webnovel

Runaway With Me

"Diba gusto mong mawala ung mga problema at sakit na nararamdaman mo? Kung ganon... sasama ka ba sa paglayas ko?" -Yvonne Tamayo

iboni007 · Fantasi
Peringkat tidak cukup
205 Chs

Eskwelahan 8

~Hapon~

"Eto na ung mga pinabili niyong pagkain. Pasalamat kayo mabait ako."

Sabi ni Melanie kela Yvonne at Jervin habang binibigay na niya ang mga pagkain na pinabili sakaniya ng dalawa.

"Salamat, Melanie~!"

Masayang pasasalamat ni Yvonne kay Melanie habang binubuksan na nito ang kaniyang pagkain.

"Welcome."

Sabi naman ni Jervin kay Melanie habang binubuksan na rin nito ang kaniyang pagkain. Tinignan ng masama ng kaibigan ng dalaga ang binata.

"Mm... oo nga pala. Melanie."

Tawag ni Yvonne kay Melanie habang ngumunguya pa ito ng pagkain.

"Ano un Tamayo?"

Tanong ni Melanie kay Yvonne habang naglalakad na siya papunta sa tabi ng dalaga para maupo sa tabi nito.

"Ano pala itsura nung lalaking kinekwento mo sakin kahapon?"

Tanong ni Yvonne kay Melanie matapos niyang lunukin ang kaniyang nginunguyang pagkain kanina.

"Ayy... oo nga pala! Hindi ko pala nasabi sayo ung itsura niya."

"May nakilala ka kaagad na lalaki?"

Tanong ni Jervin kay Melanie matapos niyang maubos ang isang balot ng resibko.

"Ang bilis mo namang kumain, Jervin."

Sabi ni Yvonne kay Jervin habang nakatingin ito sakaniya at akmang kakain nang muli ng kaniyang pagkain.

"Di na ako nakakain ng almusal kanina, e."

Sabi ni Jervin kay Yvonne nang mabuksan naman nito ang isa pang balot ng resibko.

"Meron at mas pogi pa siya kesa sayo."

Sagot ni Melanie sa tanong ni Jervin sakaniya kanina. Tinignan lamang ng binata ang kaibigan ng dalaga na may halong pagkayamot sa kaniyang mukha.

"Ano nga kase itsura niya at nang malaman talaga natin kung mas pogi siya kay Jervin o hindi."

Sabi naman ni Yvonne kay Melanie pagkalunok niya ng nginunguya niya. Nagliwanag bigla ang mukha ng kaibigan ng dalaga at dali-daling kinuha ang kaniyang phone sa kaniyang bag, binuksan iyon at saka may pinindot.

"Ngayon ko lang naalala na may picture pala ako!"

Sabi ni Melanie kay Yvonne habang nakatingin pa rin ito sa kaniyang phone. Napakunot ng noo ang dalaga at saka tinignan si Jervin na patuloy lang ang pagkain ng kaniyang biskuwit. Napansin naman ng binata ang tingin sakaniya ng dalaga kaya't tinignan niya ito at saka nagkibit balikat at ipinagpatuloy ang pagkain ng kaniyang biskuwit.

"Eto siya! Nakapagpapicture ako sakaniya pero nakalimutan kong hingin ung name niya. Sayang nga, e."

Sabi ni Melanie kay Yvonne habang inaabot na niya ang kaniyang phone sa dalaga habang nakangiti. Pagkatingin na pagkatingin pa lang ng dalaga sa imahe ng lalaking ikinekwento sakaniya ng kaniyang kaibigan ay napatigil ito sa pagkain at maraming katanungan na ang nagsisilitawan sa kaniyang isipan. Kaagad na nagtaka si Jervin sa inasta ng dalaga matapos nitong makita ang larawan ng lalaking ikinekwento ng kaibigan ng dalaga rito, kaya't naisipan ng binata na gumamit ng mahika.

"Maj Melanie."

Bulong ni Jervin habang nakatingin kay Melanie.

"Melanie."

Tawag ni Jervin kay Melanie, ngunit hindi siya pinansin nito sapagkat tuloy-tuloy lang ito sa pagsasalita.

"Ano nga ulit ung sinabi kanina ni Yvonne?"

Tanong ni Jervin sa sarili habang nakakunot ang noo nito. Samantalang si Yvonne naman ay tinititigan pa rin ang larawan ng lalaki sa phone ni Melanie habang nanginginig ang mga kamay nito.

"Elt Em Rahe Wath Yvonne Skinth?"

Patanong na sambit ni Jervin habang nakakunot pa rin ang noo nito. Napakamot na lamang sa ulo ang binata dahil wala itong kaalam-alam kung gumana ba ang kaniyang sinambit o hindi.

"Good afternoon, class!"

"Good afternoon, mam!"

"Maupo na kayo."

"Oo nga pala. Bago ko makalimutan... wala kayong pasok bukas dahil may event na gaganapin dito sa school."

"Yes!"

"Yown!"

"Anong event po mam?"

"Hindi ko alam at bahala sila dyan sa event na yan."

"Baka mamiss mo kami bukas mam!"

"Masaya nga ako, e! Kasi hindi ko makikita mga pagmumukha niyo bukas!"

"Weehh!!"

"Grabe ka naman samen mam!"

"Sige na manahimik na kayo! Magdidiscuss ako ngayon!"

"Wag na mam!"

"Magpahinga na lang tayo mam!"

"Bakit ba gusto niyo magpahinga!?"

"Kasi hindi na kaya ng utak namen!"

"Nagmamalfunction na ung mga utak namin mam!"

"He! Manahimik kayo! Magdidiscuss ako!"

"Mam naman, e!"

"Sa ibang araw na mam!"

"Ang ingay naman."

Bulong ni Jervin sa sarili habang ipinagpapatuloy na niya ang kaniyang pagkain. Ilang saglit pa ay may ibang boses na siyang naririnig na mas malapit sakaniya.

"Nahanap na kaya niya ako? Alam kaya niya na kaibigan ko si Melanie kaya nagkakilala sila nung isang araw? Pinlano kaya niya ung pag kakakilala nila ni Melanie?"

Sabi ng boses na nangingibabaw sa pandinig ni Jervin kahit na nagsisigawan na ang kaniyang mga kaklase sa kanilang silid-aralan. Agad na tinignan ng binata si Yvonne na katabi lang niya at nasilayan ito na balisang-balisa, hindi mapakali sa kinauupuan nito at nginangatngat na ang kaniyang kuko.

"Yvonne..."

Tawag ni Jervin kay Yvonne at akma na niyang hahawakan ang balikat ng dalaga.

"Ha? Baket? Ano un?"

"Okay ka lang ba?"

"Ako? Okay? Oo naman! Okay na okay ako!"

Sagot ni Yvonne sa tanong sakaniya ni Jervin habang patuloy pa rin nito nginangatngat ang kaniyang kuko.

"Hindi! Hindi ako okay! Kamamatay lang ng lola ko kahapon tapos ngayon malalaman ko na malapit na pala sakin ung taong nilalayuan ko! Pano ako magiging okay nito?!"

Sigaw ng isipan ni Yvonne na naririnig ngayon ni Jervin. Napabuntong hininga ang binata at saka dahan-dahang hinimas ang likuran ng dalaga. Ilang saglit ay natigil sa pagngatngat ng kaniyang kuko ang dalaga at dahan-dahang nilingon ang binata.

"Binabasa mo ngayon ung utak ko, noh?"

Tanong ni Yvonne kay Jervin habang nanginginig ang kaniyang mga labi at hindi mapakali ang balintataw sa mga mata ng dalaga.

"Magka iba ang binabasa ang utak sa pinapakinggan ang iniisip?"

Patanong na sagot ni Jervin sa tanong sakaniya ni Yvonne. Napaiwas ng tingin ang dalaga at tumingin na lamang sa bandang harapan.

"Please wag mong sabihin kay Melanie ung mga narinig mo kanina sa isip ko."

Sabi ni Yvonne kay Jervin ngunit sa isipan lamang habang tinitignan nito ang binata sa sulok ng kaniyang mata. Tumango lamang ang binata bilang sagot sa dalaga.

"Pinagkakatiwalaan kita Jervin. Please don't break my trust."

Sabing muli ni Yvonne kay Jervin sa isipan nito. Napabuntong hininga na lamang ang binata at saka tumingin na sakanilang guro na nag-aayos pa rin ng kagamitan nito na gagamitin sakaniyang paglelektura.

"Okay class!"

"Mam! Si Madrid!"

"Madrid! Magtigil ka na nga dyan! Magdi-discuss na ako!"

Hello po~!! Please vote, rate and support my story!! Maraming Salamat po sa pagbabasa ng story ko.

Kung nagustuhan niyo po ang story ko, may iba pa po akong ginawang story.

"Love Yourself: Wonder” po ang title ng finished story ko. Please read, vote, rate and support my other story!! BTS Fan-Fic po siya~ Sana po magustuhan niyo!!

Always wash your hands, stay at home and stay healthy po para maiwasan ang COVID-19~!!

iboni007creators' thoughts