Rion's POV
I leaned back against the wall and secretly watched Dollar playing billiards.
It's the 22nd of December. Tatlong araw bago mag-pasko. At dahil bakasyon, madalas imbitahan ni Lolo si Dollar dito sa bahay para pumasyal ng ilang araw. At hindi lang si Lolo ang giliw na giliw sa kanya kundi pati mga kasambahay at mga tao sa hacienda.
She always has that effect on people. MayBe because of her charming ways, or her laughs or her naughtiness. Whatever. But having her around brought colors to this huge house.
At kapag may lakad ako at alam kong nandito siya...I always feel excited coming home...
Nakita ko siyang inayos ang mga bola sa triangle. And that causes her shirt to pulled up, showing some flesh of her rounded waist. At dahil mahangin dito sa third floor, mas lalong tumaas ang T-shirt niya. And I could almost see half of her back.
I sighed.
At the age of seventeen, Dollar already possessed a knockout body. Maganda rin ang tindig kaya mas mukhang matangkad kesa sa totoong height. Creamy complexion... na parang mag-iiwan ng marka kapag nahawakan nang mahigpit. And every time I come near her, I always had this urge to bury my face in the softness of her hair, grab her waist and rain tiny kisses on her delectable neck...
I smiled to myself in dry amusement. Mukha 'kong gago dito sa sulok, fantasizing things about her.
I stepped from the darkness and revealed myself. Lumingon siya sa 'kin na parang hindi man lang nagulat at saka ngumiti.
"Kala ko di ka na lalabas eh, wag mo 'kong masyadong pagnasaan ha baka ma-adik ka ng sobra. Hahahaha!"
I didn't speak. Bakit ba wala 'kong mailihim sa babaeng 'to? She's way too perceptive.
"It's late. Bakit di ka pa natutulog?" tanong ko.
"Hinihintay nga kita." Then she winked at me.
At walang habas din sa pagpapa-cute.
"Matulog ka na, it's eleven."
"Make me."
"Dollar..."
"O sige na nga. Pero maglaro muna tayo. Kapag nanalo ka, matutulog na 'ko."
Binigyan niya 'ko ng cue stick at inayos ulit ang mga bola.
"At kapag natalo ako?"
Nag-isip siya sandali at saka ngumiti, parang na-excite sa naisip.
"Kapag natalo ka... pakakasalan mo 'ko, but don't worry matutulog na din ako. Hahaha!!!"
I laughed. This girl and her antics.
"Tara simulan na natin!" She beamed happily.
"Pumayag na ba 'ko?" tanong ko sa kanya.
"A-Ayaw mo ba? You don't play billiards?
Hindi ako nagsalita. If she would only knew. Kalahati ng panahon na pumapasok ako noong secondary ang ginugol ko sa mga bilyaran, sa kahit saang sugalan o mga lugar na madalas tambayan ng mga kabataang walang hilig pumasok o buhay na ang mag-rebelde. And billiards is one of the vices I've mastered.
Binalik ko ang tingin kay Dollar na nakatingala sa'kin. She's smiling with challenge in her eyes.
"Okay."
"Talaga? Hahaha! Sinong una?"
"Ikaw."
Pumwesto siya at sinimpat ang bola bago tumira. Breakshot at may pumasok na bola sa left pocket.
Nice.
Lumigid siya at lumapit sa'kin.
"Tabi dyan, Rion."
I just chuckled and gave way.
Tumira ulit siya at tumama ang bola sa gilid at gumulong papunta sa green na bola. Mahinang gumulong ang bola bago pumasok sa pocket.
I smiled.
This girl never cease to amaze me. Inaasahan ko na na magaling siya lalo pa't lumaki siya sa tapat ng bilyaran. And she really moves like a pro. Nakailang tira pa siya bago ko pagbigyang patirahin.
Tama lang bolang natira at kapag naipasok ko lahat tabla na kami.
I quickly made it to the last ball when I remembered what she said a while ago.
Marrying her if I lose? That was a childish bet, really.
Nilingon ko siya bago 'ko tumira. Parang gusto kong malunod sa masayang kislap ng mga mata niya, tumira doon habang buhay...
Ginawa ko ang huling tira at saka dumiretso ng tayo. Naglakad ako palapit sa ref at kumuha ng canned beer
"Hahaha!"
Napailing ako nang makita kong tumatalon si Dollar sa saya at saka tumakbo palabas.
"Wait. Where are you going?"
"Tutulog na....at paplanuhin ko na ang kasal natin. Hahahaha!"
Nakalabas na siya nang tuluyan pero naririnig ko pa din ang pagtawa niya. That girl.
Lumapit ako sa billiard table at binalikan ang tingin sa bola na gahibla lang ang layo sa pocket para pumasok. I did that intentionally.
Marrying you, Dollar? Gladly...