webnovel

Rainbow Heart Series #1 : Wanted Gay Boyfriend

Rainbow Heart Series #1 : Wanted Gay Boyfriend A woman with the highest degree of honor and pride would not allow a man with no dreams to ruin her wonderful life. She oath to show him what he had wasted, but she requires the assistance of a gay boyfriend in this battle. She has to prevail! But the question is, will she be able to choose the right one? Rainbow Heart Series #2 : Keeping The Ex-Gay

eommamia · LGBT+
Peringkat tidak cukup
16 Chs

RHS 1 (WGB) : CHAPTER 8 - HIS PROMISE

CHAPTER 8

FREIYA'S POV

Bakit kaya nandito ang hinayupak na ito at may bitbit pang bulaklak? Akala niya ba ay may lamay rito? O baka advance lang talaga siyang mag-isip dahil alam niyang paglalamayan siya ngayon dahil sa pagpunta niya rito? Matalino rin pala ang jutay.

"Freiya, Hon," aniya sabay hawak  sa kamay ko. Iyong tila ba para talaga siyang nananabik na makita ako muli.

Shuta, inalis ko nga agad. Anong akala niya nasa drama kami para ipakita niya iyang acting skill niya? Ulol!

"Freiya, tayo na lang ulit," pagmamakaawa pa niya.

"Bakit? Na-realize mo na mukhang mambabarang 'yong pinalit mo sa'kin?" mataray kong tanong.

"Oo," diretso niyang sagot na agad kong ikinagulat, at pati na rin pala ang mga vakla ay gulat na gulat din. "And I've also realized that I still love you, Hon, at mahal mo rin ako. Magsimula tayo ulit," dagdag pa niya.

Tinaasan ko siya ng kilay at kitang-kita naman ang pagkagulat sa mukha niya. Hindi niya ito ini-expect for sure. Ang buong akala niya ay mababaliw ako sa mga sinasabi niya.

G*go? Naging bobo na ako ng dalawang taon, tapos magpapakabobo ako ulit? Ay, anak ng tokwa!

"Two weeks mahigit pa nang maghiwalay tayo, Copper, pero dalawang taon mo 'kong gin*go! Akala mo ba hindi ko alam na kabet mo lang ako? Itong ganda ko ginawa mo lang kabet? Shuta!"

Tumigil ako sa pagsasalita at agad na hinarangan ang tatlong vakla nang muntik na nilang sugurin si Copper. Muli ko ring ibinalik ang atensyon ko sa kanya at mariin ko siyang tinitigan.

"Akala mo talaga kung sino ka, 'no? Akala mo kung sino ka para ipagsabay-sabay kaming apat. Akala mo ang laki ng bayag mo, eh mas malaki pa ang kay Cheska. G*go!" galit kong sabi sa kanya.

Punong-puno talaga ako ng galit sa lalaking ito. Mabuti na lang at nandito ang ex niyang bakla kagabi kaya nalaman ko na hindi pala ako ang una niyang shota sa loob ng dalawang taon, pangalawa lang ako sa apat na pinagsabay-sabay niya. Dalawa kaming bakla at dalawang babae. Shuta talaga, shuta! Kung alam ko lang edi sana matagal ko nang pinutol ang dalawa niyang ulo!

"Sorry, Freiya, sorry, pero sa apat na 'yon ikaw ang pinakamahal ko," aniya habang pilit na inaabot ang kamay ko, pero syempre, nilalayo ko agad. Ayokong nadudumihan ang pretty hands ko.

"Potek! Kainin mo 'yang pagmamahal mo dahil wala akong pake!" sigaw ko sa kanya at saka ko itinuro ang pintuan. "Umalis ka na kung ayaw mong paglamayan ka ngayon," mahinahon ko ng sabi.

Kung ipipilit niya pa rin ang walang kwenta niyang rason kung bakit siya nandito ay talagang hahayaan ko na siyang bugbugin ng tatlong baklang ito na kanina pa siya gustong ambahan ng suntok. Babakla-bakla lang ang mga ito, pero kaya nilang patirahin ang isang tao sa sementeryo habambuhay. Dati kaya silang mga gangster na tambay sa kanto.

"Freiya." / "Freiya!" Dalawa silang sabay na tinawag ang pangalan ko, pero mas nangibabaw ang boses ni Corazon. Shuta des, anong ginagawa ng pechay na ito rito?

"Cora?" Nakakunot ang noo ni Copper nang tawagin niya si Corazon. Mukhang magkakilala sila base na rin sa titig sa kanya ni Missy. "Anong ginagawa mo rito?" Aba, naunahan niya pa akong magtanong.

"Ahhh..." Tumingin siya sa akin na para bang nagdadalawang-isip siya sa kung ano ang isasagot niya, "I am visiting a friend, si Freiya," aniya at bahagya akong napangiti. Matalino nga talaga ang bruhildang ito. "Ikaw, what are you doing here?" tanong niya, pero ang mga mata niya ay nakatitig sa bulaklak na dala ni Copper.

"Ex ko si Freiya." Kunwari ay nagulat pa ang pechay, pero mukhang alam niya na naman. "Gusto kong makipagbalikan sa kanya, pero ayaw niya na," malungkot pang sambit ng baliw.

Tss! Sinong bobo ang maniniwala sa pa-awa-awa niya ngayon? Wala!

"Cora, sa'yo na lang tutal mahilig ka rin sa yellow roses." Agad nga niya iyong ibinigay kay Corazon saka siya tuluyang umalis. Mabuti na rin at naisipan niyang umalis baka kasi sa ospital ang uwi niya kung nanatili pa siya rito.

"Bet mo rin pala ang yellow roses?" tanong ko sa kanya nang mahuli ko siyang pasekretong inaamoy ang rosas.

"Oo, gusto mo rin? What a coincidence, right?" nakangiting aniya. Bigla niya iyong inabot sa akin, pero agad kong itinulak pabalik sa kanya. "What? Para sa'yo naman to, 'di ba?" kunot-noong tanong niya.

Inabot ko ang dalawang upuan at ibinigay ang isa sa kanya. Nandito kami sa harapan ng stage dahil hindi pa totally nalilinis ang bahay. Wala kaming ibang mapipwestuhan.

"Iyo na, kaya kong bumili ng para sa'kin," sabi ko.

"Mas lalong kaya kong bumili ng para sa'kin," sagot naman niya.

"Akin na lang," nakangiting sabat ni Cindy, pero agad ko siyang pinandilatan ng mga mata kaya biglang naging pilit ang ipinakita niyang ngiti. "Sabi ko, anong gusto mo, Madame? Tubig, juice, kape, wine, o lahat? Meron kami, hehe," aniya.

"Cora," simpleng sagot niya na ikinagulat agad ni Cindy. Isa pa itong baklang ito, minsan bobo rin, for sure, iba ang pagkakaintindi niyan.

"Ha? Bagong inumin?" tanong pa niya. See? Graduate pa iyan ng Bachelor of Secondary Education major in Science, pero mahina ang understanding. Jusko!

"I mean, Cora, you can call me Cora. And, I only need some water," nakangiti namang sabi ni Corazon. Good mood yata si Madame ngayon at hindi pinagalitan ang Cindy.

Eh, hindi ba nga nangalap na kami ng impormasyon sa mga trabahante niya at sabi nga nila konting maling sagot, napapagalitan niya na. Worse? Tanggal agad. Haay, kawawa naman.

Kaya nga kanina, pasimple kong sinabi na maging mabait siya para mas lalong gumanda, pero sinabi ko lang talaga iyon para wala siyang matanggal na empleyado kahit isang araw lang.

"Ba't ka nga pala nandito?" tanong ko. Alam ko naman kasing hindi ang bisitahin ako ang ipinunta niya rito. Kanina, pagdating niya ay hindi ma-i-guhit ang kanyang itsura kaya alam kong mas malala ang rason kung bakit siya nandito. 

"Ahh, I was scared," sagot naman niya at agad napatingin sa kung saan.

"Takot, saan?" Shuta, kaya siya nandito dahil natatakot siya? Ano ba itong bahay namin simbahan? Safest place? Homaygash!

"Kanina, bago natapos 'yong tawag, narinig ko na sinabi ng isa sa mga kasama mo na nandito 'yong ex mo at may bitbit pang bulaklak. Natakot ako na maging marupok ka at makipagbalikan sa kanya." Hindi ko napigilang hindi matawa sa paliwanag niya. Akalain mong naisip niya na baka marupok ako. Shuta! Minsan lang naman.

"Tubig mo pala." Inabot naman agad iyon ni Corazon mula kay Cindy at parang uhaw-uhaw niya iyong ininom.

"At natatakot ka rin na baka wala kang makasama mamaya, tama?" nakangisi kong tanong at walang pag-alinlangang tumango ang pechay. "Jusko, Missy, hindi 'yan mangyayari, pinili kita," sinserong sabi ko na agad niyang ikinangiti. "Joke, ang laki naman agad ng ngiti mo."

Nabura ang ngiti sa labi niya at kung makatingin siya ay parang pinapatay niya na ako sa kanyang isipan.

"Pero seryoso, pinili ko 'yong sarili ko. Kapag nakipagbalikan ako sa depungal na lalaking 'yon na nakalimutan kung saan niya nailagay ang kanyang itlog ay 'di ako sasaya," nakangiti kong sambit.

"Yeah, you wouldn't really be happy," sabi niya na naging dahilan kung bakit bigla akong naging interesado para makinig pa. "Copper made no different with his cousin, Silver, my sh*t ex-boyfriend..."

Ahhh, kaya pala magkakilala sila. Tama nga siya, pareho sila ng pinsan niya na manloloko! Mga walang bayag! Hayop! 

"Hindi ko inaakala na isa ka pala sa apat na taong pinagsabay-sabay niya," dagdag pa ni Corazon at pilit na ngiti ang isinukli ko. "Grabe may sayad yata ang lalaking 'yon. Mayaman naman siya, kaya for sure, hindi pera ang kailangan niya. What do you think Copper needs? Love or lust?" 

"Both at pati na rin atensyon," sagot ko naman. "Wala rito ang mga magulang niya, nasa ibang bansa at makakapunta lang siya ro'n kung aayusin niya ang buhay niya, pero anong nangyari? Mas lalong naging magulo ang buhay niya dahil wala siyang pamilya na mag-aalaga at tututok sa kanya."

Matagal ko ng alam na hindi matinong tao si Copper, pero nahulog pa rin ako sa kanya. Pinaramdam niya kasi sa akin na mahal na mahal niya ako at pinuno niya ng saya ang buong dalawang taon naming pagsasama, kaya nga hindi ko namalayang niloloko niya pala ako. Hinayupak talaga!

"Corazon?" Tinawag ko siya na busy sa pag-amoy-amoy ng rosas. Bet na bet talaga.

"Hmm?" aniya na hindi man lang inalis saglit ang atensyon sa bulaklak. Mamaya ay baka itabi niya rin iyan sa pagtulog. Jusko.

"Pumirma ako sa kontrata, kaya wala kang dapat ipagalala." At sa wakas ay nakuha ko rin ang atensyon niya. Diretso lang ang tingin niya sa akin habang seryosong hinihintay ang sunod kong sasabihin. "Pinapangako ko sa'yo na hangga't hindi nangyayari 'yong plano mo, hindi ka mawawalan ng gay boyfriend," puno ng sinseridad kong sabi.

"Ay, shuta!" Napatingin ako agad kay Mona at... nandiyan lang pala sila sa gilid, nakatingin sa amin habang chumichibog ng popcorn.

Mga walanghiya, movie marathon? Kaloka!