webnovel

Chapter 11

Kinabukasan:

nagising ako sa lakas ng alarm clock malapit sa higaan ko hayysss isa na namang araw

Bumagon ako at tinignan ang cellphone ko

What???

bat ang daming missed call ni sir kagabi wahhhhhh lagot ako nito

kaya ayun dali dali kong tinawagan si sir

"hello sir?" - ako

(Good morning) bat ang sigla ng boses ni sir

"hala sir sorry po hindi ko na nasagot yung tawag mo po kagabi kase naka tulog agad ako"

(hahaha ok lang ) at tumatawa pa siya anyare kay sir good mode?

"bat po ba kayo natawag kagabi?" kinakabahan nako baka kase may ipapagawa siya kasal pa naman ni Dina ngayon

(wala lang gusto ko lang marinig boses mo)

tas pinatayan nako ni sir

ano daw?? gusto niya marinig ang boses ko ? ehh ? nababaliw na ata si sir hayaan mo na nga siya

kaya ayun ng mag 9 ay naligo nako agad at nagpunta sa kasal ni Dina pero hindi ko talaga makalimutan yung sinabi ni sir grabe

wala lang gusto ko lang marinig boses mo

wala lang gusto ko lang marinig ang boses mo

wala lang gusto ko lang marinig ang boses mo

"Wala lang gusto ko lang marinig ang boses mo" - napangiti na lang ako

"hala!! selina may sapak na si azurie satingin ko baliw nato paulit ulit na lang ng sinasabi niya ehh" - pangangantsaw ni karina sakin

"huh?" - ako

"paulit ulit ka ng wala lang gusto ko lang marinig boses mo eh" tas ginaya pa nila yung boses ko

haysss ito pala ako nasa kasal na ni Dina nice siya ikakasal na ako kaya kailan? si selina naman next  tas si Karina sa christmas yeah sila na matagal na naming plano to nung college na dapat magkakasunod kasal namin kaso malabong manguare yung sakin kase sila naman may mga boyfriend ako nganga napag iiwanan ako hahaha

"ba naman yan azurie napag iiwanan kana hahaha" -  sabay tawa ni selina

"grabe ka selina sa pagtawa duh! dalawa na kaya lalaki nan nakita mo ba yung kahapon hahaha nag ngingitian pa sila habang magkahawak ang kamay at ang matindi nun na dumating ang ex niya at naiirita sa nadatnan niyang eksena"- tas ngumiti pa ng mala aso si Karina

" may picture ako nun ahhh.... napost ko na nga ehh natag ko na din hahaa ang caption : may lovelife na si bestie hahahaha"- tawang tawa selina habang sinasabi yun

"huh? anong picture?" - ako na nagtaas ng isang kilay

"yung kahapon po kaya andun pa kame at nakita namin ang eksena" - karina tas pinakita sakin ni summer yung picture tas ayun namula ako

"You may now kiss the bride" - yung pari tas ayun napatingin kame hala tapos na pala ang kasal hindi ko napanood hahaha

1:00 p.m na kaya nasa reception na kame hmmm..... papasok bako? hayyssss parang ayokong iwan pa sila lalo na yung pagkain hahaha may ice cream kaso kailangan ko ng pumasok

"bal una nako hah....may trabaho pako eh" - nakasimagot kong sabi kase ayoko pang pumasok kaso nagsabi ako kay sir na papasok ako at mag oovertime pa

"ehh?? maiintindihan naman ng boss mo yun ehh wag ka munang umalis" - Dina tas niyakap ako

"sabe ko kase papasok ako eehhh" -  nagpout ako

"hayysss ano ba yan?" - Dina

"babawi ako next time hahaha" - ako

"dapat pala ininvite ko yung boss mo para hindi kana umalis hayysss sige na babay na" - Dina

"babay ^.^ babay selina at karina" - ako tas niyakap sila, kaya niyakap din nila ko kaso si selina dinagukan pa ko sa likod ang sakit kaya

siguro nga wala nako masyadong time sakanila wala ehh kailangan kong magtrabaho para sa kinabukasan ng baby ko

hahaha charot lang wala pa nga akong boyfriend baby pa kaya? hahahaha so sad

maya maya ay nakarating nako sa building namin ang technology building kung saan dinedevelop ang mga laro

....

habang naglalakad ako papasok sa building namin ang daming nangiti sakin hala bakit? kase late ako? hahaha

"azurie congrats" - bati ng mga nakakasalubong ko hala ano bang meron?

lahat sila kino congrats ako para saan naman?

ng makarating ako sa office ni sir nakakapag taka talaga yun ano bang meron?

"Good afternoon sir"- ako sabay yuko

" ok " - ayan na naman nag susungit na naman siya

"ahh sige po sir dun na lang po muna ako sa desk ko" - ako sabay talikod sa kanya

"so congrats azurie sino naman ang maswerteng lalake?" - sir.

"po?"- tanong ko na may pagtataka kanina pa yan hah.... ang daming nag cocongrats sakin ng hindi ko alam

" at talagang ibinabalandra mo pa na ikakasal kana?" - sir tristan

hala anong sinasabe ni sir

"ano po bang sinasabe niyo?" - ako na talagang nagtataka

"hawakan mo yung likod mo" - sir

kaya hinawakan ko at ang nakakaloka bat may papel? tinignan ko agad ang nakasulat

"Ikakasal nako"

oww shit naalala ko bigla akong dinagukan ni selina kanina sa likod kaya pala ang loka ngiting ngiti pa sakin tas timing pa naka white cocktail dress ako

namula bigla ako sa nakita ko nakakahiya kaya

"hala sir pinagtripan lang po ako ng mga kaibigan ko" - ako sabang yuko nakakahiya kase ehh

"bat ka nagpapaliwanag sakin ano ba kita?"- kaya napatingin ako kay tristan oo nga ano niya bako bat nga ba ako nagpapaliwanag sakanya? Pero bat parang nasaktan ako sa tanong niyang yun? Parang sinasabi niya na wag akong magpaliwanag kase wala naman siyang pake

" nakakahiya kase nakita mo yun ehh di naman  totoo" - ako sabay tingin sa kanya

pero siya busy na nakatingin sa monitor ng computer niya haysss no choice ako kung hindi bumalik na lang sa desk ko

8:00 P.M na ng natapos si sir sa ginagawa niya ako nakatingin lang  sa kawalan.

"umuwi kana" - sir

"ehh ikaw po? hindi kapa uuwi?" - ako.

"nope may ginagawa pako ehh" - sir..

"ahh sige po babay" - ako....

tas lumabas na ng opisina at nagpara na ng taxi para umuwi pag dating ko sa bahay kumain muna ako tas nag fb lang

tinignan ko yung picture na tinutukoy nina summer at nakakagulat

.

20k likes na at ang daming comment like congrats i'm so happy for you

buset na mga kaibigan yun lagi akong trip ehh

habang nag scroscroll down ako ay may biglang nag friend request sakin napalaki ang mata ko wait ...

Tristan Menair Send a Friend Request

si sir nag friend request at nag message pa

accept me now or else i'll kill you

edi inaccept ko agad nakakatakot

"ok "

maya maya may nag notif sakin patingin ko 0.0 si sir pinusuan yung picture namin at nag comment pa

"ang gwapo ko naman diyan"

Hala totoo yun si sir ang hangin hahahaha napaka niya

"ako talaga ang nagdala hahaha" ewan kusang nagreply ang kamay ko

"ang pangit mo kaya" hala!!! ang sama niya kaya hindi ko na nireplyan tinatamad nako ehh

biglang nagnessage si sir

"hoy"

ako naman naglog out agad at natulog  pero badtrip di ako makatulog ba naman tunog ng tunog ang cellphone ko at tawag ng tawag si sir hindi ba niya ko papatulugin?

tinext ko na lang

"uso po matulog"

tas ayun natulog na talaga agad ako

.

ngayong araw natutunan ko na wag magpapahawak sa mga kaibigan mo kung ayaw mong mapagtripan ka nila ng todo hahahaha