webnovel

Runaway With Me

"Diba gusto mong mawala ung mga problema at sakit na nararamdaman mo? Kung ganon... sasama ka ba sa paglayas ko?" -Yvonne Tamayo

iboni007 · Fantasi
Peringkat tidak cukup
205 Chs

Hongganda's Mansion

~Hapon~

"Cimga Latrop!"

Sabi ni Yvonne sabay kumpas ng kanyang kamay sa ere at may lagusan na lumitaw mula sa kawalan. Nanlaki ang mga mata ni Jervin habang papalapit na sila ng papalapit ng dalaga sa lagusan na ginawa nito.

"Wahoo!"

Masayang hiyaw ni Yvonne nang pumasok na siya sa lagusang kanyang ginawa. Napapikit na lamang si Jervin habang tuloy-tuloy pa rin siyang tumatakbo patungo sa lagusan. Ilang saglit pa ay naramdaman niya ang isang uri ng pakiramdam na hindi niya maipahayag o mailarawan. Nang iminulat na ng binata ang kanyang mga mata at nasilayan ang napakagandang tanawin.

Nakita ng binata ang mga puno na may iba't ibang kulay sa mga dahon nito. Ang damo nama'y paiba-iba ng kulay sa tuwing nahihipan ng hangin. Ang mga bato'y iba't iba rin ang kulay. Ang ilog nama'y kasing kulay ang asul na langit. At ang mga nilalang na naroroon ay kailanma'y hindi masisilayan o ni maiisipan ng mga 'ordinaries'.

"Buti hindi ka natakot pumasok dun sa portal."

Nakangiting sabi ni Yvonne nang bigla siyang lumitaw sa likuran ni Jervin. Agad na nagulantang ang binata kaya't napatakbo ito papalayo. Naiwang nakatayo ang dalaga sa kinaroroonan nito habang pinanuod lang tumakbo papalayo ang binata. Biglang sumilip sa bulsa ng blouse ng dalaga ang dwende.

"Kita ngang naninibago pa ung bugok na un, e. Masyado kang nagmamadali."

Sabi ni Josh kay Yvonne habang pinanuod na rin ang pagtakbo ni Jervin papalayo sakanila.

"Para nga masanay na kaagad."

Pagdadahilan ni Yvonne kay Josh habang nakatingin pa rin sila pareho kay Jervin. Tinignan ng dwende ang dalaga.

"Di bagay sayo maging teacher."

Sabi ni Josh kay Yvonne at saka ibinalik muli ang kanyang tingin sa binata na patuloy pa ring tumatakbo.

"Puntahan na lang natin si Madam Hong."

Yan na lamang ang nasabi ni Yvonne kay Josh. Napabuntong hininga na lamang ang dwende at saka sumipol. Ilang saglit pa ay may lumitaw na nilalang sakanilang harapan. Ang katawan ng nilalang na iyon ay nahahati sa leon at agila. Ang itaas na bahagi ng katawan nito ay pang leon habang ang ibabang bahagi nama'y pang agila. Ang nilalang na ito'y mabilis tumakbo at nakalilipad sa ere. Ealion (pronunciation: Ilion) ang tawag ng mga wizards and witch rito.

"Long time no see, Elion."

Pagbati ni Yvonne sa ealion na nilalang. Humukod ang nilalang upang bumati pabalik sa dalaga. Tuluyan ng lumabas sa bulsa ng blouse ng dalaga ang dwende at saka nilapitan ang ealion na nilalang. Napansin ng nilalang ang dwende at agad na dumapa upang maabot ni Josh ang mukha nito.

"Namiss kita ng sobra Elion!"

Paiyak na bulalas ni Josh sa ealion na nilalang habang yakap-yakap na nito ang mukha ng nilalang. Napapikit na lamang ang nilalang.

"Tara na kuya Josh, baka makita niya si Jervin. Kung ano pa mangyari dun sa tao."

Sabi ni Yvonne habang umaakyat na siya sa likuran ng ealion na nilalang.

"Hayaan mo na ang bugok na un! Hayaan mo muna kami ni Elion na habulin ang mga panahong hindi kami nagkasama!"

Bulalas muli ni Josh habang yakap pa rin nito ang mukha ng ealion na nilalang. Napairap na lamang si Yvonne at sinungkit na ang dwende saka nilagay sa bulsa ng blouse nito.

"Nakakainis ka!"

Sigaw ni Josh kay Yvonne habang sinisipa-sipa nito ang tiyan ng dalaga. Humawak na ng mahigpit ang dalaga sa ealion na nilalang at saka binulungan ito. Walang pag-aalinlangan na sinunod ng nilalang na iyon ang binulong ng dalaga at tumakbo na ng matulin patungo sa direction kung saan derederetsong tumakbo ang binata.

"Wala na siguro un."

Sabi ni Jervin sa sarili nang tumigil na siya sa pagtakbo papalayo. Tumingin siya sa kanyang likuran at nasilayan lamang nito ang kakaibang tanawin sa kakaibang lugar na pinuntahan nila ng dalaga. Nagpahinga muna siya sa kalagitnaan ng daan at pinunasan ang kanyang pawis. Ilang minuto na ang nakalilipas noong sinimulan na nila Yvonne ang paghahanap sa binatang si Jervin ay nakita na nila ito na nakaupo sa gitna ng daan habang pinupunasan ang pawis nito.

Nangisi ang dalaga na tila ba'y mayroon itong binabalak na gawin sa binata. Noong papalapit na sila ng papalapit kay Jervin ay nagtago ang dalaga sa ulo ng ealion habang nakatingin pa rin kay Jervin. Naramdaman ng binata na yumanig ang lupa kaya't nagmasid siya sakanyang kinaroroonan. Nang lumingon na siya sa kanyang likuran...

"AAHHH!"

Sigaw ni Jervin nang makita niya ang ealion na papalapit sakanya. Dali-dali siyang tumayo ngunit natutumba-tumba dahil sa pagkataranta niya. Noong makatayo na siya ay itinumba siya ng ealion ay saka dinaganan upang hindi na makatayong muli.

"Nasaan si Yvonne ngayong kailangan ko siya?!"

Takot na tanong ni Jervin sa ere habang sinusubukan niyang kumawala sa ealion. Natawa na lamang si Yvonne ng tahimik sa likuran ng ealion. Hindi na rin natiis ni Josh at sumilip na siya sa bulsa ng blouse ng dalaga at nasilayan na dinadaganan ng ealion ang binata. Natawa ng sobra ang dwende, at dahil sa pagtawa nito ay hindi na rin napigilan ng dalaga ang pagtawa nito ng malakas.

Natarantang tumingin ang binata sa kanyang paligid. Umaasa na makikita na niyang muli ang dalaga na nagdala sakanya sa lugar na iyon. Habang tawa pa rin ng tawa sina Yvonne at Josh ay nalaglag na sila mula sa likuran ng ealion. Nang tinignan ng binata kung sino ang tumatawa at ang nahulog ay nagulat ito.

"Yvonne! Bakit ka tumatawa dyan?! Tulungan mo ako dito!"

Paghingi ng tulong ni Jervin kay Yvonne na patuloy pa rin ang pagtawa.

"Yvonne!"

Tawag ni Jervin kay Yvonne na akma ng tatayo habang tumatawa pa rin.

"Sayang... hindi ko navideohan ung reaksyon mo..."

Sabi ni Yvonne kay Jervin ng makatayo na siya at saka tinapik na ang ealion upang pakawalan na si Jervin.

"Pinlano mo un?!"

Bulalas ni Jervin kay Yvonne nang makatayo na siya at pinapagpagan na ang kanyang sarili. Tumigil na sa pagtawa si Yvonne at pinunasan na ang luha na lumabas sa kanyang mga mata dahil sa pagtawa.

"Bigla mo akong tinakbuhan kanina nung nagsalita ako sa likuran mo, e. Kaya binawian lang kita sa pag-iwan mo sakin dun."

Sagot ni Yvonne sa tanong ni Jervin sakanya nang sinimulan na rin niyang pagpagan ang sarili. Nilapitan ng binata ang dalaga at inayos ang buhok nito.

"Bakit mo ako dinala dito?"

Tanong muli ni Jervin kay Yvonne matapos niyang ayusin ang buhok nito. Nginitian ng dalaga ang binata at saka sumakay ng muli sa likuran ng ealion. Tinapik ng mahina ng dalaga ang likuran ng ealion habang nakatingin sa binata at saka iniabot ng dalaga ang kamay nito upang alalayan sa pagsakay ang binata sa likuran ng nilalang na ealion.

"Para puntahan si Madam Hong."

Hello po~!! Please vote, rate and support my story!!! Maraming salamat po sa pagbabasa ng story ko.

Kung nagustuhan niyo po ang story ko, may iba pa po akong story na ginawa.

"Love Yourself: Wonder" po ang title ng finished story ko. Please read, vote, rate and support my other story, too!!! BTS Fan-Fic po siya~ Sana po magustuhan niyo~!!

iboni007creators' thoughts