~Umaga~
"Nasilayan niyo naman siguro ni Melchor kung papaano ko pinatay ang mga Alquiza diba? Hindi na naka pagtataka pa kung madali ko na lamang kayo mapa patay."
Bulong ni Tazara sakaniyang sarili sabay angat na ng kaniyang kaliwang kamay na nakahugis kamao na, itinapat ito kay Malaya na nakikipag laban sakaniyang mga kamag-anak na sumusugod dito at saka mayroong hinatak mula sa hangin na tila ba'y pawang mayroon siyang hawak na palaso at binitawan na ito, dahilan upang mayroong biglang sumulpot na nag-aapoy na pana sa ere at papalapit na ito ng papalapit sa kaibigan nang biglang iniharang ni Melchor ang kaniyang sarili at hinayaan ang nag-aapoy na pana na tumama sakaniyang kaliwang dibdib. Nagsi takbuhan na papalayo ang mga nilalang na nakapalibot sakanila upang hindi na sila madamay pa sa kaguluhang nagaganap roon.
Habang patuloy na nakikipag laban si Malaya sa ibang kamag-anak ni Tazara ay nakita ni Melanie na bumagsak na ang kaniyang Lolo Melchor at mayroong nag-aapoy na pana ang nakatusok sa kaliwang dibdib nito, kaya't hinarap na niya ang kaniyang mga kinakalaban, bumwelo at saka ikinumpas ang pareho niyang kamay papalabas, dahilan upang magsitalsikan ang mga sumusugod sakaniya at mabilis na tumakbo papalapit sakaniyang lolo.
"Lolo Melchor!"
Nag-aalalang tawag ni Melanie kay Melchor sabay tapat ng kaniyang kamay sa nag-aapoy na pana na nakatusok sa kaliwang dibdib ng kaniyang lolo, dahilan upang mayroong lumabas na tubig mula sakaniyang kamay at mapatay na ang apoy na unti-unti nang bumabalot sa katawan ng kaniyang lolo. Nang marinig ni Malaya ang sigaw ng kaniyang apo ay mabilis niya itong nilingon at agad na naluha nang masilayan ang kaniyang asawa na nakahilata na sa lupa at nakaluhod naman sa tabi nito ang kanilang apo.
"Melchor!"
Sigaw ni Malaya sa pangalan ni Melchor at akma na sanang tatakbo papalapit sa kinaroroonan ng kaniyang asawa at ni Melanie nang pigilan siya ng mga kamag-anak ni Tazara na lapitan ang kaniyang mag-lolo. Napangisi na lamang si Tazara nang masilayan na nagsisiiyakan na ang kaniyang kaibigan at ang apo nito at naglakad na papalapit sa asawa ng kaniyang kaibigan.
"Ano nga ulit ang iyong sinabi saakin kani-kanina lamang? Ahh… 'hindi pa tayo tapos. Isa kang mamamatay tao'? Sa tingin ko ay tapos na tayo, Malaya."
Nakangising sabi ni Tazara kay Malaya na hawak pa rin ng kaniyang mga kamag-anak habang nakatingin lamang ito sakaniyang kaibigan.
"Nagpakita ka na rin sa wakas saakin."
Nakangising sabi ni Paulina kay Yvonne habang tinitignan na nito ang dalaga sa mga mata nito at nakasunod sakaniyang likuran ang kaniyang apo na si Patrick na masama na kaagad ang tingin sa dalaga. Nginitian pabalik ng dalaga ang matandang babae habang nakatingin na sa glabella nito.
"Masyado po ba kayong nainip sa paghahanap sakin?"
Nakangiting tanong ni Yvonne kay Paulina habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang glabella ng matandang babae at pilit na iniiwasan na tignan ang mga mata nito. Nagdikit ang kilay ni Patrick nang makita ang ngiti ng dalaga sakaniyang lola.
"Lola, parang mayroon po siyang binabalak. Wag niyo po siyang pagkatiwalaan agad-agad."
Bulong ni Patrick kay Paulina habang patuloy pa rin nitong tinitignan si Yvonne at inoobserbahan ang bawat kilos nito. Ibinaling na ng dalaga ang kaniyang tingin sa binata at saka nginitian na rin ito.
"Ano ba ang iyong pinagsasabi riyan, hijo!? Wag mo akong uutusan sapagkat ako ang iyong Lola! Mas nakatatanda ako at mas mataas ang aking awtoridad kaysa saiyo!"
Inis na sigaw ni Paulina kay Patrick habang sinasamaan na nito ng tingin ang kaniyang apo. Agad na napayuko ang binata dahil sa sinabi sakaniya ng kaniyang lola at bahagyang napaatras mula sa kinatatayuan nito kanina, habang si Yvonne nama'y ibinalik nang muli ang kaniyang tingin sa glabella ng matandang babae habang hindi pa rin inaalis ang ngiti sakaniyang mga labi. Mula sa di kalayuan ay napailing na lamang si Jay dahil sa sinabi ng matandang babae sa apo nito.
"Bilisan mo na Yvonne. Baka kailangan na nila ng tulong."
Sabi ni Jay sakaniyang isipan habang tinitignan pa rin si Yvonne mula sa di kalayuan at maingat na tinitignan ang mag-lolang De Gracia. Mas lalu pang lumawak ang ngiti ng dalaga sa matandang babae habang patuloy pa ring tinitignan ang glabella nito.
"Tutulungan kita sa kung ano man ang gusto mo kung tutulungan mo rin ako."
Sabi ni Yvonne kay Paulina nang mayroon pa ring ngiti sakaniyang mga labi at nakatingin pa rin sa glabella ng matandang babae. Agad na nanlaki ang mga mata nila Jay, Patrick at ng matandang babae nang marinig ang sinabi ng dalaga.
"Seryoso ka ba?!"
Tanong ni Jay sakaniyang isipan habang patuloy pa rin nitong tinitignan si Yvonne gamit ang kaniyang nanlalaking mga mata. Tinignan ang muli ni Patrick ang dalaga gamit ang kaniyang nanlalaking mga mata, habang si Paulina nama'y napangisi nanamang muli nang marinig ang sinabi sakaniya ng dalaga.
"Sabihin mo lang kung ano ang aking maitutulong saiyo, hija~ Gagawin ko ang lahat para saiyo!"
Nakangising sabi ni Paulina kay Yvonne sabay lapit na nito sa dalaga at hawak na sa mga kamay nito. Hinawakan na rin ng dalaga ang kamay ng matandang babae at saka tinignan na ang kanilang mga kamay.
"Tulungan mo akong iligtas ang mga Fuentes sa kamay ng mga Balderas at gagawin ko ang lahat ng iyong gusto."
Nakangiting tugon ni Yvonne kay Paulina habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang magkahawak na kamay nilang dalawa ng matandang babae. Tumango ang matandang babae bilang tugon nito sa dalaga, habang si Patrick naman ay nanatiling tahimik sa isang tabi at patuloy pa ring pinanlalakihan ng mga mata ang dalaga.
"Alam mo ba kung nasaan na sila ngayon, hija?"
Nakangising tanong ni Paulina kay Yvonne habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang dalaga at hawak pa rin ang mga kamay nito. Tinignan nang muli ng dalaga ang glabella ng matandang babae, nginitian ito pabalik at saka tumango bilang tugon sa tanong nito sakaniya. Habang patuloy lamang na pinapanuod ni Jay ang tatlo mula sa di kalayuan ay mayroon siyang inilabas na kulay berdeng inumin mula sakaniyang bulsa at saka ininom ito nang nakapikit.
"Pagka inom mo ng potion na 'to, tignan mo kaagad ang tao o nilalang na gusto mong gayahin. After 5 seconds epektibo na agad yan."
Sabi ni Liyan mula sa isa sa mga memorya ni Jay. Iminulat na ng binata ang kaniyang mga mata at mabilis na tinignan si Patrick na patuloy pa ring tinitignan sina Yvonne at Paulina gamit ang kaniyang nanlalaking mga mata.
"Ready na ako, Yvonne."
Sabi ni Jay sakaniyang isipan habang patuloy pa rin nitong tinitignan si Patrick na hindi pa rin gumagalaw mula sa kinatatayuan nito. Inalis na ni Yvonne ang isang kamay ni Paulina na nakahawak sakaniyang kamay at hinawakan na lamang ang kanang kamay nito.
"Tara na, baka hindi na natin sila maabutan."
~ Madness always make incredible things that no one has ever done. ~
Hello po~!! Please vote, rate and support my story!! Maraming Salamat po sa pagbabasa ng story ko. Kung nagustuhan niyo po ang story ko, may iba pa po akong ginawang story. "Love Yourself: Wonder” po ang title ng finished story ko. Please read, vote, rate and support my other story!! BTS Fan-Fic po siya~ Sana po magustuhan niyo!!
Always wash your hands, stay at home and stay healthy po para maiwasan ang COVID-19~!!
Brace yourselves kasi malapit na pong matapos ang story na ‘to huhuhu T-T Love you all~!