webnovel

Chapter 4

Nakatitig lang ako sa orasan, hinhintay ang paglipas ng oras. Hindi ko alam kung anong gagawin ko ngayon dahil sa isang linggo akong walang pasok. Wala naman akong ibang mapuntahan dahil sa wala naman akong ibang kaibigan dito bukod kay Van. Nasa ibang eskwelahan kasi ang iba nag-aaral kaya bihira lang lang sila kung makabisita sa akin.

I took the black feather I saw last night. It's so smooth. Paano kaya ito napunta rito? Ibinalik ko rin ito makaraan ang ilang minuto.

Tumayo ako mula sa pagkakahiga sa kama at sumilip sa bintana. Masiyadong tahimik ang araw na ito para sa akin. Kunti lang ang taong dumadaan. Masiyadong busy anh lahat sa kaniya-kaniya nilang gawain. What kind of day is this?

Siguro pupunta nalang ako sa coffe shop para roon magpalipas ng araw. Para na rin matulungan ko si Dad.

I took a quick glance on the clock hanging on the wall. Maga-alas otso pa ng umaga. Maaga kasi akong nagising kaya hindi na ako nakabalik sa pagtulog. Kapag nagigising kasi ako ng maaga ay hindi na ako ulit ako aantukin.

Pagkadating ko sa coffe shop ay dumiretso agad ako sa may kusina para tulungan si Dad. Masiyadong maraming customer ngayon kaya kailangan ni Dad ng tulong. I took some orders and put it to their tables. Back and forth. Nang matapos ko nang ihatid lahat ng mga orders ng customers ay agad akong umupo sa mesa at pinanood ang mga customers na masayang nagk'-wentuhan.

Makaraan ang isang oras ay iniluwa ng pinto si Van at nakangiti itong naglakad papunta sa akin. Anong mayro'n? Ba't parang ang saya niya ngayon? At saan siya pupunta? And why?

"Good morning, bitch!" She started when she arrived, and kissed me on cheek.

"Don't call me on that term," I snapped.

Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. "What's on this day why you are wearing that kind of fancy dress?

Alam ko namang mahilig siya sa mga ganiyang mga damit pero para saan? Anong mayro'n?

Umikot pa ito na parang nagpapasikat. Kunot noo ko lang siyang tiningnan.

"Where going out? Hangout with Joel!" I covered my ear, her voice was irritating.

"Joel? Akala ko hindi siya makakapunta rito ngayon?" Tanong ko. Joel is our friend since we're in the seventh grade. Nagkahiwalay lang kami nang gumraduate na kami sa senior.

"Well, he made a way to come here, so better stand there and change your clothes," she commanded.

Fancy-dress is not my type that's why I only wear my jeans and hood.

"Teka, saan ka pupunta?" Tanong nito nang lumabas ako galing sa pagbibihis. "Parang magjo-jogging ka lang ah."

Wala akong pakialam kung anong magiging itsura ko. Basta komportable ako sa sinusuot ko.

"Shut up!" I whined.

"Sige, tara na nga. Katawan mo na naman 'yan, " sa huli wala na rin siyang nagawa. "Isa pa, maganda ka rin naman kahit 'yan lang ang suot mo."

We made our way outside, pagkatapos kong makapag-alam kay dad.

"Saan nga pala tayo pupunta," tanong ko habang nagmamaneho. Mabuti nalang at naayos na itong sasakyan ko. Halos dalawang linggo rin akong nag-jeep dahil sa pagkasira ng sasakyan ko.

"Sa isang bar. 'Di kalayuan sa-"

"Ano?!" Naihinto ko ang sasakyan dahil sa sagot nito." Ba't hindi mo sinabi sa akin?

"Ba't mo inihinto?"

"Ba't 'di mo sinabi?" Tanong ko ulit.

"Anong hindi? Ngayon, heto, ano ba ito sa tingin mo?" Pilosopo nitong sagot. "Sige na. Nandoon naman si Joel-promise hindi ka namin papainomin... kami lang.

Ano pa nga bang magagawa ko. Malapit na kami sa bar na yun. Napabuntong hininga nalang ako at pinaandar muli ang sasakyan. Tuwang-tuwa pa ito at niyakap pa ako.

Agad kong ipinark ang sasakyan sa bakanteng space at bumaba na pagkatapos kong masiguradong maayos na ang lahat.

Sino yun? Inilibot ko ang aking paningin sa buong paligid. Inihakbang ko ang aking mga para tingnan kung sinong nakita ko pero masiyadong madilim at tahimik ang paligid kaya agad na rin akong bumalik at naglakad papasok sa bar.

Pagkapasok ko ay sinalubong kaagad ako ng malakas na tugtog kasabay nang mga katawang nagsasayawan sa gitna. May iba't-ibang mundo pala rito. May naghahalikan, nag-tatawanan at may nakita rin akong umiiyak. The place were dark, at ang tanging ilaw na sumasayaw lang ang nagbibigay buhay sa paligid.

Isiniksik ko ang sarili sa mga taong sumasayaw at hinanap si Van. Natagpuan ko sila sa isang mesa, at nandoon nga si Joel.

"Hi," sigaw ko, masiyado kasing malakas ang tugtog.

"Valerie!" Pasigaw ring sabi ni Joel at tumayo para yakapin ako.

"So, how are you?" Tanong nito ng makaupo na kami.

Inilagay ng waiter ay inorder nilang inumin.

"Ayos lang! Pangit pa rin!" Natatawa ko pang sagot.

Natatandaan ko pa noong gumraduate kami nung senior ay nag-inoman sila tapos itong si Joel at Van ang sobrang nalasing dahil sa first time nila yun. Ako nga ang nakakaawa nung oras na 'yun dahil sa ako lang ang hindi uminom kaya ako tuloy ang nag-alaga sa kanila noong gabing yun. Pero ngayon, sanay na 'yang dalawang iyan kaya hindi na ako mag-aalala pa.

"Medyo busy din akong busy next week. Ngayon lang ang bakante ko kaya pumunta na ako rito," kuwento pa nito.

"Parehas pala tayo," sambit ko.

"Sayaw tayo!" Yaya ni Van.

"I don't think that's a good idea," Joel snapped."

"Sige na!" Pagpupumilit pa nito pero hindi kami natinag ni Joel. Hindi naman sa 'di namin gusto. Sadyang hindi lang kami marunong sumayaw.

We love dance but dance doesn't love us.

"I heard may tatlong gwapong lalaki raw dito sa lugar niyo," bigla nitong sabi na ikinagulat ko. Saan naman niya nalaman 'yun?

Bumaling ako ng tingin kay Van at napa-peace sign nalang ito. Kahit kailan talaga sobrag daldal niya.

Halos lasing na si Joel at Van. At iniwan ko na muna sila at naglakad patungo sa bartender para umoder ng isang light drink. Nauhaw na rin kasi ako.

"Thanks," I muttered as he handed the glass to me. Medyo nakakapanibago ang lugar na ito sa akin. I supposed to be a bar hater, but now I am here.

Habang inililibot ko ang aking paningin sa paligid ay nahuli ng dalawa kong mata ang isang pamilyar na mukha. Umiinom itong mag-isa habang nakatingin sa mga sumasayaw. Ano na namang ginagawa niya rito? Pati ba naman dito?

I glanced to Joel and Van. Still, they were talking and laughing. It's almost a year since they talked so I think they missed each other. They two were close to each other, so I won't mind if they will talk there all night.

Ibinalik ko ulit ang aking tingin kay Primo. Ngayon ay kausap na niya si Troy at Christian, parang seryoso ang pinag-uusapan nila. Parati naman sigurong seryoso ang pinag-uusapan nila. A momen later, Troy leaved. Silang dalawa nalang ang naiwang magkausap doon sa table nila. Nakatitig lang si Primo sa mga nagsasayaw habang si Christian ay patuloy siyang kinakausap. I think they have a serious problem...again. Pero ano namang paki ko kung may problem na naman sila?

A minutes later, ay nagulat ako nang maglakad si Primo patungo rito sa kinaroroonan ko kaya inayos ko ang aking sarili at tinanggal ang tingin sa kaniya. Nagsisimula na naman akong kabahan. Naramdaman ko nalang na nasa tabi ko na siya at umorder ng alak. Akala ko pagkakuha niya ng alak ay aalis na siya. Nagkakamali ako dahil sa umupo nalang ito, at hindi na umalis.

Hindi ko alam ang gagawin, ninanakawan ko siya ng tingin sa tuwing hindi siya nakakahalata. Napakaseryoso niya at parang ang layo ng iniisip.

"What's your name?" Inilibot ko ang aking paningin hinahanap kung sinong tinatanong niya. Sinong tinatanong niya?

Tiningnan ko siya at diretso pa rin ang tingin nito sa mga sumasayaw.

"You're not beautiful, so what's your name?" He said seriously.

This time, I already knew that he was talking to me. I glowered to him. Sabihan pa naman ako ng 'you're not beautiful.'

"Oh, sorry. Ako pala ang kinakausap mo," I apologized as polite as I can though I already punched him in my mind.

"Who else I'm gonna ask here?" The tone of his voice made me nervous. "Don't be stupid."

"Excuse me?! You'e the one who's asking my name," I tried to be calm but damn it I can't. "And now you're the one who's angry?"

Akala mo kung sino? Hindi rin naman ganoon kagwapo. Ang sama ng ugali, tawagin ba naman akong hindi maganda!

Pinilit ko pa ring ngumiti kahit na sobrang inis na inis na ako sa pagmumukha niya. Kung naging lalaki lang sana ako ay noon ka pa ito sinuntok.

"And now you're shouting?" He asked, and muttered a word. "Bitch."

Bastard! I mouthed.

Sumusobra na ito ah?! Ano bang gusto nitong lalaking ito?! Calm Valerie! Calm. He's just making fun at you.

"Valerie," I said in a calm tone, and saw he glanced. "You're not handsome, bastard."

And I walked out.