~Umaga~
"Yvonne!"
Tawag ni Jervin kay Yvonne nang makapasok na ito sa bodega ng mini grocery ng mga Dionisio habang tumatakbo patungo sa kung saan naroroon ang dalaga at si Anna.
"Kamuntikan ka nang malate Jervien."
Sabi ni Anna nang masilayan si Jervin na papalapit na sakanilang dalawa ni Yvonne. Maamong tinignan ng dalaga ang binatang papalapit sakanila habang nakasuot na ito ng uniporme ng mini grocery ng mga Dionisio.
"Yvonne…"
Tawag muli ni Jervin kay Yvonne nang makatayo na ito sa harapan ng dalaga at saka hinahabol ang kaniyang hininga, dahilan upang sumimangot si Anna sapagkat hindi ito pinansin ng binata.
"Goodmorning, Anna! Sorry late ako! Tsk!"
Inis na sabi ni Anna sakaniyang sarili habang nakasimangot pa rin sabay tingin na ng masama kay Jervin.
"Anong problema Jervin?"
Malumanay na tanong ni Yvonne kay Jervin sabay hawak na nito sa balikat ng binata na nakahawak na sa sarili nitong mga tuhod habang hinahabol pa rin ang hininga nito.
���Anna…"
Tawag bigla ni Jervin kay Anna sabay ayos na nito ng tayo saka itinuon na ang kaniyang paningin sa kaibigang nakatingin sakaniya ng masama habang nakasimangot pa rin.
"Ano? Matapos mo akong isnabin, tatawagin mo ako ngayon?"
Mataray na tanong ni Anna kay Jervin sabay cross arms nito at saka iwas ng tingin mula sa binata. Napabuntong hininga ang binata at saka napahawak sakaniyang beywang.
"Posible bang magkaron ng mga pangitain ang isang ordinary?"
Tanong ni Jervin kay Anna habang nakahawak pa rin sakaniyang beywang. Agad na inalis ng kaibigan ang kaniyang pagkaka cross arms sabay balik nito ng kaniyang tingin sa binata habang magkadikit na ang kaniyang kilay.
"Ba't mo naman natanong?"
Tanong ni Anna kay Jervin habang dahan-dahan na ito naglalakad papalapit sa binata. Inalis na ng binata ang kaniyang pagkakahawak sa sarili niyang beywang at saka hinabol muli ang kaniyang hininga.
"Ung bunso kong kapatid… nagkakaroon ng mga… pangitain sa panaginip niya."
Paputol-putol na sagot ni Jervin sa tanong sakaniya ni Anna. Napatigil sa paglalakad ang kaibigan at saka napaiwas ng tingin mula sa binata.
"Tanong ko si Mama. Sabihin ko sainyo ung sinabi niya sakin pagka tapos ng shift niyong dalawa."
Sabi ni Anna kila Yvonne at Jervin sabay lakad na papalabas na ng bodega. Maamong tinignan ng dalaga ang kaibigan hanggang sa tuluyan na itong makalabas ng bodega at saka inilipat na ang kaniyang tingin sa binata sakaniyang harapan.
"May napanaginipan ba siya kagabi?"
Tanong ni Yvonne kay Jervin habang maamo nitong tinitignan ang binata. Tumango lamang ang binata bilang tugon sa tanong sakaniya ng dalaga sabay hawak muli sakaniyang beywang.
"Tungkol saan ung napanaginipan niya?"
Malumanay na tanong ni Yvonne kay Jervin habang maamo pa rin nitong tinitignan ang binata na patuloy pa rin sa paghahabol ng kaniyang hininga. Ilang saglit pa ay biglang lumabas si Josh mula sa bulsa ng dalaga at saka tinignan ang binata.
"Ano ka ba Bon? Bigyan mo yan ng tubig kung gusto mong maka sagot agad yan sa mga tanong mo."
Sabi ni Josh kay Yvonne habang nakatingin pa rin ito kay Jervin at hindi umaalis sa bulsa ng dalaga. Biglang nanlaki ang mga mata ng dalaga at saka naglakad na patungo sa kaniyang locker upang kunin ang kaniyang tubigan mula sakaniyang bag.
"Jervin, oh."
Sabi ni Yvonne kay Jervin habang iniaabot na ang kaniyang tubigan sa binata. Kinuha naman ng binata ang tubigan ng dalaga at saka uminom na roon.
"Salamat, Yvonne."
Pagpapasalamat ni Jervin kay Yvonne sabay balik na nito ng tubigan ng dalaga. Agad namang kinuha ng dalaga ang kaniyang tubigan at saka naglakad nang pabalik sakaniyang locker upang ibalik ang tubigan mula sakaniyang bag. Biglang pinanlisikan ng tingin ng binata ang dalaga at saka naglakad na patungo sakaniyang locker nang hindi inaalis ang kaniyang tingin sa dalaga.
"Ayos ka lang, Yvonne?"
Tanong ni Jervin kay Yvonne habang inoobserbahan na nito ng masinsin ang dalaga sakaniyang tabi. Kaagad na nilingon ng dalaga ang binata at saka ngumiti at tumango ng malumanay.
"Mm. Ayos lang ako."
Nakangiting sagot ni Yvonne kay Jervin at saka ibinalik muli ang kaniyang tingin sakaniyang locker at saka isinara ito. Nagdikit ang kilay ng binata at saka patuloy pang inoobserbahan ang dalaga.
"Sigurado ka?"
Mausisang tanong ni Jervin kay Yvonne sabay lagay na ng kaniyang bag sakaniyang locker nang hindi pa rin inaalis ang kaniyang tingin mula sa dalaga. Nilingong muli ng dalaga ang binata at saka nginitian ito.
"Wag kang mag-alala sakin, Jervin. Okay lang ako."
Nakangiting sagot ni Yvonne kay Jervin habang nakaharap na ito sa binata. Hinarap na rin ng binata ang dalaga at saka biglang sinunggaban sa leeg ang dalaga at saka isinandal ito sa locker.
"Jervin! Anong ginagawa mo?!"
Sigaw ni Josh kay Jervin sabay talon na nito pababa mula sa bulsa ng dalaga at saka hinatak ang pantalon ng binata upang pigilan ito, ngunit walang epekto.
"P-pakawalan… m-mo… a-ako…"
Paputol-putol na sabi ni Yvonne kay Jervin habang sinusubukan nitong alisin ang kamay ng binata sakaniyang leeg. Sinamaan ng tingin ng binata ang dalaga sakaniyang harapan at saka naghugis kamao ang kaniyang isang kamay.
"Lifylun!"
Sambit ni Jervin habang nakatuon pa rin ang tingin nito kay Yvonne. Ilang saglit pa ay unti-unting nagbago ang mukha ng dalaga.
"Sino ka? Nasan si Yvonne?"
Gigil na tanong ni Jervin sa babaeng nasakaniyang harapan sabay bitaw na sa leeg nito. Bumagsak ang babae sa sahig at saka umuubo habang nakahawak sakaniyang leeg.
"P-pano…?"
Gulat na tanong ni Josh sakaniyang sarili habang nakatingin sa babaeng nakaupo sa sahig habang hawak pa rin nito ang kaniyang leeg.
"Anong nangyayari dito?!"
Inis na tanong ni Anna kila Jervin sabay hinto na nito sakaniyang paglalakad nang makapasok na sakanilang bodega at makita ang babaeng nakaupo sa harapan ng binata.
"Sino yan?! Nasan si Ibon?!"
Nag-aalalang tanong ni Anna kay Jervin habang nakatayo pa rin ito sa pintuan ng kanilang bodega. Nasilayan ng kaibigan si Josh na dahan-dahan itong umaatras papalayo sa likuran ng binata habang nakatingin sa babae sakaniyang harapan.
"Nasaan si Yvonne!?"
Galit na tanong ni Jervin sa babae sabay upo nito at saka hinawakan ang kwelyo ng damit ng babae. Takot na tinignan ng babae ang binata habang umiiyak na ito at saka sinusubukan muling alisin ang kamay ng binata mula sakaniya.
"Thaumaturgy Town."
Hello po~!! Please vote, rate and support my story!! Maraming Salamat po sa pagbabasa ng story ko.
Kung nagustuhan niyo po ang story ko, may iba pa po akong ginawang story.
"Love Yourself: Wonder” po ang title ng finished story ko. Please read, vote, rate and support my other story!! BTS Fan-Fic po siya~ Sana po magustuhan niyo!!
Always wash your hands, stay at home and stay healthy po para maiwasan ang COVID-19~!!