webnovel

Runaway With Me

"Diba gusto mong mawala ung mga problema at sakit na nararamdaman mo? Kung ganon... sasama ka ba sa paglayas ko?" -Yvonne Tamayo

iboni007 · Fantasi
Peringkat tidak cukup
205 Chs

Emporium Union 3

~Umaga~

"Uhm…"

"Wag mo nang i-bring up pa ang topic na un! Hindi ako sanay na may lalaking nakakaalam na may dalaw ako."

Sabi ni Yvonne kay Jervin habang namumula ang mukha, hawak ang kamay nito at naglalakad na patungo sa gusaling itinuro niya sa binata kanina.

"Hindi rin ako sanay na malaman na may dalaw ka. Buti sana kung babae rin ako, edi walang awkwardness na ganap."

Tugon naman ni Jervin kay Yvonne habang iniiwas niya ang kaniyang tingin sa dalaga. Dahil sa sinabi ng binata ay tinakpan ng dalaga ang kaniyang pisngi at bibig gamit ang kaniyang isang kamay.

"Bakit pala ako ung may bitbit nitong binili mong napkin?"

Takang tanong ni Jervin kay Yvonne habang tinitignan na ang plastic bag na kaniyang hawak-hawak sakaniyang kabilang kamay na mayroong laman na napkin.

"Ba't ba kasi ngayon pa ako nagkaroon kung kelan makikitira ako sa lugar na kung san halos lahat ng nagtatrabaho roon ay Bampira?"

Mahinang tanong ni Yvonne sakaniyang sarili habang tinatakpan pa rin niya ang kaniyang pisngi at bibig at naglalakad na patungo sa gusali na mayroong pinag halong kulay itim at puti sa pader nito, kulay ginto naman ang mga haligi niyon at mayroong mga mapupulang rosas sa bawat bintana ng gusaling iyon.

"Nagtatrabaho? Bampira?"

Pag-uulit ni Jervin sa dalawang salita na sinabi ni Yvonne. Nanlaki ang mga mata ng dalaga nang marinig ang sinabi ng binata at saka napa-iling ng bahagya.

"Anong oras na?"

Tanong na lamang ni Yvonne kay Jervin nang hindi pa rin nito tinitignan ang binata. Mabilis na tinignan ng binata ang kaniyang magkabilang pulso at doon lamang napagtanto na wala pala itong suot na orasan.

"Wala akong suot na orasan."

Sagot ni Jervin sa tanong sakaniya ni Yvonne sabay inosenteng tinignan ang dalaga. Napahinto sa paglalakad ang dalaga at saka kinapa ang kaniyang bulsa kaya't napahinto na rin ang binata.

"Phone. Phone. Phone… oh, f^*#... wala akong dalang phone. Ikaw ba?"

Sabi ni Yvonne kay Jervin sabay harap na nito sa binata at saka tinignan na ito. Kinapa na rin ng binata ang kaniyang bulsa at saka tinignan na ang dalaga habang nanlalaki ang mga mata nito.

"Katabi ng phone ko ung pinapa abot ni Anna na pera sayo dun sa lamesa sa tabi ng kama ko."

Tugon ni Jervin kay Yvonne habang nanlalaki pa rin ang kaniyang mga mata at nakatingin pa rin sa dalaga. Napa nga-nga ng bahagya ang dalaga at saka pinalo ang kaniyang ulo gamit ang kaniyang palad.

"A-ahh…"

Sabi ni Yvonne matapos niyang paluin ang kaniyang ulo. Napataas kaagad ang parehong kilay ni Jervin at saka nag-aalalang tinignan ang dalaga.

"Bakit? May Masakit ba sayo? Anong meron?"

Nag-aalalang tanong ni Jervin kay Yvonne habang akma na nitong hahawakan ang mukha ng dalaga at hawak pa rin ang kamay nito. Hinawakan na ng dalaga ang likurang bahagi ng kaniyang ulo at saka nasilayan ang kaniyang kamay na mayroong dugo.

"Ano nangyari dyan?"

Nag-aalalang tanong muli ni Jervin kay Yvonne habang hawak na nito ang balikat ng dalaga at nakatingin sa kamay nito na mayroong dugo. Napabuntong hininga ang dalaga at saka pinagmasdan lamang ang dugo sakaniyang kamay.

"Tinulak ako ni Mama sa hagdan papunta sa basement ng bahay nila nitong umaga tapos nagising na lang ako mga alas sais na ng gabi, puno ng sugat at pasa. Ba't kaya nakalimutan 'tong gamutin ni Kimberly kagabi?"

Sagot ni Yvonne sa tanong sakaniya ni Jervin at saka tanong niya rin sakaniyang sarili habang pinagmamasdan pa rin ang kaniyang kamay na mayroong dugo. Napabuntong hininga ang binata, binitawan ang kamay ng dalaga at saka pina talikod ito sakaniya.

"Leha."

Sambit ni Jervin habang nakatingin sa ulo ni Yvonne na mayroong sugat at saka hinihimas ito. Hindi kaagad nakaimik ang dalaga sa ginawa ng binata sakaniya, samantalang ang binata nama'y napangiti na nang magamot na ang sugat sa ulo ng dalaga.

"Bilisan na natin, baka inaantay na tayo ni Lyka."

Nakangiting sabi ni Jervin kay Yvonne at saka hinawakan nang muli ang kamay nito. Kaagad na tinignan ng dalaga ang kamay nilang dalawa ng binata at saka namula ang kaniyang mga pisngi. Nagsimula nang muli maglakad ang dalaga habang nakayuko ito at mabilis naman itong sinundan ng binata. Derederetso lamang naglakad ang dalawa sa gitna ng mga nilalang na naroroon sa pamilihan kanilang kinaroroonan. Habang abala ang binata sa pagtingin sa kanilang paligid ay mabilis na kumaliwa ang dalaga habang nakayuko pa rin ito, nahatak naman kaagad ang binata at kamuntikan nang mawalan ng balance dahil sa pag hatak ng dalaga rito.

"Hoy! Kung hahatakin mo ako, sabihan mo kaagad ako! Hindi ung biglaan! Pasalamat ka hindi kita namura dyan."

Pagrereklamo ni Jervin kay Yvonne habang hinahayaan pa rin nitong hatakin siya ng dalaga at nakanguso. Natawa ng bahagya ang dalaga dahil sa naging reaksyon ng binata at saka pumasok na sa gusali na mayroong pinag halong kulay itim at puti sa pader nito, kulay ginto naman ang mga haligi niyon at mayroong mga mapupulang rosas sa bawat bintana.

"Yvonne~!"

Sabik na tawag ng isang dalaga kay Yvonne nang makapasok na ito at si Jervin sa loob ng gusaling itinuro ng dalaga sa binata. Agad na nilingon ng dalaga ang pinanggalingan ng boses na iyon at noong masilayan na ang maputlang dalaga na tumatakbo papalapit sakanila ay mabilis nitong binitawan ang kamay ng binata at saka sinalubong na iyon.

"Lyka~!"

Sabik na tawag pabalik ni Yvonne sa dalagang tumatakbo papalapit sakaniya. Naiwan lamang na nakatayo si Jervin sa tapat ng pasukan ng gusaling iyon habang nakatingin lamang sa dalaga at sa matalik na kaibigan nito.

"Sa wakas~! Nakapunta ka na rin dito~! Sobrang namiss kita, Yvonne~!"

Nakangiting sabi ni Lyka kay Yvonne nang magkayakap na ang dalawang magkaibigan. Tahimik na naglakad si Jervin papalapit sa dalawang dalaga habang hawak-hawak pa rin nito ang plastic bag.

"Namiss rin kita ng sobra, Lyka~!"

Tugon ni Yvonne kay Lyka at saka kumawala na silang pareho nang mayroong ngiti sa mukha nilang dalawa. Mabilis na nakuha ni Jervin ang atensyon ng dalagang Bampira nang makalapit na ito sa dalawang dalaga kaya't nilapitan kaagad ito ng dalagang Bampira at saka tinignan ito mula ulo hanggang paa.

"Eto na ung kinekwento mo sakin na crush mo? Ung kababata mo na hindi mo naka usap ng halos mag-iisang dekada pero naka usap mo na ulit dahil pina-enroll ka ni Lola Beatrice sa eskwelahan na kung saan ay current kayong nag-aaral? I mean former kayong nag-aaral?"

Tiyak na sunod-sunod na tanong ni Lyka kay Yvonne habang nakatingin nang muli ito sa dalaga at saka nakaturo na kay Jervin sakaniyang likuran. Gulat na tinignan ng binata ang dalaga at nasilayan ito na tinatakpan na ang mukha gamit ang dalawang kamay nito habang nakayuko.

"Hala… Kunwari hindi mo narinig ung sinabi ko."

"Lyka naman, e!"

"Hatid ko na kayo sa room niyong dalawa para makapagpahinga na kayo~ Papahatiran ko na rin kayo ng pagkain pambawi sayo, Yvonne."

"Ice cream tsaka chocolate, ha~!"

"Welcome to La Vien en Rose Hotel~!"

Hello po~!! Please vote, rate and support my story!! Maraming Salamat po sa pagbabasa ng story ko.

Kung nagustuhan niyo po ang story ko, may iba pa po akong ginawang story.

"Love Yourself: Wonder” po ang title ng finished story ko. Please read, vote, rate and support my other story!! BTS Fan-Fic po siya~ Sana po magustuhan niyo!!

Always wash your hands, stay at home and stay healthy po para maiwasan ang COVID-19~!!

iboni007creators' thoughts