webnovel

Chapter 25

nagising ako ng wala sa tabi ko ang mahal ko kaya ang lungkot kong bumangon sa kama ko nakakainis naman hindi niya ko inantay magising

Habang nakasimangot ako sa kama ko bigla na lang dumating ang mga abnormal kong kaibigan

"azurie para kang tanga diyan na nakasimangot" - pambungad sakin ni selina

"Paano ba naman isang tingin, isang ngiti kahit boses mo na rin nakakatunaw" - pakanta kong sabi ko sakanya kahit wala naman akong tono kaya ayun ang mga loka tinawanan lang ako

"Hahaha may sapak na si azurie ba naman yan ba ang nagagawa ng wala ang asawa ?" - karina

"Wala pa naman akong asawa ahhh" - ako

"mamaya meron na " - bulong na sabi ni selina

"Huh?" - tanong ko

"wala sabi namin tara na sa lapag may hinanda kaming pagkain para sayo" - Dina tas bumaba na kame

Hala !! O.O

bakit ang daming pagkain? at tao sa bahay namin?

"anong meron? hindi ko pa naman birthday ahhh" - ako tas tinignan sila isa isa

"celebration for karina hahaha syempre malapit na ang kasal ng malibog sa ating apat" - selina tas tumaas baba pa ang kilay

"ahhh basta kayo bahala mag linis ng bahay ayakong mapagod si tristan pag dating niya at sobrang kalat ng bahay " - pagkatapos kong sabihin yun nag ngitian sila hala anong meron? may sapak na naman sila hahaha

"nga pala may request ako sayo azurie" - sabi ni karina sakin sabay hawak sa kamay ko nakakatakot naman siya ngayon

"huh? ano naman yun? " - ako

"mamaya may pupuntahan tayo gusto ko yung ibibigay kong damit ang susuotin mo hah.... kase pagkatapos kase ng kasal ko sa France nako titira para bumuo ng pamilya dun" - paawa effect na sabi ni karina hahaha nakakatawa first time yan magpabebe ng ganito pero matagal na yang pabebe

" yun lang pala ehh" - ako

tas ayun nagsikain naman kame at ng matapos ay dali dali silang umakyat sa kwarto ko habang hila hila ako

nang nasa kwarto kame bigla akong nilagyan ng piring ni selina kaya naman wala akong makita

maya maya ay tinanggal na nila ito

at laking gulat ko na may nakita akong gown na kulay pula ang ganda ganda niya kaya naman lumapit agad ako rito at hinawakan, tube siya tas simple lang yung design ang ganda talaga sa paningin ko hahaha

"akin na lang ba to?" - tanong ko sakanila

"Gusto ko suotin mo yan hah..." - Sabi ni karina

"syempre naman susuotin ko yan aba naman kulay red ehh" - ako

tas ayun umalis na sila at sinabing suotin ko na agad tas sinoot ko naman hindi ko maexplain ang ganda ganda niya talaga para akong ikakasal sa suot ko pero parang lang naman hahaha

"azurie tapos kana?" - pasigaw na tanong ni selina sa labas ng pinto ng kwarto ko

"yup " - ako tas ayun pumasok na sila at isa isa silang pumasok at tinignan ako

"wow ang ganda mo bal bagay sayo ang suot mo lalo na at Favorite color mo pa ito" - pagpuri ni Dina sakin

"ayan para kanang tao hahaha akalain mo yun?" - selina

"ikaw lang naman ang hayop dito ehh" - ako

tas ayun nag tawanan na kame at inayusan naman nila ako agad

"ano bang meron bakit niyo ko inaayusan?"- tanong ko sakanila na ikinangiti nila

" bawal na magtanong baka may mainip na " - selina tas ayun napataas ako ng kilay sakanya ano ba yan wala man lang silang sinasabi sakin

"tara na azurie " - Dina tas ayun nilagyan nila ako ng piring ulit kaya ng pababa na kame ay hindi ko na talaga makita ang dinadaanan namin sobrang dilim

"hahahaha" - tawanan lang nila ang naririnig ko at hindi naman na ako nagsalita pa nitatamad ako ehhh

"andito na tayo binibini" - karina tas ayun onti onti nilang tinatanggal ang piring ko at laking gulat ko sa nakita ko

Omg......

nasa harap kame ng simbahan at nginitian ako ng tatlong ugok

"anong ibig sabihin nito?"- tanong ko

" pumasok kana lang"- selina tas ayun tinulak nila ako hanggang sa nasa pinto nako ng simbahan at laking gulat ko na naman na lahat ng taong nandun nakasuot ng pulang kasuotan at ang nakaagaw ng pansin ko ang lalaking kanina ko pa hinahanap si tristan nakangiti siya sakin nasa harap na siya ng altar at kulay pula din ang suot niya na coat at white ang long sleeve na NASA ilalim ng coat ang gwapo niya

nakatulala pa din ako sakanila at hindi makagalaw ng biglang

"anak hindi kapa ba maglalakad?" - nakangiting sabi ni ama na nasa gilid ko na hindi ko alam pero naiiyak nako totoo ba tong nangyayare?

"Pa nananaginip bako kung oo pakisampal naman ako ohhh" - sabi ko kay papa

"hahaha kaw talaga anak haha hindi ka nananaginip ikakasal kana talaga" - Pa

"Seryoso pa?" - tas ayun umiyak nako ng umiyak niyakap naman ako ni papa

"shhhhh wag ka umiyak tamo lahat ng tao nakatingin sayo baka isipin nila sinesermonan kita " - Papa

"masaya lang ako na nandito kayo ni mama" - ako..

"syempre nandito kame kasal ng anak namin ehh" - Papa

"Papa talaga ohh pinapaiyak mo ko lalo" - ako tas nag pout

"mag umpisa na tayong maglakad mukhang kanina kapa inaantay ng mapapangasawa mo ehh" - Papa

kaya ayun naglakad na kame papuntang altar ng biglang may tumugtog ng paborito kong kanta

"I got a lot of things 

I have to do.. 

All these distractions 

Our futures coming soon 

We're Being pulled a hundred different directions

But whatever happens I know I've got you

You're on my mind you're in my heart

It doesn't matter where we are

It'll be alright

Even if we're miles apart

All I wanna do, Is be with you be with you

There's nothing we can do Just wanna be with you

Only you

No matter where life takes us nothing can break us apart..

You know its true

I just wanna be with you

(Be with you)"

Sa mga oras na to sobrang tuwa ko kase kay tristan ang bagsak ko haha siya ang lalaking mahal ko, minahal ko at mamahalin ko pa ng lubos ito na ata ang pinaka masayang pangyayare ng buhay ko ang pag isahin ang puso at buhay namin ang tanda ng pagmamahalan namin at ang panibagong yugto ng aming buhay

nang nasa tapat na kami ni tristan nagshake hands na sila ni papa

"alagaan mong mabuti ang anak namin hah..." - Papa

"opo ako pong bahala sakanya gagawin ko siyang  reyna ng palasyo namin" - tristan

"siguraduhin mo yan" - Papa

"opo" - tristan

tapos humarap na siya sakin

"Ang ganda mo mahal" - siya

"hahaha oo na ikaw din ang gwapo mo" - ako

"tara na " - tapos ayun kumapit nako sa kanya hahaha

Nasa kalagitnaan na kame at tinatanong na kame ng pari at ito kame parehas malawak ang ngiti hahaha

"Tristan, will you take this Woman to be your wedded wife, to live together after God's ordinance in the holy estate of Matrimony? Will you love her, comfort her, honour, and keep her in sickness and in health; and, forsaking all others, keep thee only unto her, so long as ye both shall live?" - Pari

"I do" - tristan tas tumingin sakin

"Azurie,  will you take this man to be your wedded husband, to live together after God's ordinance in the holy estate of Matrimony? Will you love him, comfort him, honour, and keep him in sickness and in health; and, forsaking all others, keep thee only unto him, so long as ye both shall live?"- Pari

" I do" - ako

"You can now say your vows" - Pari tas may nagbigay samin ng singsing

"I Tristan take Azurie to be my

 my wedded Wife, to have and to hold from this day forward, for better for worse, for richer for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish, till death us do part, according to God's holy ordinance; and thereto I plight thee my troth." - Tristan

tas sinuot niya sakin ang singsing

"I Azurie take Tristan to be my wedded Husband, to have and to hold from this day forward, for better for worse, for richer for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish, till death us do part, according to God's holy ordinance; and thereto I give thee my troth." -ako tas sinuot ko din ang singsing sakanya

"You may now kiss the bride" - pari

"Paano ba yan mahal nakatali kana sakin hindi kana makakatakas" - pagmamayabang na sabi sakin ni tristan kaya tinawanan ko siya

"lagot ka lang sakin paghinigpitan mo ang tali masasapak kita" - ako

"hahaha opo master hindi ko hihigpitan ayokong masaktan ka ehh" - siya tas tinaas na ang belo ko

tas ayun kiniss na niya ko at sa oras na yun alam ko nakatali nako sakanya at masaya ako at siya ang nagtali sakin

"I love you Mrs. Azurie Villacarlos-Menair" - siya

"I love you too Mr. Tristan Menair" - ako tas kiniss niya ulit ako

"ngayon akin kana wala ng makakaagaw pa sayo "- siya tas tumawa hahaha baliw na nga ito baliw na baliw na sakin

" Sayo lang ako at akin ka lang" - ako