Seventeen
Tahimik ang aking bawat hakbang habang may hawak na dalawang boquet of flowers, iilang pagkain at lakas ng loob.
Napangiti ako sa maaliwalas na ganda ng panahon.
Nilinis ko muna ang puntod nila Mom bago tuluyang maupo sa harap nila, dahan dahan kong inilapag ang mga dala kong bulaklak at pagkain at tsaka ako naglatag ng aking mauupuan.
Napahinga ako ng malalim habang pinipigilang lumandas ang luha saaking mga mata.
"Nagiging iyakin na talaga ako Mom and Dad."
Itinaas ko ang aking ulo para pigilan ang luha sa pagtulo ngunit hindi ko nagawa.
"Ilang taon na kayong wala pero nahihirapan parin ako, everynight I always seeing you."
"And if God really exist, pwede bang pakisabi sakanya na, tanggalin na niya lahat. Tanggalin na niya lahat ng sakit na meron ang dibdib ko, masakit. I tried to live Mom, Dad pero minsan masarap naring sumunod."
Mas lalo akong humaguhol sa pagiyak.
"And everytime I tried to dissapear, palagi akong nagkakaroon ng rason na mabuhay." Sandali akong natigilan sa pagiyak, napahiga ako katabi nila at pinakiramdaman ang kanilang presensya.
If all of this didnt happen, ang saya saya siguro natin, namin at kami ni Liam.
Hinayaan kong madampian ang aking katawan ng mga dahong naglalaglagan. Hinayaan kong namnamin at lukuban ng aking imahinasyon ng mga what if na tanong sa buhay ko.
Dahan-dahan kong kinuha ang phone ko na tumutunog saaking bulsa at ipinatong ito sa aking tenga habang nakahiga pa rin.
"Hello."
"Billy, nandiyan ka kila Mom mo?" Tumango ako ng mabosesan ko si Tita Mara, Mom ni Lovely.
"Opo." Tipid na sagot ko.
"Kumain kana ba?"
"Opo."
"Pasensya kana kung hindi ako makakauwi at makakadalaw diyan."
"Okay lang po Tita."
"Si Lovely hindi ba sumama?" Tanong niya.
"Hindi na po, may reporting po kasi sila ngayon, at gusto ko rin po mapag isa." Sagot ko sakanya
"Basta, Billy nandito lang kami sa tabi mo. Ipagdadasal ko nalang sila Mom mo rito. Huwag ka lang mahihiyang lumapit saakin." Napangiti ako sa tinuran niya.
"Opo Tita, tatandaan ko po iyan."
" O sige, ibababa ko na ito. Baka nakakaistorbo ako."
"Sige po." Tuluyan na ngang binaba ni Tita.
Napahinga ako ng malalim at hinayaang malaglag sa tenga ko ang cellphone. Ipinikit ko ang aking mga mata ngunit hindi maiwasan nito ang lumuha.
Nanatili ako sa ganuong posisyon hanggang sa unti-unti kong idinilat ang aking mga mata. May taong nakatayo sa harap ko at hinaharangan ang liwanag ng araw na tumatama saaking mga mata.
Napabangon ako ng makita ko kung sino ito.
"L-Liam?" umupo siya sa tabi ko.
"Anong ginagawa mo dito?" Blanko ang ekspresyon niyang tumingin saakin at ngumiti.
"Sinasamahan ka." Simpleng sagot niya at pinagmasdan ang puntod ng aking mga magulang.
"Sino nagsabi sayong nandito ka?"
"Alam kong Death Anniversary nila Tita ngayon, kaya alam kong narito ka." Hinawakan ko ang kamay niyang nanginginig.
"Its okay, Liam." Sandali siyang tumingin saakin at pinunasan ang bakas ng aking luha saaking pisngi.
"You're crying again." Bulalas niya.
Napaiwas na lamang ako ng tingin at umupo na din ng maayos sa tabi niya.
"I just miss them..." wala sa loob na sambit ko.
"Mee too, kung hindi lang sana dahil sa Ta-" hindi ko siya pinatapos sa kanyang pagsasalita. Ipinatong ko ang aking ulo sa balikat niya.
"Diba sinabi ko naman sayong huwag mong sisihin ang sarili mo?" Natigilan siya at nagpakawala na lamang na malalim na paghinga.
Pareho kaming nakatingin doon, nakatanaw sa mga pangalan ng aking magulang na nakaukit sa matigas na batong iyon.
"Liam." Basag ko ng katahimikan naming dalawa.
"Uh." Tumingin siya saakin.
"Thank you." Namuo na naman ang luba sa mata ko.
Tinitigan niya ako.
"For surviving all the pain, for living." Unti unti niyang iniharap ang kayang sarili saakin at pinupunasan ang luha sa mata ko.
"No, I should be the one, thanking you for all the pain na nakayanan mo. We both victim in this faith or destiny and thank you for accepting me and willing to be my friend again."
"If God letting me to choose between you and everybody else, I will always choose you. I will be"
Hindi ko na makontrol ang luha sa mga mata ko. Pareho kaming umiiyak na dalawa habang nasa ilalim ng punong iyon at habang nasa harap nila Mom and Dad.
Liam POV
I am seeing you again, crying. Kailan ba tayo titigil sa sakit, kailan ba tayo tatantanan ng nakaraang ito?
As I seeing you talking to your parents, gusto kong yakapin ka at iparamdam sayong, you are not alone. You are experiencing a traumatic pain and I am experiencing a painful feeling na alam kong hindi na magpapabalik saatin.
And I am asking myself about the "What Ifs?
What if I am not born to be a murderer son?
What if I choose to be with you that day?
What if we are not bound to know each other?
Siguro, masaya ka, kayo ng family mo. Pero sinira ko lahat, sinira namin.
At sana if you are letting me, akin nalang lahat. Akin nalang lahat ng pasanin mo, I want to see your angels smile again, please.
Tulala ang aking mga hakbang patungo sa kinaruruonan niya, shes sleeping while crying at wala akong magawa para maibsan iyon.
I stop the sunlight na tumatama sa iyong mga mata. I smiled a bit...
Ilang minuto akong nanatili sa aking pagkakayuko. Pinasadahan ko ng tingin sila Tita.
"Tita, Tito, Am I selfish? but can I just see her smile one more time? After that I am willing to accept all the pain and suffering that God will give me, please."