webnovel

Reason To Stay [MR Series #4] (Taglish)

MysteryRomance#4 Xyria Haimeni Melendes and Veil Ace Gomez are friend's. They are known each other because of the party. Well, then. Veil is a heart broken man and he can't move on to his first love. He's always drunk at night and go home at the middle of the night. Sometimes he's actually want to suicide because of his first love. He got mad at her but he's still loving her. One time. Xyria Haimeni. Are joyful and careless girl found his friend in the bar. Are the two friends are going to a lovers? You'll see it soon.

ItsMeJulie · Sejarah
Peringkat tidak cukup
41 Chs

Chapter 19

"I told you, ano nang nangyari?! Umamin kana ba?" Salubong nya sa akin nang makarating ako sa bar.

"No," Maikling sambit ko at naalala ang nangyari kanina ay hindi ko na naman maiwasang maiyak.

Nagulat sya sa ikinilos ko kaya naman tumabi agad sya sa akin at niyakap ako. Humikbi pa ako at parang hirap na hirap akong pigilan iyon.

"Hindi ko aakalain na iiyak ka ng ganito! Last na iyak mo ay yung grabe ka mag-aalala sa kanya!" Inalo nya ako at pilit na pinapatahan.

Humigpit ang yakap ko sa kanya bago magsalita. "Ang sakit, hindi ko alam gagawin ko nung magsimulang magmakaawa sya sa'kin." Sabi ko. "Hindi ko aakalain na aabot ako sa punto na mas mauuna akong masaktan." Dagdag ko pa at pilit na pinapakalma ang sarili ko bago uminom ng alak.

"Stay strong sis, walang mangyayari kung iiyakan mo lang sya. Lumaban ka at wag mong ipakita ang kahinaan mo."

Ilang minuto pa bago ako makaramdam ng hilo at hindi na rin kami nakapag usap ni Lia dahil gusto na nya akong umuwi. Nagsuka pa ako pagkarating ko nang unit at pina inom na muna nya ako ng tubig bago ako inihiga sa kama.

"I love you sis, kailangan ko nang umuwi dahil hinahanap na ako nila Daddy. Alagaan mo sarili mo ha?" Tumango na lang ako habang nakapikit.

Nang maramdaman kong wala na siya ay agad akong nakatulog. Kinabukasan ay masakit ang ulo ko at naalala na naman ang ginawa ko kagabi.

Tumayo na lang ako at naghilamos at nag toothbrush bago lumabas ng kwarto. Pero nagulat ako nang nandoon sya at inihahanda ang pagkain na in-order nya dahil hindi naman sya marunong magluto.

"Good morning," Bati nya pero hindi ko siya kinibo at naupo na lang sa harap nya. Napansin nya iyon kaya nang subukan nya akong hawakan ay umiwas ako.

"Are you okay?" Tanong pa nito kaya napatingin ako sa kanya at ngumiti ng pilit.

"Bakit naman hindi?" Tanong ko pabalik na ikinatahimik nya. Nagsimula na akong kumain kahit na wala akong gana habang nararamdaman ko ang tingin nya sa akin.

"Bakit ka umiyak kagabi?" Pag o-open nya ng topic matapos ang ilang minutong katahimikan kaya naibaba ko ang kutsara at tinidor.

"Sinaktan lang ako noong lalaking gusto ko," Pag-amin ko at tumahimik naman sya kaya tinignan ko sya at nakita ko ang katanungan sa mata nya.

Ngumiti ako ng pilit. "Aamin sana ako kaso, manhid yung tao na yun e." Bikit balikat na sambit ko at uminom ng tubig bago tumayo.

"Pwede ko bang malaman kung sino?" Pahabol pa nya nang kuhanin ko na ang bag ko upang umalis.

Nilingon ko sya. "Malalaman mo din," 'Kapag naramdaman mo nang gusto kita' bago umalis ng unit ko at isinara ang pinto.

****

Pagdating ko kina Nicole ay tulala lang ako magdamag at wala man lang kinakausap na kahit na sino. Maski pinsan ko ay hindi ako magawang lapitan dahil sa itsura ko.

"Ok ka lang ba? alam ko na hindi ka ok pero hindi naman siguro masamang mag tanong diba?" Sambit ni Rico at dya lang ang may lakas na loob na lumapit sa akin.

Umiling ako. "Hindi, manhid yung gusto ko e" Pag-amin ko at nagulat sya doon.

"So tama ang theory ko, yung kaibigan mo ba?" Tumango ako sa kanya nang bigla syang lumapit sa akin.

"Hayaan mo muna siyang maka move on xy, mahirap kung papasok ka nang hindi pa sya tapos magmahal ng iba. Pwede mo iyan pagsisihan dahil maiipit ka lang, kaya huwag ka munang aamin hangga't hindi sya nagsasalita," Pag advice nya bigla sa akin na ikinanuot ng noo ko.

"What do you mean na hangga't hindi sya nagsasalita?" Takang tanong ko dahil nalito ako sa huling sinabi nya.

"He's complicated too, xy." Magtatanong pa sana ako nang itinapik nya ako sa balikat at umalis agad.

What does he mean? Magkakilala ba sila or what?

Tinext ko nalang ang kuya's ko para doon muna mag i stay. Hindi ko na alam ang gagawin ko kung makikita ko pa sya na parang walang nangyari kagabi. Masasaktan lang ang puso ko kung paulit ulit ko lang maaalala ang nangyari.

Nahihirapan na akong itago ang nararamdaman ko. Pero ano ang gagawin ko kung sakaling umamin ako agad? Handa ba akong isugal ang friendship naming dalawa?

Paano kung mag fail?

Pero kung hindi ko susubukan ay hindi ko malalaman. If he rejected me once, it'll be fine. But I immediately safe our friendship para hindi ito masira.

Napatango ako sa sariling naisip ng magsalita si Krisha. "Guy's ilang weeks nalang ang natitira and you all should be practice more. Kailangan nyo ng diet sa katawan nyo at magpakalakas kayo. Kalimutan nyo muna sandali ang problema nyo at mag focus kayo dito dahil malapit na tayong bigyan ng mission ni boss, hindi tayo pwedeng tumanganga lang. Nagkakaintindihan ba tayo?" Mahabang sambit nya at sumagot naman kami.

"Yes, master!" We all shouted at matapos noon ay ang break time namin.

"Uuwi kana ba?" Tanong ni clark nang tumabi ako sa kanya.

"Kaila kuya ang uwi ko, malapit na rin ang birthday ni Kuya Drake bago sya umalis ulit kaya kina kailangan ako doon kahit na hindi ko gusto."

"Ganoon ba, ihatid na kita don. Kina kailangan ko na din umuwi agad pero isasabay na kita." Tumango na lang ako at nag ayos na agad ng gamit.

Hindi na ako nakapag paalam kay Blair dahil nag e-enjoy kalaro si Brownie na aso nila.

Pagkarating namin ay napa irap ako nang makita kong naka abang ang tatlo kong kuya.

"You're lucky, and special to your kuya's. Be a good girl cousin," Ginulo nito ang buhok ko kaya nahampas ko sya.

"Che! Salamat sa pag drive, mag-iingat ka" Tumango lang ito at kumaway kaila kuya bago ako lumabas.

"We missed you princess!" Sigaw nilang tatlo na ikinangiti ko ang niyakap silang lahat.