webnovel

Pusong Nahulog sa Tulay (Pinoy BL)

Marami na ang nahuhulog mula sa tulay, sinasadya man o bunga lang ng katangahan, ito ay isang nakababahalang pangyayari. Pero paano naman kung mahulog ka para sa isang taong naging tulay mo sa pag-ibig? Masama bang mahulog para sa lalaking laging tumutulong sa'yo para makipag-ugnayan sa iba? Masama bang ma-fall sa taong nag-eeffort para tulungan ka? Masama nga ba? ~~~~~~~~~~~ There are scenes in this story that contains acts that may interfere with your beliefs, ideas, and/or opinions about such topics, Reader's Discretion Advised. "This is a work of fiction. Names, characters, places and incidents either are products of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual events or locales or persons, living or dead, is entirely coincidental." Enjoy.

sajuficnlit · LGBT+
Peringkat tidak cukup
38 Chs

Nurse Joy

♦♦♦♦♦♦♦♦♦

James's POV

Lumipas ang ilang araw na hindi ko pinapansin si Kevin. Mas maayos na 'yon, para mas rumami 'yung oras n'ya para sa panliligaw kay Julia. Malaki naman na ang naitulong ko sa kan'ya kaya hindi na n'ya ako kailangan. Magaling s'ya eh-

⚽😵💫

Aray! Tinamaan ako sa ulo ng isang soccer ball kaya natumba ako sa sahig at nahulog ang mga dala kong libro. Nabasag rin ang lens ng aking eyeglasses. Shet, at least buhay pa ako...

"I'm so sorry, are you alright?" Isang lalaki ang tumulong sa aking makatayo. Tinanggal ko na ang salamin ko dahil wala nang pakinabang. "Sorry talaga, 'di ko sinasadya."

Hindi gumagana utak ko ngayon... naalog yata ng sobra-sobra! Paano na ang talino ko?! Baka magka-amnesia ako! Nakita kong lumuhod s'ya at pinulot ang mga gamit kong nasa sahig. Pipigilan ko sana s'ya pero nanghina ako at bumagsak sa harap n'ya.

🎆 K.O. 🎆

♦♦♦♦♦♦♦♦♦

Nagising ako sa isang kwartong maputi at nakahiga ako sa medical bed. Hahahaha, hindi ako magtatanong kung nasa langit na ba ako o patay na ba ako, kasi nararamdaman ko pa ang sakit ng ulo ko.

Tumingin ako sa kapaligiran, mag-isa lang pala ako sa kwarto na to. Tumingin ako sa may bintana at nakitang madilim sa labas, gabi na pala. Gaano katagal na kaya akong naandito?

Sa tabi ng aking hinihigaan ay may isang table, may pagkain don, para sa akin siguro. Pero imbis na kumain ay tumayo ako at kinuha ang mga gamit ko na nakapatong rin sa lamesang iyon. Medyo okay naman na ako, titiisin ko nalang 'yung pagpintig ng ulo ko.

Pagbukas ko ng pintuan, biglang namatay ang mga ilaw.

Kinuha ko ang cellphone ko para buksan ang flashlight nito. Dapat may sariling generator ang ospital na 'to! Bakit wala!

Lumabas na ako mula sa aking kwarto at naglakad sa napakadilim na hallway. Napakatahimik naman sa lugar na 'to? Wala na bang ibang tao dito, kung meron bakit hindi sila magsilabas at magtanong bakit walang kuryente? Pero bakit wala ring mga staff or personnel sa paligid?

Pinagpapawisan na ako dahil sa halong kaba at takot.

Nanatiling tahimik hanggang sa mapadaan ako sa isang pintuan, may isang babaeng sumigaw ng napakalakas!

"DARNA!!!!"

Napaiwas ako sa pintuang 'yon at nabangga ako sa pader. Ngayon ko lang napansin na ang bawat pinto ng kwarto ay may isang kwadradong salamin sa bahaging itaas. Sinilip ko ang kwarto ng babaeng sumigaw ng "Darna."

Isang lalaki pala ang laman ng kwarto at ang suot n'ya ay isang straitjacket.

Dafuq? Nasa isang mental institution ba ako?

Sumigaw ulit ang lalaki, "Ding, ang bato!" Tumingin ito sa akin kaya napaatras ako.

"MY PRECIOUS!" Rinig kong sabi ng babaeng nasa likuran ko. Buti nalang nasa loob rin s'ya ng kan'yang kwarto.

"Buksan mo ang pinto, Ding! Ibigay mo sa akin ang bato!" Utos ng lalaki sa akin.

Tinitigan ko lang s'ya.

Teka, 'di naman naka-lock 'yung pinto ng kwarto ko ah... Posible kayang hindi rin naka-lock ang mga kwarto nila?

"DING! SINABI NANG BUKSAN MO 'TO! KAILANGAN KO ANG BATO!"

Tumakbo ako pabalik ng kwarto ko, napatigil ako dahil narinig kong bumubukas ang pinto ng kwarto ko.

Lumakas at bumilis ang tibok ng puso ko at feeling ko matutulad na ako sa mga taong nakita ko kanina at mapapasigaw ng Darna bago mahimatay. Kinuha ko ang cutter mula sa aking bag at inilabas ang patalim nito. Handa ako sa kung sinong baliw ang lalabas mula sa kwarto ko.

Lumabas ang isang lalaki mula sa kwarto, sinugod ko s'ya. Ngunit martial artist yata s'ya kaya natapik n'ya ang cutter at nahulog ito mula sa pagkakahawak ko.

Pinigilan n'ya ang pareho kong kamay na sana'y patatamain ko sa kan'ya.

"Kalma ka lang, ako 'to. 'Yung nakatama sa'yo at nagdala sa'yo dito." Sabi n'ya.

"Tingin mo ba sa akin ay baliw? Bakit dito mo ako dinala?" Tanong ko sa kan'ya.

"Ako nga pala si Oxford. Sorry nga pala ulit sa nangyari, tyaka sorry sa ngayon kung natakot ka."

"Kamuntik-muntikanan na akong mabaliw sa takot dahil nawalan ng kuryente tapos nakakita pa ako ng mga pasyenteng naka-straitjacket!"

"Sorry talaga, kasi dito lang may unoccupied room, sa wing na 'to mismo. Tara na, ilalabas na kita."

♦♦♦♦♦♦♦♦♦

"Dito kita dinala kasi sa amin ang ospital na ito." Sabi ni Oxford. "Dun lang naman sa mental institution pinapatay ang ilaw sa gabi para makatulog ang mga pasyente."

"Ganun ba?"

"Wala kang babayaran, ako na ang bahala. Sorry talaga ha?"

"Hindi pwede! Kaya ko naman magbayad." Binuksan ko ang bag ko para kuhanin ang wallet ko, ngunit inagaw n'ya ito mula sa akin.

"No need, James. Take it as my apology, tyaka my family owns this hospital kaya you do not need to worry."

"Ah, okay..."

Napakayaman naman ng pamilya nila, may sariling ospital! Malaki ang ospital na 'to, parang government nga ang may-ari dahil state-of-the-art ang mga equipments nila!

Sandali lang nga...

"Teka lang, paano mo nalaman na James ang pangalan ko?" Tinanong ko s'ya.

"May ID naman yata tayo kapag pumapasok, nakita ko lang naman." Sagot n'ya.

"Eh ikaw, hindi kita kilala! Magpakilala ka naman!"

"Ano ka ba naman! Pinakilala ko na ang sarili ko sa'yo kanina! Pero sige, I understand na may epekto pa rin ang pagkakatama sa ulo mo. I'm Oxford, nice meeting you." Inabot n'ya ang kan'yang right hand at nakipagkamay ako sa kan'ya.

"Sorry, nakalimutan ko. Ikaw naman kasi, tantyahin mo naman sipa mo sa bola. Be careful next time you play!"

"I'll take note of that. Anyways, I guess this is goodbye, let our receptionist send you off."

May nag-assist sa akin na kamukha ni Nurse Joy ng Pokémon. Pagkalabas ko ng exit ng ospital, bumati s'ya ng isang pamilyar na kataga.

"We hope to see you again!"

The fuck?!

♦♦♦♦♦♦♦♦♦