webnovel

Pusong Nahulog sa Tulay (Pinoy BL)

Marami na ang nahuhulog mula sa tulay, sinasadya man o bunga lang ng katangahan, ito ay isang nakababahalang pangyayari. Pero paano naman kung mahulog ka para sa isang taong naging tulay mo sa pag-ibig? Masama bang mahulog para sa lalaking laging tumutulong sa'yo para makipag-ugnayan sa iba? Masama bang ma-fall sa taong nag-eeffort para tulungan ka? Masama nga ba? ~~~~~~~~~~~ There are scenes in this story that contains acts that may interfere with your beliefs, ideas, and/or opinions about such topics, Reader's Discretion Advised. "This is a work of fiction. Names, characters, places and incidents either are products of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual events or locales or persons, living or dead, is entirely coincidental." Enjoy.

sajuficnlit · LGBT+
Peringkat tidak cukup
38 Chs

The Truth Unfolds III

♦♦♦♦♦♦♦♦♦

Kevin's POV

"Hindi ba dapat si Brix ang magsasabi non kay James mismo?" Sabi ni Greg.

"Greg's right, we should stay out of it. Tell her not to tell James about it and let her brother do that!" Sabi naman ni Julia.

"Kahit anong sabihin natin ngayon, it might be a little too late na?" Iniharap n'ya sa amin ang screen ng kan'yang iPhone.

Nagtaka at nagtanong si Julia, "what exactly are you trying to show us?"

Itinuro ni Alice kay Julia ang gusto n'yang ipakita sa amin, "bitch, try looking at the time! She sent that message more than thirty minutes ago!"

Napaiyak si Alice, "oh my god! Baka kung ano nang nangyari! Baka James got sick when he heard it and he felt nauseous and threw up in front of her. We're here enjoying life while our friend, Brie is covered in vomit! What a bad friend we are, Julia!"

Exaggerated naman masyado 'yung sinabi ni Alice.

Umiyak na rin si Julia, "or hindi kaya nag-breakdown si James nang malaman n'ya 'yon from Brie and he immediately left Starbucks but as soon as when sinundan s'ya ni Brie, he was hit by a truck or bus! Maybe Brie took him to the hospital but all possible ways to revive his lifeless body failed and now he's in the morgue! Oh my gosh, what are we going to do!"

Pero mas exaggerated at slightly morbid naman 'yung sinabi ni Julia, not to mention, over na.

Sinubukan ni Greg na patahanin silang mga babae, "magsitigil nga kayo! Parang mahirap mangyari sa totoong buhay 'yung mga pinagsasabi n'yo eh! Ang pinakamagandang gawin natin is tawagan s'ya!"

Naglabas ng tissue sa bag si Alice at binigyan rin si Julia.

Habang ako, tahimik dito at hindi pa rin nagsi-sink in ang mga sinabi nila kanina. Sa sinabi nila tungkol sa nararamdaman ni Brix para kay James.

♦♦♦♦♦♦♦♦♦

James's POV

"Ano na, Brie? Sasabihin mo pa rin ba?" Hinawakan ko ang nanginginig na kamay ni Brie at nakaramdam ako ng takot, malamang ito rin ang nararamdaman n'ya kaya 'di n'ya magawang sabihin ang gusto n'yang sabihin.

Tumigil sa panginginig si Brie.

She sighed and started to talk, "Last time na nagkita kayo was back at Alice's house, right? When you opened a door to my lasing na kuya?"

Tumango lang ako.

Nagpatuloy s'ya sa pagkukwento, "he was drunk because he just broke up with someone really special to him. He broke up with his jowa, I think matagal na silang mag-on? I'm not sure kung may isang taon na ba or more or ilang months na silang mag-on." Uminom muna s'ya bago nagpatuloy.

"Okay, sige. Commercial break muna." Uminom na rin muna ako.

Packing tape, nawindang ako sa ginawa ni Brie. Tinanggal n'ya ang cap ng baso n'ya at tinungga ang kapeng inorder n'ya!

"Okay, that's a good one and a good way to boost your confidence." Sabi ko at uminom ulit.

Itinuloy na ni Brie ang kan'yang pagkukwento, "so 'yon na nga, he broke up with his long-time boyfriend."

Naibuga ko ang iniinom kong kape, buti na lang at hindi kay Brie. Tumingin ako sa kan'ya, gulat na gulat ako sa sinabi n'ya. Tinanong ko s'ya para maging klaro, "boyfriend?"

Tumango s'ya, "yes, you heard it right! Boyfriend!"

Hindi naman ako na-shock or napaisip sa sinabi ni Brie tungkol sa kan'yang kapatid. In my own opinion, we are free to love and be loved by anyone regardless of sex, race and form. 'Wag lang age, I don't believe in age does not matter no! Medyo may pagka-child abuse naman isipin at tingnan kung ang isang menor de edad ay may karelasyon na kung hindi mas matanda ay kasingtanda na ng mga parents n'ya.

"Do you have any problem with that, James?" Tanong ni Brie.

Ngumiti lang ako sa kan'ya at sinagot ang kan'yang katanungan, "wala, Brie. I am definitely fine with all kinds of people. I am not bothered in any way."

Ngumiti rin s'ya, "that's good to hear. Wala naman palang magiging problema masyado, I guess?"

What the fuq?

Bigla naman akong nakaramdam ng kaba nang sabihin ni Brie ang mga 'yon.

Parang may gusto s'yang ipahiwatig kaso hindi ko naman matiyak kung ano 'yon.

Hindi kaya?

Baka naman?

Siguro nga?

Pero bakit naman?

Punung-puno ng mga matatalinghagang katanungan ang aking isipan. Ngayon ay tahimik lang sa kan'yang pag-inom ng kape si Brie habang ako'y hindi mapakali sa kaiisip.

Ayokong mag-connect the dots, pero ayoko rin namang magtanong kung tama ang naiisip ko. Baka kasi mali ang conclusion ko, lalabas pa na assuming ako.

Napansin siguro ni Brie na hindi ako matigil sa kinauupuan ko kaya't nagtanong s'ya, "masama ba pakiramdam mo? Do you need to go to the restroom?"

Sinagot ko s'ya, "no, I am fine, Brie. Tell me, sino ba 'yung boyfriend na nakipaghiwalay sa kuya mo?"

"It is not the past which is important right now. In fact," tumingin s'ya sa akin at ibinaba ang iniinom na kape, "it is the person na gusto n'ya ngayon ang mas pagtuunan mo ng curiosity."

Shet, ba't 'di mo nalang sabihin ng diretsahan?

"Enough with all the fillers in stories, tell me. Tell me, kung sino 'yung tinutukoy mo." Inilayo ko sa kan'ya ang iniinom n'yang kape.

"James, I'm sorry kung nagpaliguy-ligoy pa ako bago ko sabihin 'to. Bago ko sabihing ikaw ang nagugustuhan ng kuya ko ngayon. Hindi ko kasi alam kung paano sasabihin at hindi ko alam kung paano mo iha-handle this fact once na malaman mo na s'ya." Kinuha n'ya ang kan'yang kape, "I hope you will forgive me for making your brain think a lot and probably too much."

Siomai na may toyo, tama nga ang iniisip ko kanina...

May gusto sa akin ang kuya ni Brie!

Paano 'to?

Paano ko nga ba tatanggapin ang nalalaman ko na 'to?

♦♦♦♦♦♦♦♦♦