webnovel

Runaway With Me

"Diba gusto mong mawala ung mga problema at sakit na nararamdaman mo? Kung ganon... sasama ka ba sa paglayas ko?" -Yvonne Tamayo

iboni007 · Fantasi
Peringkat tidak cukup
205 Chs

Emporium Union 14

~Umaga~

"Paulina! Ayos ka lang ba?"

Nag-aalalang tanong ni Yvonne kay Paulina habang tinutulungan na nito ang matandang babae na tumayo mula sa pagkakahiga nito. Tinulungan na rin ni Patrick ang dalaga na itayo ang kaniyang lola at saka tinignan na sina Melanie at Thomas na tinutulungan nang tumayo ang kanilang mga lola upang makaalis na sakanilang kinaroroonan. Nang makatayo na ang matandang babae ay mabilis nitong tinignan ang dalaga't binata na inaalalayan na ang kanilang mga lola papalayo sakanilang kinaroroonan.

"Bumalik kayo rito!"

Sigaw ni Paulina habang tinitignan pa rin sina Melanie at Thomas na alalayan ang kanilang mga lola. Nang makatayo na ang matandang babae ay akma na sana itong maglalakad patungo sa direksyon na pinuntahan ng kaniyang mga kaibigan, ngunit bigla itong natumba at nagasgasan na ang kaniyang siko at palad. Mabilis na nilapitan nila Yvonne at Patrick ang matandang babae at muling inalalayan itong tumayo. Nang makatayo nanamang muli ang matandang babae ay mabilis niyang inalis ang pagkakahawak ng dalaga't binata sakaniyang braso at tinignan na ang direksyon na pinatunguhan ng kaniyang mga kaibigan at ng mga apo nito.

"Letivate!"

Sambit ni Paulina habang patuloy pa ring tinitignan sina Malaya at Tazara, dahilan upang lumutang na siya sa ere at mabilis na lumipad patungo sakaniyang mga kaibigan. Pero sa kalagitnaan ng kaniyang paglipad ay bigla siyang huminto, kaya't nanlaki ang kaniyang mga mata at sinubukang lumipad ng pasulong ngunit hindi siya makaalis sakaniyang kinaroroonan ngayon.

"Anong nangyayari!? Yvonne! Kung kagagawan mo man ito ay hindi ito nakakatuwa!"

Galit na tanong at sigaw ni Paulina kay Yvonne habang patuloy pa rin nitong sinusubukang lumipad ng paabante. Nanlaki na rin ang mga mata ng dalaga at ni Patrick, nagtinginan sa isa't isa at saka muling ibinalik ang kanilang tingin sa matandang babae.

"Hindi ako ang may gawa niyan sayo!"

Sigaw pabalik ni Yvonne kay Paulina habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang matandang babae na patuloy pa rin sakaniyang pag lutang. Mabilis na tumakbo papalapit sa matandang babae ang dalaga at si Patrick, habang tumatakbo ang binata ay iniikot niya ang kaniyang paningin sakanilang paligid. Ilang saglit pa ay bigla nang nakita ng binata si Jervin na pinanlilisikan ng tingin ang kaniyang lola habang nagtatago ito sa likod ng isang tindahan. Napangisi na lamang ang binata at saka tinignan nang muli ang kaniyang lola na sinusubukan pa ring kumawala.

"Letivate."

Mahinang sambit ni Patrick habang patuloy pa ring tinitignan si Paulina na nasa ere, dahilan upang lumutang na rin siya at makalipad na patungo sakaniyang lola. Sumunod na ring lumutang sa ere si Yvonne at nilapitan na rin ang matandang babae at hinawakan ang kanang kamay nito.

"Patrick, hawakan mo ung kamay ni Pa- Madam Paulina tapos subukan natin siyang hatakin paabante."

Sabi ni Yvonne kay Patrick habang nakapuwesto na siya sa harapan ni Paulina at tinitignan na ang binata. Tumango na lamang ang binata bilang tugon nito sa dalaga. Sinubukan na nilang hatakin ang matandang babae ngunit hindi pa rin ito nakakausad paabante. Susubukan sanang muli ng binata't dalaga na hilahin ang matandang babae sa pangalawang pagkakataon nang biglang nakita ng dalaga si Jervin na pinanlilisikan ng tingin ang matandang babae. Napataas ng parehong kilay ang dalaga at saka hinatak nanamang muli ang matandang babae, ngunit sa pangalawang subok nila ay mayroong biglang tumunog mula sa braso ng matandang babae.

"AAAAAHHHH!!!"

Malakas na sigaw ni Paulina habang nakapikit na ito. Mabilis na napabitiw sina Yvonne at Patrick mula sakanilang pagkakahawak sa mga kamay ng matandang babae. Agad na hinawakan ng matandang babae ang kaniyang braso habang nakapikit pa rin ito at patuloy pa rin sakaniyang pag sigaw. Pinanlakihan lamang ng mga mata ng dalaga ang matandang babae, habang ang binata nama'y tinignan na si Jervin at saka nag thumbs up rito. Nawala na sakaniyang pokus ang binata na nagtatago sa isang tindahan nang mapansin ang apo ng matandang babae na nag thumbs up sakaniya.

"Sino un? Bat siya nag thumbs up sakin?"

Takang tanong ni Jervin sakaniyang sarili habang patuloy pa rin nitong tinitignan si Patrick na nakatingin na kay Paulina. Mabilis na kinalabit ng binata na lumilipad si Yvonne habang tinitignan na nito ang dalaga, dahilan upang mapatingin na rin sakaniya ito.

"Si Jervin. Siya ung nagprotekta kay Malaya at nagpigil kay Paulina."

Sabi ni Jay sakaniyang isipan. Agad na pinanlakihan ng mga mata ni Yvonne si Patrick at saka tinignan na si Jervin na nagtatago sa likod ng isang tindahan gamit pa rin ang kaniyang nanlalaking mga mata. Nanlaki na rin ang mga mata ng binata na nagtatago sa likuran ng tindahan nang makita ang dalaga na diretso nang nakatingin sakaniya.

"Ano ba ang iyong iniisip Tamayo!? Hindi ba pumasok saiyong isipan na isa na akong matandang babae!?"

Galit na tanong ni Paulina kay Yvonne habang tinitignan na ang kaniyang braso at hawak pa rin ito. Mabilis na nalipat ang atensyon ng dalaga sa matandang babae at tinignan na ito gamit ang kaniyang nanlalaking mga mata.

"P-pasensya na po… h-hindi ko po sinasadya Madam Paulina."

Paghihingi ng tawad ni Yvonne kay Paulina habang nakayuko na ito at patuloy pa rin silang tatlo sa paglipad. Sinamaan na lamang ng tingin ng matandang babae ang dalaga at saka muling ibinalik ang kaniyang tingin sakaniyang braso.

"Leha."

Sambit ni Paulina habang hawak pa rin ang kaniyang braso at nakatingin pa rin dito. Tinignan nang muli ni Yvonne si Patrick gamit ang kaniyang nanlalaking mga mata, dahilan upang tignan na rin siya pabalik nito.

"Hindi ko sinasadyang saktan si Paulina! Seryoso!"

Sabi ni Yvonne sakaniyang isipan habang patuloy pa ring tinitignan si Patrick gamit ang kaniyang nanlalaking mga mata. Umiiling na ang binata sa dalaga bilang tugon nito at saka tinuturo na si Paulina gamit ang mga mata nito. Nagdikit ang kilay ng dalaga dahil hindi niya agad nakuha ang gustong sabihin sakaniya ng binata. Ilang saglit pa ay naisipan na niyang lingunin ang matandang babae nang dahan-dahan habang tinitignan pa rin ang binata sakaniyang tabihan. Nang tinignan na ng dalaga ang matandang babae ay nagulantang ito nang pinanlilisikan na siya nito ng tingin.

"Anong tingin ang iyong ibinibigay saaking apo?"

~ Unplanned things are awesome, until it doesn’t anymore. ~

Hello po~!! Please vote, rate and support my story!! Maraming Salamat po sa pagbabasa ng story ko. Kung nagustuhan niyo po ang story ko, may iba pa po akong ginawang story. "Love Yourself: Wonder” po ang title ng finished story ko. Please read, vote, rate and support my other story!! BTS Fan-Fic po siya~ Sana po magustuhan niyo!!

Always wash your hands, stay at home and stay healthy po para maiwasan ang COVID-19~!!

iboni007creators' thoughts