webnovel

Elements

REN'S POV

"Manyak!!!" sigaw kong sabi sabay tanggal ng kamay niya sa may dibdib ko. Tulala pa rin siya, kita ko sa mukha niya ang pamumula dahil yun sa bumakas na kamay ko, ang lakas kasi ng pagkasampal ko. Agad namang pumasok ang dalawang alipores niya, narinig siguro nila yung pagsampal ko at yung pagsigaw ko.

"Claude!!! Anong nangyari dito!?" sabi nong Rowan yata yun

"Okey ka lang ba Claude? Anong nangyari sa mukha mo?" sabi nong Rome

"Anong ginawa mo sa kanya babae ka!!!" sigaw na sabi ni Rowan. Wow ha? Over protective naman tong tao na'to, bakla siguro to eh, may gusto kay Claude. Kanina ko pa nahahalata. Sayang yung gwapong mukha niya kung bakla sya.

"Rowan" mahinang sabi ni Claude ng makabalik na sa kaniyang ulirat.

"Diba sabi ko iwan nyo muna kami rito? Bakit kayo biglang pumasok? Hindi ko pa kayo tinatawag ah?" seryosong sabi ni Claude na nagpabago ng reaksyon ni Rome at Rowan

"Ah… pasensya na Claude. Rowan halika na" sabi ni Rome na parang takot na takot. Lagot ako nito, mukhang nag iba ang aura nya matapos kong sampalin.

Umalis na ang dalawa at lumingon si Claude sa dako namin ng nakangiti. Ang cute niya, mas lalo lang syang gumagwapo. Aish! Erase! Ba't ko sinabi yun? eh manyak ang taong to! Baka manyakin na niya kami rito. Huhuhu teka bakit nga pala to nakangiti, wag naman sana kami gahasain nito.

"Anong ngingiti-ngiti mo dyan manyak ka!" sabi ko, habang sina Cheska at Kia ay busy sa pagbubulungan, ano kaya pinag-uusapan nila?

"Diba nagtatanong ka kung paano mo malalaman kung anong kapangyarihan meron ka?" nakangiti paring sabi niya

"Ou. Pero di ko sinabing manyakin mo ko!" inis kong sabi, at ito na naman siya lumalapit na naman. At yung dalawa tiningnan lang kami. Aish! Ba't ayaw nila akong tulungan.

Gaya ng nangyari kanina, hinawakan niya uli ang damit ko sa may dibdib at aktong sasampalin ko na sya ay nasalo niya ang kamay ko.

"Oh—owh, Di mo na pwedeng ulitin yung ginawa mo" sabi niya na may nakakalokong ngiti at maya maya lang ay bahagyang binaba niya ang damit ko na tamang makita lang ang alindog ko. Binaba niya ang telang bumabalot sa may kaliwa ng dibdib ko hanggang sa may cleavage ko lang. Guys wag bastos, hindi lahat naladlad.

"Fire, you control the fire element. See this symbol?" sabi niya ng mahawi niya nang konti ang tela sa dibdib ko, may nakita naman akong simbolo ng dragon na kulay pula. Hindi ko namalayan to kanina sa pagligo ko ah? Pati nong nasa bahay ako, pagnaliligo ako, wala naman to.

"Ou nga noh? Tingnan mo sa akin Kia, blue dragon"

"Sa'kin rin white dragon. Awesome!"

Napalingon kami sa kanilang dalawa. At bumalik agad ang mga tingin ko sa may dibdib ko

"Ahemm!…" pakunwari ko, kasi nga kanina pa sya nakahawak sa akin, and I feel like.. Arggh!! Minamanyak na naman yata ako nito.

"Sorry" he said, at agad inalis ang kaniyang kamay. Samantalang ang dalawa walang pakundangan sa pagpapalitan ng mga salita kung kaninong tattoo ang maganda. Haish

"Kia is a wind element, while Cheska is water, and you Ren, fire element" sabi niya na nakaharap at sabay ngiti, shit.. Ang gwapo niya.

"Talaga? Ano mga kakayahan namin Claude?" sabi ni Kia na excited masyado

"Hindi ko alam." sabi niya sabay talikod at bumalik sa kinauupuan niya.

"Hindi mo alam? Eh paano to?" curious na tanong ni Cheska

"Walang nakakaalam kung ano ang kaya nyong gawin, kahit ang gabay, hindi rin nakasulat sa libro, kayo at kayo lang ang magdidiskobre nito." Sabi niya na panay buklat ng mga pahina ng aklat

"Simula bukas, magsasanay kayo kung paano gumamit ng espada, para naman kung sakaling lumabas ang kapangyarihan nyo, ay alam nyo rin gumamit ng mga ganung uri ng sandata." Dagdag na sabi niya.

"Rowan, Rome!" sigaw na sabi niya, agad naman silang pumasok

"Dalhin nyo na sila sa kwarto nila para makapagpahinga, padalhan nyo narin ng pagkain." seryosong sabi niya, nag-iba yung ekspresyon niya mula nung buklatin niya ang libro. Ano bang nabasa niya don.

"Okay, Claude"

Nandito kami sa iisang kwarto, yun ang request namin sa kanila, na dapat magkakasama lang kami sa iisang kwarto.

Ang dalawa hindi parin tapos ang bangayan nila sa markang nakaukit sa may dibdib nila. Tattoo nga tawag nila dito. Kakaibang tattoo daw kasi, bumabakat sa balat namin. Kung hahawakan mo ito ay mararamdaman mo talaga ang bawat strokes nito, para syang inukit sa mga balat namin, at ang nakakaiba pa, may kulay ito.

Lumabas ako ng kwarto at nagpahangin, naglalakad ako ng may marinig akong nag-uusap, agad akong nagtago, tama lang na marinig ko ang pinag-uusapan nila. Hindi sa nagiging chismosa ako ha.

"Ano ba yang pinagsasabi mo Claude?"

"Bakit Rowan? Anong gusto mo, isakripisyo sila, hilingin na pumunta sagradong lugar at kitilin ang sariling buhay just to make themselves a precious gem at ilagay sa tatlong sulok ng palasyo? Ni hindi nga sila galing dito para ialay ang buhay nila"

"Yun na nga Claude, walang nakakakilala sa kanila, walang maghahanap kaya okey lang."

"May ibang paraan pa Claude"

"Rome?"

"Ito oh, basahin mo. Binigay yan sa akin ni ina bago sila mawala, nakasaad dyan ang dapat gawin, kapag kulang ng isang elemento, nakalagay dyan basta mahanap lang natin ang may hawak ng ikalimang elemento, ang element of dark and lightness o di kaya pwede naman natin hintayin o hanapin ang may hawak ng earth element kasi dir in sigurado kung nag exist ba ang ikalima at pinakapangyahirang element."

"Magsasayang lang tayo ng panahon sa paghahanap at paghihintay, kung may madaling paraan naman." Pagsalungat ni Rowan sa sinabi ni Rome.

"Nababaliw ka na ba Rowan? Marami namang kawal si Claude para maghanap hindi yong –"

"Aray!" hndi natuloy ni Rome ang kanyang sasabihin ng mapasigaw ako, mukhang napalakas yata ah, tipaklong naman tong laggam na to eh, nangangagat.

"Sinong nandyan, lumabas ka!" sabi ni Claude, naku lagot. Baka mahuli pa ko. At itong masunuring paa ko, imbes na tumakbo palayo ay lumabas ako sa pinagtaguan ko at humarap sa kanila na nakangiti.

"Ahh? Kinagat ako ng langgam eh." sabi ko nalang. Na nagpagulat sa kanila

"Ren? Anong ginagawa mo dyan? Kanina ka pa ba dyan?" pag-aalalang tanong ni Claude, nag-aalala siguro siya kung narinig ko pinag-uusapan nila, well narinig ko nga..

"Ngayon lang, nagpapahangin"

"Ganun ba? Sige na, bumalik kana sa silid mo dahil gabi na, matulog ka ng maaga dahil siguradong mapapagod ka bukas" sabi niya na may ngiti ngunit may pag-aalinlangan.

"Okay, sige mauna na ako." tumalikod na ako at naglakad pabalik ng kwarto. Ano ba yung pinag-uusapan nilang isakripisyo? Hindi naman siguro, baka over lang akong makapag isip. Matutulog na nga lang ako.