webnovel

Reaching Heaven((Tagalog Story))

Heaven Leilac Crisoveia whom born gifted. His IQ is higher than Einstein so that at the age of 10 he already graduated in College and make his own company at 16. All girls fighting just to get his attention but he doesn't give a fuck to those women, because Flirting is just a waste of time for Heaven. But when he meet the probinsyana girl who has a weird surname. He'd known already that his peaceful life will be doomed. "Tinataga ko sa condom mong malaki na mamahalin mo ding ang sinasabi mong chanak na katulad ko!! "-Leir Mia Fenis

OstrytheCrescent · Masa Muda
Peringkat tidak cukup
48 Chs

Chapter 14

"Cia, bakit ganon nalang lagi si Young Master? Ramdam ko namang may gusto din sya sakin eh! "

"Sabihin na nating may gusto nga sya sayo pero magugustuhan ka pa ba nya pag nalaman nya ang buo mong pagkatao? " napatigil naman ako sa pagmamaktol dahil sa sinabi ni Cia.

Tama nga naman,magugustuhan ba ako ni Young Master pag nakilala nya ang totoong ako?

"Nasa manila ka para magtrabaho at makapagipon ng pera papunta sa mindanao Leir. Wala sa plano mo ang makipaglaro sa pagibig"

Napahigpit ako ng kapit ko sa phone ko.Dahil tama nanaman ang sinabi ni Cia. Pero anong magagawa ko? Ngayon lang ako nagkagusto ng ganto at ang masaklap,naramdaman ko pa ito sa taong bato pa. Napakamalas ko mang talaga.

"Leir, paparating na daw si Ma'am halika na dito sa room" napalingon ako kay Ketong at tumango sa sinabi nito, Binulsa ko na ang phone ko at agad ng pumasok sa room. Wala pang isang minuto ay pumasok na ang prof namin sa calculus parang bumigat ang tensyon sa room dahil sa nakita naming dala dala ni Ma'am na sobrang kapal dahil sa patong na patong na papel.

"Ok class let's start our first quiz in Calculus" para naman akong nawalan ng hininga nang maipasa na sa akin ang test paper na sasagutan ko.

"Putcha, number one palang alam ko ng babagsak nako" rinig kong bulong ni Ketong habang titig na titig sa test paper nya.Tinignan ko din laman nang Test paper at hindi ko rin maiwasang mapamura.

Bakit ba kasi nakalimutan kong magaral kagabi?

Taena, hindi talaga nakakatulong ang paglalandi sa pag aaral

"Okay class, you may start now"

Oh shit!

--

"Leir dude, anong nasagutan mo kanina? "

"Number 1,5,6,7at 10 lang"

"Wow, dami mong nasagutan ah"

"Yah, dami kong nasagutan at puro hula lang yun" napatawa naman si Ketong sa sinabi ko.

"Ako nga gumawa ng sarili kong formula kanina eh" at proud pa sya na nakagawa sya ng sariling formula? Gunggong talaga.

Napailing nalang ako at tinuon ko na ang pansin ko sa burger at fries na  meryenda ko. Masyado akong na drain sa punyetang quiz na iyan.

Pagkatapos kong mag meryenda ay tumayo na ako at nagpaalam na kay Ketong na aalis.

Dahil wala na kaming klase ay naisipan kong malakad lakad muna siguro sa labas ng University. Oras ko na sana para bantayan si Gabriel ngayon kaso dahil sa nangyari kahapon ay hindi muna sya pinayagang pumasok muna. Mabuti nalang ay na suspend na ang tatlong unggoy na bumugbog sa alaga ko baka kasi pag nakita ko sila ngayon ay mapaglaruan ko lang sila.

"BLACK,COME BACK HERE! " napatigil ako sa paglalakad dahil napatingin ako sa lalakeng sumigaw. Na humahangos papunta sa direksyon ko. Napatingin naman ako sa asong tumatakbo papunta rin sa diresksyon ko.Anak ng!

Akala ko susunggaban ako ng aso ay bigla nalang akong iniwasan nito ngunit bago pa ito ay makalayo sa akin ay mabilis kong hinablot ang tali nito kaya napilitan itong tumigil. Saka naman nakalapit narin ang lalake sa harapan ko, humihingal pa ito,ako naman ay inabot ko na ang tali sakanya, nakangiti naman itong kinuha sa akin ang tali

"Thanks for chasing my dog "

"Walang anuman, sa susunod kasi higpitan mona ang kapit mo sa tali para hindi na makawala" napakamot naman ako sa ulo ko ng marealize ko ang sinabi ko. Taena parang humugot ako dun ah.Parang napansin din ng lalake ang way ng pagkasabi ko kaya bigla na itong natawa.Saka naman ako nagkaroon ng time na pagmasdan ang binatang nasa harap ko.

Shet, napakagwapo pala nito, para syang gwapong anime character na nabuhay sa mundo. Paano naman kasi kulay blue ang buhok nito at may pabangs pa pero bagay na bagay sa kanya. Napamura naman ako lalo sa isip ko ng tumigil na ito sa pagtawa at tumitig narin sa akin. May bilugan itong mga mata at kulay green pa!.

"Ang ganda ng mga mata mo" napangiti nanaman ito sa sinabi ko, gosh nakakainlove naman ang lalakeng nasa harap ko,nagtataksil na ako sa aking Langit!

"By the way, My name is Haru Irie what is your name pretty lady? "

Napahawi naman ako ng aking buhok sa gilid ng aking tenga dahil sa "pretty lady" ni Haru

"Ako pala si Leir Mia Fenis, alam kong medyo bastos ang apilyido ko kaya wag mo ng pansinin at wag mokong tawanan baka masapak kita"

"Woah, easy lady, I won't make fun of your surname"

Napangiti naman ako ng malapad sa sinabi nya, kaya kumapit ako sa braso nito na kinagulat naman ni Haru. Hmm may muscles sya.

"Dahil dyan, kaibigan na kita" nagtaka naman ako ng biglang sumeryeso ang mukha ni Haru habang nakatingin sa akin.Napaiwas ito ng tingin at napayuko, umiling nalang ito at napatawa ng mapakla

"Haru ayos ka lang? " nagaalala kong tanong. Bigla nalang kasing naging malungkot ang awra nya. Napatingin ulit si Haru sa akin at binigyan nya ako ng malungkot na ngiti

"I just remembered someone that so close to my heart"

"Sino naman yun"

"My Bestfriend" napatahimik naman kaming dalawa pagkatapos nyang sabihin yun. Gusto kong maging chismosa at tanungin kung sino ang bestfriend nya at bakit bigla nalang syang nalungkot ng maalala nya ito pero ayaw ko namang malaman nya agad na may kakapalan ang mukha ko,kakakilala lang namin kasi.

Kaya hinila ko nalang si Haru at buti hindi na ito nagtanong kung saan kami pupunta, hindi ko alam pero imbis na dalin ko sya sa Park ay bigla nalang nagkusa ang mga paa ko na pumunta sa direksyon ng Ice cream shop.

"W-why are we here? " nagtaka nanaman ako sa biglang inasta ni Haru ngunit hindi ko na yung pinansin pa at nagsalita

"Malungkot ka kasi, kaya baka pag kumain ka ng ice cream eh baka sakaling gumanda ang pakiramdam mo" tulala lang si Haru na nakatingin sa akin, napahinga nalang ako ng malalim at inagaw ang tali ng aso nya at ako na ang naghila papasok dito.Nang nakaupo na ako ay saka lang pumasok si Haru at umupo sa harap ko. Tinali ko muna sa upuan ko ang aso at pinagmasdan nanaman si Haru na nakayuko na at nakahawak na sa ulo nito habang may binubulong

"Fuck, this is fucking insane, Is this what they called De'javu?

"ano bang nangyayari sayo Haru? Iyan ba ang epekto ng katulad kong dyosa na nginitian ka lang ay para ka ng mababaliw? " hindi nito pinansin ang sinabi ko at bigla nalang nyang hinablot ang kanang kamay ko at Tinitigan ako ng seryoso sa mata

"Who are you Leir Mia Fenis?"