webnovel

Pusong Nahulog sa Tulay (Pinoy BL)

Marami na ang nahuhulog mula sa tulay, sinasadya man o bunga lang ng katangahan, ito ay isang nakababahalang pangyayari. Pero paano naman kung mahulog ka para sa isang taong naging tulay mo sa pag-ibig? Masama bang mahulog para sa lalaking laging tumutulong sa'yo para makipag-ugnayan sa iba? Masama bang ma-fall sa taong nag-eeffort para tulungan ka? Masama nga ba? ~~~~~~~~~~~ There are scenes in this story that contains acts that may interfere with your beliefs, ideas, and/or opinions about such topics, Reader's Discretion Advised. "This is a work of fiction. Names, characters, places and incidents either are products of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual events or locales or persons, living or dead, is entirely coincidental." Enjoy.

sajuficnlit · LGBT+
Peringkat tidak cukup
38 Chs

Nag-iwan ng Alaala

♦♦♦♦♦♦♦♦♦

James's POV

Hay, buti nalang mahimbing na mahimbing ang tulog ni Kevin kagabi at hindi talaga s'ya nagising nang buhatin namin s'ya papunta sa guest room ng bahay namin.

Sa sobrang himbing, hanggang ngayon, tulog pa rin! 10 AM na!

Nakapagluto na ako ng aamulsalin naming dalawa, s'yempre itlog at hotdog, napaka-cliché na breakfast.

Dahil mga ilang sandali nalang at titirik na ang mata ko sa gutom, pinuntahan ko na s'ya sa kwarto para gisingin. Nakahiga parin s'ya at nakapikit, tulog parin yata.

Kaso, parang may something na mali. Parang kakaiba 'yung breathing pattern n'ya. Parang hinihingal na malalim ang hinga. Tapos napansin ko na parang gumagalaw 'yung kumot n'ya.

Sana mali 'yung pumapasok sa isip ko ngayon!

Nagbati na ako ng itlog at naiprito ko na! Hindi na n'ya kailangang batihin 'yung kan'ya!

Dafuq talaga! Mahirap maglaba ng kumot, sapin ng kama, at punda ng mga unan!

Pero bakit nandito lang ako, nakatayo at pinanonood lang s'ya?!

Lumabas nalang ako ng guest room at binalikan ang hinain kong breakfast sa dining room.

Hinintay ko s'yang matapos para sabay nalang kaming kumain. At pagkababa n'ya dito sa dining room ay umupo s'ya sa tapat ko.

"Good morning, James." Bati n'ya sa akin.

"Kadiri ka! Ako naglalaba ng mga kumot, sapin, at punda na ginagamit sa pamamahay na 'to tapos babahiran mo lang ng DNA mo!"

"Bakit, DNA mo lang ba ang pwedeng iwan sa mga kama dito?" Tanong ni Kevin.

"May tissue naman kasing tinatawag, matagal nang panahon nang maimbento 'yon, 'di mo ba alam na mayroon naman sa headboard ng kama na ganoon, 'di ba?!"

"Eh, kasalanan mo kasi kaya nagkaganun!" Sabi n'ya.

"Anong ginawa ko?"

Kumuha s'ya ng dalawang itlog at isang hotdog mula sa serving plate na nasa gitna ng lamesa.

"Ang sarap mo kasi, eh! Nakaka-hard!"

Shet?!

"Ang sarap mo kasing magluto! 'Yung amoy ng luto mo nakaka-hard! Parang aphrodisiac!" Sabi n'ya.

Nakita ko kung anong ginawa n'ya sa dalawang itlog at isang hotdog na kakukuha lang n'ya. Napaka-immature talaga ng kaibigan kong 'to!

Binaliwala ko nalang 'yon at kumain nalang dahil gutom na talaga ako.

♦♦♦♦♦♦♦♦♦

Hinuhugasan ko na ang pinagkainan naming dalawa. Si Kevin ay nasa sala at nanonood sa TV.

Pagkatapos kong maghugas ay pumunta na ako sa sala at umupo sa isang sofa. Kinuha ko ang cellphone ko mula sa coffee table para mag-check ng notifications at messages.

"May nalaman ka na ba tungkol kay Julia?" Tanong sa akin ni Kevin.

"Wala pa, pero say no more, kay Brie ko malalaman lahat ng gusto mong malaman."

Niyakap n'ya ako ng napakahigpit. "Thank you talaga, James! Mapagkakatiwalaan ka talaga! I love you talaga, bro!"

"Tama na! Hindi na ako makahinga!"

Biglang nag-ring ang cellphone ko, si Brie ang tumatawag. Sinagot ko 'to, "Brie? Bakit ka napatawag?"

...

"Okay, sige, see you there!"

♦♦♦♦♦♦♦♦♦

Nakarating na ako sa Jollibee at umorder ng large fries at coke float, favourite ko kasi 'yung fries ng Jollibee. Sino naman ba ang hindi?

Ilang minuto lang pagkatapos kong umupo ay pumasok na so Brie at hinahanap ako. Kinawayan ko s'ya, ang kaso.

Makita n'ya kaya ako?

Naka-sunglasses kasi s'ya na sobrang itim ang shade, hindi naman kasi maliwanag ang sikat ng araw ngayon, in fact, makulimlim sa labas at parang kahit anong oras ay pwedeng bumuhos ang napakalakas na ulan.

Tumayo na ako sa kinauupuan ko at tinawag s'ya. "Brie!"

Narinig n'ya ako at pumunta sa pwesto ko. Hintak ko ang upuan at pinaupo s'ya, kasi gentleman ako.

"Thank you, James."

Umupo na ulit ako sa pwesto ko. "Want some fries? Kuha ka."

"Salamat ha, hindi pa kasi ako kumakain since yesterday night!" Nagsimula na s'ya lumamon ng fries.

Grabe naman pala si Brie! Kagandang babae, kaso parang monster kung magutom!

"Gusto mo ba ng ketchup?"

"'Wag na, James. Mas enjoy ko ang pagkain ng fries na walang ketchup."

Teka lang po ate girl, oo, 'yung fries ko, oo.

"James, 'wag kang mahiya, kuha ka lang at kumain! Share tayo sa fries mo!"

Wow naman talaga, tinawag mo pang fries ko?! Eh, halos maubos mo na. Hiyang-hiya naman ako kay ate girl.

"Alam mo, James, mali ka sa pagbili ng fries, kasi dapat when you order, tell them na you want it without salt, yes, boy, unsalted! In that way, you'll be sure to get the freshest fries!"

"Oo, sige. Order pa tayo mamaya." Sabi ko. "Okay ka na ba? Gusto mo ng drink? Ito oh, inom ka." Iniabot ko sa kan'ya ang hindi ko pa naiinom na Coke Float. Medyo nilagyan ko na ng kaunting tonong pagka-sarcastic ang pagkakatanong ko sa kan'ya, it's up to her if she'll be conscious about it.

Nang matapos na s'yang mabusog sa fries ko, tinanong ko na s'ya. "Bakit mo nga pala ako gustong makausap?"

"Well, James. I can't thank you enough sa pag-look after mo kay Brix, kaya sisimulan ko na ang pagtuturo sa'yo." Energetic masyado si Brie ngayon, ano kaya tinurok n'ya kanina?

"Ha? Tutor ba kita? Anong ituturo mo sa akin?"

"Duh? Slow ka ba? Syempre Julia 101: All About Julia!"

♦♦♦♦♦♦♦♦♦