webnovel

Runaway With Me

"Diba gusto mong mawala ung mga problema at sakit na nararamdaman mo? Kung ganon... sasama ka ba sa paglayas ko?" -Yvonne Tamayo

iboni007 · Fantasi
Peringkat tidak cukup
205 Chs

Eskwelahan 19

~Hapon~

"Oh? Ba't ka napatawag?"

Tanong ni Jasben habang mayroon siyang kausap sakaniyang phone. Mabilis na nilingon nila Ceejay at Angela ang dalaga at saka tinignan ito.

"Sino yan?"

Takang tanong ni Ceejay kay Jasben habang nakatingin pa rin ito sa dalaga.

"Jay."

Simpleng sagot ni Jasben sa tanong sakaniya ni Ceejay habang nakatingin rito at inaabangan ang sagot ng binata mula sa kabilang linya ng kanilang tawag.

"Kasama niyo ba ngayon sila Jervin at Yvonne?"

Tanong ni Jay kay Jasben mula sa kabilang linya. Nang marinig iyon ng dalaga ay mabilis niyang nilingon ang kinaroroonan ni Jervin at nasilayan itong nagpipipindot sa phone nito.

"Si Jervin, oo. Kaso si Yvonne hindi."

Sagot ni Jasben sa tanong sakaniya ni Jay habang nakatingin pa rin ito kay Jervin. Takang tinignan nila Angela at Ceejay ang dalaga at saka sinundan na lamang ang tingin nito, kaya't napatingin na rin ang dalawa sa binata.

"Ano kaya meron?"

Takang tanong ni Angela kay Ceejay sabay tingin na nito sa kaibigan na kaniyang katabi. Tumingin na rin sakaniya ang kaibigan at saka nagkibit balikat.

"Hindi pumasok si Yvonne?"

Gulat na tanong ni Jay kay Jasben mula sa kabilang linya. Inalis na ng dalaga ang kaniyang tingin kay Jervin at saka nagkibit balikat nang humarap na ito kila Ceejay at Angela.

"Ewan ko."

Simpleng sagot ni Jasben sa tanong sakaniya ni Jay habang nakatingin pa rin ito sakaniyang dalawang kaibigan.

"Paka usap nga si Jervin."

Sabi ni Jay kay Jasben mula sa kanilang linya. Akma na sanang tatayo ang dalaga mula sakaniyang pagkakaupo ngunit hindi nito tinuloy.

"Wala ka bang number nun?"

Takang tanong ni Jasben kay Jay sabay de kwarto nito sakaniyang upuan. Napatingin nanamang muli sina Ceejay at Angela sa dalaga at saka tinignan nanamang muli ang isa't isa.

"Magkababata raw, pero wala namang phone number."

Kumento ni Ceejay kay Jay habang nakatingin pa rin ito kay Angela.

"Wala, e. Diba nga na kidnap ako nung mga bata pa lang kami."

Sagot ni Jay sa tanong sakaniya ni Jasben mula sa kabilang linya. Nang marinig iyon ni Angela ay natawa ito habang tinitignan si Ceejay. Napabuntong hininga na lamang ang dalaga, tumayo na at saka naglakad na patungo sa kinaroroonan ni Jervin.

"Hoy, Jervin."

Iritang tawag ni Jasben kay Jervin habang nakatayo na ito sa harapan ng binata. Masamang tinignan ng binata ang dalaga habang hawak pa rin nito ang kaniyang phone. Sinamaan din ng tingin ng dalaga ang binata at saka iniabot na rito ang kaniyang phone.

"Kausapin ka raw ni Jay."

Mataray na sabi ni Jasben kay Jervin. Nagdadalawang isip na kunin ng binata ang phone ng dalaga kaya't mas lalu pang nairita ang dalaga at inilapag na lamang ang kaniyang phone sa arm chair ng binata. Mabilis na napatigil si Melanie sakaniyang pagpindot sakaniyang phone, nilingon si Jasben at saka pinanlakihan ito ng mga mata.

"Bilisan niyong dalawa."

Mataray na sabi muli ni Jasben kay Jervin sabay lakad na papalayo sa binata at saka bumalik na sakaniyang kinaroroonan kanina. Natatarantang tumayo si Melanie at saka dali-daling naglakad patungo sa kinaroroonan ng dalaga.

"Baket?"

Inis na tanong ni Jervin kay Jay nang inilapit na nito ang phone ni Jasben sakaniyang tainga.

"Hindi ka ba nagtataka?"

Tanong ni Jay kay Jervin mula sa kabilang linya. Kaagad na nagdikit ang kilay ng binata at saka mabilis na naupo ng maayos sakaniyang upuan.

"Nagtataka saan?"

Tanong pabalik ni Jervin kay Jay habang nakahawak na ito sakaniyang armchair.

"Hindi pumasok si Yvonne sa trabaho niyo kila Anna kaninang umaga. Hindi rin siya pumasok ngayon kahit may pasok kayo. Tapos kinausap ko kanina si Tita Isabelle na tignan ang kalagayan ni Yvonne pero hindi niya makita kung nasan siya ngayon."

Sagot ni Jay sa tanong sakaniya ni Jervin. Mabilis na napatakip ng bibig ang binata sabay isip na nito.

"Ano sa tingin mo nangyari kay Yvonne?"

Tanong muli ni Jervin kay Jay habang tinatakpan pa rin nito ang kaniyang bibig at saka pinapadyak na ang kaniyang kanang paa.

"Villegas."

Tawag ni Melanie kay Jasben nang makalapit na ito sa dalaga. Mabilis na nilingon ng dalaga ang kaklase at saka hinarap na ito.

"Ano un?"

Tanong ni Jasben kay Melanie habang nakatingin na ito sa kaklase. Nahihiyang naupo ang kaklase sa tabi ng dalaga at saka tinignan na ito ng diretso.

"B-binigay ba sayo ni Jay ung phone number niya?"

Nahihiyang tanong ni Melanie kay Jasben habang hinahawakan na nito ang kaniyang sariling palda.

"Oo. Anong problema dun?"

Sagot at tanong ni Jasben kay Melanie habang nakatingin pa rin ito sa kaklase at kumakain na ng tsitsiriya sa harapan nito.

"A-ahh… w-wala lang…"

Pautal-utal na sagot ni Melanie sa tanong sakaniya ni Jasben habang iniiwasan na nitong tignan ang dalaga. Napatingin na sina Angela at Ceejay sa kaklase at saka tinignan na ang dalaga ngunit hindi sila nito pinansin.

"May gusto ka ba kay Jay?"

Deretsong tanong ni Jasben kay Melanie habang seryoso nitong tinitignan ang kaklase sakaniyang tabi na nakayuko. Dahan-dahan itong tumango bilang tugon nito sa tanong sakaniya ng dalaga. Nanlaki ang mga mata nila Ceejay at Angela at saka tinignan nanaman nilang muli ang isa't isa habang naka takip pareho ang kanilang bibig. Ngunit bago pa man may sabihin ang dalaga ay lumapit na si Jervin at saka iniabot na ang phone ng dalaga rito.

"Jasben, ung phone mo."

Sabi ni Jervin kay Jasben habang iniaabot pa rin nito ang phone ng dalaga. Bago pa man kunin ng dalaga ang kaniyang phone mula sa binata ay mabilis na tumayo si Melanie mula sa kinauupuan nito sa tabi ni Jasben at saka naglakad na papalabas ng kanilang silid aralan habang nakayuko ito.

"Anong nangyari dun?"

Takang tanong ni Jervin sa tatlo nitong kaibigan habang nakaturo sa direksyon ni Melanie. Kinuha na ni Jasben ang kaniyang phone mula sa kamay ng binata at saka binuksan na ito.

"May gusto raw siya kay Jay."

Sagot ni Angela sa tanong sakanila ni Jervin habang nakatingin na ito sa binata. Tumango na lamang ang binata bilang tugon nito sa sinagot sakaniya ng kaibigan.

"Ano sinabi sayo ni Jay?"

Tanong ni Jasben kay Jervin habang nagpipipindot na ito sakaniyang phone. Tinignan na rin ni Ceejay ang binata at saka inabangan nila pareho ni Angela ang isasagot nito.

"Saming dalawa na un."

Hello po~!! Please vote, rate and support my story!! Maraming Salamat po sa pagbabasa ng story ko.

Kung nagustuhan niyo po ang story ko, may iba pa po akong ginawang story.

"Love Yourself: Wonder” po ang title ng finished story ko. Please read, vote, rate and support my other story!! BTS Fan-Fic po siya~ Sana po magustuhan niyo!!

Always wash your hands, stay at home and stay healthy po para maiwasan ang COVID-19~!!

iboni007creators' thoughts