webnovel

Revenge:Secret Queen

Revenge.. that's what Avery has imprinted on his mind since his brother's death... because that's why he did everything to learn to fight... but what will happen when he finds her...

Annariex_Writes · Masa Muda
Peringkat tidak cukup
38 Chs

Chapter 7

Chapter 7

Napagpasyahan ko nalang na umuwi tiningnan ko ang wrist watch ko at 6:20 na pala...

Nang makarating ako sa bahay ay agad akong pumunta sa aking kwarto at nagbihis ng uniform pagkatapos ay kinuha ko ang aking bag at bumaba nagdahan dahan ako sa pagbaba sa hagdan dahil alam niyo na baka maulit...ng makababa ako ay sinabihan ko si Mang bert na aalis na kami...Wala kasi dito sila mommy at daddy nasa bakasyon....

Nandito na ako ngayon sa labas ng sasakyan kakababa ko lang...isinuot ko muna ang aking face mask at sunglass dahil alam niyo na baka makilala ako ni manong guard edi pag nagkataon patay tayo... naglakad na ako papasok sa school hinarang naman ako ni manong guard at hiningan ng id...

"Ito" Sabi ko sabay bigay ng id

"Pwede ka ng pumasok"Sabi niya sabay bigay ng Id ko

Naglakad na ako papasok ng biglang tumunog ng cp ko na hudyat na may nag text kinuha ko ang cp ko sa bag saka inopen at binasa ang text...

From:Ken

Good morning ma'am.may importante po akong sasabihin magkita po tayo sa ****** mamaya.

Basa ko sa sulat...Si ken siya ang inutusan kong hanapin ang taong pumatay kay kuya... sana naman may lead na kung sinong taong yun para naman maipag higante ko na si kuya...

-Flashback-

Blaggggggg

Nagising ako dahil sa ingay sa baba.wala dito ngayon sila mom and dad dahil nasa US sila dahil sa business ang tanging naiwan lang dito ay ako at si kuya wala din dito sila manang dahil nasa bakasyon sila...

Lumabas ako sa aking kwarto saka naglakad papunta sa hagdan ng makarating ako sa hagdan ay may nakita akong taong naka bonet at may hawak na malaking bag napansin ko ring may tattoo ito sa braso na isang agila nakasando lang kasi ito kaya kitang kita ang tattoo niya....

"MAGNANAKAW"sigaw ko

Lumapit sa akin ang isang lalaki saka tinakpan ang bibig ko ng panyo.

"Mmmmmmm"Sabi ko sabay pilit tinatanggal ang panyo na nasa bibig ko... pero hinawakan niya ang dalawa kong kamay para hindi ako makagalaw...

*Blaggggggggggggggg*

Biglang sinuntok ni kuya yung lalaki at bigla niya akong hinila papunta sa kanya.

"Pumasok ka sa kwarto mo wag kang lalabas kahit anong mangyari"

"Kuya ayoko po" Sabi ko at paulit ulit na umiling

"Ave makinig ka pumasok ka sa kwarto mo at wag kang lalabas kahit anong mangyari...tawagan mo si mom sa cp mo at sabihin mong may magnanakaw."

"Naiintindihan mo ba ako?"

"Opo kuya basta mag iingat ka"

"Pangako"Sabi niya sabay halik sa noo ko

Naglakad na ako papunta sa aking kwarto at pagkarating ko ay agad ko itong isinirado saka kinuha ang cp ko hinanap ko ang number ni mommy saka ito tinawagan

*Ringgggggg---*

[Hello Ave bakit ka napatawag?"]

[Mom-------]

*Banggggggggggggg*

Bigla akong nakarinig ng putok ng baril, biglang bumilis ang tibok ng puso ko kaya tumakbo ako kaagad papunta sa baba.

Ng makarating ako sa baba ay nakita ko si kuya na nakahandusay sa sahig at napapaliguan ng dugo...tumakbo ako kaagad palapit sa kanya saka siya niyakap...

"Kuyaaaaaaaaaa!"

"Kuyaaaaaaaaaaaaa!"

-end of flashback-

Ngayon ko lang napansin na umiiyak na pala ako pinunasan ko ang luhang tumutulo sa mata ko saka nagpatuloy sa paglalakad papuntang room....