webnovel

Prologue

Hinang-hina. Nakatali ang mga kamay. Magulo ang buhok. Dumudugo ang labi. Nanginginig. Nilalamig. Namumugto ang mga mata. Nagugutom.

Lumingon ako sa bintana at nakita ko ang liwanag ng buwan.

"Bakit kailangan 'kong maranasan ito?" bulong ko sa buwan.

Wala sina mama at papa kaya nagkaroon ng oppurtunidad ang aking nakatatandang kapatid at mga barkada niya upang pagsamantalahan ako.

Step-brother ko siya. Anak siya ni papa sa ibang babae at mas matanda siya sa akin ng dalawang taon.

Pagod na ang aking katawan. Pagod na ang aking mga mata. Kailan ba mapapansin nina mama at papa ang kahayupan ng kapatid ko?

"Kung totoo ka, tulungan mo ako." pagmamakaawa ko sa buwan.

Ngunit walang nangyari. Nakatali pa rin ako. Nahihirapan pa rin ako. Nasasaktan pa rin ako.

Noong nakaraang buwan ko lamang nakilala ang mga barkada ni kuya. Akala ko mababait sila. Wala akong kaibigan kaya't natuwa ako nang ipakilala sa akin ni kuya ang mga kaibigan niya. Dinala niya ako noon sa isang taniman na malayo rito sa aming bahay. May isang kubo roon at wala ni-isang tao.

Doon nila ako unang hinalay. Hanggang sa... paulit-ulit... kahit saan... kahit anong oras... kahit ilang beses.

Hawak dito. Hawak doon. Sabunot dito. Sampal doon. Subo dito. Pasok doon.

"Parang awa mo na... tulungan mo ako, ako'y nakikiusap." huling banggit ko bago pumikit.

Tila kumislap ang buwan kaya't napamulat ako ng mga mata. May isang lalaking nakatayo sa aking harap.

Siya'y nakangiti. Nakasuot siya ng itim na slacks at puting polo na nakatupi hanggang siko. May suot siyang earrings na ang shape ay hugis diamond. Si Howl ba 'to? Nasa Howl's moving castle ba ako?

Ito'y kumikinang na parang buwan.

"Huwag 'kang matakot sa akin, Tri. Ako ay naparito upang tulungan ka." sambit niya.

Tinanggal niya ang mahigpit na tali sa aking mga kamay at kinuha ang kumot ko saka ito ibinalot sa katawan ko.

Nagulat ako nang biglang bumukas ang pintuan ng aking kwarto at pumasok ang dalawang barkada ni kuya.

Sina Karl at Carlo. Ang magkapatid na Montier.

Bago sila makapagsalita ay pinatunog ng lalaking kasama ko ang kaniyang dalawang daliri at bigla na lamang humandusay sa sahig sina Karl at Carlo.

Anong nangyari?

Walang dugo. Ang dalawa'y naging yelo sa sobrang tigas. Nakamulat ang kanilang mga mata ngunit hindi ko nakikitang humihinga sila.

"Anong ginawa mo sa kanila?" pabulong 'kong tanong.

"Mamaya ko na ipapaliwanag. Ililigtas muna kita sa mapanakit na mundong ito," sambit niya.

Hindi ko na alam ang sumunod na nangyari dahil nawalan na ako ng malay.

Ang hiling ko ay sana hindi na ako babalik dito. Sana ay dalhin niya ako sa malayong lugar. Sa tahimik, ligtas, at sa mapayapang lugar.

____________________________________

Disclaimer:

This is a work of fiction. Names, characters, places, and incidents either are the product of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual persons, living or dead, events, or locales is entirely coincidental.

No portion of this book may be copied, shared, or transmitted by any means, whether electronic or mechanical, including photocopying and recording, without the prior written consent of the publisher. Exceptions are made only for short excerpts used in critical reviews and other noncommercial uses permitted by copyright law.

All rights reserved.