Chapter 3
- Arabella's POV -
"Alam mo, ang sama ng tingin sayo nila Saylor kanina. Pati yung Master 4, grabe din yung tingin. Pati si Levi, nakatingin sa akin! Oh my god! I cannot!!" Sigaw nanaman ni Brigitte habang naglalakad kami papuntang locker area.
"Oo nga. Ang lagkit din ng tingin sa akin ni papa Levi kanina." Malanding sabi naman ni Reggie. Natatawang napailing nalang ako.
"Tumigil ka nga, akin lang si Levi, noh?" Maarteng sabi naman ni Brigitte.
"Ayoko nga. Bahala ka sa buhay mo." Maarteng sabi din ni Reggie.
"Tumigil na nga kayo. Hahaha, para kayong mga ewan. Nag-aagawan kayo sa isang tao, ehh, hindi naman kayo napapansin non." Natatawang sabi ni Anna.
"Alam mo, minsan, ang sakit mong mag-salita." Nakasimangot na sabi ni Reggie.
"Truth hurts talaga." Natatawang sabi ko. Silang dalawa naman ni Brigitte ay ngumuso nalang.
"Oh my god, si Devin." Bulong ni Brigitte pero hindi ko na pinansin. Akmang lalapit ako sa locker ko ng biglang hilahin ni Brigitte ang braso ko.
"Ano ba?!" Inis kong sabi at sinamaan sya ng tingin. Sya naman ay may ininguso lang. "Ano ba kasi yon?!" Sigaw ko pa. This time, silang tatlo na ang ngumuso. Nilingon ko ang iningunguso nila at nakita ko at tatlong lalaking nakatayo sa may railings habang ang tukmol naman ay nandoon sa may tapat ng lovker nya.
Hindi ko nalang sya pinansin at dumeritso nalang ako sa may locker ko at hindi ko nalang pinansin ang paninitig sa akin ng mga kasama ni tukmol. Nang akmang bubuksan ko na ang locker ko ay may humila sa akin patayo at isinandal ako sa mga locker.
- Third Person's POV -
Ngayon ay kinulong ni Devin si Bell sa mga lockers at ang sama ng tingin nito dito. sa kabilang banda naman ay kinakabahan na ang mga kaibigan ni Bell dahil baka sapakin nanaman nya si Devin. Habang ang mga kaibigan naman ni Devin ay parang mga timang na kinikilig na parang naiinis din.
Lahat ng tao ay nanonood sa kanila habang nasa ganon sitwasyon silng dalawa. Pareho silang masama ang tingin sa isa't isa at kung hindi lang naiinis ngayon si Bell ay tumawa na sya dahil sa bakas ng suntok nya.
"Bell..." Mahinang tawag ni Brigitte sa kanyang habang nakatingin sila sa kaibigan nila.
"Hohoho..." Nakangising sabi ni Noah habang nakatingin din sa kaibigan nilang ganon parin ang posessyon.
"Ano bang problema mo?" Tanong ni Devin. "How dare you to punched me. Who the hell do you think you are?" Halata sa boses ni Devin ang inis. "Do you want to live like a hell?" Nakangising banta nito.
"Bakit? Tingin mo natatakot ako sayo? Kung maangas ka, mas maangas ako. Kung matapang ka, mas matapang ako. Kung siga ka, mas siga ako. Walang magagawa yang paghari-harian mo, kung suntukin ko ulit yang muhka mo." Matapang na sabi ni Bell. Kaya naman, lalong natakot ang mga kaibigan nya para sa kanya.
Sa hindi inaasahang pangyayari, biglang mga estudyanteng nagtakbuhan at nabangga ng isa sa kanila si Devin. Parang bumagal ang tagbo ng oras at naging mabagal din ang kilos nilang lahat.
Unti-unting napalapit si Devin kay Bell at parang nag-kiss sila dahil sa pwesto nila. Nanlaki pareho ang mata nilang dalawa at parehong nagulat dahil sa aksidenteng ito. Ang iba naman ay kinilig at karamihan ay nainis katulad nalang nila Saylor.
May kinilig naman katulad ng mga kaibigan nila. Mas malala pang kiligin si Brigitte at Noah dahil nanghahampas ang dalawang ito. Nakangiwi na nga si Reggie at Kyle pero patuloy parin sa paghampas ang dalawa.
Nang makabawi ang dalawa ay agad na kinuha ni Devin ang papel at binasa iyon. Si Bell naman ay parang hindi parin makahinga ng maayos.
"Are you ready to fall inlove?" Wala sa sariling sabi ni Devin. Pareho silang nagulat dahil sa sinabi ni Devin.
"A-anong sinasabi mo dyan?" Nauutal na tanong ni Bell. "Hoy, akala mo ba magkakagusto ako sayo?" Tanong pa nya.
"Huh! Do you really think that I'm flirting with you?" Natatawang tanong ni Devin. Napakunot ang noo ni Bell dahil hindi nya maintindihan ang takbo ng utak ng lalaking to.
"Ehh, bakit ka nagsasabi ng are you ready to fall inlove dyan?" Inis na tanong naman ni Bell.
"I just read it from here." Mayabang na sabi ni Devin. Nararamdaman nya kasing mapapahiya na ang babaeng to ngayon. Pinakita nya ang flyer at nang makita ni Bell iyon ay lalo syang nainis.
"May araw ka din sa aking unggoy ka!" Sigaw nya bago sya nagmamadaling umalis dahil sa pagkapahiya.
"O. M. G!! Bell!!!" Malakas at matining na sigaw ni Brigitte. Habang kinikilig na sumunod sa kaibiga nila. Sila Devin naman ay sinundan nalang silang ng tingin.
- Arabella"s POV -
"Oh my god!!!" Malakas na sigaw ulit ni Brigitte nang makarating kami ng parking lot. "OMG!! Nagkiss kayo ni Devin!!" Sigaw nya pa.
"Hindi kami nang kiss! May papel na nakaharang!" Paliwanag ko sa kanila.
"Ano ka ba! May kiss parin yon! At tyaka, isang Devin ang kahahalikan mo! OMG! Stop me!" Timitili paring sabi nya.
"Hindi nga kasi kami nag-kiss! May papel nga kasi yon, ehh!" Pagdadahilan ko pa. Napakamot pa ako ng ulo dahil inis sa kanila.
"Oyy, kayo na ang bagong love team dito sa school natin. Maraming kinikilig sa inyo." Sabat naman ni Reggie na parang kinikiliti din.
"Anong love team! Ganito ba talaga mag-isip ang mga tao dito?" Sigaw ko.
"Hoy, ok na yon, nohh. At least, hindi ka sinasabihang feelingera." Sabi pa ni Reggie. "Pero wala ka bang naramdaman? You know, cute feeling, alam mo yon! Butterflies!" Sabi nya tapos nag-aper pa sila ni Brigitte.
"Tsk. Hindi ko naramdaman yan. At wala akong gusto don sa mokong na yon! Tyaka, ang sama-sama kaya ng ugali ng Sensui na yon!" Malakas kong sabi. Nagkatinginan silang tatlo bago nagsalita.
"Sensui?!" Sabay-sabay nilang tanong at malalakas talaga.
"Sensui. Yung sa ghost fighter. Yung gustong buksan yung pinto ng impyerno. Ganon si Devin! Sa sobrang sama ng ugali nya, kaya na nyang buksan yung pinto ng impyerno." Inis kong sabi.
"Ayy!" Malakas na sabi ni Brigitte. "Ang daming sinasabi, ohh!" Sabi nya kay Reggie.
"Kinikilig lang yan!" Sabi naman ni Reggie.
"Oo nga!" Pagsang-ayon naman ni Brigitte.
"Pero, mag-iingat ka ha? Marami nang nabully si Devin at napaalis sa school na to. Sana wag ka nang magaya sa kanila." Sabi naman ni Anna.
"Anna, hindi nya ako mapapaalis. Kung napaalis nya yung iba dito, pwes! Ibahin nya ako!" Mayabang kong sabi.
"Ayy! Ang dami talagang sinasabi, ohh!" Hirit nanaman ni Reggie.
"Kinikilig na yan! Yiee!!" Sabat pa ni Brigitte.
"Tumigil na nga kayo!" Sigaw ko nanaman. Sakto naman ay may dumaan na sasakyan sa harap namin.
"Oyy, Bell, tama na ang kakiligan. May pupuntahan pa tayo." Sabi nanaman ni Reggie.
"Anong---!! Hindi nga kasi, ehh!!" Sigaw ko nanaman.
"Hala, galit na yarn! Tara na nga!" Natatawang sabi ni Brigitte.
A Few Moments Later. . .
"Nasaan tayo?" Tanong ko nang tumigil at makarating kami sa kung saan.
"Nandito tayo sa The Barb. Ito ang tambayan ng mga estudyante pagkatapos ng classes. Pero dahil mas malapit ang school natin, mas nagiging tambayan na to ng mga students ng school natin." Paliwanag ni Brigitte.
"True. Tyaka, dito ka makakasagap ng chika galing sa school natin." Sabi naman ni Reggie.
"Tyaka, masarap ang pagkain dito. Mas masarap sa kiss nyo ni Devin." Panunukso nanaman ni Brigitte sa akin.
"Brigitte! Ayy! Ewan!" Inis kong sigaw at umirap sa hangin.
"Oyy! Kinikilig nanaman sya!" Nanunukso nanamang sabi ni Reggie.
"Naku! Tigilan nyo na nga ako!" Inis ko nanamang sabi.
"Sige! Umalis ka na! Wag na wag ka nang babalik dito!!" Sigaw galing sa harap namin. Nagulat kami kaya napaharap kami doon tapos may lalaking papalapit na sa amin.
Nang makadaan na sya ay humarap ulit kami doon sa kaninang sumigaw. Parang maiiyak na ito at parang problemadong-problemado. Tumingala ito at napahawak sa noo bago magsalita.
"Jusko, lord!! Saan ako kukuha ng bagong waiter." Parang ma-hi-high blood na sabi nito. Agad na nanlaki ang mata ko at wala sa sariling napaharap ako sa mga kaibigan ko.
"Waiter?" Wala sa sariling sabi ko.
"N-No, Bell."
"Bell!"
"Sandali lang!"
"Wait, Bell!!" Sigaw nila pero hindi na nila ako napigilan. Agad akong tumakbo at hinanap ang lalaki... O babae... Ewan. Basta yung owner.
"Pwede po ba mag-apply? Waiter?" Tanong ko agad.
"Huh? Oo! Jusko! Hulog ka ng langit!!" Sigaw nito at niyakap ako.
"Kailan po ako pwede mag-start?" Tanong ko sa kanya. Ngumiti sya at may kinuha sa harap ng counter tapos ibinigay sa akin. Apron pala iyon na may nakalagay na the Barb.
"Here. Pwede ka nang mag-start ngayon." Nakangiti sabi nito. Nanlaki naman ang ngiti.
"Yes! Salamat po!" Tuwang-tuwa kong sabi tapos isinuot agad ang apron na ibinigay nya. Agad kong hinanap ang mga kaibigan ko at sakto namang may ligpitin sa harap nila.
"OMG! Nag-apply ka talaga?" Gulat na tanong ni Brigitte.
"Oo." Puno ng komyansa kong sagot.
"Pero, walang student ng school natin na working-student unless you're a scholar." Maarteng sabi ni Reggie. Napatigil ako sa ginagawa ko at nag-isip.
"Well, parang ganon." Sabi ko.
"Scholar naman pala, ehh." Sabi naman ni Brigitte.
"Pero kung ayaw nyo ng kaibigang pooresang katulad ko, ok lang sa---"
"No!" Sabay-sabay nilang putol sa sinasabi ko.
"Hindi naman ganon!" Sabi ni Reggie!
"Ewan ko lang, Bell, ha? Baka kasi pag nagkaroon ka pa ng trabaho, magulo na ang studies mo. Baka bumagsak ka din katulad ko." Mapait na sabi ni Anna.
"Ano ka ba, Anna. Si Bell to, ohh. Kayang kaya ko yan! Ako pa ba!" Puno ulit ng kompyansa kong sabi.
"Yo! Go Bell! Fight and win! Hoo! Haa! Ho-ha!" Sabay-sabay nilang sabi. Napangiti naman ako.
A Few Hours Later. . .
"Dito nalang ako." Paalam ko sa kanila.
"Sure ka?" Tanong nila.
"Oo." Nakangiti kong sagot. Lumabas ako ng van at humarap sa kanila.
"See you nalang tomorrow!!" Nakangiting sabi ko.
"Oo!"
"Alright!"
"See you!"
Sigaw nila pero hindi na sila bumaba ng van. Akmang maglalakad na ako patalikod ng biglang bumukas ang pinto at biglang lumabas si Dad.
"Ohh, Bell?" Gulat na tanong nito at humarap sa mga kaibigan ko.
"Hala!" Gulat na sabi nila tapos agad silang bumaba sa van at lumapit sa amin.
"I didn't know na pupunta ang mga kaibigan mo." Nakangiting sabi ni Dad.
"Hello, po. I'm Reggie po." Nakangiting pagpapakilala nya.
"I'm Anna po."
"I'm Brigitte po." Masigla ding pakilala nya.
"Nice to meet you all." Nakangiting sabi ni Dad.
"Kayo po ba yung tito ni Bell na nagpapa-aral sa kanya? Bell, ha. Tito mo pala yung daddy ni Heaven, yayamanin ka din pala." Natatawang sabi ni Brigitte. Gulat at hindi makapaniwalang nilingon naman ako ni Dad. Nag-iwas nalang ako ng tingin.
"A-Ahm... Yes..." Sumakay nalang si Dad at ramdam ko parin ang tingin nya.
"Sige po. Mauuna na po kami." Nakangiting sabi ni Reggie.
"Bye." Paalam ni Dad sa kanila.
"Bye, po. Bye, Bell!" Paalam naman nila sa akin. Humarap ako sa kanila bago nagsalita.
"Bye!" Paalam ko din tapos kumaway pa at hindi ko pinahalata ang kaba ko. Sumakay na sila ng van at pinanood ko silang umalis. Nang humarap ako ay nandoon parin si Dad at ang hindi nya makapanilawang tingin.
- To Be Continued -
(Mon, July 5, 2021)