webnovel

ROOM 1 C 1: You Watching Us

A/N : This story was inspire by Doll House By " -SHEENA- "

•••

-𝙒𝘼𝙍𝙉𝙄𝙉𝙂: This story contains Brutal scene's and Word's that may not be suitable for any younger readers. READ AT YOUR OWN RISK.

•••

ROOM 1 : You Watching Us

• Sampung tao, siyam ay talo.

•••

Maraming natatakot sa iba't ibang pang yayari na ng yayari paulit ulit. Iba't ibang mga tao ang mga nawawala.

Kahit anong gawin ng mga pulisya ay wala silang mahanap na kahit isang katiting na mga impormasyon tungkol sa kaganapan.

Araw ding iyon ng maraming na hack na social media account at mga channel na nag sasabi na iniinbitahan ang iba't ibang tao na manuod sa isang app.

Dahil sa mga sabi sabi na dito daw napupunta ang mga nawawala. Nag download ang mga interesado ng app na sinasabi at nag sign in.

Tugon sa video ay july 1, 20XX 8:00 Am mag sisimula ang live. Kaya binuksan agad nila ang app at nag hintay ng tamang oras.

•••

[Vincent Jacob]

Bigla akong nagising sa isang bangungot. Hindi ako makaimik

Tumingin ako sa iba't ibang direksyon pero wala akong makitang kahit ano.

pikit at mulat 'ko ay hindi parin ako makakita---totoo nga na walang ilaw sa lugar na ito.

Tumayo ako at sumigaw. Tiningnan 'kung mero'n bang tao na sasagot o wala. Ng mapag tanto 'ko na wala ay inulit 'ko ito.

Sumigaw muli ako---sinasabi 'kung mero'n bang tao rito. Ng wala paring sumagot. Ako ay nawalan na ng gana. Ng bigla akong nakarinig ng bagong tunog.

Isa itong ubo. Ibig sabihin ay meron tao rito. Sa pangatlong pag sigaw. Mero'n na ngang nag salita. "Bakit ka nga ba sumisigaw 'kung ang mga tao rito ay natutulog?"

Umupo ako sa pag tayo, sumandal sa isang pader at nag salita. "Sinisigurado 'ko lang na meron pang tao rito bukod sa aking sarili"

Tumawa s'ya. "Sinasabi 'ko sayo, huwag mo ng siguraduhin kami. Siguraduhin mo ang iyong sarili" sabi n'ya sa akin.

Nag taka ako sa ibig n'yang sabihin. Bakit nga ba n'ya iyon sinasabi? Iyon ang kailangan 'kong malaman.

I can't just sit here and talk to stranger. Alam 'ko iyon---hindi 'ko 'rin alam 'kung bakit ako naririto.

Ang alam 'ko lang ay naandito na ako at wala ng iba. Tinatanong 'ko 'rin ngayon sa aking sarili 'kung pano ako makapunta rito.

"Did you know how we got here?" Tugon 'ko. Hindi s'ya umimik. Ramdam 'ko ang kanyang pag tataka. Tumawa muli s'ya.

"Bago 'ko sagutin ang tanong mo, my name was Cyrus Valdez, nice to meet you? Ano ba ang pangalan mo?"

"Vincent, Vincent Jacob Del Jesus"

"Nice to meet you Vincent, sa tanong mo kaganina. Hindi 'ko rin alam ang sagot sa tanong mo. I'm just here. Wondering where the heck was that light. Kaganina pa walang ilaw."

"Kaganina, kaganina merong ilaw. Mga tulog pa kayo no'n. Please, tumahimik kayo" tugon n'ya.

Tugon ng babae. Hindi na ako makapag salita sa kanyang sinabi.

Alam 'ko naman kasi ang feeling ng hindi makatulog.

Nalaman na na ka-ka-abala kami sa pag tulog. Naisipan 'ko na huwag monang mag salita, bigyang takip ang aking mga mata upang ito ay makapag pahinga.

Tinakpan ang kadiliman upang makakita muli nito, inalis ang mga na sa isip at hinayaan nalamang mawala ang aking sarili sa panaginip.

•••

Unti unting binuksan ang mga mata. Makikita ang ilaw na bumabo sa kuwarto.

Ang nakikita 'ko lamang ang kabuuang puti. Ng ako ay tumayo, tiningnan ang paligid. Namangha ako sa laki ng kuwarto.

Tiningnan ang mga tao, hindi 'ko alam 'kung sino sino sila pero alam 'ko na sampu kaming naririto.

Merong apat na lalaki habang merong anim na babae. Habang tinitingnan ang mga mukha nila.

Tumingin ako sa mga dingding. Hindi 'ko alam 'kung bakit merong mga higanteng screen sa bawat parte ng dingding.

Tiningnan ang lahat---bigla nalamang napatingin sa isang screen. Nakabukas ito.

Bakit ito nakabukas? Ng tiningnan ang nalalaman.

Ito ang nakasaad.

{Welcome Roomer}

#26 - Hazel Reyes [ Alive ]

#69 - Cyrus Valdez [ Alive ]

#90 - Jake Razon L. Gordon [ Alive ]

#13 - Angel S. Samson [ Alive ]

#5 - Alexa Rhian O. Samiento [ Alive ]

#80 - Vincent Jacob Del Jesus [ Alive ]

#72 - Nadine Taniel [ Alive ]

#34 - Lea mendoza [ Alive ]

#51 - Vanessa liam Orgarya [ Alive ]

#10 - Lisa Maricel Vergara [ Alive ] }

Hindi 'ko alam 'kung anong emosyon ang lalabas sa aking mukha. Hindi 'ko alam 'kung matutuwa ba ako na naandito na ako ngayon.

Nag tataka rin ako 'kung bakit merong [alive] sa pinakang dulo ng pangalan namin.

Tumingin ako sa gilid nito.

Makikita ang katagang.

• Live Chat