webnovel

QUEST FOR GENUINE HAPPINESS || Slam Dunk Fanfiction

Copyright 2023 (Webnovel Version) by HETEROhybrid All Rights Reserved. This is a work of fiction. The following details in this story was based on the author's discretion about names, places, and events. Any resemblance to actual people or settings were just purely coincidence. The plot itself should not be associated with any forms of duplication by any means through electronic or mechanical methods without the author's prior approval to do so. Disclaimer also that Slam Dunk series belongs to Mr. Takehiko Inoue.

HETEROhybrid · Realistis
Peringkat tidak cukup
101 Chs

8.4 Payback Revenge

December 29, XXXX

Dear Eiji,

I'm sorry for being rude to you last time. I know it's really unforgivable for what stupidity I've done for you but will you meet me at our special place within the area of Time Square? I can't wait for you to spend a great New Year with me at the casino. This will be my treat and I hope you could pay me a visit.

Sincerely yours,

Asher Martinez.

Kaya pa nga bang gabayan ang taong naliligaw ng direksyon kung sarili niya mismo ang puno't dulo ng kanyang pagdurusa? Riots are partly expected whenever an adult stuff like a casino is included in the talks of the town.

Pagkababa pa lang nina Eiji at Michael sa kanilang sasakyan ay tahasan ng binalaan ni Eiji ang kasama tungkol sa tropa niyang tinuring din niya na parang kapatid.

"Ang mabuti pa siguro tumawag ka na din ng pulis." Bilin ni Eiji kay Michael habang kinakalkal niya ang glove compartment ng kotse.

"Te-teka lang. Ano ba yung kanina mo pang hinahanap diyan?" Naglalarong tanong ni Michael sa kanya at tila tumigil ang kabog ng dibdib niya noong inaayos mismo ni Eiji ang handgun sa harapan nito at kinakargahan ng bala.

"Patawarin sana ako kung sakaling magamit ko ito sa kanya ng wala sa oras. Nag-iingat lang naman ako dahil baka madatnan mo na lang akong nakalambitin ng patiwarik sa labas kung hindi ko paghahandaan ang lalaking iyon." Seryosong sabi ni Eiji at tila hindi makapaniwala si Michael sa panganib na pwedeng gawin sa kanila ng kanyang kaibigan.

Napabuntong hininga na lamang si Michael dahil batid nitong hindi niya mapipigilan ang kaibigan sa kanyang balak. "Hindi ko alam kung paano mo nakasundo ang ganyang klaseng tao pero wala akong pananagutan sa'yo kung may mangyari mang masama sayo doon sa loob ah?! Mag-ingat ka bro." Kinakabahan ang tono ni Michael para sa kaligtasan ni Eiji.

"Huwag kang masyadong praning. Naniniwala pa naman ako na kaya niyang sikmurain ang lahat ng mga sasabihin ko sa kanya. Hindi kasi nagawa ng kapatid niya na kontrolin ang masamang ugali ni Asher at naging pabaya din ako sa kanya bilang kaibigan kaya wish me luck na lang." Ngiting sabi ni Eiji bago siya sumugod mag-isa sa casino.

Napakapilyo man ang tono ni Eiji sa mga pagkakataong iyon subalit hindi pa rin mapakali si Michael sa binabalak niya. Pagkalampas ni Eiji sa security check ay agad tumawag sa 911 si Michael para hingan ng tulong ang emergency situation nila sa pagneutralize sa galaw ni Asher sakali mang magwala ito sa muli nilang paghaharap ni Eiji.

Bukod kay Jester ay walang sinuman sa kamag-anak o kaibigan ni Asher ang nakakaalam sa sikreto nito maliban na lamang kay Eiji na halos di maipinta ang mukha ngayon na papunta sa lungga ni Asher.

As the door of gamble world opens ay bumungad kay Eiji ang nakakabinging ingay mula sa mechanic sound ng roleta gayon rin ang mapusok na pananalita mula sa iba't ibang grupo ng mga nagsusugal sa ngalan ng pera.

"Come on. Just let me win for once you dimwit!" Sigaw ng isang lalaki sa casino roulette at tila balisa ito sa kanyang kinatatayuan habang hinihintay nitong matapat ang metal ball sa numerong tinayaan niya.

He set his own several five hundred dollar chips on both inside and outside bets kung saan sakop nito ang halos lahat ng numerong pwedeng matamaan niya as jackpot. "Gahaman talaga iyon. Imposible pang umuwi iyon na walang bitbit na milyones sa bahay niya." Nagugulumihanan si Eiji sa kanyang sarili habang pinagmamasdan ang kinahuhumalingan ng iba.

Sa kabilang dako naman ay ang mga atat mandaya sa poker. Tila may sariling cheering squad ang bawat manlalaro sa likod nila. "Mga tagasulsol naman ang mga bwisit na iyon. Lahat halos sila ay tinitignan ang hawak na cards ng bawat player at saka nila ipapaalam indirectly sa kasabwat nila kung sino ang maaaring maging liyamado sa set of cards na hawak ng iba oras na ipakita na nila ang mga alas nila." Bulong pa ni Eiji sa kanyang sarili habang hinahanap niya ang pachinko na madalas nilang nilalaro noon ni Asher sa online arcade.

Hindi rin nagtagal ay nakita na rin sa wakas ang taong hinahanap ni Eiji sa ikalawang palapag kung saan madalas naka set-up ang mala arcade nitong disenyo ng kwarto. "What kind of delusions are you trying to fabricate? Jester wants to break up with me because of you." Naiinis na sabi ng girlfriend ni Jester na kasama ngayon ni Asher.

"May I remind you also that you've started this mess to yourself. I can't simply help you with your finances without anything in return. You agree to hook up with others for your own benefit so what's this commotion all about?" Asher said to her reluctantly.

"Then where's my last dime? Pay me this instant because I need my money from you extorting myself with others." She demand him to pay her last income dahil nagbabalak na siyang takasan ang masalimuot niyang kalagayan sa kamay ni Asher.

Asher almost gave in when he suddenly realized something. He grabbed her arm and held her tight for a second. "Do you really think that I'll let you go easily? I must tell you frankly, there's no turning back when you immerse yourself in the adult entertainment world. Your whole being was being cursed the moment your name is written in history doing such a lascivious act online." He whispered in her ears which almost gave her shivers down on her spine.

"I know I've been selfish in our relationship with your brother. I definitely love him but my urge for money made me desperate to have to deal with you..."

"Iyon naman pala, so don't give me your damn excuses and get back to work." Asher said to her in reply at nagawa niya pang itulak ang dalaga malapit sa hagdanan.

"Asher!" Tawag ni Eiji sa kanya at nagmadaling habulin ito patungo sa kwarto na pinagtatambayan niya noon.

It's takes a lot of courage para masabi ni Eiji sa kanyang sarili na iyon na ang huling pag-uusap nilang dalawa ni Asher bilang magkaibigan dahil na rin sa nasaksihan niyang pagbabago sa pakikitungo ni Asher lalo na sa mga babae. The evidences were too much unexpected and laid simple sapagkat halata sa itsura ng girlfriend ni Jester ang abusadong trato ni Asher sa kanya.

"Oh, It's nice to see you here Eiji. Did I made you feel worried?" Pilyong tanong ni Asher at tila sinasabayan pa niya iyon ng paghithit ng yosi. Samantala ang girlfriend naman niyang kasama ay halos namanhid na sa mga pasang natamo niya.

"Hindi mo man lang ba tutulungan ang kasama mo?" Nag-aalala na sabi ni Eiji at pilit na nagpipigil ng inis sa kanya dahil mukhang sapilitan niya itong ginalaw ng walang pahintulot ng babae since her clothes were slightly revealing for Eiji's sense of fashion for women.

The dignity at sake was already exploited because of Asher's behavior towards the lady. This also made Eiji feel disgusted gayong bumabalik na naman sa kanyang alaala ang nangyaring kabulastugan sa kanya at that grieving night.

"Siya ba?" Paglilinaw muli ni Asher while looking at her. "Tsk! Why do you always need to bother about small details? That girl is nothing for me but a mere nuisance." Deretsahang sabi ni Asher na tila ikinagalit ng kalooban ng babae. Her eyes twitched at mukhang nainsulto ng matinding ang babae sa narinig.

"So that's your perception about me?! How pathetic of you! I literally sell my dignity as a woman just to satisfy you but nevermind. I'm done with all of you, Martinez." Masyadong nakakapukaw ng atensyon ang boses ng babae kung kaya't hindi rin nagpatinag si Asher na patulan ang nasabing dalaga.

"You know, in spite of your ungratefulness, I made sure that you can stay inside my room, providing you comfort in times when that stupid Jester can't do it himself for you. Well, if that's how you're gonna treat my time and effort, then maybe it's much better for you to be rotten in soil already." Seryosong pagbabanta ni Asher sa babae at bigla na lang siya iniwan matapos niyang mapakinabangan ng husto.

"So what are we waiting for? Come on and I promise that I'll play you harder this time, Eiji." Paanyaya ni Asher at nanlilisik ang mata ng binata at kahit gaano pa gustong tulungan ni Eiji ang babaeng kasama ni Asher ay sadyang nagmamatigas rin siya at nagpapanggap na ayos pa rin ang nangyayari sa kanya.

Lumipas ang ilang minuto at umupo na si Eiji sa isa sa mga pachinko set samantala ay tila nawawala na sa katinuan ang pag-iisip ni Asher dahil sa nalalanghap nito na masamang hangin.

"Alam mo pa ba sa sarili mo kung ano ang ginagawa mo Asher?" Seryosong tanong ni Eiji habang nangongolekta na siya ng metal balls mula sa machine na tatayaan niya.

"What do you mean by that? Una sa lahat, wala naman akong ginagawang masama. I helped her pay her bills by working for me as my servant." At sa mga pagkakataong iyon ay hindi na nagdalawang isip pa si Eiji na ilabas ang kanyang sama ng loob sa binata.

"Talaga lang hah?! Is she just a maid or is there something fishy you've been doing with her?" Eiji tries to calm down a bit pero hindi rin niya macontrol ang bugso ng kanyang damdamin sa natuklasan niya.

Asher smirked at him. "It looks like bitin ka pa sa nangyari sa'yo noong gabing iyon. Gusto mo bang ituloy ang part 2 ng sarili mong pelikula?" Tanong ni Asher na mas lalong nagpainit ng ulo ni Eiji. He grabbed his collar na para bang nasasakal na si Asher sa sobrang galit ni Eiji sa kanya.

"Lilinawin ko lang sa'yo na pinilit mo ako sa sitwasyong iyon! Ang kapal din ng mukha mo para sabihin sa akin na wala kang ginagawang masama. Eh ano yung tawag kapag nangunguha ka ng pera na hindi naman sa'yo o kaya iyong pagmamaltrato ng grupo mo sa akin nung isang gabi?! Mabuting asal ba iyong ganun? O paano naman iyong pananakit sa mga taong inosente na wala namang intensyong masama sa'yo bagkus eh gusto ka pang tulungang magbagong buhay? Kabutihan ba talaga para sa'yo ang makasakit sa iba?" Gigil na gigil si Eiji habang pinagsasalitaan niya si Asher ng real talk.

Pero sa kabilang banda naman, kahit gaano pa man naiinis sa kanya si Eiji ay parang wala lang kay Asher ang mga salitang walang puwang sa pandinig niya. "Pinaghandaan mo talaga ako. Kung binabalak mo akong patayin, gawin mo na. I dare you bro." Nanghahamong sabi ni Asher nang makita niya sa tagiliran ni Eiji ang baril na dala nito.

Tinigilan na rin ni Eiji ang pananakal sa taong kaharap niya. "Hindi ako magpapakulong para lang sa'yo. Totoo nga na never sumagi sa isip mo na ituring ako bilang tao dahil ginagamit mo lang ako." Nalulungkot na sabi ni Eiji para sa kanyang sarili.

"Duwag ka pala eh!" Natatawang sambit ni Asher. Dagdag pa niya, "Ang problema kasi sa'yo eh masyado kang nakikisawsaw sa buhay ko. Tigilan mo na ang kaartehan mo at saka mo na ako yabangan kapag nanalo ka na sa akin." Pang-insultong muli niya sa presensya ni Eiji at napayukom na lang ang kanyang kamao sa pagpipigil ng galit sa kanyang kasama.