webnovel

Chapter 21

"Maraming bagay ang hindi natin inexpect na mang yari tulad ng dating invisible lang siya sa paningin mo pero ngayon minamahal mo na siya ng husto, dati hindi mo siya napapansin pero ngayon nakatuon na lang ang mga mata mo sakanya bakit nga ba maligalig ang tadhana? "- Azurie Villacarlos

Ilang araw matapos ang nangyareng yun sa kasal ni selina, si darren ayun laging nagpaparamdam nagpapadala ng mga flowers sa bahay minsan nga ice cream, or marshmallow or stick o ehh syempre kinukuha ko yun sayang naman kung hindi ko kakainin diba?

Kaya ito ako ngayon lalabas na dapat sa bahay ng may nakita na naman akong galon ng Ice cream sa labas ng gate kahit walang pangalan alam ko na kay darren yun galing kaya naman kinuha ko agad buti may kutsara ng kasama lagi kaya nakakain ko agad pagtingin ko may tumigil na kotse sa harap ko at ngumiti sa taong nasa harap ko ngayon

" tsk! saan naman galing yang ice cream mo? akin na nga yan" - kukunin niya sana kaso niyakap ko

"ayoko nga akin to!! eh bat mo kukunin" - ako tas nag belat pa sakanya

"Tsk! pacute pa ehh alam mo naman kung kanino galing yan tinatanggap mo pa tsaka pwede naman kitang ibili nan ahhh kaya itapon mo na yan" - siya tas kinukuha sakin pero mahigpit ang yakap ko

"Ayoko ngang itapon ang favorite ko bahala ka pag tinapon mo to hindi nako makikipagdate sayo" - sabi ko tas ayun tumigil aahahahaha i won

"tara na nga bilisan mo at ubusin mo na yan ibibili kita ng madami para hindi mo na tanggapin yung galing sakanya" - siya tas niyakap ako kaya niyakap ko din siya

"Pwedeng Marshmallow din at Stick o?" - tas nag beautiful eyes ako sakanya

"Pasalamat ka cute ka ehh " - tas bumitaw na siya sa yakap ko kaso niyakap ko ulit siya kaya ayun ngiting ngiti siya kailangan lambingin kase pag hindi baka bantayan niya gate namin tas wala nakong ice cream na makita hahaha favorite ko yun eh sobra kaya ayoko masayang pag itatapon lang

"ehhh hug mo lang ako" - sabi ko sakanya kaya hinug niya ko ng mahigpit

"Gusto ko mahigpit pa " - edi hinigpitan niya napangiti naman ako ang swerte ko kase minahal niya ko

"eheemm!!eheemm" - may biglang umubo kaya tumingin kame pero hindi naghihiwalay sa pagyakap

"ohh andito pala ang mga ugok" - sabe ko kase andito yun 6 na mag aasawa

"ang aga aga PDA kayo ehh ang dami ko tuloy picture niyo" - selina na ipinakita samin yung picture

"edi mabuti yun madami ka ng picture sa idol mo hahaha gusto mo ng autograph ko?" - binelatan ko nga kahit kailan adik yan eh

"ehh? no thanks si tyler lang idol ko eh" - sabay yakap niya kay tyler like iww ang laswa hahaha

"bat ba kayo naparito ?"- tanong ko sakanila

" may good news kame ni selina" -naghawak kamay pa sila ni selina at dina

"ano yun?" - ako

" i'm 1 month pregnant na ako tas si selina 2 weeks na " - naka ngiting sabi ni dina

"ehhh ang daya naman " - sabe ko ng naka pout

"hahahaha ninang ka hah.." - sabay tawa ni selina sakin

"oo naman basta pahiramin mo ko hah.." - ako na ikinatawa nila

"aba gagawin mo pang laruan ang anak namin ehhh" - pang aasar ni dina

"damot naman" - sabay pout ko

"pwede naman tayong gumawa mahal ehh" -singit ni tristan

"ehh? tara nga gawa na tayo " - sabay kiss ko sakanya tas humarap sa 6 na asungot

"ohh umalis na kayo gagawa na kami ng baby namin" - ako tas pinagtataboy ko sila

"hahaa grabe ka azurie direct to the point ka talaga ehh no?" - may pag iling iling pa si karina

"ehhh umalis na kayo may date nga kase kame tas nasingit pa kayo" - tinaboy ko n talaga sila ang kulit eh

"oo na aalis na kame binalita lang naman namin yun ehh hahaha enjoy your date" - Sabay kiss ni dina sakin

tas umalis na sila hayysss salamat naman

"mahal ilang baby ba gusto mo ng masimulan na natin" - tanong ko sakanya na ikinamula niya

"hahaha kaw talaga mahal tara na nga magdate" - sabay hila niya sakin

"ehhh ilan nga gusto mo" -pangungulit ko sakanya

"hahaha kung ilan ibigay satin" - tristan

"Tara sa loob simulan na natin para madaming ibigay satin" - ako

"hahaha grabe ka mahal hahaha ikakasal pa tayo dapat bago baby" - siya

"hayyysss tara na nga muna mag date hahaha basta yung ice cream ko gusto ko chocolate lahat" - ako tas kiniss ko siya

"syempre para sa mahal ko" - siya

kaya sumakay nako sa kotse niya at sumakay din naman siya habang nasa biyahe kame syempre kinakain ko yung ice cream na iniwan ni darren sa labas ng gate ko

"mahal grabe ka kumain ng ice cream tamo ang bilis paubos na agad yang pangalawa mo" - tristan

"favorite ko ehhh" - tas binuksan yung ikatlong ice cream

"naku kung niyaya ka niya tas ang ipakita niya sayo ay ice cream sasama kaba?"- tanong niya sakin

edi kunware nag isip ako

" oo naman ice cream yun ehh" - tas ayun kumain agad ako

"ehh mahal naman ehh dapat pigilan mo sarili mong matakam sa ice cream" - siya

"hahaha sasama lang ako pero hindi ko siya mamahalin grabe ka mahal hahaha pero sige na nga magpipigil ako para sayo" - ako tas namula siya

"Bakit ba ang galing mong magpakilig"-siya

" syempre mahal mo ko kaya kikiligin ka talaga hahaha" -ako

"sa bagay haha" - siya

"saan pala tayo pupunta?"- tanong ko sakanya

" sa bahay papakilala kita sa Family ko" - siya

"ehh?  bakit hindi mo sinabi tamo yung suot ko short lang at Tshirt hindi pa din ako nag ayos" - kinabahan nako nun

"relax ka lang mahal hahaha ang ganda mo pa din naman pag walang ayos ehh" - siya

"ehh kinakabahan na tuloy ako" - pagkasabi ko nun tumigil kame sa isang malaking gate tas pumasok sa isang napaka laking bahay na alam kong kanila to kase nga diba sakanila kame pupunta

"andito na tayo" - sabi niya tas bumaba at pinagbuksan ako ng pintuan ng kotse

pagtingin ko sa may pintuan nila ayun si steph naka ngiting nag aabang samin tas may kasama siyang sa tingin ko ay magulang nila disente kase ang suot ehh ng makarating kame sa harap nila

"azurie!" - sabay hug sakin ni steph kaya hinug ko din siya hindi ko ba na kuwento sainyo na friends na kame haha yan alam niyo na kaya ayun  tumingin ako sa magulang nila

"hello po" - tas yumuko sakanila sign of paggalang

"hello din " - yung mama nila

"so ikaw pala yung kinukwento nina tristan at steph samin" - naka ngiting sabi ng papa nila

"nga pala tara na sa loob at nakakangalay tumayo" - yung mama nila

kaya pumasok kame at naupo sa dining area nila

"manang yung pagkain po pahanda na" - sigaw ng mama nila

"ma aalis din naman kame ehhh kase may date pa kame" - tristan

"ayyiieee si kuya ohh nagmamahal na talaga ng husto hahaha" - sabi ni steph na ikina pula ko

"balita ko ikaw yung ex ng boyfriend ni steph" - papa nila na ikinatahimik nilang dalawa

"Opo ako nga po" - ako

"bakit ang anak ko pa ang minahal mo?" - papa niya

"mahal ko po siya kaya siya ang pinili ko" - ako

"sabi ni darren mahal mo siya" - papa nila

"tama nga po kayo mahal ko po si darren pero hanggang kaibigan lang sa loob ng 7 taon nawala na yung pag ibig na sinabi ko sakanya" - ako

"Gaano mo kamahal ang anak ko" - papa nila

"Gaano po kamahal? hmmm.... yung pagmamahal ko sakanya sobra sobra na hindi ko na nga po maimagine ang buhay ko kung walang siya sa buhay ko gusto na nga siyang iuwi sa bahay namin kaso baka magalit kayo, gusto ko na nga siyang ikadena sa buhay ko kaso may mga gagawin pa siya na dapat hindi ko harangan kahit na gustong gusto ko na siyang kasama araw araw hindi pwde kase may pangarap pa siya na hindi ko pwdeng hadlangan ganun ko po kamahal ang anak niyo handa akong mag hintay tulad ng pag hihintay niya sakin 7 years ago" - napahaba ata ang sinabi ko kaya pagtingin ko sakanilang 3 naiyak na sila miski si tristan at ang papa niya naiiyak  ang weird ng pamilya nila hahaha joke lang

"hala po hahaha hindi ko intensyong paiyakin kayo" - dagdag ko sabay tawa

"kaya mahal  na mahal kita ehh hindi mo alam na konting salita mo lang kinikilig nako" - tristan tas hinug niya ko

"Hahaha so ganun mo kamahal ang anak ko sorry sa mga tanong ikaw lang kase ang unang babae na dinala niya samin ehh kaya I'm so happy na mahal na mahal mo siya kaya dapat magpakasal na kayo at bigyan niyo na agad kame ng apo" - sabe ng papa nila

"Pwde na po ba?- tanong ko sakanila na ikinagulat nila hahaha

" kahit kailan winter direct to the point ka ehh walang paligoy ligoy ang sinasabe mo hahaha" - natatawang sabe ni steph

"syempre hahaha" - sabe ko

tas ayun kumain na kame kaya mabilis kameng natapos kailangan ehh may date kame bawal magtagal

"sige ma, pa at steph alis na kame sosolohin ko muna yung mahal ko" - sabe ni tristan

"hahaha sige babay enjoy niyo yung date niyo" - sabi ng mama niya tas hug sakin

"nga pala you can call us mama at papa na lang hah" - paalala ng papa niya

"ahh sige po ma, pa alis na po kame" - ako na yumuko sakanila

tas ayun umalis na kame agad

after ilang minuto nakarating na kame sa Mall

"tara na bibili na kitang ice cream" - tristan

"talaga? ayyiiieee tara na" - tas hinila ko siya agad agad

edi pumunta agad kame at bumili siya ng ice cream tas ayun sa may stick o naman at marshmallow binili na ata niya lahat hahaha

"nga pala bakit wala kang kasama sa bahay niyo?" - tristan

"nasa silang kase sina mama kaya ako lang mag isa at kung nandito man sila sa bahay namin sila nakatira at hindi sa bahay ko" - sabi ko naman sakanya

"you mean bahay mo yun pinagawa mo" - siya

"oo haha gusto ko nga irenovate kaso pagnag asawa nako" -ako

"hahaha tara na ipa renovate na natin" - siya

"tsaka na pag kasal na tayo" - ako

"hahaha sige na nga" - pagkatapos ng usapan naming yun ayun nagshopping na kame ang binili ko lang naman ay 3 robber shoes at 5 short 3 palda at Tshirt lang tapos umuwi na agad kame

..

"babay bukas na lang ulit mahal" - ako tas kiniss ko siya sa lips

"sige mahal basta yung gate i lock mo agad hah..." - siya

"ayay captain" - tas nagsalute pako

"i love you mahal" - siya

"i love you too mahal" - ako tas ayun umalis na siya kaya pumasok nako sa bahay at sumalubong ako ng aso ko haha ang cute niya talaga hmmm.....  tristan ang pangalan niya eh haha mahal na mahal kita kaya pangalan din ng mahal ko ang ipinangalan ko sayo

dumiretso agad ako sa kwarto at sumunod naman si baby tristan at tumabi sakin sa kama

sweet dreams sana makita ko si tristan sa dreamland ko