KABANATA 16: Bewitching night
The moment was charming, fascinating, and his aura was alluring. I couldn't find the right words to describe how delightful I am that time with him resting in my lap. I never appreciated his visuals before, but watching him peacefully lay on my embrace made me realize that he's the most gorgeous man I've ever seen in my whole life.
He's menacing, and ruggedly handsome, I can't deny.
I never thought I would give him such compliments. Parang kanina lamang ay kinamuhian ko siya, kinonsensya ako, at ngayon ay para na akong tinamaan ng kakaibang pakiramdam. It's a different kind of sensation that I would love to feel everytime and only him could give me that feeling.
"What did you do to me, Lyreb?" I whispered and caressed his cheeks.
I traced his face by staring at him calmly. From his hair, down to his forehead, to his nose and eventually stopped at his soft lips. His lips looks good, thick soft pinkish lips. Tingin ko'y wala siyang bisyo, maganda ang kulay ng kaniyang mga labi, mas maganda pa sa mga labi ko kung tutuusin.
I smiled, hindi ko alam na gagana ang aking pagpapatulog sa kaniya. The beast is now peacefully sleeping. He said he couldn't rest, but look at him now, he's safe and sound, kulang nalang ay humilik siya dahil sa ganda ng kaniyang tulog.
Hindi pa siya nagising nang umalis ako sa kaniyang tabi. Nakaramdam ako ng pangangalay. Lumabas ako sa kaniyang silid upang patayin ang ilaw sa sala, kusina at labas maging sa aking silid. Tanging ang ilaw lamang sa kwarto ni Lyreb ang nakabukas. Hindi ko iyon pwedeng isara, doon ko balak manatili hanggang sa bumuti ang pakiramdam niya.
Nakakabigla dahil wala akong nararamdamang takot, siguro'y dahil kasama ko si Lyreb. Alam kong naroroon siya, ramdam ko ang kanyang presensya kaya wala akong dapat na ikatakot.
Pagbalik ko sa kwarto ay nanatili akong nakatayo sa pintuan habang pinagmamasdan ang paligid. Katulad nga kanina ay wala akong napansin na kakaiba, tanging ang drawing lamang na limang tao na nakadikit sa pader. Malamang ay gawa iyon ni Lyreb. Biglang pumasok sa aking isip kung bakit ganoon iyon kagulo, tila isang beses niyang nakita at nagmamadaling iginuhit.
Marahil ay iginuhit niya iyon matapos umatake ang kaniyang mga ala-ala sa unang pagkakataon. He was clueless, innocent and curious about the events or persons flashing in his memories.
His memories are coming back, hindi nga ako nagkamali ng isipin kong may amnesia siya. All this time, palagi akong may galit sa kaniya gayong mas naghihirap pala siya sa aming dalawa.
I want to know him more, I want to know the cyclones he had been through. I want more about him, and I don't know why this feeling is obscuring me. I just want to know Lyreb, that's all.
"Lyreb..."
Mabilis akong lumapit ng magising siya. Nataranta pa ako dahil tila naliwanagan siyang masyado sa ilaw. Nalito pa ako sa aking gagawin. Mabilis akong tumakbo sa sala at binuksan ang ilaw niyon saka isinara ang ilaw sa silid ni Lyreb.
"Seventeen..." He called.
There he goes with my age again, nakalimutan niya na ba kaagad ang pangalan ko?
"I am-"
"Seventeen..."
Wala akong nagawa ng igiit n'ya na naman ang edad ko. Saka ako napangiti, malapit na pala ang aking kaarawan.
"I won't be 17 anymore, you should work on my name." Saad ko at hinawakan ang kaniyang noo.
Mainit parin siya.
"What?"
"I'll be 18 na," masigla kong wika.
Napanguso ako ng makita siyang umirap. Umaandar na naman ang pagkasungit niya.
"Aren't you gonna sleep yet?"
"Binabantayan kita."
"Idiot, you don't need to."
"Gusto kitang bantayan,"
"I said you don't need to!"
Nangunot ang noo ko, hindi ko talaga mabasa ang mood ng isang 'to. Kanina lamang ay maayos kami, ngayon naman ay umaandar ang pagiging masungit niya. Madilim ang kaniyang silid, sigurado akong hindi niya nakikita kung gaano kasama ang mga tingin ko sa kaniya ngayon.
How dare he raised his voice on me again!
"I'm sorry," agad niyang bawi.
"If you want me to leave just spill, wag mong daanin sa pasigaw sigaw. Hindi ako bingi," bakas sa aking tinig ang sama ng loob.
Akala ko ba'y bati na kami, bakit ganito na naman?
"I'm leaving." Saad ko atsaka nagsimulang maglakad palabas.
Narinig ko siyang nagmura pagkatapos ay nagreklamo dahil sumakit ang kaniyang ulo nang tangkain niyang bumangon.
"Where the fuck are you going?"
"I'm leaving." Mabilis kong sagot.
"Damn it! Come back here!"
Hindi ko siya pinansin bagkus ay patuloy akong humakbang palabas.
"Damn it! Damsel!"
Napahinto ako at napangiti ng isigaw niya ang pangalan ko. I heard him called my name, he lied again. Ilang beses niya bang kakainin ang mga sinabi niya?
Nataranta ako ng marinig ang kaniyang pagsigaw dahil sa sakit na kaniyang nararamdaman.
"Ano bang problema mo?" Inis kong wika matapos tumakbo patungo sa kaniya. Inalalayan ko siyang muling humiga ngunit kinontra niya na naman ako, "Pasaway ka talaga! Nakikita mo nang ganyan ang kalagayan mo ang tigas parin ng ulo mo!"
"Where would you go, huh?" Sa halip ay tanong niya.
Umakyat ang dugo ko, kailan ba lalambot ang ulo ng isang 'to? Nakakapagod kausapin ang mga taong hindi marunong pagsabihan, katulad na lamang ng lalaking 'to.
"Higa!"
"Saan ka pupunta?"
"Tss, dito!"
"You said you were leaving."
Mas lalo pang sumama ang mukha ko, "Ah, so you want me to leave? Huh?"
"No," mabilis niyang sagot.
"Higa!"
"You won't leave?"
Napabuntong hininga ako, makulit talaga! "Depende kung magpapakabait ka!"
"What?"
"Now, higa!"
Tahimik akong napangiti nang humiga nga ang kumag. Hindi ko inaasahang matatakot ko siya sa ganoong paraan. Is he for real? So, he doesn't want me to leave?
My goodness Lyreb, you are making me mad! You're driving me crazy, you monster!
"Aren't you scared in your room?" Bigla niyang tanong.
"Bakit mo naman natanong?"
"You can sleep here." Deretso niyang sagot.
Kung hindi lang madilim sa silid, sigurado akong kasingpula na ako ng kamatis. Ang init ng aking pakiramdam, I think I'm blushing like heck!
"Ikaw? Saan ka matutulog?"
"Malamang dito sa kama ko. You want me to sleep on the floor? You see, I'm sick!"
Nakagat ko ang pang-ibaba kong labi. Kanina lamang ay nagagalit siya dahil ang sabi niya'y wala siyang sakit. He even yelled at me, he said he's not sick, tapos ngayon ay iginigiit niyang may sakit siya?
May saltik ang isang 'to.
"Anong sakit mo, aber?"
"Headache... and fever as well," mahina niyang saad.
Nakaramdam ako ng awa. No, Lyreb, you are suffering from amnesia. Your memories are coming back... and you're so innocent, I never expected this side of you.
"Okay fine, I won't leave you, I'll sleep on the floor."
"No," mabilis niyang pigil.
"What? You don't want me to sleep at all?"
"No! Of course not!"
"Then what?"
Ilang segundo pa bago siya muling sumagot.
"Sleep beside me," aniya at mababang tono, nakikiusap, "Please..."
Napalunok ako. Kinapa ko ang aking dibdib, hindi maganda ang bilis nito. Malakas, dumadagundong, kumakabog ang puso ko. Nang sabihin iyon ni Lyreb ay kinapos rin ako ng hininga at nakaramdam ng panghihina. Hindi ako nanghina dahil sa kaniyang sinabi, nanibago ako sa paraan ng kaniyang pakiusap sa akin.
For real? Are you for real, Lyreb?
That night, I slept beside him. Pilit iwinawaglit ang kakaibang nararamdaman at pinilit ang sariling matulog sa tabi ng lalaking minsan kong kinamuhian, ngunit ngayon ay nagdidilig ng aking nararamdaman. My feelings is growing, what the heck is happening to me?
"Good night, Damsel."
Napangiti ako at tumalikod sa kaniya. My name sounds good, ngayon ko lang na-realized, nang tinig ni Lyreb ang tumawag niyon.
"Good night, Lyreb."