webnovel

Chapter 7

"May mga bagay na akala mo permanente, akala mo ok na, mararanasan mong umiyak , sumaya at mag mukhang tanga pero ito ka pa din kahit na alam mong mararanasan mo yan sa pag ibig sige ka pa din kase gusto mo sumaya ka, gusto mo makasama mo siya kahit na nasasaktan kana at nakukuha mo pang ngumiti kahit naiyak kana hayysss !! pag ibig nga naman ang daming nagagawa sa buhay nakakasawa na " - Azurie Villacarlos

.

.

chapter 7: the most painful truth

nagdaan ang mga araw at buwan stay strong pa din kame i guess ? ewan ko kung ako lang yung may mali o siya na kase simula ng kinakausap na siya ng dati niyang crush na alam ko naman na crush lang? wait crush nga lang ba talaga?

naguguluhan na talaga ko ewan ko ba minsan kase nahuhuli ko siyang nakatingin, oo nakatingin

hindi sakin pero sa dati niyang nagustuhan hindi ko pinapansin pero yung tingin niya kase ang sakit makita, yung tingin na may halong pag mamahal na alam naman natin na ibibigay lang sa taong mahal talaga natin

pag may kailangan yung babae i mean si Stephanie paile sige agad siya, lahat ng sabihin ni steph ginagawa niya agad at dun nako nagduda. Hindi ko alam kung paano ko siya tatanungin natatakot ako sa pwede niyang sabihin, sa sagot niya sa tanong ko, natatakot akong malaman pero kailangan kong harapin kase pag pinatagal ko pa mas lalo akong masasaktan diba? Kaya nagawa ako ng bagay para mapatunayan yung hinala ko

"mahal bili kang siomai!" - ako sabay yakap sakanya pero hindi niya ko niyakap pabalik sa halip ay lumayo siya sakin na mahahalata mo sa mukha niya na galit siya sa pag yakap ko sakanya

"ikaw na tamong may pinapagawa pa sakin si steph ehh" - siya

"ok" - ako sabay alis na agad naiinis ako bat ako hindi niya kayang unahin ako yung girlfriend dba?

dapat ako yung inuuna niya nakakabuset lagi na lang si steph, lagi na lang siya yung priority niya

"Darren pasulat naman ako nito ohh pwede" - stephanie sabay lapit kay darren hindi niya alam na nakatingin ako sakanila at ang loko

"ahh sige akin na" - darren sabay ngiti ng malapad nang makita ko yung ngiti niyang yun mas lalo akong nainis <(-︿-)>

"Darren samahan mo naman akong bumili" - stephanie

"ahh sige tara na" - darren tas ngiting ngiti pa din

naiinis nako ng sobra , kaya ito na sasabog na ko hindi ko na mapipigilan to

pag dating nila

"Darren!!" - ako sabay hila sa kanya

"hoyy ano ba may gagawin pako ehh yung pinapagawa ni steph" -darren tas nagpupumiglas sakin at ng nasa wala na kameng tao nagsalita nako

"darren ano ba!!" - ako na naiinis na

"bakit ba hah.. ano bang problema mo" - darren

"problema ko ikaw, problema ko siya, problema ko kayong dalawa" - sinamaan ko na talaga siya ng tingin

"ano bang sinasabe mo linawin mo nga" - darren na naguguluhan na din

" Mahal mo bako?" - ako tas naka yuko na kase alam ko naman na magbabadya na talaga ang luha sa mga mata ko ehhhhh sa sagot na matatanggap ko sakanya ito na malalaman ko na pero hindi siya nakasagot

" I knew it ! kailan pa?" - ako tas umiyak na talaga

"simula pa nung una" - darren na hindi makatingin sakin ng maigi

"so ginamit mo ko para makalimutan mo siya pero wala siya pa din talaga" - ako na naka yuko pa din

"sorry....." - darren yun lang ang nasabi niya

"Sorry darren? sorry? it was too late to say sorry darren the damage has been done!! ang sakit ! ang sakit sakit na akala ko mahal mo ko , na akala ko ako lang, na akala ko tayo na hanggang huli.... Asan na yung sinabi mong para tayong magnet na attracted to each other .... Asan na yung mga pangako mo na hindi naman pala matutupad kase pinako mo na lang" - ako na tuluyan na talagang umiyak

"Sorry mahal na mahal kita pero bilang isang kaibigan lang talaga akala ko kaya kitang mahalin ng lubos at ayoko namang saktan ka pa kaya sorry talaga " - darren

"dahil sa ginawa mo nasaktan mo nako akala mo ba madali lang tanggapin yung sorry mo" - ako

"mahal ko siya, mahal na mahal kaya lahat gagawin ko para sakanya tulad ng ginagawa mo para sakin ang makita lang yung kakulitan niya, ang mga tawa niya, ang pakikipagbiruan niya sapat na sakin yun, sorry kung nasaktan kita, sorry sa kasalanan ko, sorry kase hindi ko nasuklian ang pagmamahal mo" - darren

pagkatapos niyang sabihin yun ay umalis nako ewan ko umiyak lang ako ng umiyak ng malaman ko ang lahat sino ba naman kaseng hindi maiiyak dun diba, yung mahal na mahal mo hindi ka minahal akala ko nagbago na siya, akala ko mahal na niya ko kase ang sweet niya sakin ano yun pakitang tao lang umuwi ako ng maaga nun tas dumiretso agad ako sa kwarto at doon umiyak nako ng umiyak hindi ko na kaya wala akong mapag labasan ng sakit kase may mga ginagawa ang mga kaibigan ko at ayokong maistorbo sila dahil alam ko pag nalaman nila yun ay ititigil nila agad yung ginagawa nila para sakin, ang mga magulang ko naman ay wala dito umalis sila may inaasikaso haysss ako lang talaga mag isa ngayon

kahit minsan pala may nagagawa pala ang sakit para lumuha ang isang tao, at ang sakit na yun ang naging dahilan bat nagiging mahina tayo sa lahat ng bagay. Makalipas ang ilang oras wala ng luha ang napatak sa mga mata ko naubos ko na ata lahat kase ang sakit sakit na ng mata ko tas ayun nakatulog nako

"Oo masakit pero sisiguraduhin ko na kung gaano man ako nasaktan ngayon sa susunod na mga buwan at taon hindi ko na mararanasan ang sakit na naranasan kong ito, Nagmahal , Nasaktan , at Hindi na uulit pa ulit Tama na ang isang sakit, Tama na ang luhang nasayang, Oo naging masaya ako sa piling niya pero hindi nito mababago ang nararamdaman ko nung nasaktan nako! at sisiguraduhin kona na hindi ko na gagawin ang pagkakamali kong yun" - Azurie