~Umaga~
*FLASHBACK*
"Malaya~! Kamusta na kayong dalawa ni Melchor?"
Masayang tanong ni Tazara kay Malaya habang naglalakad na ito papalapit sa kinaroroonan ng mag-asawa. Nginitian lamang ni Melchor ang matandang babae habang ang kaniyang asawa nama'y hinawakan na ang kamay ng kaibigan.
"Maayos naman ang aming kalagayan. Ikaw ba?"
Sagot at tanong pabalik ni Malaya kay Tazara habang nakatingin pa rin nito sa kaibigan at hawak pa rin ang kamay nito. Hindi agad sinagot ng kaibigan ang tanong sakaniya ng matandang babae, sapagkat nakatingin ito sa kalsada sa ibaba ng bangin na iyon na tila ba'y parang mayroong inaabangan.
"Ako? Maayos lang din naman tulad ninyong mag-asawa. Anong oras na pala?"
Sagot at tanong pabalik din ni Tazara kay Malaya habang tinitignan na nito ang matandang babae. Tinignan na ni Melchor ang kaniyang orasan sakaniyang pulso at saka tinignan na ang kaibigan ng kaniyang asawa.
"Maga-alas kwatro na. Mayroon ka bang inaabangan, Tazara?"
Sagot at tanong pabalik naman ni Melchor kay Tazara habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang matandang babae na nakatingin nanamang muli sa kalsada sa ibaba. Biglang nanlaki ang mga mata ng matandang babae nang marinig ang sagot ng matandang lalaki.
"Kailangan ko nang umalis! Mayroon pa akong dapat habulin! Mag-iingat kayong dalawa! Paalam! Hanggang sa susunod muli!"
Pamamaalam ni Tazara sabay alis na nito sa kamay ni Malaya at saka dali-dali nang tumakbo papalayo sa kinaroroonan ng mag-asawa. Takang tinignan lamang ng mag-asawa ang tumatakbong matandang babae papalayo sakanila.
*END OF FLASHBACK*
"Sigurado ka ba hija na kikitain natin ang iyong mga kaibigan sa La Vie En Rose Hotel?"
Takang tanong ni Malaya kay Melanie habang patuloy lamang sila sakanilang paglalakad kasabay ang iba't ibang nilalang sa pamilihan na kanilang kinaroroonan. Agad na huminto sa paglalakad ang dalaga at hinarap ang kaniyang lolo't lola, dahilan upang mapatigil din ang dalawa sakanilang paglalakad at tignan ang kanilang apo na nakatayo na sakanilang harapan.
"Un po ung sinabi nila, e. Alam niyo po ba kung saan un?"
Sagot at tanong pabalik ni Melanie kay Malaya habang tinitignan na ang kaniyang lola. Nagkatinginan ang mag-asawang Fuentes sa isa't isa at saka ibinalik na ang tingin sakanilang apo.
"Pagmamay-ari iyon ng isang angkan ng mga Bampira at mamahalin ang isang gabi roon."
Sagot ni Melchor sa tanong ni Melanie kay Malaya habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang kanilang apo. Biglang nanlaki ang mga mata ng dalaga habang pabalik-balik na ang kaniyang tingin sakaniyang lolo't lola.
"Hindi mo alam kung papaano nakakuha ng isang kwarto roon ang iyong mga kaibigan?"
Tanong ni Malaya kay Melanie habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang kanilang apo na nanlalaki pa rin ang mga mata. Dahan-dahang umiling ang dalaga bilang tugon nito sa tanong sakaniya ng kaniyang lola.
"Malaya? Ikaw ba iyan?"
Tanong bigla ng isang pamilyar na boses kay Malaya mula sakanilang likuran. Agad na napatingin si Melanie sa taong nagtanong sakaniyang lola at mabilis na nilingon ng mag-asawang Fuentes ang nagsalita.
"A-anong… anong ginagawa mo rito Tazara?"
Gulat na tanong ni Malaya kay Tazara sabay harap na nito sa kaibigan habang pinanlalakihan na ito ng mga mata. Nginitian ng kaibigan ang matandang babae habang nakatayo sakaniyang likuran ang kaniyang apo na si Thomas.
"Mayroon kaming bibisitahin na kaibigan na tumutuloy ngayon sa La Vie En Rose Hotel."
Nakangiting sagot ni Tazara sa tanong sakaniya ni Malaya habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang matandang babae sakaniyang harapan. Agad na nagdikit ang kilay ni Melchor habang tinitignan pa rin ang kaibigan ng kaniyang asawa.
"Sino naman ang kaibigan na iyong tinutukoy?"
Takang tanong ni Melchor kay Tazara habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang kaibigan ni Malaya. Mabilis na tinignan ng kaibigan ng matandang babae ang matandang lalake at saka nginitian din ito.
"Ang pinaka malakas lamang na mangkukulam sa lahat, kaya kung inyong mamarapatin… Makikiraan lamang ako pati ang aking angkan upang maipaalam na namin sakaniya na naririto na kami sa Canada."
Nakangiting sagot ni Tazara sa tanong sakaniya ni Melchor sabay hawak na sa balikat ng mag-asawang Fuentes, ipinaglayo silang dalawa sa isa't isa at naglakad na sa pagitan nila. Agad namang sumunod si Thomas sakaniyang lola at ganuon na rin ang iba pa nilang kapamilya.
"Kung ang tinutukoy mo ay si Yvonne, wala na siya roon!"
Inis na sigaw ni Melanie kay Tazara habang sinasamaan na nito ng tingin ang matandang babae. Biglang napatigil sa paglalakad ang matandang babae nang marinig ang i sinigaw sakaniya ng dalaga at napatingin na rin sakanila ang ibang mga nilalang na nagdaraan doon.
"Kilala mo ang dalagang iyon?"
Takang tanong ni Tazara kay Melanie habang dahan-dahan na itong humaharap sa dalaga. Umayos ng tayo ang dalaga at taas noong tinignan ang matandang babae.
"Kaibigan ko siya… may problema ka ba roon?"
Sagot at tanong pabalik ni Melanie kay Tazara habang patuloy pa rin niyang tinitignan ang matandang babae. Bahagyang natawa ang matandang babae dahil sa sinabi sakaniya ng dalaga at bigla itong sinamaan ng tingin at iniangat na niya ang kaniyang kamay na hugis na parang mayroon siyang hawak na bote, dahilan upang umangat mula sa lupa ang dalaga at makaramdam ng pagka sakal kahit na wala namang nakahawak o nakapaikot sakaniyang leeg.
"Pakawalan mo ang apo ko!"
Sigaw ni Malay kay Tazara at akma na sanang susugurin ang kaibigan nang agad siyang pigilan ni Melchor na masama na ang tingin sa kaibigan ng kaniyang asawa. Tinignan na ng matandang babae ang mag-asawang Fuentes at saka nginisian sila, habang si Thomas nama'y napakunot na ng noo at hinawakan na ang braso ng naka angat na kamay ng kaniyang lola.
"Lola, wag dito.���
Pagpipigil ni Thomas kay Tazara habang hawak pa rin nito ang braso ng kaniyang lola. Sinamaan ng tingin ng matandang babae ang kaniyang apo, ibinaba na ang kaniyang kamay upang makababa na si Melanie mula sakaniyang mahika at saka sinamaan nanamang muli ng tingin ang mag-asawang Fuentes na mabilis na nilapitan ang kanilang apo na nakaupo na sa lupa.
"Lola, tara na."
Sabi ni Thomas kay Tazara sabay alis na nito ng kaniyang pagkakahawak sa braso ng kaniyang lola. Nagpakawala na lamang ng malalim na hininga ang matandang babae habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang Mag-asawang Fuentes.
"Magpa salamat kayo saaking apo sapagkat hindi siya nagmana saakin. Dahil kung hindi ay wala na kayo sa mundong ito sa mga oras na ito."
Sabi ni Tazara sa mag-asawang Fuentes at nagsimula nang maglakad papalayo sa kinaroroonan ng tatlong Fuentes. Ilang segundo pa ang lumipas ay tinignan nang muli ni Malaya ang kaniyang kaibigan, itinaas ang kaniyang kamay, itinapat ito sakaniyang kaibigan at biglang kinuyom ang kaniyang kamay at iniikot ito ng 90 degrees, dahilan upang hindi na maka galaw pa ang kaibigan at humarap ulit ito sakanila.
"Hindi pa tayo tapos. Isa kang mamamatay tao!"
~ Be whoever you want to be, your only limitation is yourself. ~
Hello po~!! Please vote, rate and support my story!! Maraming Salamat po sa pagbabasa ng story ko. Kung nagustuhan niyo po ang story ko, may iba pa po akong ginawang story. "Love Yourself: Wonder” po ang title ng finished story ko. Please read, vote, rate and support my other story!! BTS Fan-Fic po siya~ Sana po magustuhan niyo!!
Always wash your hands, stay at home and stay healthy po para maiwasan ang COVID-19~!!
Brace yourselves kasi malapit na pong matapos ang story na ‘to huhuhu T-T Love you all~!