webnovel

SHE'S THE BULLY AND I'M HER VICTIM

Kadalasan sa mga kuwento, lalaki talaga ang bully at babae naman ang biktima. Paano kaya kung magbaliktad ang mundo? Yung babae naman ang nambubully at yung lalaki naman ang binubully! Hanggang saan kaya hahantong ang hidwaan sa pagitan ng lalaking pinalaki ng may respeto at pasensya at isang babaeng walang ibang ginawa kundi ang mantrip ng kapwa.

scribble_web · Seni bela diri
Peringkat tidak cukup
6 Chs

Chapter 1: The Transferee

"Enjoy sa first day mo Sir Davidd! Sabihan mo ako agad-agad kapag nakahanap ka ng bagong sexy babes."

Napalingo-lingo nalang ako habang napatawa kay Manong. "Aral ho pinunta ko rito Manong, hindi iyan," habang kumakaway ako sa kaniya at nagpaalam na umalis na. Tumalikod na ako at hindi na tiningnan si Manong. Inayos ko muna ang uniporme at pinagpag.

Papasukin ko na ang gate ng university pagkatapos akong ihatid ng driver ko. First day ko rito sa aking papasukang eskwelahan at wala akong ni katiting na ideya kung saan ako magsisimula.

Hindi biro ang magsimula uli. Napakahirap maging transferee. Yung tipong hindi mo alam kung saan ka unang tatahakin ng iyong mga paa upang maabot ka sa iyong target o destinasyon.

Actually, second semester na. Lubusan nga akong nagtataka kung bakit napagdesisyunan nila Mama at Papa na magtransfer ako ng eskwelahang papasukan. Sayang naman ang naumpisahan ko roon sa aking nakaraang unibersidad.

Wala akong nagawa sa desisyon nila Mama at Papa kaya pumayag nalang akong ilipat nila ako kahit malapit na sana akong makapagtapos sa Humanities and Social Sciences strand.

Wala naman din akong karapatang ayawan ang naging desisyon nila sapagkat alam kong walang iniisip ang isang magulang, kundi ang kabutihan ng kanilang mga anak. Kung ito ang alam nila na ikakabuti sa akin, taos-puso kong tatanggapin. Lubusan akong nagpapasalamat na may ganoon akong magulang na nagtuturo ng mga birtud upang kami lang ay magiging mabuting mga tao. Dagdagan pa ng isang estriktong Ate, na walang ibang iniisip kundi kapakanan ko. Minsan nga lang hindi kami magkakasundo sapagkat pinapairal n'ya pagiging estrikta niya at pagkaisip-bata.

Mag-isa kong tinahak ang loob ng university. Napabuntong-hininga nalang ako ng biglaan na masilayan ang malawak na campus. Mukhang mahihirapan ako neto. Saan kaya ako unang magsisimula?

Alam kong madaming balakid akong dapat masalamuha rito. Isa nadun ang pag-adjust sa bagong mga taong makikilala ko.

Hindi biro ang mag-adjust sa bagong environment. Dapat handa ka sa anumang matatapakan mo sa daan. Sana ngalang, magiging maayos at kaaya-aya ang magiging unang araw ko rito.

Dala-dala ko ang aking magaang bag na may bolpen at binder lang ang laman. Walang-kapaguran kong hinanap ang aking silid-aralan. Malaki-laking mga pawis ang kusang pumapatak, nangangahulugang kanina pa ako nagtitiis sa kapagurang dinarama.

Imbes na magreklamo ay nagpatuloy ako sa paghahanap. Hindi mo naman kasi matatagpuan ang nais hanapin kung hindi ka desididong hanapin ito. Sa kalagitnaan ng aking paglalakad ay kusa nalang akong napahinto at naghabol ng hininga. Napagdesisyunan ko munang tumigil saglit upang makapagpahinga man lamang.

Asan ko kaya matatagpuan ang silid ng 12-HUMSS C?

Tumayo uli ako at muling nagsimulang maglakad. Bigla nalang akong may nakasalubong na isang propesor kaya walang-pag-alinlangan ko itong tinanong.

"Mawalang-galang na ho Miss, puwede po bang magtanong kung saan matatagpuan ang silid ng 12-HUMSS C?" Naghihintay ng sagot ko siyang tiningnan.

Ngumiti ito sa akin bago magsalita. "Transferee kaba rito?" Tumango naman ako kaagad. "Osige ganito Iho. Tahakin mo lang ang hagdanang iyan patungo sa 3rd floor, ikadalawang silid ang 12-HUMSS C." Bago ako lumisan ay nagpasalamat ako sa kaniya. Sa wakas, mahahanap ko narin ang aking silid-aralan.

Walang pigil na ngiti ang aking naipugal habang naglalakad sa hagdanan. Nagagalak lang ako na sa wakas, matatagpuan ko na ang aking bagong silid na papasukan. Lakad lang ako ng lakad hanggang sa may biglaang bumangga sa akin. Nabigla ako sa malakas ng pagbangga niya. Kinuha ko agad ang mga nahulog niyang mga gamit at binilisan ang pagpulot nito upang maibigay ko sa kaniya.

Napatigil nalang ako ng biglaan niya akong sinigawan at pinagmumura mismo sa kaniyang harapan. Nakakrus pa ang kaniyang mga brasong napasulyap sa akin. Halata sa mukha niya na umuulbo siya sa galit at inis.

"Pasensya kana Miss, andito ang mga gamit mo." Iniabot ko sa kaniya ang mga gamit niya at aakma nang umalis. Kailangan ko ng makapunta kaagad sa silid ko.

Napako ako sa kinatatayuan at napahintong muli ng biglang may malakas na hagalpak na nagmula sa sahig. Mas lalo akong hindi makakilos ng hinawakan n'ya ang aking braso. Muli kong sinulyapan siya at agad na tumama ang isang malaking suntok na tumama sa aking mukha. Natumba ako sa sahig habang hawak ko ang parte kung saan n'ya ako sinuntok. Napapapikit nalang ako sa sobrang sakit. Sinubukan kong bumangon galing sa pagkakatumba ngunit, "Aray!" Sobrang tindi talaga ng impak ng pagkahulog ko sa sahig.

"Ano masarap?" habang pinapatunog pa niya ang kaniyang mga kamao.

Nanatili akong nakaupo sa sahig at unti-unting tiningnan ang kaniyang kabuuan at napagtanto kong madaming katatawanan sa kaniya. Para siyang clown sa suot n'ya.

Hindi pares na sapatos.

Putol na parte ng jeans. Yung sa kabilang parte naman hindi.

Suot niya ang malaking T-shirt. Kagaya ng kaniyang jeans ay ganon din ang kaniyang T-shirt na sinuot.

Mas gusto kong bumahikhik ng tawa nang mas masilayan ko ang style ng kaniyang buhok. Yung sa kanang parte ay nakatali, sa kaliwang bahagi naman nakalugay lamang. Nananaginip ba akong gising?

Ano ba itong outfit niya? Isa pa, hinahayaan nila rito ang hindi pagsuot ng uniforms?

"Hoy lalake! Anong titingin-tingin mo? At bakit gan'yan ang tingin mo sa akin?" Hindi ko s'ya sinagot at tumayo ako agad at umalis na. Wala akong oras para patulan siya sapagkat kanina pa ako huling-huli sa klase. Isa pa, nakakawalang-respeto kapag papatol sa babae.

Napaigting ako ng may tumama sa aking ulo. Gulat ko siyang sinulyapang muli. Ano ba ang problema ng babaeng ito?

"Miss, mawalang-galang na, ano ba problema mo?" nagpipigil na ako ng aking inis. Sa tanang buhay ko ngayon lang ako napasabak sa engkwentro't gulo at mas malala pa, sa isang babae.

"Problema ko? Nagtatanong kapa talaga ha kung anong problema ko? You are the problem here!" Namilog ang mga mata ko sa sinabi n'ya. Paano ako naging problema rito, siya nga tong bumangga sa'kin.

"Mawalang-galang again Miss. Una, ikaw ang bumangga sa'kin. Pangalawa, ang lakas ng tama mong suntukin ako. Pangatlo, ang kapal ng mukha mong batuhin ako sa ulo ko ng libro. At ngayon ipinapalabas mong ako ang problema. Nagpapatawa kaba ha?" Hindi ko na natiis ang inis ko sa kaniya. Hindi karespe-respeto itong ipinapakita n'ya at higit sa lahat hindi ito makatarungan. Kahit kailan!

Lumapit s'ya sa akin at hinawakan ako sa kuwelyo. "Hindi kita mababangga kung hindi kalang nagpabangga," hinahon n'yang bitaw. Nagulat ako sa tugon n'yang iyon. Tinabig ko ang kamay n'ya at umalis ngunit hinila n'ya akong muli gamit ang aking kwelyo. "Look lalake, isa sa mga ayaw ko sa lahat ang tinatalikuran ako ng hindi pa ako tapos makipag-usap." Hindi ko maiwasang matakot sa matatalim niyang titig. Napalitan ang inis ko ng takot.

"Bi--bit--bitawan mo nga ako!" Inakma kong alisin ang kamay n'ya sa pagkakahawak sa aking kwelyo ngunit mahigpit talaga ang pagkakahawak n'ya. Wala akong kawala.

"Lalake, tandaan mo. Sikapin mong hindi magkakrus ang landas natin kundi..." hindi n'ya tinapos ang sasabihin n'ya. Ngumisi siya ng nakakatakot sa akin habang nanatili parin ang titig n'yang nakakasaksak. "Kundi sindak palagi aabutin mo."

Malalaking pawis ang naglalabasan sa aking mukha at mabilisang kusang dumadaloy.

Inialis n'ya ng dahan-dahan ang kaniyang kamay sa pagkahawak sa aking kuwelyo at inihabilin ang mga katagang nagpasindak sa akin at nagpatayo ng aking balahibo.

"Sa mga kamay ko, wala kang kawala." At agad siyang umalis at tinahak papaakyat ang 3rd floor.

Naiwan akong nakatunganga at hindi makapaniwala sa babaeng nakasalamuha ko. Alam ko na ngayon, isang malaking pagsubok ang kakalabanin ko.