ng bilog na bilog na buwan. Napaka ganda nun sa aking paningin at napapahanga ako dahil doon.

Kung nandito lang sana kayo alam kong pati din kayo ay magugustuhan ang inyong nakikita. Magkasamang nakatingala sa kalangitan habang yakap yakap natin ang isat isa. Ngunit hanggang panaginip na lang iyon.

Muli na naman lumukob ang kalungkutan sa aking puso ng muli kong maalala ang mga magulang ko, nararamdaman ko din ang pag iinit ng magkabilang sulok ng aking mata. Hanggan ngayon, kahit napakaraming taon na ang lumipas nandito pa din ang sakit. Gusto ko pang makasama ang mga magulang ko ngunit kinuha nila iyon sa akin. Napakasama!

Kaagad na lumapat ang aking palad sa may  dibdid ko habang nakakuyom ito, maging ang kabilang kong kamay ay nakakuyom din.

"Pag babayaran nyo ang lahat ng ginawa nyo sa amin. Sisiguraduhin ko na lahat kayo ay magbabayad sa mga kasalanan nyo..." mahinang bulong ko habang pinupanasan ang luhang pumatak sa mga mata ko at kasabay nun ay tumalikod na ako upang pumasok sa loob at mag tungo sa aking silid.

Binuksan ko ang pinto ng aking silid ng makarating ako at kaagad na nag palit ng damit pantulog at pagkatapos ay agad akong nahiga sa aking higaan at sandaling nag isip.

Ina, ama tama po paba itong ginagawa ko? ipag papatuloy ko pa ba ang pag hihiganting ginagawa ko para sa hustisyang gusto kong makamit para sa inyo?

Mga katanungang nasa isip ko na hindi ko na lang namalayan na nakatulog na pala ako.

To be continued.